CHAPTER 30: NGITING ABOT TENGA
CHAPTER 30: NGITING ABOT TENGA
Alexa's POV
"Ate, natulog ka ba?" - Xandra
"Bakit?" - ako
"Ang laki ng eyebag mo. Hahaha." - Xandra
"Sssshh. Baka magising si Andrea." - ako
Lumabas na siya ng kwarto.
*sigh*
Humiga ako ulit. Napahawak ako sa labi ko.
'I love you...' - Voltaire
*blush*
Ginawa ko ba talaga sa kanya yun? Hinalikan ko ba talaga siya? Waaahhh!! Bakit hindi ko maalala.
Ginulo ko yung buhok ko.
"Mommy, ano po ginagawa mo?" - Andrea
"Nagkakamot baby. Makati ulo ni mommy eh! Nagising ka ba ni mommy?" - ako
"Ang likot mo po." - Andrea
"Sorry baby. Gutom ka na ba? Tara! Baba na tayo." - ako
Binuhat ko siya at saka kami lumabas.
O.o
"Tito Volt!" - Andrea
"Good Morning baby. *smile*" - Voltaire
Bumitaw sa akin si Andrea at kay Voltaire nagpabuhat.
"Hihihi! Gwapo mo po kapag nakangiti." - Andrea
Lalong lumapad yung ngiti ni Voltaire. Napatingin ako sa labi niya at naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Nag init bigla ang mukha ko. Umiwas ako ng tingin at nauna na sa kanilang dalawa sa kusina.
*Flashback*
"A-no g-inagawa mo?" tanong ko sa kanya nang palapit siya sa akin.
"Ipapaalala ko sayo yung ginawa mo. *smirk*" hinawakan niya ako sa batok. "Ganito ginawa mo." Nanlaki yung mata ko nang ilapit niya yung mukha niya sa akin.
*lunok*
Tinignan niya ako sa mata.
*dug.dug.dug*
"I love you..." sabi niya sa akin. Bigla niya ako hinalikan. Napapikit ako at napahawak sa kanya.
*End Of Flashback*
"Queen!" biglang may humawak sa balikat ko. Nakita ko si kuya sa harap ko. Salubong yung kilay niya habag nakatingin sa akin.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"May sakit ka ba?" tanong niya. Hinawakan niya ako sa noo.
"Hindi ka naman mainit. Bakit ka namumula?" - Kuya King
O.o
Napahawak ako agad sa pisngi.
"Good Morning Andrea." sabi bigla ni kuya habang nakatingin sa likod ko. Naramdaman kong may huminto sa likod at siguradong akong si Voltaire yun.
*dug.dug.dug*
Nagmadali akong lumapit sa lamesa at umupo. Alam kong nakatingin sila sa akin.
Ano ba nangyayari sa akin?
>_<
******************************
Xandra's POV
Kanina pa ako nawiweirduhan kay Ate. Kakaiba yung kinikilos niya. At ito naman si Voltaire kanina ko pa napapansin na nakangiti
Anong meron?
"Good Mor---" natigilan bigla si Lance nang mapatingin siya kay Voltaire. "Ohhh!! Pati pa naman ikaw?" sabi niya kay Voltaire habang nakaturo. Nilingon niya si Rex at Ralph na kasabay niyang pumasok sa kusina.
Katulad ni Voltaire, abot tenga din ung ngiti nila.
"Kapag inlove nga naman!" - Lance
"Inlove? Sila?" - ako
"Oo. Alam mo kasi..." lumapit siya sa akin tapos umakbay. Nakayuko siya para maabot niya ako. Nakaupo kasi ako tapos siya nakatayo.
"Ganyan din si Rence nung nagkaayos kayo. Lalo na nung sinagot mo siya." - Lance
"Talaga?" - ako
Ningisian ko si Kian na katabi ko lang.
"Wag kang maniwala diyan." sabi ni Kian habang tuloy lang sa pagkain.
Umakbay din sa kanya si Lance. Nasa pagitan kasi namin siya.
"Wag ka na mahiya tol. Tayo tayo lang naman dito. Ganyan ka din makangiti tuwing katext mo si Xandra." - Lance
"Manahimik ka nga diyan! Saka alisin mo kamay mo sa girlfriend ko." - Kian
Inalis niya yung kamay ni Lance.
