CHAPTER 26: ENCOUNTER
CHAPTER 26: ENCOUNTER
Alexa's POV
"May gusto ko bang sabihin?" tanong bigla ni Voltaire na ikinagulat ko.
"Huh?" - ako
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa akin. May kailangan ka ba?" - Voltaire
Sungit. -_-
"May itatanong sana ako sayo tungkol kay Hazel." - ako
".........." - Voltaire
"Bakit kayo naghiwalay?" - ako
Umiwas ako ng tingin nang tignan niya ako ng masama.
"Okay lang kahit wag mong sabihin. Puntahan ko lang si Andrea." sabi ko sa kanya habang hindi nakatingin sa kanya.
"Wait!" hinawakan niya ako sa kamay para pigilan. "Gusto mo ba talaga malaman?" tanong niya sa akin.
Tumango ako.
"Let's go." - Voltaire
Tumayo siya bigla at saka ako hinila.
"Saan tayo pupunta?" - ako
Hindi siya sumagot. Umakyat kami ng second floor at pumasok sa isang kwarto na may pangalan niya. Nilock niya yung pinto na ikinakaba ko.
Bakit niya nilock yung pinto? May masama ba siyang gagawin sa akin? Hindi kaya balak niya akong---
Napayakap ako sa sarili ko.
"Ano iniisip mo?" tanong niya sa akin habang salubong ung kilay niya.
"Wala. *blush*" - ako
"Wala akong gagawin sayo. *smirk* Maliban na lang kung gusto mong may mangya---" - Voltaire
"Hoy hindi yan ang iniisip ko ah!" - Alexa
Ngumiti siya bigla.
"Wala akong sinasabing yun ung iniisip mo." - Voltaire
Tumingin ako sa bintana para itago ung namumula kong mukha.
"Ano na? Sasabihin mo ba sa akin yung dahilan ng paghihiwalay niyo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa labas ng bintana.
"..........." - siya
Tinignan ko siya. Nakaupo lang siya sa bed niya. Nakatalikod siya sa akin.
"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo talagang sabihin sa akin. Labas na ako." - ako
Naglakad na ako papuntang pinto.
"Nakita niya akong may katabing babae sa condo ko." natigilan ako nang magsalita ako.
Pagkatingin ko sa kanya saktong nakatingin siya sa akin. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
"Nasaktan ko siya ng sobra kaya nakipaghiwalay siya sa akin. Sinubukan ko siyang habulin pero wala na. Nasaktan ko na siya." kwento niya habang palapit ng palapit sa akin. Bawat salita na lumalabas sa kanya... ramdam ko yung sakit. Napasandal ako sa pinto, nilagay niya ung kamay niya gilid ng ulo ko.
"Nasaktan ko siya ng dahil sa isang babae na nakita ko lang sa isang bar. Dahil sa pagkakamaling yun... namatay siya." medyo pabulong na ung mga huli niyang sinabi.
"Sorry." nakayukong sabi ko habang lumuluha. Tinulak ko siya at saka lumabas ng kwarto niya.
"Alexa? Umiiyak ka ba?" napaangat ako ng ulo. Sumalubong sa akin ang nag aalalang mukha ni Rex.
"Hindi. Napuwing lang ako." pinunasan ko yung luha ko sabay ngiti ng pilit. "Sige. Puntahan ko na si Andrea." paalam ko sa kanya.
"Galing ka ba sa kwarto ni Voltaire? May ginawa ba siya sayo? Sinaktan ka ba niya?" - Rex
Nanlaki yung mata ko nang makita ko si Voltaire sa likod niya.
"Tsk. Wala akong ginawang masama sa kanya." sabi ni Voltaire at nauna ng bumaba.
*******************************
Shyne's POV
"Nagpapakuta pa ba sayo si Gab?" tanong ni Khylle kay Zyrille.
"Hindi na." nakangiting sabi ni Zyrille.
"Mylabs! Date tayo." biglang sulpot ni Lance sa tabi ko.
"Date mo mukha mo. Lumayas ka sa harap ko baka masapak kita." inis na sabi ko sa kanya. Nag umpisa nanaman kasi siyang mangulit. Araw araw na lang niya ako niyayang makipagdate at siyempre araw araw din akong tumatanggi. Linya na nga niya yata yung salitang "Date tayo."
