CHAPTER 2: ENGAGEMENT RING
CHAPTER 2: ENGAGEMENT RING
Drei's POV
"King, buti nandito ka na. Si Queen kasi..." - Tito
"Ano po nangyari kay Queen?" - ako
"Kanina pa siya nasa loob ng morgue. Ayaw niyang lumabas. Hindi naman kami makalapit sa kanya kasi nagwawala siya kapag nakikita niya kaming lumalapit." - tito
"Sige, ako na pong bahala sa kanya. Pahingi na lang po ako ng pampatulog." - ako
"Sandali lang... oh!" inabot niya sa akin ung injection na may lamang pampatulog.
"Salamat po tito. Pasensya na din po sa abala." - ako
Binulsa ko ung binigay niya. Pagpasok ko sa morgue, naabutan ko si Queen na nakaupo sa isang sulok. Tinignan niya ako.
"Papalabasin mo din ba ako kuya?" - Queen
Tumayo siya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Inaabangan niya siguro ung sunod kong gagawin.
Tumingin ako sa paligid. Gulo gulo na ung mga bangkay. Tinignan ko ung bangkay na nasa gilid niya.
Si Mike.
"Queen, tara na sa labas." - ako
Naglakad ako palapit sa kanya. Agad naman siya umatras kahit na ang layo ko pa sa kanya.
"Dito lang ako kuya. Hindi ko iiwan si Kith." - Queen
"Balikan mo na lang siya bukas. Kailangan mo ng magpahinga." - ako
Sinubukan ko ulit lumapit sa kanya pero lumayo naman siya agad.
"Hindi kuya. Dito lang ako. Iwan mo na ako." - Queen
"Hindi ako aalis dito hanggang hindi kita kasama." - ako
"........" - Queen
Tinignan niya lang ako. Bumuntong hininga ako.
Mukhang wala akong choice kundi gawin un sa kanya.
Tumakbo ako palapit sa kanya. Nanlaki pa ang mata niya bago siya tumakbo para iwasan ako. Nagpaikot ikot kami sa loob ng morgue. Minsan tinutulak pa niya ung bangkay para lang makalayo sa akin.
Hindi ba siya natatakot na multuhin ng mga bangkay na pinagtutulak niya? Sabagay... bakit nga naman siya matatakot? nakikipag usap nga siya sa multo.
Naghabulan kami sa loob ng morgue hanggang sa mahawakan ko siya sa kamay.
"Bitawan mo ko kuya! Hindi ako lalabas dito. Dito lang ako sa tabi ni Kith. Hindi ko siya iiwan." - Queen
Pilit niyang tinatangal ung kamay ko na nakahawak sa braso niya.
"Queen, wag matigas ang ulo." - ako
"Bitawan mo ko kuya! Bitawan mo ko. Hindi ako aalis dito." - Queen
"ANO BA QUEEN?! TUMIGIL KA NA!" - ako
Natigilan siya sa pagsigaw ko. Tinignan ko siya. Naluluha na siya.
"Kahit na matulog ka pa dito... wala ka ng magagawa. Patay na si Mike! Kahit bantayan mo pa yang katawan niya. Hindi na yan babangon. Hindi na yan gigising! Wala na siya Queen! Wala na!" - ako
Humagulgol siya bigla ng iyak. Agad ko siyang niyakap.
"Bakit ganun kuya? Bakit niya ako iniwan? Bakit? Ako na lang sana ung nabaril. Ako na lang sana ung namatay." - Queen
"Ssshhh! Wag mong sabihin yan." - ako
Pasimple kong kinuha sa bulsa ko ung injection at saka ito tinurok sa kanya. Unti-unting lumuwag ung pagkakayakap niya sa akin. Binuhat ko siya at saka lumabas sa morgue.
**************************
Xander's POV
Pagdating namin sa ospital ni Tito, agad kong napansin ung sasakyan na nakapark sa tabi ng pinarkihan ko.
