CHAPTER 34: UNDER ATTACK
CHAPTER 34: UNDER ATTACK
Alexa's POV
"Gising Prince! Kuya!" - ako
Bakit dito sila sa sala natulog?
"Prince gising! Tanghali na!" - ako
"Hmmm..." - Prince
"Doon kayo sa kwarto matulog! Maglilinis ako!" - ako
Bumangon naman siya.
"Hoy gising! Wag kayo dito matulog!" sabi niya sa mga kasama niya.
"Ang sakit ng ulo ko!" - Allen
"Ayan kasi! Inom pa!" - Zyrille
Nagsitayuan na sila. Magdamag pa naman silang uminom, malamang sasakit ulo nila.
Nilinis na namin yung mga kalat nila. Last day na namin ngayon kaya dapat malinis itong bahay bago kami umalis bukas.
"Ang daya! Bakit tayo lang naglilinis dito?" - Princess
"May hangover pa yung mga boys kaya hayaan mo na sila magpahinga." - ako
Kami lang kasing mga girls ang naglilinis except kay Khylle at Shyne na lasing din.
Niligpit namin yung mga kalat nila at siyempre nagluto na din kami ng tanghalian.
*****************************
Xandra's POV
"Girls sulitin na natin ang huling araw natin dito. 1...2...3... Go!" - ako
Sabay sabay kaming tumalon sa pool.
"WHHOOOOOOOOOO!" - ako
"Sali kami!" - Allen
Tumabi kami dahil mga nagsitalunan din sila.
"Wala ka na bang hangover?" tanong ko kay Kian nang lumapit siya sa akin. Niyakap ako sa likod at pinatong ung baba niya sa balikat ko.
"Wala na. Salamat sa kape na tinimpla mo." - Kian
"Hoy! Hoy! Ano yan? Layo!" - Prince
Pinaghiwalay niya kaming dalawa ni Kian.
"Badtrip ka Prince! KJ mo! Panira ka ng moment!" - ako
Hinampas ko yung tubig kaya ayun natalsikan siya sa mukha. Dahil natuwa ako sa itsura niya tinuloy ko na yung pangbabasa sa mukha niya.
"Hahahahaha." - ako
"Princess tigilan mo yan! Pwe! Naiinom ko na yung tubig." - Prince
"Buti nga sayo. Bleh!" - ako
"Lagot ka sa akin kapag nahuli kita." - Prince
Agad akong lumangoy palayo sa kanya. Hinabol naman niya ako kaya para kaming siraulo na naghahabulan sa pool.
********************************
Patrick's POV
Tinignan ko si Khylle at nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad din itong umiwas. Lumapit ako kay Ria na tahimik lang na nakaupo sa gilid ng pool.
Umupo ako sa tabi niya.
"Galit ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Bakit naman ako magagalit sayo?" - Ria
"Bakit hindi mo ko pinapansin?" - ako
"........" - Ria
Hindi niya pa rin ako nilingon, nakatingin lang siya kila Xandra na naglalaro sa pool.
"Galit ka talaga sa akin." - ako
"Sino ba talaga si Inah?" - Ria
Tumingin na siya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Sasabihin ko ba sa kanya?
"Kahapon ko pa iniisip kung sino ba talaga siya." - Ria
"May ikukwento ako sayo." - ako
"......" - Ria
"May apat na batang magkakaibigan. Sila Ana, Aya, Ben at Gino." tinignan ko si Ria kung nakikinig siya at mukha naman na nakikinig siya.
