CHAPTER 28: BEACH

CHAPTER 28: BEACH

Alexa's POV

Maaga ako gumising para makapaghanda ng breakfast namin.

"Ano ba lulutuin ko?" tanong ko sa sarili kp habang naghahanap ng maluluto sa ref.

"Hey!"

"Ay multo!" gulat na sabi ko nang may humawak sa balikat ko. "Ikaw pala yan. Ginulat mo naman ako." sabi ko kay Voltaire.

"Natakot ba kita?" - Voltaire

"Hindi. Nagulat lang ako." - ako

"Omelette, ham, hotdog and fried rice na lang lutuin natin." sabi niya sa akin.

"Sige, magsasaing na ako." - ako

Nilabas niya yung mga lulutuin namin. Pagkatapos ko isalang ung bigas, lumapit ako sa kanya. Pinanood ko siyang maghiwa ng ham. Ang galing niya maghiwa.

"Bakit?" tanong niya sa akin bigla nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Ang galing mo maghiwa." iniwas ko ung tingin ko sa kanya. Kinuha ko ung patatas at hinugasan ito bago balatan.

Alam kong nakatingin siya sa akin kaya iniwasan kong lumingon sa kanya.

Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Baka iniisip niya may gusto ako sa kanya.

"Awts!" pabulong na sabi ko nang masugatan ung daliri ko. Nabitawan ko ung patatas na hawak ko.

"Mag ingat ka naman." sabi ni Voltaire na nasa tabi ko na ngayon. Hawak hawak niya ung kamay ko habang tinitignan ung daliri ko na nahiwa.

"Okay lang ako. Maliit lang na--" hindi ko na natapos ung sasabihin ko nang hilain niya ako. Hinugasan niya ung sugat ko. Seryosong seryoso ang mukha niya habang ginagawa niya yun.

*dug.dug.dug*

"Kahit maliit lang yan. Pwede pa rin mainfection kung pababayaan." tumingin siya sa akin.

*dug.dug.dug*

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Tumingin ako sa ilong niya pababa sa labi at balik ulit sa mata niya. Nahuli ko siya nakatingin sa labi ko.

*dug.dug.dug*

Lumapit yung mukha niya sa akin.
Palapit ng palapit hanggang sa may narinig akong nahulog. Natigilan siya bigla.

Kamuntik na un ah. 1 inch na lang mahahalikan na niya ako. *blush*

Nakahinga ako ng maluwag.

"Sorry. Naabala ko yata kayo." sabi ni Ria. Hawak hawak niya ung cellphone niya na tanggal ung battery saka ung takip sa likod. Yun siguro ung nahulog kanina.

SILENCE

"May maitutulong ba ako sa inyo?" tanong ni Ria. Nilingon niya ung naiwan kong gawain kanina.

"Balatan mo yung patatas." - Voltaire

Lumapit naman si Ria sa patatas at tinuloy yung binabalatan ko kanina.

"Diyan ka lang. Maghahanap lang ako ng bandage." sabi sa akin ni Voltaire bago ako iwanan. Pinanood ko na lang si Ria sa pagbabalat.

Nakita niya kaya yung kanina?

"Akin na yang kamay mo." sabi ni Voltaire sa akin. Nilagyan niya ng bandage yung sugat ko.

"Magprito ka na lang." - Voltaire

Inabot niya sa akin yung hotdog bago siya bumalik sa paghihiwa ng ham. Wala na din naman akong gagawin kaya sinunod ko na lang siya.

*******************************

Allen's POV

"Kapag minamalas nga naman. Sa dinami dami ng pwede kong makasama sa paghuhugas, bakit ikaw pa?" reklamo ni Khylle sa akin.

"Tama na ang reklamo. Umpisahan na natin ito, para matapos tayo agad. Ayaw din naman kita kasama." - ako

Inirapan niya ako. Nag umpisa na siyang magsabon.

"Ikaw magbanlaw." - Khylle

Kinuha ko yung sinabunan niya at inumpisahan ng magbanlaw.

"Dahan dahan naman! Nababasa ako." - Khylle

Tinuloy ko lang ang pagbabanlaw nang hindi siya pinapansin.