"Hahahahaha." - Lance
Lumayo na siya sa amin at tumabi kay Shyne.
"Good Morning My labs!" - Lance
Hahalikan sana niya si Shyne sa pisngi pero tinulak lang palayo ni Shyne yung mukha ni Lance.
******************************
Zyrille's POV
Pagkagising ko nasa kwarto na ako.
Paano ako napunta dito? Ang alam ko nasa duyan ako kagabi, kasama ni Rex.
"Baka panaginip lang yun." - ako
"Sino kausap mo?" tanong ni Aira na kakapasok lang. Doon ko lang napansin na ako na lang pala yung hindi bumabangon.
"Wala. Kausap ko sarili ko." - ako
"Saan ka nga pala galing kagabi?" - Aira
"Kagabi?" - ako
"Oo. Hinatid ka dito ni Rex kagabi. Nagulat nga ako pagkabukas ko ng pinto, buhat buhat ka ni Rex." sabi ni Aira habang kumukuha ng damit niya sa bag.
O.o
"Hindi nga?" tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilang mapangiti.
Waaahhh!! Hindi panaginip yung kagabi.
"Oo nga. Bakit ganyan ka makangiti?" - Aira
Niyakap ko yung unan at nagpagulong gulong sa kama.
"Anyare sayo? Bumangon ka na nga diyan. Kanina pa kami tapos kumain." - Aira
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Brad!! Kinakantahan niya ako kagabi. Waaahhh!! Kinikilig ako!" sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko siya sa balikat at inalog.
"Oo na kinikilig ka na." sabi niya sabay alis ng kamay ko sa balikat niya. "Naalog utak ko sayo." dugtong niya.
"Hehehe. Sorry po." - ako
^_^V
Inirapan niya lang ako bago pumasok ng banyo.
"Taray! Palibhasa walang lovelife!" pang aasar ko sa kanya.
Sumilip siya sa pinto.
"Ikaw din naman. Walang lovelife. Kinantahan ka lang niya... hindi pa kayo." sabi niya.
"Che! Ang hard mo talaga sa akin. *pout*" - ako
Tinawanan niya lang ako at sala sinara ung pinto. Lumabas na ako ng kwarto para mag almusal pero bago yun naghilamos muna ako at nagtoothbrush sa banyo sa baba.
"Kakagising mo lang?" tanong ni Kuya Jazzer habang kumakain.
"Yes po. *smile*" sagot ko sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at nagsandok ng makakain.
"Napasarap yata tulog mo." - kuya
"Bakit? *smile*" - ako
"Abot tenga yang ngiti mo eh! Hindi ka ba nangangalay sa kakangiti?" - Kuya
"Hindi. *smile*" - ako
"Baliw." - kuya
******************************
Nathan's POV
Pagkaupo ko sa sala... may napansin akong pocket book. Tinignan ko ito dahil curious ako kung ano ba meron doon. Nakikita ko kasi minsan yung kapatid ko na nagbabasa nun tapos biglang tatawa o kaya iiyak.
Binuksan ko ito at binasa ung nakasulat.
"Nagbabasa ka niyan?" - Zyrene
"Ay kabayo! Hindi ah! Tinitignan ko lang." naisara ko bigla ung pocket book dahil sa gulat ko sa kanya.
"Nakita ko binabasa mo eh! Hahahaha." pang aasar niya.
"Hindi ko nga binabasa." - ako
"Hahahaha! Si Nathaniel Klent nagbabasa ng pocketbook. Hahahaha." - Zyrene
-__-
"Tumigil ka nga diyan sa kakatawa." - ako
Hinampas ko sa ulo niya ung pocket book pero ung mahina lang.
"Hahahahahaha!" - Zyrene
"Isa! Hindi ka talaga titigil?" - ako
"Hahahaha. Sorry. Hahahaha. Nakakatawa ka kasi." - Zyrene
"Ah ganun!" - ako
Hinila ko siya palapit sa akin at saka kinulong sa bisig ko pa para hindi siya makatakas.
"Ito sayo!" sabi ko habang ginugulo yung buhok niya. Ayaw niya kasi sa lahat ung ginugulo ung buhok niya.
"WAAAAHHHH!! Wag yung buhok ko. Bitawan mo ko." - Zyrene
"Hahahahaha. Mukha kang mangkukulam." pang aasar ko sa kanya pagkatapos ko guluhin ung buhok niya.