"Nakatira sila sa isang bahay, kaya madalas silang magkasama. Close sa isa't isa si Gino at Aya. Pareho kasi sila ng hilig. Kapag wala yung dalawa si Ben at Ana ang magkasama. Dahil doon unti unting nagkagusto si Ben kay Ana, pero..." - ako
"Pero?" - Ria
"Pero si Gino ang gusto ni Ana. Lagi niyang sinasabi kay Ben na naiinggit siya kay Aya... na sana siya na lang si Aya para palagi niyang kasama si Gino." - ako
"Gusto ba ni Aya si Gino?" - Ria
"Hindi." - ako
"Eh si Gino? Sino gusto niya sa dalawa?" - Ria
"Wala pero mas gusto niyang kasama si Aya kumpara kay Ana." - ako
"Ikaw si Ben tama? At si Ana naman si Inah." - Ria
"Oo." - ako
"Kilala ko ba si Inah? Hindi mo naman sinagot yung tanong ko kanina. Sino ba talaga si Inah?" - Ria
Dapat na ba ako matuwa dahil kinakausap niya ako? O mainis dahil ang dami niyang tanong?
"Kilala mo siya." - ako
"Hindi ko siya matandaan. Sino ba kasi talaga siya?" - Ria
Halata sa mukha niya na naiinis na siya.
"Bibigyan kita ng clue. Makinig ka mabuti sa akin Ria. Ako lang ang tumatawag na Inah sa kanya. Aira ang tawag sa kanya ni Aya. Finah naman sa iba." pagkasabi ko nun tumayo na ako agad at iniwan siya. Alam ko na magtatanong pa siya kaya kailangan ko na muna lumayo sa kanya. Baka kung ano pa masabi ko.
********************************
Ria's POV
"Bibigyan kita ng clue. Makinig ka mabuti sa akin Ria. Ako lang ang tumatawag na Inah sa kanya. Aira ang tawag sa kanya ni Aya. Finah naman sa iba." - Patrick
'Aira ang tawag sa kanya ni Aya. Finah naman sa iba.'
'Aira ang tawag sa kanya ni Aya. Finah naman sa iba.'
'Aira ang tawag sa kanya ni Aya. Finah naman sa iba.'
Aira? Finah? Pangalan ko yun ah!
"Ako si Inah?" - ako
"Ikaw si Inah?" - Zyrille
"Ewan! Naguguluhan ako." tumakbo ako papasok ng bahay.
Sumasakit ulo ko sa kakaisip.
Hindi pwedeng maging ako si Inah! Hindi pwede. Hindi ako si Inah! Hindi!
Pagkapasok ko ng kwarto namin, napaupo na lang ako sa sahig dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
****************************
Alexa's POV
"Naaayos niyo na ba gamit niyo? Maaga tayo aalis bukas." - Kuya King
"Yes Boss!" - Allen
"Good! Wag na kayong masyadong magpupuyat." - Kuya King
"Ako na magdadala kay Andrea sa kwarto niyo." pigil sa akin ni Voltaire bago ko pa mabuhat si Andrea.
Nakatulog kasi sa sofa si Andrea. Napagod yata dahil sa kakalaro kanina.
"Ria! Ano tinitignan mo diyan?" lumapit ako kay sa kanya at nakisilip na din sa bintana. Kanina ko pa kasi siya napapansin na nakatingin sa labas ng bintana.
Hindi siya umimik pero salubong ang kilay niya.
"Mabilis kang tatanda niyan kung laging nakakunot ang noo mo. Try mong ngumiti paminsan minsan." sabi ko na lang sa kanya bago sumunod kila Voltaire sa kwarto.
Alam ko naman na wala siya sa mood makipag usap. Kanina pa siya tahimik.
"Ihiga mo na lang siya diyan." tinuro ko yung higaan ko. "Salamat." sabi ko kay Voltaire.
Napangiti ako nang halikan niya si Andrea sa noo bago tumayo.
"Matutulog ka na?" - Voltaire
"Oo. *smile* Goodnight." sinamahan ko siya hanggang pinto ng kwarto.
"Goodnight." nakangiting sabi niya sa akin at...
*dug.dug.dug*
...mabilis niya akong hinalikan sa noo.
"Diyan lang muna kita hahalikan habang hindi pa tayo. Sa susunod doon na." tumingin siya sa labi ko na ikinapula ko. Alam ko napansin niya yun dahil lalo siyang ngumiti.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya sinaraduhan ko na lang siya ng pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis pa rin nang tibok ng puso ko.