"Siyete! Nanadya ka ba?" inis na sabi ko sa kanya nang matalsikan ako ng pinangsasabon niya. Yung joy na hinaluan ng tubig na sobrang bula.

Tulad ng ginawa ko sa kanya kanina, hindi niya din ako pinansin kaya tinalsikan ko siya ng tubig.

"What the--" nilingon niya ako at saka tinalsikan din ng sabon. Ginantihan ko naman siya at bago pa siya makaganti lumayo na ako sa kanya.

"Hoy! Lumapit ka dito!" tawag niya sa akin nang hindi niya ako magantihan.

"Ayoko nga. Babasain mo ko eh." - ako

Tumakbo siya palapit sa akin at siyempre tumakbo din ako. Pilit niya akong binasa pero agad ko itong naiiwasan.

"HAHAHAHAHA!" tawa ko nang madulas siya.

"Litsi! Hoy tulungan mo ko dito!" - Khylle

Lumapit ako sa kanya habang tumatawa. Kahit papaano gentleman din naman ako.

"Bleh! Nakaganti din ako sayo. Hahahaha!" sabi ni Khylle pagkatapos niyang ibato sa mukha ko yung sponge na hawak niya.

Langhiya! Naisahan niya ako doon ah!

**********************************

Xandra's POV

"Guys volleyball tayo! Sino sasali?" tanong ko habang hawak hawak ko yung bola.

"Ako!"

"Game!"

"Sali ako!"

Naghati kami sa dalawang grupo. Kagrupo ko sila Rex, Kian, Ellaine at Ralph. Kalaban namin sila Prince, Shyne, Nathan, Zyrene at Lance.

Nagbato bato sila Prince at Kian para malaman kung sino unang titira. Natalo si Kian kaya kila Prince ang bola.

Pumuwesto na kami. Nagserve na si Prince at dahil papunta kay Ellaine ung bola, siya na ang tumira pabalik sa kalaban.

************************

Keith's POV

Habang papunta ako sa dagat, nakita ko sila Xandra na naglalaro ng beach volleyball. Umupo ako sa tabi ni Zyrille.

"Bakit hindi ka sumali sa kanila?" tanong ko sa kanya.

"Kumpleto na sila eh! *frown*" sagot niya.

"Hey, don't frown. You
never know who could be
falling for your smile." sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Sira! Hahaha. Wala nga nakakagusto sa akin, kahit nakangiti pa ako." - Zyrille

"Paano mo naman nasabi na wala? Malay mo nandyan lang sa tabi tabi ung may gusto sayo. Hindi lang niya masabi." seryosong sabi ko sa kanya.

"Ang seryoso mo naman masyado! Hahahaha. May pinahuhugutan?" biro niya sa akin.

Kanina pa niya ako pinagtatawanan. Di bale! Atleast napasaya ko siya. Saka ang cute niya tumawa.

"Hey Keith! Tulaley ka na diyan!" winave niya ung kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Close your eyes." - ako

"Huh?" - Zyrille

"Pikit ka." - ako

"Bakit?" - Zyrille

"Basta!" - ako

"Okay?" - Zyrille

Pumikit siya.

"What do you see?" - ako

"Nothing." - Zyrille

"That's my life without you. *smile*" - ako

Napadilat siya bigla sa sinabi ko. Hinawakan ko siya sa kamay at tumingin sa kanyang magandang mata.

Pagkakataon ko nang magtapat sa kanya, habang wala si Allen.

"Zyrille... Gusto kong malaman mo na gus--- *POINK*" napahawak ako sa ulo ko nang may tumamang bola.

Anak ng tipaklong! Sinong siraulo ang nagbato ng bola?! Ayun na eh! Masasabi ko na kay Zyrille na gusto ko siya.

"Hahahahaha!"

"Ayos ko lang?" - Zyrille

Kinuha ko yung bola at tumingin kila Xandra. Tumigil sila sa pagtawa nang mapansin nilang nakatingin ako ng masama.

"Sorry tol! Napalakas palo ko." sabi ni Rex habang nagkakamot sa batok.

******************************

Rex's POV

Sinulyapan ko sila Keith at Zyrille na nag uusap.

