CHAPTER 23: HE'S BEAUTIFUL
CHAPTER 23: HE'S BEAUTIFUL
Ashley's POV
"Nandyan na sila Kuya." - ako
Tinigil ko muna ang pangungulit kay Drei at lumapit kay Kuya.
"Nasaan na yung ahas?" -Kuya William
"Ayun oh!" tinuro ko ung ahas na hawak ni Vince at Patrick. Lumapit sila kay Bea.
"Kukunin na namin siya." - Kuya William
"Saan niyo siya dadalhin?" - Dane
"Sa lugar kung saan dinadala ang mga ahas." - Kuya William
"Alis na kami. Wag kayong magpagabi. Ria, hinahanap nga ka nga pala ni Bryan. Galing daw sila sa bahay kanina pero wala kayo. Nasa Romantique Restaurant." - Kuya William..
Tumango lang si Ria. Pagkaalis nila kuya pumasok na kami sa mall.
"Pupuntahan mo ba sila Kuya Bryan?" tanong ko kay Ria.
"Titignan ko kung nandoon pa sila." - Ria
"Sa Romantique Restaurant na lang tayo kumain. Masarap pagkain doon." - Alexa
Pagkadating namin doon... Walang costumer maliban sa tatlo.
"Walang silang masyadong costumer? Masarap ba talaga dito?" - Ralph
"Hahaha. Wala talagang papasok na costumer dito... kita mong nakareserve sila ngayon." tinuro ko yung nakalagay sa pinto.
Napakamot sa ulo si Ralph.
"Sorry naman. Hindi ko nakita." - Ralph
Pumasok sa loob si Ria.
"Bakit siya pumasok sa loob?" - Ralph
"Kilala nami yung manager ng restaurant nito." - ako
**************************
Ria's POV
Nakita ko sila kuya na may kanya kanyang ginagawa. May kanya kanya silang laptop at doon lang sila nakatingin. May free wi-fi kasi dito kaya hindi na ako magtataka kung dito nila gawin ung mga trabaho nila. Umupo sa tabi ni Kuya Dylan.
"Kanina ka pa?" - Kuya Clyde
"Kakadating ko lang. May mga kasama nga pala ako..." - ako
Tinuro ko sila Ate Ashley sa labas.
"Papasukin mo sila." - Kuya Bryan
"Ako na." - Kuya Jake
Pinigilan niya akong tumayo. Pinabuksan niya ng pinto sila Ate Ashley at kinausap.
"Galing daw kayo sa bahay kanina." - ako
"Yeah! May sasabihin ako sa inyo." - Kuya Bryan
"Ano?" - ako
"Tito!" - Andrea
Lumapit sa kanila si Andrea.
"Andrea ang laki mo ah? Hindi ka na baby." - Kuya Clyde
Kinarga niya si Andrea.
"No tito, baby pa po ako." - Andrea
"Hahaha. Yes baby. You always be our baby. Kahit big girl ka na." - Kuya Clyde
"Napadalaw kayo kuya?" - Patrick
"May sasabihin ako sa inyo. May bago tayong kalaban." - Kuya Byran
"Sino?" - Dane
May binigay na folder si kuya kay Patrick. Tinignan nila ito at base sa expression nila hindi sila makapaniwala.
"Kalaban sila?? Pero member sila ng gang namin sa America." - Dane
Dahil sa sinabi niya... Nacurious ako sa tintignan nila.
"Patingin ako." - ako
Inabot nila sa akin ung folder. Nakitingin din sa akin si Vince.
"Bloody Death Gang. Bagong grupo sila... Ang gang na nanguna na sila sa rank, pagkatapos nilang matalo ang Dark Royalties." - Kuya Bryan
Napatingib kami kila Xander na alam kong nakikinig sila sa usapan namin.
"Member sila ng Black Serpent Organization. Kaya asahan niyo na hindi lang sila basta basta." - Kuya Bryan
"Nagkalat na talaga ang mga manloloko. Kaya ang hirap magtiwala eh!" - ako
Binaba ko yung folder.
"May pinaghuhugutan?" - Dane
"Wala." - ako
"Kain muna kuya. Enjoy your meal." - Kuya Jake
Nilapag niya ung dala niyang pagkain sa harap ko. Tinignan ko ung iba... Binigyan na din sila ng mga waiter dito.
"Thanks." - ako
Nag umpisa na ako kumain.
