CHAPTER 25: THE DIARY

CHAPTER 25: THE DIARY

Zyrille's POV

"Ano? Tatayo na lang ba tayo dito?" reklamo ni Khylle. Kanina pa kasi kami nakatayo sa tapat ng bahay ni Gab. Sabi kasi sa akin ni Alexa, may iniwan daw na diary si Gab at doon daw nakalagay ung mensahe niya sa akin. Kaya agad ako pumunta dito at siyempre nagpasama na din ako kila Khylle at Aira.

"Magdoorbell ka na kaya?" - Aira

"Hindi ko alam sasabihin ko?" - ako

"Anong balak mo? Kanina pa tayo nandito pero wala naman lumalabas." - Khylle

"Hindi ko alam." - ako

Paano ba gagawin namin? Hindi naman pwedeng magdoorbell ako. Tapos kapag lumabas na ung mama ni Gab, sasabihin ko na nagpakita sa akin si Gab. At sinabi niya sa pyschic kong kaibigan na may diary siyang iniwan.

"Alam ko na. Magdoorbell tayo tapos magtatago tayo. Kapag nakita na natin may lumabas. Saka ka maglalakad palabas kunwari napadaan ka lang." - Khylle

"Pwede! Kapag nakita ka ng mama ni Gab, tatawagin ka niya at ayun na! Makukuha mo na ung diary." - Aira

"Saan naman tayo magtatago?" - ako

"Doon sa likod ng sasakyan." - Khylle

Tinuro niya ung sasakyan na nakaparada sa tapat ng pangatlong bahay mula kila Gab.

"Baka mahuli tayo." - ako

"Ganito na lang. Magtago ka na doon tapos kami na bahalang magdoorbell. Dito na lang kami sa sasakyan magtatago. Kapag nakita mong lumabas saka ka magpakita." - Aira

"Ito hawakan mo. Kunwari galing kang tindahan." - Khylle

Inabot niya sa akin yung softdrink na iniinom niya. Nakaplastik ito tapos may straw.

"Punta ka na doon." - Khylle

Pagtataboy niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa plano nila na sana wag sumablay.

Pinindot na ni Khylle yung doorbell at sabay silang tumakbo papasok ng sasakyan.

Nakita kong may lumabas na isang matandang babae, kaya lumabas na ako sa tinataguan ko. Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad.

"Zyrille, ikaw ba yan?" nilingon ko yung tumawag sa akin. "Ikaw nga!
Naaalala mo pa ba ako?" tanong niya sa akin.

"Opo tita. Kamusta na po kayo? *smile*" - ako

"Okay naman ako. Ikaw kamusta? Balita ko sa lola mo nasa Manila ka na?" - mama ni Gab

"Opo. Doon na po ako nag aaral." - ako

"Dinalaw mo ba ang lola mo kaya ka nandito ngayon?" - mama ni Gab

"Opo." - ako

"May ibibigay nga pala ako sayo iha. Teka kukunin ko lang sandali. Pasok ka muna." - mama ni Gab

"Hindi na po. Hintayin ko na lang po kayo dito sa labas." - ako

"Sandali lang kukunin ko lang sa loob." - mama ni Gab

Pagkapasok niya sa loob nilingon ko sila Khylle. Nag thumbs up sila sa akin habang nakasilip sa bintana ng sasakyan. Ningitian ko sila sabay thumbs up din. Sinara na nila ung bintana dahil baka makita pa sila ng mama ni Gab.

Nang lumabas ang mama ni Gab may bitbit itong box.

"Ano po ito tita?" - ako

"Mga gamit yan ni Gab. Ibigay ko daw yan sayo kapag nakita kita. Pinapasabi niya din na sorry kung hindi siya nakapagpaalam sayo nung pumunta kami ng America." - mama ni Gab

"Nasaan na po si Gab?" tanong ko sa kanya, hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na patay na siya.