Ano kaya pinag uusapan nila?

Biglang tumawa si Zyrille, tapos sumeryoso si Keith.

"Rex sa bola yung tingin, wag sa kanila." - Ralph

Sinunod ko yung sinabi ni Ralph pero nadidistract pa rin ako sa dalawa. Lalo na nung hawakan ni Keith yung kamay ni Zyrille.

What the-- Pinopormahan niya ba si Zyrille?

"Rex yung bola!" sabi sa akin ni Rence at dahil na kila Keith ang atensyon ko....

Napalo ko yung bola papunta sa kanila. Buti na lang si Keith yung tinamaan, hindi si Zyrille. ^_^

"HAHAHAHA!" - sila

*death glare* - Keith

"Sorry tol! Napalakas palo ko." sabi ko habang nagkakamot sa batok.

Binato niya sa akin yung bola pero inilagan ko lang ito.

*********************************

Alexa's POV

Paglabas namin, tumakbo agad si Andrea papuntang dagat.

"Andrea, wag kang tumakbo! Baka madapa ka!" - ako

Tumigil sa pagtakbo si Andrea at hinintay ako.

"Mommy swimming!" - Andrea

Hinawakan ko siya sa kamay at saka kami lumapit sa dagat. Nagsiswimming na din kasi yung iba.

"Ate bakit hindi ka nagswimsuit? Ikaw din Aira." - Princess

"Bakit? Bawal?" - Ria

Nakaswimsuit naman kami ni Ria pero pinatungan namin ng tshirt at short. Hindi kasi kami komportable na nakatwo piece lang. Si Andrea naman naka one-piece pero sinuotan ko ng short.

"Oo, bawal." - Princess

"Ikaw nga naka t'shirt eh!" - Ria

"Sinuot lang sa akin ito ni Kian." - Princess

"Magsiswimsuit lang kami kapag tinanggal mo yan." panghahamon sa kanya ni Ria.

"Sige ba!" huhubarin na dapat ni Princess yung t'shirt pero niyakap siya ni Rence na nasa likod niya.

"Hayaan mo na sila." sabi sa kanya ni Rence at saka binaba yung t'shirt, dahil kita na ang pusod ni Princess.

"Tayo tayo lang naman nandito eh. *pout* Pabigyan mo na ako! Please!" - Princess

"No! Hindi mo yan aalisin." - Rence

"Kian naman eh! *frown*" - Princess

O.o

Tinakpan ko ung mata ni Andrea nang halikan bigla ni Rence si Princess.

"HOY MAY BATA!" - Prince

"Tara! Doon tayo kila Zyrille." - Ria

*****************************

Xandra's POV

Magtatanghali na nang maisipan naming sa swimming pool na lang nila Zyrene magswimming.

"Kuya, pakibantayan si Andrea. Magluluto na kami ng tanghalian." - Ate Queen

Iniwan niya sa amin si Andrea at saka pumasok sa loob. Lumapit ako kila Kuya King na binabantayan si Andrea. Tinuturuan niyang magswimming si Andrea.

"Bakit?" tanong sa akin ni Kuya King.

"Wala ka bang napapansin na kakaiba doon sa dalawa?" - ako

"Sinong dalawa?" kunot noong tanong niya.

"Si Ate at Voltaire. Parang may something. Kakaiba ung mga tinginan nila." - ako

"Ah! Wala naman." - Kuya King

"Meron kaya. Tignan mo sila mamaya." - ako

"Tumigil ka nga. Doon ka na sa boyfriend mo. Kung ano ano iniisip mo." - Kuya King

"Pustahan? May something sa kanila." - ako

"Ano pinag uusapan niyo?" - Prince

"Yan si Princess! Kung ano ano iniisip kila Queen." - Kuya King

"Meron naman talaga. *pout* Ikaw ba baby boy? Wala kang napapansin na kakaiba kila Ate at Voltaire?" inakbayan ko si Prince. Nag isip siya saglit.