"Kamusta na pala kayo ni Josh?" - Kuya Clyde
"Ako okay lang... Siya hindi." - ako
"What do you mean?" - Kuya Bryan
"Niloko siya ng gf niya. Member pala ng BSO si Bea." - ako
"I see. Karma na niya yun. Ngayon alam na niya ung pakiramdam ng lokohin." - Kuya Bryan
"Single na siya ngayon. Paano kung ligawan ka niya ulit?" - Kuya Clyde
"Oo nga Ria? Paano kung ligawan ka niya?" - Dane
"Hindi na ako magpapaloko sa kanya. Tama na ung isang beses." - ako
"Good pero mas maganda na ung sigurado. Patrick ikaw ng bahalang magbantay kay Josh. Kapag pinormahan niya si Ria, isumbong mo agad sa amin." - Kuya Bryan
"Don't worry... Akong bahala sa kanya kuya. Nalusutan lang ako ni Josh noon pero hindi na ngayon." - Patrick
"Nalusutan ka niya kasi busy ka sa din sa panloloko sa--." - ako
Sinubuan niya ako bigla.
"Ria, kain ka pa. Masarap yan." pagbabago niya ng usapan. "Ito pa." Sinubuan niya ako ng sinubuan hanggang sa mabulunan ako.
"*cough.cough.cough* Tubig!" - ako
Inabutan agad ako ni Dane.
"Balak mo ba ako patayin? *death glare*" - ako
"Sorry. Hehehe." - Patrick
Nagpiece sign sa akin. Inirapan ko lang siya at saka tinuloy ung pagkain.
*****************************
Xandra's POV
"Kuya, nasa harap na daw ng mall si Charles." sabi ni Kuya Clyde kay Kuya Bryan.
"Sino si Charles?" - Patrick
"Siya yung bagong member niyo. Susunduin ko lang siya." - Kuya Bryan
Lumabas na siya ng restaurant.
"Ria." - Kuya Dylan
"O?" - Aira
"Sabi mo sa amin magdadagdag ka pa ng member niyo. May nakita ka na ba?" - Kuya Dylan
"Wala pa. Bakit?" - Aira
"Sa school niyo... Marami doon na member sana ng silent killers pero lumipat tayo sa batangas kaya hindi na sila nakasama. Gusto namin na hanapin mo sila. Magpatulong ka kay Patrick. Alam niya kung sino ung mga tinutukoy ko." - Kuya Dylan
"Hindi ko maintindihan kuya. Paano sila magiging member sana ng silent killer kung dito sila nag aaral?" - Aira
"Alam mo naman na dito tayo nakatira dati diba?" - Kuya Dylan
Dito pala sila dati nakatira? Ngayon ko lang nalaman un ah?
"Oo." - Aira
"Sa Rutherford Academy tayo nag aaral noong nandito pa tayo." - Kuya Dylan
Rutherford Academy ung para sa highschool at elementary. Rutherford University ung para sa mga college. Kahit magkaiba ng pangalan, iisa lang ung campus pero magkaiba kami ng gate na pinapasukan. Tapos ung naghihiwalay lang sa dalawang school na un ung mga building na nakatayo.
"Galing kayo sa RA pero bakit hindi namin kayo nakikita doon?" - Allen
Agree ako sa kanya. Bakit hindi namin sila nakilala dati pa?
"Kaklase ko dati si Drei doon." - Kuya Dylan
"Totoo ba yun kuya?" gulat na tanong ko.
"Yes. Kaklase ko si Dylan simula kinder hanggang grade six. Nakilala ko na din dati pa ung mga kapatid niya except kay Aira. Hindi ko din siya nakikita noon." - Kuya Drei
"Ikaw Prince?" tanong ko kay Prince. Sa aming magkakapatid siya ang maraming alam.
"Familiar lang sila sa akin pero hindi ko sila kilala. Kung hindi ako nagkakamali taga kabilang section lang sila noon." - Prince
Kabilang section? Nasa section 1 kami... Ibig sabihin nasa section 2 sila? Magkatabi lang naman room namin ah. Imposibleng hindi namin sila makita. Baka nakita ko na sila hindi ko lang matandaan?
"Nasa section 2 kami. Hindi niyo lang siguro kami napapansin kasi madalas nakatambay lang kami sa loob ng room kahit recess. Kung nasa labas naman kami... Lagi lang kami nakatambay sa lugar na hindi matao." - Patrick
"Sila Luke? Doon rin ba sila dati?" - Shyne
"No. Kami lang magkakapatid ang galing doon saka si Patrick." - Kuya Dylan
Parang may kulang sa sinabi niya.
"Si Kuya Mike?" - ako
"Sa Batangas na talaga si Kith." - Ate Queen
Hindi ko pa rin magets. Magkapatid sila Patrick pero bakit hindi sila magkasama?