****************************
Ralph's POV
Kasalukuyan akong nagfe-facebook nang mapansin kong online si Aira.
"11pm na ah? Bakit online pa ito? Machat nga." - ako
=====================
Me: Hi! :)
Aira: Hi?
'Yes nagreply siya.'
Me: Bakit gising ka pa?
Aira: Hindi ako makatulog.
Me: Bakit? May problema ba? Kanina ka pa wala sa mood.
Aira: Wala. May iniisip lang ako.
Me: Ano iniisip mo?
Aira: Parang may nakatingin kanina. Hindi maganda kutob ko.
====================
Kinabahan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko din kanina na may nakatingin sa amin.
=====================
Me: Tingin mo may ibang tao dito maliban sa atin?
Ako: Oo.
Me: Sino naman?
Aira: Hindi ko alam. Yun nga iniisip ko.
=======================
*BLAAGGGHHHHH*
Napaupo ako nang may marinig akong ingay.
======================
Me: Narinig mo ba yung ingay kanina?
======================
Hinintay ko yung reply niya pero wala na. Hindi na siya sumagot. Baka nakatulog na.
***************************
Zyrille's POV
Nagising ako ng may narinig akong malakas na tunog. Parang may nalaglag na kung ano.
Nakita ko si Aira na palabas ng kwarto kaya bumangon ako at sinundan siya.
"Brad, saan ka pupunta?" mahina lang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya ako dahil lumingon siya sa akin.
"Sssshh! Wag kang maingay." mahinang sabi niya sa akin.
Dahan dahan kaming naglakad. Ginamit namin yung flashlight ng cellphone namin para makita namin yung daan.
"Saan ka ba pupunta?" bulong ko sa kanya.
"Sa labas may kukunin ako." bulong niya sa akin
"Ano kukunin mo?" - ako
"Basta." - Brad
Ang tahimik masyado. Nakakatakot! Baka may multo kaming makita.
"Wag kayong gagalaw."
Nanlaki yung mata ko nang mata ko nang may tumutok na baril sa amin. Tumigil kami sa paglalakad.
"Naloko na!" bulong ni Aira.
"Brad, anong gagawin natin??" kumapit ako sa kanya dahil sa takot ko.
Kung wala lang siyang baril hindi ako matatakot ng ganito.
OMG!
"TAKBO!" sigaw ni Aira pagkatapos niyang sipain ung kamay nang may hawak na baril. Nang mabitawan nito yung baril agad ako hinila ni Aira. Mabilis kaming tumakbo.
*BANG.BANG.BANG*
"WAAAAHHHH! BRAD AYOKO PANG MAMATAY!" - ako
"Tumakbo ka lang kung ayaw mong mamatay." - Aira
*BANG.BANG.BANG*
Hawak hawak niya ako sa kamay habang sabay kaming tumatakbo.
"Nakakapagod!" hinihingal na sabi ko. Nagtago muna kami sa likod ng puno.
"Brad magpapahabol ako doon sa lalaki. Humingi ka ng tulong." sabi ni Aira.
"Te--" - ako
Tumakbo siya palapit doon sa lalaki.
*BANG.BANG.BANG*
Jusko! Lord kayo na pong bahala sa kanya.
Nakita ko silang tumatakbo palayo sa pinagtataguan ko.
*******************************
Drei's POV
Nakarinig ako ng kaluskos mula sa labas ng kwarto ko. Tinignan ko si Prince at katulad ko nagising din siya.
*BANG.BANG.BANG*
Nagkatinginan kami at agad na napabangon.
"Siyet! May nakapasok yata na magnanakaw. Puntahan mo yung iba. Titignan ko kung ano nangyayari sa labas." sabi ko kay Prince.
Pagkalabas ko may nakita akong nakaitim tapos mata lang nila ang nakikita. Sinugod ko sila. Pinagsusuntok ko sila at nang mawalan na sila ng malay bumaba na ako . May mga nasasalubong ako na iba pang nakaitim. Magaling sila sa pakipaglaban at may mga dala silang weapon.
