CHAPTER 21: A DATE WITH THEM

CHAPTER 21: A DATE WITH THEM

Alexa's POV

"Ano? Tara na?" tanong ni kuya.

"Hindi ba kami nakakaabala sa inyo? Lalo na sa mga kaibigan niyo??" tanong ko sa kanya.

*Flashback*

"Mommy! Mommy!" tawag sa akin ni Andrea habang hinihila ung damit ko.

"Yes baby?" umupo ako para maging kapantay ko siya.

"Mommy, pasyal po tayo." sabi niya sa akin.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko sa kanya.

"Manila Zoo! Gusto ko po ulit makakita ng monkey! Saka elephant!" sabi ni Andrea.

"Masyadong malayo yun baby. Dito na lang tayo." pagdadahilan ko. Ayaw ko kasi na lumalabas kami baka makidnap nanaman siya o kahit anong masamang mangyari sa kanya.

Lumungkot bigla ang mukha ni Andrea. Pumunta siya sa tabi ni Voltaire at doon nagmukmok.

Palagi niyang ginagawa yan kapag hindi ako pumapayag sa gusto niya, tapos makikita siya ni Kith kaya kukulitin niya ako hanggang sa mapapayag niya ako.

*sigh* Namimiss ko na si Kith.

"Pumayag ka na. Baka magtampo yan sayo. Minsan lang naman siya magyayang lumabas." sabi sa akin ni Kuya King habang nakatingin kay Andrea na binibigyan ngayon ng pagkain ni Voltaire. Umiiling lang si Andrea.

"Pero baka mapahamak nanaman siya. Dalawang beses na siya kamuntik mamatay. Nung una yung may bumaril kay Kith. Pangalawa ung nakidnap siya. Baka sa susunod mawala na talaga siya." nag aalalang sabi ko.

"Okay ganito na lang. Sasamahan ka namin. Babantayin namin si Andrea at sisiguraduhin namin na walang masamang mangyayari sa kanya o kahit sino man sa atin." sabi ni Kuya King sa akin. "Bukas sasamahan natin si Andrea sa Manila Zoo. Lahat sasama kaya icancel niyo na yung mga lakad niyo bukas." sabi niya kila Princess.

Pumayag naman silang lahat.

"Andrea wag ka ng malungkot. Pumayag na ung mommy ko. Pupunta daw tayo bukas sa Manila Zoo." - Princess

"Talaga po tita?" tumango si Princess. "Yehey! Tito Volt sama din po kayo ha?!" tuwang tuwang sabi ni Andrea.

"Yes baby." nakangiting sabi ni Voltaire. Niyakap siya ni Andrea na ikinagulat niya pero sa huli ngumiti na lang siya.

Sa tagal na nakasama ko siya... ngayon ko lang siya nakitang ngumiti.

"Ayos na. Wag ka ng mag aalala diyan. Kaming bahala sa inyo." - Kuya King

*End of Flashback*

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag sila agad na samahan kami sa Manila Zoo.

"Queen, Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kaibigan mo na din sila. Kaya itigil mo na yang kakaisip *sabay pitik sa noo ko* mo na nakakaabala ka sa amin." - Kuya King

Napahawak na ako sa noo ko na pinitik niya. Kailangan talaga may pitik? Hindi ba niya alam na masakit siyang pumitik.

"Mommy! Tito! Alis na po tayo." excited na sabi ni Andrea. Binuhat siya ni Kuya at nauna na silang lumabas.

*****************************

Ria's POV

"Saan ka pupunta?" tanong ni Dane nang makita niyang nakabihis ako.

"Sa Manila Zoo. Sasamahan namin si Andrea. Alam niyo na? Masyadong mainit sa mga mata ng kalaban si Andrea." - ako

"Wala tayong magagawa. Madumi silang makipaglaban. Pati bata dinadamay." - Dane

"Pero hindi dapat siya madamay. Sino sino kasama mo?" - Patrick

"Dark Royalties." - ako

"Pwede kaming sumama?" - Dane

"Bahala kayo." - ako

Niyaya ni Dane sila Patrick.