"Alam ko na yang iniisip mo. Bakit ako nahiwalay sa kanila? 8 months old pa lang ako nung namatay si Mama. Kaya ang mga magulang nila Ria yung nag alaga sa akin. Si kuya naman naiwan kay Papa para kahit papaano may kasama siya sa Batangas." - Patrick
Nakakalungkot pala ung nangyari kay Patrick. Bata pa lang siya nung namatay mama niya.
"Ria, okay ka lang? Sumasakit ba ulo mo?" - Dane
Nakahawak sa ulo si Aira.
"CR lang ako." - Aira
"Nabigla yata ang utak niya sa sinabi mo." sabi ni Patrick nang makaalis na si Aira.
Nagshrug lang ng shoulder si Kuya Dylan. Hindi na sila ulit nag usap, hindi na rin lumabas sa CR si Aira hanggang sa dumating sila Kuya Bryan.
"Bakit ang tahimik niyo yata?" tanong niya. May kasama siyang isang magandang babae? O lalaki? Nakapanlalaki kasi siya pero ang ganda niya!
"Akala ko ba lalaki ung bagong member? Bakit babae yan?" - Vince
"Pffttt. Hahahahaha." tawa ng tatlong magkakapatid na Smith.
"Lalaki ako." nakasimangot na sabi ng kasama ni Kuya.
O.o - kami
"Lalaki ka?" sabay na sabi namin. Bahala na kayo mag isip kung sino ung mga kasama ko na ganyan ang sinabi.
Lalaki siya? Ang ganda naman niyang lalaki. Talo niya pa si Prince na kamukha ko.
*******************************
Alexa's POV
"Kung ganyan din naman pala kaganda yung lalaki na makikilala ko. Handa ako magpakababae. Hi I'm Dane." - Dane
"Charles. *smile*" - Charles
"Sorry. Hindi ko na kaya... Sa amin ka na lang sumali." - Shyne
Pinagkaguluhan nila si Charles. Napakamot na lang ng ulo si Kuya Bryan.
"Nasaan si Ria?" - Kuya Bryan.
"Sa CR. Kanina pa nga un hindi lumalabas." - Patrick
Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Kanina pa nga sa CR si Aira. Hindi kaya---
Tumayo ako para puntahan si Ria. Habang papalapit ako doon... lalong lumalakas ung nararamdaman kong negative energy. Kanina ko pa un nararamdaman simula nung dumating kami sa Manila Zoo.
"Ria?? Buksan mo yung pinto." kinatok ko ung pinto. Walang sumagot kaya naisipan kong humingi ng tulong.
"Patrick!" tawag ko kay Patrick siya kasi una kong nakita. "Si Ria na--" bago ko pa matapos ung sasabihin ko, tumakbo na siya papuntang CR. Sinubukan niya rin buksan ung pinto.
"RIA?? NARIRINIG MO BA AKO? BUKSAN MO ITO?" sigaw niya habang kumakatok.
May narinig kaming tunog na parang may nabasag sa loob.
"May problema ba?" - Kuya Jake
"Kuya may susi ba kayo nito? Nalock kasi." - Patrick
"Meron. Sandali lang. Kukunin ko." - Kuya Jake
"Bakit ka sumisigaw??" - Kuya Bryan
"Ayaw mabuksan ng pinto. Si Ria nasa loob ayaw sumagot." - Patrick
Kumatok din si Kuya Bryan tapoa tinawag si Ria pero wala rin sumagot.
"HOY RIA!! KAPAG HINDI KA SUMAGOT SISIRAIN KO ITONG PINTO!" - Kuya Bryan
"Wag naman! Kailangan ko pa ipagawa kapag nasira yan. Ito na ung susi." - Kuya Jake
Kumalma naman sa Kuya Bryan. Kinuha niya ung susi at saka binuksan ung pinto. Nawala na ung negative energy na naramdaman ko.
"WTF! Anong nangyari dito?" - Kuya Jake
Basag kasi ung salamin saka ung mga ilaw.
"Ria..." nakita ko siyang nakayuko sa sulok. May mga sugat ung braso niyo. Inangat niya yung ulo niya.
"Ikaw ba may magawa nito?" - Kuya Jake
Umiling lang si Ria.
"Eh Sino? Ikaw lang naman nandito." - Kuya Jake
"Kapag sinabi ko sayo baka hindi ka maniwala." - Ria
Tumayo na siya at tinignan ung sugat niya. Natalsikan siya siguro ng bubog kanina.
"Tara, gagamutin ko sugat mo." - ako
Hinila ko na siya palabas ng CR. Nanghiram ako ng first aid kit kay kuya Jake. Habang ginagamot ko ung braso niya nakatingin lang siya sa kawalan.