"BOOM! BASAG! HAHAHA!" - Ralph
"Sumuko ka na kasi. Wala ka ng pag asa diyan." - Keith
"Ako susuko? Never!" - Lance
Hay naku! Makaalis na nga lang.
Lumabas muna ako para magpahangin. Nakita ko si Aira at Alexa na seryosong nag uusap.
"Sorry." rinig kong sabi ni Alexa. Nagtago ako sa likod ng puno.
"Bakit ka nagsosorry?" tanong ni Aira.
Ano kaya pinag usapan nila?
"Kasalanan ko kung bakit..." - Alexa
Oh my gulay!
Napatingin ako sa taas ng puno nang may mahulog na sanga sa ulo ko. Nakita ko si Xander.
Sumenyas siya na wag maingay. Hindi lang pala ako yung nakikinig sa usapan nila. Binato niya ulit ako ng sanga. Tinignan ko siya ng masama. Sinenyasan niya ako na umalis na. Tapos tinuro niya sila Aira.
Pinapaalis ba niya ako para hindi ako makita nila Aira?
Binato niya ako ulit ng sanga.
Anak ng sokla! Nakakarami na ang isang ito ah! Lagot siya sa akin mamaya.
Bumalik na lang ako sa loob at baka mabato ako ulit ni Xander.
********************************
Ria's POV
"Aira, kanina pa may tumatawag sayo." sabi sa akin ni Khylle. Tinignan ko yung cellphone ko na nakapatong sa mesa. Naiwanan ko kasi kanina nung lumabas kami ni Alexa para mag usap.
Dane Calling...
Sinagot ko ito agad dahil nakakarami na siyang tawag. Ibig sabihin nun may emergency kaya niya ako tinatawagan.
"Hello." - ako
[Bakit ngayon mo lang sinagot? Tumawag kanina sa amin yung leader ng Bloody Death Gang. Hawak daw nila si Josh. Kapag daw hindi ka pumunta sa Lumang warehouse malapit sa RU. Papatayin nila si Josh.] - Dane
"Ano?! Sige papunta na ako." - ako
[Sige. Malapit na din kami doon.] - Dane
*End call*
Kinuha ko agad yung bag ko.
"Saan ka pupunta? Mamaya pa klase mo diba?" - Zyrille
"Kailangan ko pumunta sa lumang warehouse. Malapit dito." - ako
"Anong gagawin mo doon?" - Khylle
Sa halip na sagutin ko siya, tumakbo na ako palabas ng MAZE.
"Tabi!" sabi ko kay Xander nang masalubong ko siya.
*******************************
Alexa's POV
"Bakit nagmamadali yun?" tanong ni Prince sa amin.
"Pupunta daw siya sa lumang warehouse malapit dito." sagot ko sa kanya.
"Anong gagawin niya doon?" - Prince
"Hindi niya sinabi." - ako
"Si Josh hawak ng Bloody Death Gang. Nasa werehouse sila." sabi ni Faith sa tabi ko.
"Huh? Sigurado ka?" nilingon ko si Faith.
"Sino kausap mo?" nagtatakang tanong ni Prince.
"Oo. Tulungan niyo siya. Marami silang kalaban." - Faith
"Makikipagkita siya sa Bloody Death Gang." - ako
"Hala! Baka mapahamak yun doon." - Zyrille
"Sundan natin siya." - Khylle
Hinila ni Khylle si Zyrille.
"Hoy! Bumalik kayo dito." - Allen
"Hindi magpapapigil yung dalawang yun. Sumunod na lang din tayo sa kanila." - Kuya King
Lahat sila sumunod maliban sa amin nila Zyrene at Ellaine. Pati si Faith sumama sa kanila.
"Sana walang masamang manyari sa kanila." - Zyrene
"Sana nga." - ako
Mag iingat kayo kuya.
**************************
Ria's POV
"Dane." hinihingal na sabi ko nang makarating ako sa tapat ng warehouse.