"Patay na siya iha." bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

Pinunasan ko yung luha ko na tumulo.

"Kailan pa po?" - ako

"Last month." - mama ni Gab

"Pwede ko po ba malaman kung saan siya nakalibing?" - ako

"Sa ****** cemetery." - mama ni Gab.

"Salamat po. Sige po... Alis na ako." - ako

*****************************

Khylle's POV

"Boi! Sakay na." tawag ko kay Zyrille. Medyo malayo layo na ung narating namin mula sa bahay nila Gab.

Tuloy tuloy kasi sa paglalakad si Zyrille pagkatapos niya magpaalam sa mama ni Gab. Hindi rin kami agad nakasunod kasi hinintay naming pumasok sa loob ng bahay yung mama ni Gab.

Pagkasakay niya, lalong lumakas yung iyak niya. Kanina pigil pa... Ngayon hindi na.

"Buti na lang may dala akong tissue." sabi ko sabay abot sa kanya ng tissue. Kinuha naman niya yun at pinunasan ung sipon niya na tumutulo.

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Aira habang nagdadrive.

"Sa ****** Cemetery." umiiyak na sabi ni Zyrille.

Nagdrive naman si Aira papunta sa sementeryo. Walang ni isang nagsalita sa amin hanggang sa makadating kami doon. Tanging iyak ni Zyrille yung maririnig sa loob ng sasakyan.

"Samahan niyo ko." sabi ni Zyrille sa amin. Tumigil na siya pag iyak.

Naubusan na siguro ng luha o kaya nireserve niya muna para mamaya.

"Saan ba siya banda nakalibing?" - Aira

"Hindi ko alam. Basta dito daw siya nakalibing." - Zyrille

"Hahanapin pa natin?" - ako

"Ganun na nga." - Zyrille

*sigh* Kundi lang siya nag eemote ngayon baka nabatukan ko na ito. -_- Ang laki kaya ng sementeryong ito.

Wala na kami nagawa kundi ang isa isahin yung lapida. Hinahanap namin yung pangalan na Gabriel Flores. Medyo dumidilim na pero hindi pa rin namin nakikita.

"Gabriel Flores magpakita ka na please." sabi ko habang natingin sa mga lapida.

Biglang humangin ng malakas at malamig. Kinilabutan tuloy ako.

"Gab..." sabi ni Zyrille.

Tinignan ko yung tinitignan niya. May nakita akong isang lalaki.

Siya si Gab?

Tinuro niya ung lapida sa malapit sa kinakatayuan niya.

"Ayun na yata ung hinahanap natin." - Aira

Nagpunta kami doon sa tinuro ni Gab. Habang palapit kami doon nawala ng parang bula si Gab.

*****************************

Alexa's POV

"Sa tingin mo Faith, nakuha kaya nila yung Diary?" - ako

"Oo naman. Saka hindi naman sila pababayaan ni Gab." - Faith

"Alam mo ikaw pa lang yung kauna unahang spirit na nakausap ko ng ganito. Kakaiba ka. Pwede ko bang malaman kung ano ikinamatay mo?" - ako

"Car accident." - Faith

Nalungkot siya bigla pero agad din niyang pinalitan ng ngiti. Ngiti na halatang peke.

"Bakit nandito ka pa sa lupa? May unfinish business ka ba?" - ako

"Meron." - Faith

"Ano?" - ako

"Ikaw. *smile*" - Faith

"Ako?" - ako

"Yes." - Faith

"What do you mean?" - ako

"Ayokong mangyari sayo yung nangyari sa akin. Kaya ako nandito para tulungan ka." - Faith

"Tulungan? Saan?" - ako

"Tulungan sa kanya. Sige, kailangan ko ng umalis. Bye!" - Faith

Tulungan kanino? Hindi ko maintindihan. Bakit naman niya ako tutulungan?

*Meoww!*

"Hindi ko siya maintindihan Blue." niyakap ko si Blue at saka humiga.