"Hmmm... Meron. Parang ilang si Ate kay Voltaire. Tapos si Voltaire naman... kakaiba ung tingin niya kay Ate." - Prince

"Kita mo kuya! Sabi ko sayo eh! Meron." - ako

"Kambal nga talaga kayo." - Kuya

"Aminin mo na kasi kuya. May napapansin ka din." - ako

Nakita ko siya kanina na nakatingin doon sa dalawa, kaya alam ko may napapansin siya.

"Oo na. Ano naman?" - Kuya

"Oo nga! Ano nanaman binabalak mo sa kanila?" - Prince

"Gusto ko silang magkatuluyan. Hehehehe." - ako

O.o - sila

"Seryoso ka ba diyan?" - Kuya

"Oo naman. Andrea, gusto mo ba maging daddy si Tito Volt mo?" - ako

Binatukan ako ni Prince pero ung mahina lang.

"Wag mong idamay ung bata sa kalokohan mo." - Prince

"Daddy." - Andrea

"Oo baby. Nasa heaven na kasi ang Daddy Mike mo. Kasama na siya ni God kaya kailangan mo ng bagong daddy. Gusto mo ba maging bagong daddy si Tito Volt mo?" - ako

"Opo." - Andrea

"*smile* Ganito baby, mamaya sabihin mo kila mommy at Tito Volt mo na gusto mo maging daddy si Tito Volt." - ako

Tumango si Andrea.

"Very Good." - ako

"Lagot ka sa kanila mamaya kapag nalaman nila na ikaw nagturo niyan kay Andrea." - Kuya King

"Hindi yan. Hahaha" - ako

Excited na ako makita reaction nila mamaya. Bwahahahahahaha!

*******************************

Voltaire's POV

"Baby, kain ka pa." sabi ni Alexa sabay subo kay Andrea ng pagkain.

"Mommy, Pwede ko po ba maging daddy si Tito Volt?" - Andrea


"*cough.cough.cough*" - ako

Inabutan ako ng tubig ni Rex, ininom ko naman yun agad.

"Why baby? Di ba may daddy ka naman si daddy Mike?" - Alexa

Napatingin sa akin si Alexa pero agad din siya umiwas nang makitang nakatingin ako sa kanya.

"Opo! Pero nasa heaven na po siya sabi ni Tita Princess. Gusto ko po ng bagong daddy." - Andrea

"Kian, ang sarap ng pagkain no?" umiwas ng tingin si Xandra kay Alexa nang tignan siya nito.

"Bakit baby? Hindi mo na ba love si Daddy Mike mo kasi nasa heaven siya?" - Alexa

"Hindi po! Love na love ko po siya pero gusto ko po ng bagong daddy." - Andrea

"Bakit gusto mo ng bagong daddy?" - Alexa

"Para po may kasama na kayo na mag aalaga sa akin." - Andrea

"Bakit si Tito Voltaire ang gusto mo?" - Alexa

"Gusto ko po siya." - Andrea

"Andrea, tanong mo muna si Tito Volt kung gusto niya maging daddy mo." singit ni Lance sa usapan nila. Sinipa ko yung paa niya pero ningisian lang ako ng loko.



"Tito Volt, pwede ko po ba kayong maging daddy?" - Andrea


Tinignan ko si Alexa tapos si Andrea.



Anong isasagot ko? Baka malungkot yung bata kapag sinabi kong hindi. Kapag naman Umoo ako baka isipin nila gusto ko si Alexa.

"Hoy! Tinatanong ka ni Andrea. Sumagot ka!" - Lance


Hinampas niya ako sa balikat. Sinamaan ko siya ng tingin.

*sigh*

"Makinig ka sa akin ng mabuti ha! Hindi mo ko pwede maging daddy kasi hindi naman kami ng mommy mo." - ako

"Bakit po?" - Andrea


"Baby, si Daddy Mike mo lang kasi ang love ko kaya hindi siya pwede." - Alexa

What the! Bakit ganito pakiramdam ko? Bakit naiinis ako bigla sa sinabi niya?

"Bakit po? Ayaw mo po ba kay Tito Volt?" nakasimangot na sabi ni Andrea.

"..........." - Alexa


"Andrea mamaya ka na magtanong. Ubusin mo muna yung pagkain mo." - Drei

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top