"Buti dumating ka na." - Dane
"Si Vince?" - Patrick
"Hindi ko macontact." - ako
"Tara sa loob." - ako
"Teka! Kaya ba natin sila?" - Charles
"Hindi. Susubukan kong makipag usap sa kanila para maiwasan natin makipaglaban." - ako
"Imposible yang sinasabi mo. Baka nga may nakaabang na patibong sa loob." - Patrick
"Ano gagawin natin?" - ako
"Kailangan niyo ba ng tulong?" - Steven
"Ano ginagawa niyo dito?" - ako
"Troy bakit ka nandito?" - Dane
"Tutulungan namin kayo." - Troy
"Paano naman kayo nakakasigurado na kailangan namin ng tulong niyo?" - ako
"Nasa loob si Josh diba? Kanina pa kami nakatambay sa computer shop na un. Nakita namin pinasok siya diyan sa loob. Base sa itsura niya kanina... Mukhang pinagtulungan siya." - Steven
"Wag na kayong sumama. Problema namin ito." - Patrick
"Diba member ka ng Phantom Sixteen?" tanong ni Dane sa kapatid ni Khylle.
"Yeah!" - Brylle
"Wala na tayong oras. Tara na sa loob. Bahala kayo kung gusto niyong tumulong." - ako
Nauna akong pumunta sa warehouse. Pagkabukas ko ng pinto, wala akong nakitang taga Bloody Death Gang. Si Josh lang na nakadapa sa gitna ang nakita ko.
"Josh!" hahakbang na sana ako papasok sa loob nang may malamig na kamay ang humawak sa akin.
O.o
"May nakaabang sa gilid ng pinto." sabi niya sa akin bago ako bitawan.
*smile* Salamat! Kuya Mike.
Pagpasok ko sa loob, inasahan ko na may aatake sa akin kaya mabilis ko itong naiwasan. Yumuko ako para hindi niya ako matamaan ng baseball bat. Hinawakan ko ito at sinipa siya sa tiyan. Nabitawan niya yung baseball bat at napaatras. Nagsilabasan na ang mga member ng BDG mula sa likod ng mga lumang gamit na nakatambak sa warehouse.
Pumasok na din sila Dane.
"Anong kailangan niyo?" - ako
"Nasaan si Bea?" sabi ng leader ng BDG.
"Bakit ko naman sasabihin?" - ako
"Papatayin ko ang lalaking ito, kapag hindi niyo sinabi sa akin." - leader ng BDG
Sinipa niya si Josh. Tinutukan niya ito ng baril.
"Edi patayin mo." seryosong sabi ko.
"What the--" - leader ng BDG
"Sige patayin mo siya. Para hindi mo na rin makitang buhay si Bea. *smirk*" - ako
"Hinahamon mo ba ako?" - siya
"Siguro? Kung ayun ung sa tingin mo." - ako
"Pakawalan niyo ang kapatid ko." - siya
"........." - ako
"Aira!" - Zyrille.
"Bakit kayo sumunod?" tanong ko sa kanilang dalawa ni Khylle.
"Brylle." - Khylle
"Sa wakas nahabol din namin kayo." - Allen
"Masyado ba kayong natakot sa grupo namin kaya humingi kayo ng tulong sa Dark Royalties? Sabagay! Ano nga naman laban niyo sa amin?" - leader ng BDG
"Minamaliit mo ba kami? Para sabihin ko sayo. Kayang kaya namin kayong patumbahin kahit apat lang kami." - Dane
"Matapang ka lang dahil alam mong hindi pa kami buo. Maghintay ka lang. Oras na makumpleto kami... Kayo ang una naming pababagsakin." - Patrick
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Totoo naman. Malakas lang ang loob nila dahil alam nilang lugi kami sa kanila.
"Sugurin niyo sila." inis na sabi ng leader ng BDG. Napikon yata sa sinabi ni Patrick.
May umatake sa aking babae. Sinuntok niya ako pero gumilid lang ako at hinawakan ang kamay niya sabay suntok sa kanya. Yumuko siya para iwasan ito. Agad ko siyang binitawan para maiwasan ang sunod niyang atake.
Mabilis siya.