"Haist! Kainis ka! Lagi mo na lang ginugulo buhok ko." sabi niya habang inaayos ung buhok. Tinignan niya ako ng masama.
"Ako din naman nag aayos kapag ginugulo ko buhok mo. Umiiyak ka kasi palagi. Akin na! Ayusin ko." sabi ko sa kanya at saka siya hinila ulit palapit sa akin. Sinuklayan ko ung buhok niya gamit ang kamay ko. Wala kasing suklay kaya kamay ko na lang.
"Ako umiiyak? Hindi ah!" - Zyrene
"Oo kaya. Iyakin ka kasi! Tulo pa nga sipon mo noon. Hahaha." - ako
Pinalo niya yung kamay ko.
"Ang sama mo talaga sa akin." - Zyrene
"Ang cute mo kasing mapikon. Hahahaha." - ako
Tumigil ako sa pagtawa nang mapansin ko na nakatitig siya sa akin.
"Sana ganito na lang tayo palagi. Katulad dati." - Zyrene
"*smile* Pwede naman eh. Ako pa rin naman ito. Ikaw lang itong nagbago. Kahit hindi mo sabihin sa akin... alam ko may dahilan ka kung bakit ka umiwas sa grupo." - ako
"Sorry." - Zyrene
"Naiintindihan kita. Magkasama na tayo simula bata. Kaya kilalang kilala na kita. Alam ko may problema ka. Hindi ko tatanungin kung ano yun, basta ito lang tatandaan mo. Nandito lang ako palagi Gette." - ako
Umiyak siya bigla kaya agad ko siyang niyakap.
"Nathan..." - Zyrene
O.o
******************************
Rex's POV
"Bakit ba kanina ka pa nakangiti diyan?" tanong ni Xandra. Nakaupo kami sa gilid ng swimming pool habang ung paa namin nasa pool.
Tinignan ko si Zyrille saglit at tulad kanina napangiti ulit ako. Naaalala ko kasi yung nangyari kagabi.
*Flashback*
"~I feel we're close enough
Could I lock in your love?
I feel we’re close enough
Could I lock in your love?~" kanta ko. Nilingon ko si Zyrille.
Nakapikit siya habang nakangiti. Tinuloy ko lang ang pagkanta...
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Ang sarap niyang titigan.
"~Now I’ve got you in my space
I won’t let go of you
Got you shackled in my embrace
I’m latching on to you~" - ako
Sumandal siya bigla sa balikat ko kaya sa gitara na lang ako tumingin.
"~Now I’ve got you in my space
I won’t let go of you
Got you shackled in my embrace
I’m latching on to you
I’m latching on to you~" - ako
Chineck ko kung tulog na siya. Nang masigurado kong tulog siya, binaba ko yung gitara ko at dahan dahan ko siyang binuhat.
Habang papapunta ako sa kwarto nila, nasalubong ko si Keith. Nagkatinginan kami saglit bago siya mapatingin kay Zyrille. Nilampasan ko lang siya at dumiretso sa kwarto nila Zyrille.
*knock.knock.knock*
Pinabuksan ako ni Aira. Bakas sa mukha niya ang gulat nang makita niya kami.
"Saan higaan niya?" - ako
Tinuro niya yung isang kama sa loob. Pumasok ako at hiniga si Zyrille doon. Kinumutan ko siya.
"Good night." bulong ko at saka hinalikan sa noo si Zyrille. Pagtayo ko nakita ko si Aira na nakatingin sa akin habang salubong ung kilay.
"Labas na ako. Sorry kung nagising kita." - ako
"Okay lang." - Aira
Naglakad na ako palabas ng kwarto nila.
"Wait!" pigil ko kay Aira bago niya maisara yung pinto. Tinignan niya lang ako.
"Pwede ba tayo mag usap saglit?" - ako
*EndOfFlashback*
Tinignan ko si Aira na busy sa pagcecellphone. Napatingin siya sa akin bigla, naramdaman niya yata na may nakatingin sa kanya. Ningitian ko lang siya.
"Sige lang! Wag mo kong pansinin. Ganyan ka na ah?!" - Xandra
"Wala! *smile* Masaya lang ako. *smile*" - ako
"Halata nga! Malapit na nga napunit labi sa sobrang ngiti mo." - Xandra
"Princess!" tawag sa kanya ni Alexa.