********************************

Zyrille's POV

Nilagay ko yung bulaklak na binili ko at saka ako nagsindi ng kandila.
Pinagdasal ko siya na sana matahimik na ang kanyang kaluluwa.

"Madami sana akong gustong sabihin sayo pero gabi na. Kaya sa susunod na lang. Good bye Gab. Kailangan na namin umalis." - ako

Habang nasa biyahe kami tinignan ko yung laman ng box. Isang notebook at mga picture namin ang nandoon. Meron din mga picture ko na sa tingin ko kinuha niya yun sa facebook.

"Kung hindi ko lang alam na kababata mo si Gab, iisipin ko na stalker mo siya." sabi ni Khylle nang makita niya yung mga picture ko.

"May gusto siguro siya sayo." - Aira

"Brad naman eh! *blush* Magdrive ka na nga lang diyan." - ako

"Ayeeiiii!" - Khylle

"Isa ka pa. *frown*" - ako

"Hahaha." - sila

Binasa ko na lang yung nakasulat sa diary. Dinaig pa niya ako. Ako nga walang diary tapos siya meron. Take note. Ang daming nakasulat.

March 21, 20**

Unang araw ko dito sa America. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Zyrille. Siguro galit na siya sa akin? Miss ko na siya agad. Sana gumaling agad ako para makabalik na agad ako.

**************************

May sakit siya?

Nilaktawan ko na ung iba. Hanggang sa mapadpad ako sa last page.

*************************

Malapit na ako mawala sa mundo pero hindi pa rin ako nakakapagtapat kay Zyrille. Gusto ko sana siyang puntahan sa Manila pero ayaw ako payagan nila mama.

Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Bata pa lang kami gusto ko na siya. Siya lang yung gusto kong makasama at makalaro. Naalala ko noong una ko siyang makilala... nakita ko siyang umiiyak. Tinanong ko kung bakit siya umiiyak. Sabi niya nahulog daw yung piso niya sa kanal. Tinawanan ko siya noon kasi parang piso lang... Iniiyakan niya. Tapos lalo siyang umiyak. Pinagtatawanan ko daw siya. Nakonsensya naman ako kaya binigyan ko siya ng dalawang piso. Saka nag sorry. Tinanong niya ako kung bakit ko siya binigyan ng dalawang piso. Sabi ko kapalit nung nahulog na piso. Binalik niya yung isang piso kasi piso lang naman daw ung nahulog. Pero hindi ko tinanggap. Doon ko lang nalaman na kaya pala siya umiiyak kasi nagkulang na yung pambili niya ng shampoo. Baka daw mapagalitan siya ng lola niya kasi nawala yung pambili. Sinamahan ko siya sa tinadahan hangang sa makauwi siya. Simula noon naging magkaibigan na kami. Lagi ko siyang niyayang makipaglaro. Hanggang sa school lagi kaming magkasama.

Miss na miss ko na talaga. Makikilala pa kaya niya ako kapag nakita niya ako? Naaalala pa kaya niya ako? Kahit matagal na kaming hindi nagkakasama gusto ko pa rin siya. Mahal ko na nga yata siya kahit hanggang sa picture ko na lang siya nakikita.

Hanggang dito na lang. Hindi ko alam kung magigising pa ako bukas. Isa na lang naiisip kong paraan para masabi ko sa kanya yung nararamdaman ko. Sana nga lang mabasa niya ito.

Mahal kita Zyrille. Kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka. Goodbye.

*********************************

"Bakit ka nanaman umiiyak? Ano ba nakasulat?" - Khylle

"Wala." - ako

Tinago ko na ung diary bago pa nila mabasa yung nakasulat. Sigurado akong aasarin nanaman nila ako kapag nabasa nila yung nakasulat.

"Bakit ka huminto?" tanong namin kay Aira.

"Hindi na ako makakasabay sa inyo. Ikaw na magdrive. Ingat kayo." - Aira

Pagkababa niya, lumipat si Khylle sa driver seat.