****************************
Dane's POV
*BOOOGGSSSHHH*
*BLAAGGGHHH*
Sinuntok ko yung unang sumugod sa akin at saka umikot para sipain yung nasa likod na hahawakan na sana ako. May sumugod ulit sa akin pero bago pa ito makalapit sa akin, nasuntok na siya ni Troy.
"Kailan ka pa natutong makipaglaban?" - ako
"Tinuruan ako ng dad mo, simula nung umalis ka." - Troy
Iniwasan niya yung umatake sa kanya at saka niya ito sinuntok.
"Hindi ako umalis. Pinapadala nila ako sa America." nakasimangot na sabi ko habang busy din sa pakikipaglaban.
"Mag iingat ka naman." sabi niya sa akin pagkatapos niyang saluin ung kamao ng kalaban gamit ang kamay niya. Kung hindi niya ginawa yun baka nadungisan na ang pogi kong mukha.
"Thanks." - ako
Bumalik na ulit ako sa pakikipaglaban. Hindi na kami nag usap dahil pareho na kaming tutok sa kalaban.
******************************
Rence's POV
"Makakabawi na rin tayo." sabi ni Ralph bago atakihin yung isa sa nilalabanan ni Lance.
Nagkabungguan yung likod namin ni Xander habang iniiwasan namin yung atake sa amin. Nagkatinginan kami at mukhang pareho kami ng iniisip. Nagpalitan kami ng pwesto. Sinipa ko yung umaatake sa kanya
kanina. Ganun din ang ginawa niya sa kalaban ko kanina.
"Nice one!" sabi ko sa kanya. May sumuntok ulit sa akin pero dinipensahan ko lang ito gamit ang braso ko sabay suntok sa kanya.
*******************************
Drei's POV
*BOOOOGGGGSSSHHHH*
*BLAAAGGGGGGHHHH*
Napaupo ang leader ng BDG pagkatapos ko siyang suntukin. Dumudugo na ang kaliwang kilay niya. Tumayo ito habang hawak hawak ang kanang balikat niya. Naglakad siya palapit sa akin pero bago pa siya tuluyang makalapit... tumumba na ito at nawalan ng malay.
"JOSH!! GUMISING KA! HOY!" - Patrick
"Dalhin niyo na siya sa ospital. Susunod ako doon mamaya." - Aira
Pinagtulungan nila Charles at Patrick na ilabas si Josh. Binuksan ni Dane yung pinto para makalabas sila.
"Brylle, bakit mo siya kasama?" tinuro ni Khylle si Troy. "Sabi mo sa akin lalayo ka na sa kanila." sabi pa niya.
"Ate, kaibigan ko si--" hindi na natapos yung sasabihin ni Brylle nang masalita ulit si Khylle.
"Maghanap ka ng ibang kaibigan. Wag siya. Bad influence lang siya sayo." - Khylle
"Hindi mo ko naiintindihan." - Brylle
"Let's go." - Steven
Inakbayan niya si Brylle at naglakad na. Humarang bigla si Aira sa kanila.
"Pwede ba tayong mag usap?" - Aira
"Sure." - Steven
Inalis niya ang pagkakaakbay niya kay Brylle at inilpat ito kay Aira. Pagkalabas nila, pumasok naman si Xenah. Nagkatinginan kami saglit bago ito tumakbo palapit sa mga kagrupo niya.
"Balik na tayo sa school." sabi ko sa mga kasama ko at saka lumabas.
********************************
Xandra's POV
"Ano iniisip mo? Kanina ka pa tahimik diyan." tanong ni Kian nang makabalik kami sa Maze. Napag usapan namin na wag ng pumasok sa klase at tumambay na lang dito.
"Hindi ba kayo napapaisip kung bakit magkasama si Troy at Steven? Nung nakita ko sila kanina sa halip na matakot ako kay Troy... mas natakot ako kay Steven. Sa kanya ko naaalala si Phantom King." sabi ko sa kanila. Nag umpisa nanaman manginig ang kamay ko nang maalala ko kung paano tumingin sa akin si Steven.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kian. Hinawakan niya ang kamay ko. Medyo kumalma naman ako, dahil sa ginawa niya.
itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top