"Uy sama tayo! Ang boring dito sa bahay." - Dane

"Tinatamad ako. Ikaw na lang!" - Patrick

"KJ mo! Minsan na nga lang tayo makapunta sa manila Zoo. Saka hindi ka ba nag aalala sa pamangkin mo?" - Dane

"Anong Manila Zoo?" tanong ni Ate Ashley na kakadating lang galing photoshoot.

"Pupunta daw sila Ria sa Manila Zoo. Ipapasyal nila si Andrea." - Dane

"Sama tayo! Matagal ko ng gustong makapunta ulit doon. Saka namimiss ko na si Andrea." - Ate Ashley

"Paano ba yan Patrick? Gusto din ni Ate sumama. Sama ka na rin! Pati din kayong dalawa." pangungulit ni Dane sa tatlong lalaki at alam kong hindi siya titigil habang hindi sila pumapayag.

"Magpaalam muna kayo kay Kuya William." - Josh

"Kapag pumayag siya sasama kayo?" - Dane

"Kung ayos lang kay Ria na sumama ako. Sasama ako." - Josh

Tinignan nila ako.

"Bahala kayo kung gusto niyong sumama. Basta wag kayong gagawa ng gulo." - ako

"O? Ayos lang daw sa kanya." - Dane

"Nakausap ko na si Kuya. Payag daw siya basta wag daw tayo magpagagabi. Pagdating niya daw dapat nandito na tayo." - Ate Ashley

"Narinig niyo yun? Wala daw problema kay kuya William. Kaya sasama tayo! Magbihis na kayo! Dali!" - Dane

Pinagsisipa niya ung tatlo para magsikilos.

Tama bang isama ko sila? Baka sa halip na si Andrea lang babantayan ko... pati sila kailangan kong tignan dahil sa sobrang gulo nila.

*************************

Drei's POV

Pagdating namin sa Manila Zoo, nandoon na yung iba.

"Nasaan na yung iba?" tanong ko kila Prince.

"Papunta na daw." sagot ni Prince

"Sino sino na lang ba ang wala?" - ako

"Sila Voltaire, Keith, Zyrene, Nathan at Ellaine. Sila Allen, bumili lang ng pagkain saglit." - Prince

"Si Aira pa! Wala." - Princess

"Tito Volt!!" sigaw ni Andrea sabay salubong niya kay Voltaire. Hinawak siya sa ulo ni Voltaire.

"Bakit kaya gustong gusto ni Andrea kay Voltaire?" - Ralph

"Kahit ako, nagtataka din." - ako

Wala naman kasi sa ugali ni Voltaire ang pwedeng magustuhan ng bata. Siguro ung dating Voltaire, pwede pa.

"Wala pa rin si Keith?" tanong ni Allen habang kumakain.

"Bakit mo ko hinahanap? Namiss mo ko no?" pang aasar sa kanya ni Keith na saktong kakadating lang.

"@$#!" - Allen

Minura niya si Keith kaya ayun nakatakim siya ng batok sa akin.

"Bunganga mo! May bata oh!" - ako

"Sorry! Hehe." - Allen

"Brad, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Zyrille kay Aira.

"Hinintay ko pa sila Pat--" hindi niya natapos ung sasabihin niya nang may tumawag sa kanya.

"Waaaahhh!! Ria!! Bakit mo kami iniwanan?" nakasimangot na sabi ng isang babae na pamilyar sa akin.

"........" - Aira

"Ikaw?!" sabay na sabi namin nang magkatinginan kami. Kaya pala pamilyar ung mukha niya sa akin, siya ung babae sa bar.

"Magkakilala kayo?" - Aira

"No. Nakita ko lang siya doon sa bar na kinakantahan ko. Hindi nga pala ako nagpakilala sayo. Ashley nga pala." - Ashley

Nilahad niya ung kamay niya para makipagshakehand.

"Drei." sagot ko sa kanya sabay kuha ng kamay niya.

"~Is it too late now to say sorry?
'Cause I'm missing more than just your body, oh
Is it too late now to say sorry?
Yeah, I know-oh-oh, that I let you down
Is it too late to say I'm sorry now?" natingin kami doon sa kumakanta. Ang lakas kasi ng pagkakakanta niya. Palapit sila sa amin.