"Bakit hindi ka makakasabay?" - Khylle

"May pupuntahan pa ako." - Aira


"Saan? Samahan ka na namin. Gabi na oh?" - ako


"Wag na. Sige na! Alis na kayo. Ingat sa pagdadrive." - Aira


Sinara na niya yung pinto ng sasakyan. Nag umpisa ng magdrive si Khylle.

"May pagkamisteryosa din si Aira no? Malihim masyado." - Khylle

"Hindi naman. Maingat lang talaga siya. Hindi kasi yun agad nagtitiwala." - ako

"Wala ba siyang tiwala sa atin." - Khylle

"Meron naman siguro. Hayaan mo na siya. Baka hindi niya pwedeng sabihin." - ako

Tinignan ko si Aira, nakatayo lang siya kung saan namin siya iniwan. May point naman si Khylle pero sanay na ako kay Aira. Ganun na siya dati pa.

********************************

Aira's POV

Tinignan ko si Hazel sa kabilang kalsada. Kanina ko pa alam na sinusundan niya kami. Kaya mas pinili ko ng magpaiwan bago pa siya may gawing masama at baka madamay sila Zyrille.

Ano gagawin ko? Tatawagan ko ba si Alexa? Hindi. Baka mag alala lang yun. Hayaan ko na lang siya na sundan niya ako.

Nagpakamot ako ng ulo.

"Iyah!"

Napatingin ako sa lalaking nakamotor. Tinangal niya yung helmet niya.

"Bakit ka nandito?" - ako

"May pinuntahan lang. Ikaw? Bakit ka nakatayo diyan ng ganitong oras?" - Steven

"Paki mo." - ako


"Sakay na." - Steven


"Huh?" - ako


Bumaba siya ng motor at lumapit sa akin. Sinuot niya sa akin yung helmet na hawak niya.


"Ayaw na ayaw mong sumasakay sa mga bus at taxi dahil nahihilo ka diba? Lalo na kung malayo ung pupuntahan mo. Kaya sumasabay ka na sa akin." - Steven

"Bakit alam mo yun?" - ako

"I know you. *smile*" - Steven


Hinila na niya ako papunta sa motor niya. Sinuot niya yung extra niyang helmet.

"Sakay na." - Steven

Sumakay na ako. Humawak ako sa balikat niya para hindi ako malaglag.


"Saan kita ihahatid?" tanong niya sa akin habang nagdadrive. Tama lang ung bilis ng motor niya.

"Sa bahay ni Inspector William." - ako

Hinintay kong magtanong siya kung saan pero hindi na siya nagsalita.


"Alam mo kung saan yun?" - ako


"Yeah. Matagal tagal na din nung huling beses ako nakapunta doon." - Steven

Hindi kaya... Isa siya sa sinasabi nila kuya na member sana ng SK?


"Sa RA ka ba nag aaral dati?" - ako





"Yeah." - Steven

Pagkadating namin sa tapat ng bahay nila Kuya William. Nakaabang na sila Patrick sa labas. Lahat sila naghihintay except kay Ate Ashley at Charles.

"Bakit ngayon ka lang?" - Kuya William


"Traffic." - ako



"Sino yang kasama mo?" - Patrick



Nilingon ko si Steven. Tinanggal niya yung helmet niya.



O.o - Sila



"Steven?" - Kuya William

"Bakit kayo magkasama?" - Patrick



Nakakunot ung noo niya habang nakatingin ng masama kay Steven.



"Long time no see boy." - Dane




Nakipag apir siya kay Steven.



"Kilala niyo siya?" - ako



Sabay sabay nila akong nilingon na parang may mali akong sinabi.



"Bakit?" - ako



"Tara na sa loob." - Patrick



Hinila na niya ako papasok. Nilingon ko si Steven.



"Salamat Glaize." - ako





Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top