"Una ka na sa loob. May kakausapin lang ako." sabi ko kay Princess, pagkalabas namin sa sasakyan.
"Sige." - Princess
Pagkaalis niya, lumapit ako sa sasakyan na napansin ko. Nakita ko si Aira na natutulog yata.
*tok.tok.tok*
Kinatok ko ung bintana ng pinto sa passenger seat. Dumilat si Aira. Kinusot pa niya ung mata niya bago tumingin sa akin. Binuksan niya ung pinto.
"Kanina ka pa diyan?" - Aira
Pumasok muna ako sa loob bago sumagot.
"Hindi." - ako
Tinignan ko ung mata niya. Halatang kakagaling lang niya sa pag iyak.
"Bakit nga pala?" - Aira
"May itatanong sana ako sayo, pero mukhang hindi ito ang tamang panahon para itanong sayo. Sa susunod ko na lang siguro." - ako
"........" - Aira
Tumingin lang siya sa harap na halatang wala siyang sa mood makipag usap.
Napatingin ako sa inuupuan ko nang may mahawakan ako doon. Tinignan ko kung ano ko un. Isang papel na lukot lukot may nakasulat doon pero hindi ko mabasa kaya binuklat ko un.
RIA? Yun ung tawag nila kay Aira ah!
Tinignan ko ung likod ng papel at may nakasulat. Binasa ko ito.
"Time is running. If you will not find me, someone will die." - ako
"Akin na yan!" - Aira
Aagawin niya sana sa akin ung papel pero nilagay ko agad ito sa bulsa ko.
"Sino si BAL?" - ako
"Wala! Akin na ung papel." - Aira
Pilit niyang hinihil ung kamay ko na nasa bulsa.
"May kinalaman ba ung sulat sa pagkamatay ni kuya Mike?" - ako
Natigilan siya tanong ko.
"W-wala." - Aira
Umayos siya ng upo at saka yumuko.
"Ano ibig sabihin ng nasa sulat?" - ako
"Pasok na tayo sa loob. Baka kanina pa nila tayo hinihintay." - Aira
Hinila ko ung kamay niya bago niya mabuksan ung pinto.
"Hindi tayo lalabas dito hanggang hindi mo sinasabi sa akin ung totoo." hinarap ko siya sa akin. Yumuko naman siya agad. "Bakit ba ayaw mo kong tignan?" tanong ko sa kanya.
"......." - Aira
Nakayuko lang siya.
"Tumingin ka nga sa akin." - ako
Hinawakan ko siya pisngi at saka ko inangat ung ulo niya.
O.o - Aira
"May kinalaman ba yung sulat sa pagkamatay ni Kuya Mike?" - ako
Matagal niya akong tinitigan bago magsalita.
"Alisin mo nga ung kamay mo sa mukha ko." - Aira
Tinanggal niya ung kamay ko. Tinignan niya ako ng masama.
"Wag na wag mo kong hahawakan sa mukha. Kinikilabutan ako." - Aira
"Okay?" - ako
Tinaas ko ung dalawa kong kamay.
"Sasagutin mo na ba ung tanong ko?" - ako
"*sigh* Oo na." - Aira
Kinuwento niya sa akin kung paano niya nakuha yung sulat kanina. Sinabi niya din na pangalawang beses na din siya nakatangap ng ganung sulat.
"Nung una... hindi ko pinansin ung sulat. Pero pagkatapos ng nangyari kay Kuya Mike, oras na siguro para seryosohin ko un." - Aira
"Anong balak mo?" - ako
"Hahanapin ko si BAL at yung taong bumaril kay Kuya Mike." - Aira
"Tulungan na kita." - ako
"Hindi na. Baka madamay ka pa. Tara na! Puntahan na natin si Alexa." - Aira
*********************************
Aira/Ria's POV
"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay." - Kuya Dylan
"Akala ko ba may kukunin ka lang? Bakit ang tagal mo?" - Kuya Clyde
"Nakatulog ako sa sasakyan. Si Kuya Bryan?" - ako
"Kanina pa umalis. Paalis na din kami." - Kuya Clyde
"Sige, ingat." - ako
"Sige." - Kuya Clyde
"Pinapasabi nga pala ni Kuya na pumunta ka daw sa HQ bukas." - Kuya Dylan
Tumango naman ako.