"Itigil mo nga yang kakakanga mo. Kanina ka pa sa sasakyan." inis na sabi ng kasama niya.

"Bakit ba Josh? Masama na bang kumanta ng sorry ni Justine Bieber?" sabi ni Dane sabay lapit kay Aira. Inakbayan niya ito at saka tinuloy ung pagkanta.

"~ I'm sorry yeah
Sorry yeah
Sorry
Yeah, I know that I let you down
Is it too late to say I'm sorry now?~" - Dane

"Dane tigilan mo na yan. Kapag nainis sayo si Ria, ewan ko na lang sayo." - Patrick

"Fine! Titigil na!" natatawang sabi ni Dane.

"Tito Patrick!" - Andrea

Niyakap siya ni Andrea sa binti.

"My little angel, namiss mo ba ang tito mo? Kiss mo nga ako." binuhat ni Patrick si Andrea.

Kiniss siya sa pisngi ni Andrea.

"Ako baby? Walang kiss?" - Dane

Bumaba si Andrea sa pagkakabuhat ni Patrick. Lumapit siya kay Dane para ikiss din sa pisngi.

"Ate, okay lang bang sumama kami sa lakad niyo?" - Patrick

"Okay lang. Mukhang tuwang tuwa si Andrea na nandito kayo. " - Queen

Close nga talaga si Queen sa Silent Killer. Sabagay mas nakasama niya ung grupo ni Mike kaysa sa grupo namin.

"Bakit hindi ka nakangiti? *frown*" tinignan ko si Ashley. Nakatingin siya sa akin habang nakasimangot. "Diba sabi ko kapag nagkita tayo ulit dapat nakangiti ka na!" lintanya niya pa.

Bakit ba ako pinapakialaman? Ano naman sa kanya kung hindi ako nakangiti? Hindi naman big deal yun.

"*chuckle* Ate hayaan mo na yan si kuya. Brokenhearted kasi kaya ganyan." - Queen

"Ganun ba? Kaya pala! Kung ako sayo... magpakasaya ka na lang! Ipakita mo sa kanya na wala lang sayo ung nangyari." - Ashley

"Kung makaadvice ka naman diyan... parang naranasan mo ng mabrokenhearted. Hindi ganung kadali ung sinasabi mo." - Vince

"Naks naman Vince! May pinahuhugutan?" - Dane

"Ang hard mo talaga sa akin Vince. Palibhasa isa ka ding nakasimangot!" - Ashley

"Ria, ipakilala mo na lang nga ako sa mga kaibigan m--Ay! Oo nga pala! Ikaw na lang Alexa. Pwede mo ba ako ipakilala sa mga kasama mo?" - Ashley

Nanlaki ung mata ni Queen. Tinignan ako ni Queen na ikaw-na-lang-look.

"Naalala ko na! Ikaw yung sikat na model diba?" - Keith

"Model oo. Pero sikat? Ako?" - Ashley

Model siya?

"Sikat ka kaya! Crush nga kita. By the way, I'm Keith." - Keith

"Thanks Keith. I'm Ashley." - Ashley

Nagshakehands sila.

"I know. *wink*" sabi ni Keith na hanggang ngayon nakahawak pa rin sa kamay ni Ashley.

"Tama na yang galawan mo Keith! Kami naman! Hi Ashley. Lance nga pala. Ang pinakagwapo sa kanila. " - Lance

Tinawanan lang siya ni Ashley. Nagpakilala na din sa kanya yung iba. Salamat kay Keith inumpisahan niyang magpakilala. Wala din kasi ako balak ipakilala sila kay Ashley, dahil una sa lahat hindi naman kami close.

Mabilis niyang nagkasundo sila Ralph. Pareho kasi silang madaldal kaya ayun close na agad sila.

"Ayan na sila Nathan. Pasok na tayo!" - Allen

"Wait, sino sila?" - Ashley

"Ay oo nga pala! Hindi mo pa sila kilala. Nathan! Zyrene! Ellaine! Si Ashley nga pala." - Allen

Lumapit sa kanila sila Nathan sa pangunguna ni Zyrene.