"Sino kayo? Ano kailangan niyo?" - ako
Hindi ito magnanakaw.
Napansin ko yung suot na kwintas ng isa sa kalaban ko.
Siyet! Mga assassin sila ng BSO!
"Drei!" - Lucifer
Tinulungan niya ako sa pakikipaglaban.
*******************************
Alexa's POV
"Anong nangyayari?" tanong ko kay Prince nang pumasok siya bigla sa kwarto namin. Rinig ko na nagkakagulo na sa labas.
"May mga nakapasok sa bahay!" - Prince
"Kian!" agad na niyakap ni Princess si Rence nang makita ito. "Ayos ka lang ba?"
"Mamaya na yan! Tulungan niyo kong sabihan ung iba." - Prince
Binuhat ko si Andrea at mahigpit ko itong niyakap. Lumabas na kami sa kwarto. May mga sumugod sa amin na mga nakaitim pero agad itong nilabanan nila Prince at Rence.
Dumating sila Voltaire at tinulungan nilang makipaglaban sila Prince.
"Mommy, bakit po nakikipag away sila tito?" - Andrea
"Baby, pinoprotektahan nila tayo sa mga bad guy." - Princess
"Tara!" - Prince
Sunod namin pinuntahan sila Ellaine. Naabutan namin silang nakikipaglaban sa kwarto nila.
"Langhiya ka! Ito sayo! *suntok* Sinira mo tulog ko. *sipa*" - Shyne
"Mylabs tama na yan. Wala na siyang malay oh?!" inawat na siya ni Lance.
"Wag mo kong hawakan." siniko ni Shyne sa sikmura si Lance.
"Siyet! Ang sakit! Mylabs na--" - Lance
"Isang pang Mylabs! Hindi lang sikmura mo ang tatamaan sa akin." - Shyne
"Sabi ko nga eh! *pout*" - Lance
"Hay naku Lance! Biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising." - Princess
"Sino na lang ba ang wala?" - Prince
"Sila Zyrille." - ako
****************************
Khylle's POV
"Patayin mo na habang tulog." rinig ko mula sa hindi pamilyar na boses.
Pagkadilat ko saktong sasaksakin na ako ng nakaitim na tao. Mabilis ako gumulong sa higaan para hindi ako tamaan. Kaya sa kama tumama yung dagger. Tumayo agad ako para labanan yung mga feeling ninja. Pagkatapos ko silang patumbahin, biglang bumukas ung pinto.
"Nasaan si Janzen?" - Allen
"Hindi ko ala--" - ako
"Ria!" - Patrick
Tinignan niya kami.
"Si Ria? Nasaan?" - Patrick
"Hanapan ba ako ng mga nawawala? Hindi ko alam kung nasaan sila! Pagkagising ko wala na sila, okay?!" inis na sabi ko sa kanila. "Tabi!" tinulak sila dahil harang sila sa pinto. Pagkalabas ko sumalubong sa akin sila Xandra.
Tinignan ko kung kasama nila sila Zyrille.
"Nakita niyo ba sila Zyrille?" - ako
"Hindi. Hindi mo ba sila kasama?" - Xandra
"Wala sila pagkagising ko." - ako
"Tignan natin sa baba. Baka nandoon sila." - Prince
Bumababa na kami at bawat madaanan namin may mga sumusulpot na naka damit pangninja.
"Buti nandito na kayo. Pumunta na kayo sa sasakyan. Hindi na tayo pwedeng magtagal dito." - Drei
"Kuya, nawawala si Ria at Zyrille." - Alexa
"Ano?! Saan sila nagpunta? Sila lang ba ang wala?" - Drei
"Hindi namin alam." - Xandra
"Maghiwahiwalay tayo para mabilis natin silang mahanap. Yung iba pumunta na sa sasakyan. Lalo ka na Alexa. Kayong mga babae, wag kayong hihiwalay sa lalaki. Magkita na lang tayo sa sasakyan." - Drei
Tumakbo na siya palabas ng bahay.
Itutuloy...
Next updated: November 5, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top