"Si Hazel ba may gawa niyan?" - Voltaire
Tumango si Ria.
"Mas aggressive na siya ngayon. Kailangan na natin siya mapigilan bago ka pa niya mapatay." - ako
"Paano?" - Ria
Tinignan ko si Voltaire.
"Kailangan ko tulong mo." - ako
***************************
Ria's POV
Habang tinitignan ko yung braso ko na balot sa bandage, bumalik sa alaala ko yung nangyari kanina.
*Flashback*
Nang sabihin ni kuya Dylan na sa Rutherford Academy ako nag aral dati, pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa dami ng pumapasok sa isip ko.
Naghilamos ako ng mukha at tumingin sa salamin.
"Sino ba talaga ako? Anong klaseng tao kaya ako noon?" - ako
Pinunasan ko na ang mukha ko, gamit ang panyo ko bago lumabas.
Bakit ayaw bumukas? Sira ba itong pinto?
Biglang nagpatay sindi ung ilaw. Naramdaman ko na may nakatingin sa akin. Dahan dahan ako lumingon sa salamin at doon nakita ko si Hazel.
Nag iba bigla yung itsura niya. Mas nakakatakot na ito ngayon. Mukha siyang Zombie. May dugong tumutulo mula sa kamay niya.
Nag umpisa ng manginig ang kamay ang paa ko. Palapit siya ng palapit sa akin. Naglakad ako pakanan para iwasan siya. Tumigil siya saglit at saka ngumiti ng parang demonyo.
*dug.dug.dug*
Binilisan ko ang paglayo sa kanya. Sa kakamadali ko hindi ko namalayan na basa pala yung sahig kaya nadulas ako.
"Aray! Bakit ba basa dito?" tinignan ko yung basa na naapakan ko. "D-dugo?" tinignan ko yung inuupan kong sahig. Nagkalat ang dugo.
Hindi totoo ito.
Pumikit ako at humiling na sana pagdilat ko back to normal na ang lahat.
Sana panaginip na lang ito.
"Ria?? Buksan mo yung pinto." rinig kong sabi ni Alexa mula sa pinto. Doon lang ako naglakas loob na dumilat.
Pagdilat ko wala na yung dugo pero nandoon pa rin si Hazel sa kung saan siya nakatayo kanina. Bumalik na dati ung itsura niya. At katulad dati ang sama ng tingin niya.
"RIA?? NARIRINIG MO BA AKO? BUKSAN MO ITO?" sigaw ni Patrick kasabay ng malakas na katok.
"Pat--" natigilan ako nang biglang humangin kasabay ng mabilis na pagpatay sindi ng ilaw hanggang sa sunod sunod nabasag ito. Nanlilisik ang mga mata ni Hazel habang nakatingin sa akin.
"AAAAAHHHHHHHHH!" sigaw niya
Biglang nabasag un salamin mga salamin. Yumuko ako at saka hinarang ung mga braso ko sa ulo ko para hindi ito matalsikan ng bubog.
Nang tumigil na siya sa pagsigaw, inalis ko na yung mga braso ko. Naglakad siya palapit sa akin, umatras naman ako. Ganun lang kami hanggang sa mapasandal ako sa pader. Napaupo ako dahil sa takot.
*EndOfFlashback*
"Kailangan mo ng jacket?" binaba ko yung kamay ko at tinignan ung nagsalita.
Isang magandang nilalang ang nakita ko sa tabi ko.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mukha niya.
Ang ganda niya.
"Hi! I'm Charles. Here!" inabot niya yung hawak niyang Jacket. "Para matakpan yung mga braso mo." nakangiting sabi niya.
"Salamat. *smile*" kinuha ko yung
Jacket at sinuot. Tama lang naman sa akin ung sukat ng jacket niya dahil hindi naman siya kalakihan. Kamuntik ko na nga siya mapakamalang babae.
"Bakit ang bait mo sa kanya?" kunot noong tanong ni Vince.
"Oo nga." sabi naman ni Patrick habang nakatingin ng masama kay Charles.
"Kasi mabait siya." - ako
"Mabait naman ako ah?! Pero lagi mo pa rin ako sinusingitan." - Patrick
"Maganda siya." - ako
"Gwapo ako." - Vince
"Gusto ko siya." sabi ko sa kanila dahilan para matahimik ung dalawa. Pati yung iba napatingin sa amin. Halata sa mukha nila yung gulat. Bihira lang kasi ako may magustuhan at kadalasan matagal bago ko magustuhan. Lalo na kapag lalaki.
"...maging kaibigan." dugtong ko sabay ngiti.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top