"Hi! Model ka right?" - Zyrene

"Yes. Paano mo nalaman?" - Ashley

"Ashley Collins? Idol po kita. Palagi po ako bumibili ng magazine na ikaw ung cover." - Zyrene

"Really? Thanks..." - Ashley

"Sorry. Nakalimutan ko magpakilala. Zyrene po." - Zyrene

"Thanks Zyrene. Wag mo na akong i-po. Nakakatanda masyado." - Ashley

Tinignan niya si Ellaine.

"Kung siya si Zyrene. Ikaw na siguro ung tinawag ni Allen na Ellaine? Tapos siya si Nathan?" - Ashley

Tumango si Ellaine at ngumiti.

"I think... mas maganda ka kapag walang salamin. Try mong gumamit ng contact lens." - Ashley

"*chuckle* Ilang beses na namin yan sinabi sa kanya pero ayaw niya." - Zyrene

"Bakit naman ayaw mo?" - Ashley

"Mas gusto ko na ganito para hindi pansinin." - Ellaine

"You know what? Binigyan mo ko ng Idea. Ria, daan tayo mamaya sa mall. Bibili ako ng salamin pangdisguise ." - Ashley

"Pasok na tayo." pagyaya ko sa kanila. Kanina pa kasi sila nag uusap. Baka mamaya makalimutan nila ung pinunta namin dito.

*******************************

Alexa's POV

Pagpasok namin sa loob hinila agad ni Andrea si Voltaire.

OO! Si Voltaire! Hindi ako, hindi si kuya. Ano bang meron kay Voltaire na wala sa iba? Bakit sa dinamidami nang magustuhan niya, siya pa? Pwede naman si Ralph? O si Allen?

"Wait lang baby!" hinabol ko sila. Hinawakan ko sa kabilang kamay si Andrea. Si Andrea naman hawak hawak si Voltaire. Ayaw niya yata talaga mahiwalay kay Voltaire.

"Baby, wag kang lalayo sa akin." sabi ko kay Andrea. Nilingon ko si Voltaire. "Pasensya na. Baka nakukulitan ka na kay Andrea." sabi ko sa kanya.

"Okay lang." - Voltaire

"Mommy! Tito! Doon po tayo sa elephant!" - Andrea

Nagpunta kami doon sa elephant. Naabutan namin na pinapakain ito.

"Kuya, pwede din ba akong magpakain?" tanong ni Dane.

"Pwede. Ito subukan mo." inabutan siya ng damo ni kuyang nagpapakain ng elepante.

"Ako din patry." - Allen

"Mommy!" - Andrea

Tinuro niya yung damo.

"Gusto mo din magpakain ng elepante?" - ako

Nagnod si Andrea.

"Kuya pahingi din po ng damo." - ako


Pagkabigay nung damo... bubuhatin ko na sana si Andrea para maabot niya yung elepante nang pigilan ako ni Voltaire.

"Ako na!" - Voltaire

Binuhat niya si Andrea. Lumapit kami doon sa elepante at pinahawak ko kay Andrea ung damo pero hindi ko binitawan ung kamay niya para tulungan siya mag abot ng pagkain doon sa elepante. Kinuha nung elepante ung damo tapos sinubo niya.

"Hihihi!" - Andrea

*flash*

Sabay kami napatingin kay Ralph nang kuhaan niya kami ng picture.

"Pinicturan mo kami? Patingin ako." - ako

Ningisian niya si Voltaire habang inaabot sa akin ung camera.

Bakit kaya?

Pagtingin ko ng picture... nanlaki ang mata ko.

*dug.dug.dug*



Tinignan ko si Voltaire pero umiwas lang siya ng tingin. Binalik ko ung tingin ko sa picture namin.

Nakangiti kami ni Andrea habang nakatingin doon sa elepante. Si Voltaire naman nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Congrats! Marunong ka na ulit ngumiti." biro ni Ralph kay Voltaire sabay tapik sa balikat nito.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top