"Bakit?" - Xandra
Lumapit siya kay Alexa. Bumaba na ako sa pool at nagswimming palapit kay Zyrille.
"Hi! ^__^" bati ko sa kanya. "Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" tanong ko.
Ningitian niya ako at tumango.
*****************************
Alexa's POV
"Bakit?" - Princess
Hinila ko siya papasok sa loob.
"Pakitawag naman si Andrea. Sabihin mo magbanlaw na siya." - ako
"Bakit ako? Ikaw na!" - Princess
Sinilip ko si Voltaire sa pool...
Hawak hawak niya si Andrea habang lumalangoy.
"Iniiwasan mo ba si Voltaire?" tanong ni Princess. Napansin niya yata na tinitignan ko si Voltaire.
"Bakit ko naman siya iiwasan?" - ako
"Malay! Kung hindi mo siya iniiwasan, bakit ayaw mong lumabas? Saka kanina ko pa kaya napapansin na lumalayo ka sa kanya kapag lumalapit siya." - Princess
"Masama lang pakiramdam ko." - ako
Tinaasan niya ako ng kilay. Halatang hindi siya naniniwala.
"Okay!" tinignan niya sila Voltaire. "Tatawagin ko si Andrea pero sa isang kondisyon. *grin*" sabi niya sa akin.
"Ano?" - ako
Binulong niya sa akin yung kondisyon niya.
"Ayoko! Iba na lang." - ako
Sa dinami dami ng pwede niya ipagawa. YUN PA? -_-
***************************
Xandra's POV
"Edi wag! Ikaw tumawag kay Andrea." naglakad na ako palabas ng bahay.
"Sige na! Payag na ako. Tawagin mo na si Andrea. Bukas ko lang yun gagawin ha?" - Alexa
"Oo. Ako bahala sayo. Hahahaha." sabi ko sa kanya. Lumapit ako kila Andrea. "Andrea, tawag ka na ng mommy mo. Mamaya ka na ulit magswimming."
"Mamaya na po tita." - Andrea
"Ngayon na. Magagalit mommy mo. Gusto mo ba siyang magalit sayo?" - ako
"Ayaw po." - Andrea
"Halika na dito. Para hindi magalit mommy mo." - ako
"Gusto ko pa po makipaglaro kay tito." - Andrea
Kumapit siya kay Voltaire.
"Voltaire, pakidala naman dito si Andrea." - ako
"Ayaw!" - Andrea
"Ako na lang magdadala sa kanya kay Alexa. Nasaan ba siya?" - Voltaire
"Nasa loob." - ako
Umahon na si Voltaire, kasama si Andrea na ayaw bumitaw sa kanya.
Okay lang naman siguro na si Voltaire yung magdala kay Andrea? Sabi lang naman ni Ate, tawagin ko si Andrea. Bahala na sila!
Pumasok na sila sa loob.
*********************************
Alexa's POV
"Bakit hindi ka nagswimming?" sabi ng lalaki sa likod ko. Kahit hindi ko siya nakikita alam ko kung kanino boses un.
*dug.dug dug*
"Masama pakiramdam ko." sabi ko sa kanya nang hindi siya nililingon. Nakaupo ako sa sofa tapos siya nasa likod ko. Nakikita ko siya sa screen ng tv.
"Iniiwasan mo ba ako?" - Voltaire
"Hindi." - ako
"Bakit ayaw mong tumingin sa akin?" - Voltaire
".........." - ako
Hinawakan niya ako sa balikat.
*dug.dug.dug*
"Pwede ba tayo mag usap?" - Voltaire
"Nag uusap na tayo." - ako
"Yung maayos saka tumingin ka sa akin." - Voltaire
"......" - ako
Lumipat siya sa harap ko kaya agad akong yumuko. Hinawakan niya mukha ko at inangat.
O.o
*dug. dug. dug*
Ang lapit ng mukha niya sa akin. Nailang ako lalo kaya naman yumuko ako ulit. At Nahagip ng mata ko yung katawan niya.
Oh my ghost! Bakit ang hot niya?
At dahil nadistract ako sa abs niya hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa katawan niya. Narinig ko na lang siyang tumawa.
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top