*********************************
Xandra's POV
Tahimik lang kami ni Kuya King na nakatingin kay Ate Queen.
Magiging maayos lang kaya siya?
Bumukas ung pinto at pumasok mula doon sila Prince at Aira. Tahimik na umupo sa tabi ko si Aira.
"Pwede ba tayo mag usap?" - Aira
Tinignan niya kami. Binuhat ni kuya King ung upuan niya at lumupit sa amin. Si Prince umupo na din sa tabi ni Aira.
May kinuha si Aira sa bulsa niya at pinapakita sa amin. Isang maliit na lalagyan.
"Singsing ba yan?" - ako
Tumango naman si Aira.
"Kanino yan?" - Kuya King
"Kay Kuya Mike. Engagement ring para kay..." - Aira
Tumingin siya kay Ate Queen.
"Queen." - Kuya King
Kinuha ni Prince ung lalagyan. Binuksan niya ito at bumungad sa amin ang isang napagandang singsing.
"Ang ganda." - ako
"Bakit nasayo yan?" - Kuya King
"Pinakuha niya yan sa akin doon sa pinagbilihan niya. Ibibigay ko dapat sa kanya yan kanina sa park. Tapos..." - Aira
"Tapos?" - ako
"Aalis siya para paghandaan ung surprise dinner date niya. Habang naghahanda siya, pinakiusapan niya ako na samahan muna sila Queen. Itetext na lang niya ako kung dadalhin ko na doon si Qeen. Doon sa dinner date sana siya magpoproposed." - Aira
*sob.sob.sob*
Nagkatinginan kami at sabay sabay na napatingin kay Ate Queen. Nakahiga pa rin siya. Yung higa niya nakatagilid.
*sob.sob.sob*
"Narinig niya kaya?" bulong ko kay Prince.
Lumapit si Kuya King kay Ate Queen.
"Queen." - Kuya King
*sob.sob.sob*
Lumapit na din kami sa kanila.
Binaba ni Kuya King ung kumot na nakakatakip sa mukha ni Ate.
*********************************
Alexa's POV
Hindi ko mapigilang umiyak pagkatapos ko marinig ung sinabi ni Ria.
*sob.sob.sob*
Umupo si Kuya sa gilid ng hinihigaan ko. Hinawakan niya ako sa balikat.
"Queen, nandito lang kami." - Kuya King
Umupo ako para mayakap siya at tahimik na umiyak.
*sob.sob.sob*
Walang ni isa ang nagsalita sa kanila hanggang sa tumigil na ako sa pag iyak. Humiwalay ako sa pagkakayakap. Pinunasan ko ung luha ko.
"Pwede ko ba makita ung singsing?" tanong ko kay Prince. Tumingin muna siya saglit kay Kuya. Tumango naman si Kuya King kaya binigay na niya sa akin.
Binuksan ko ung lalagyan. Naiyak nanaman ako nang makita ko ung singsing. Nanginginig na sinuot ko ito sa daliri ko.
Napangiti ako nang makitang sakto lang sa daliri ko ung singsing. Pero agad din nawala ang ngiti ko nang maalalang wala na ang taong maglalagay nito sa akin.
****************************
Patrick's POV
~USA
I'm Patrick Blake Scott at 18 years na akong nabubuhay sa mundo.
*ring.ring.ring*
"Hello Dad" - ako
[Patrick, umuwi ka na dito. Ang kuya mo...] - Dad
"Bakit po? Ano po nangyari kay kuya?" - ako
[*sigh* Patay na ang kuya mo. Patrick, wala na ang kuya mo.] - Dad
"Po? Wala na si kuya?" napatingin ako kay Dane na natigilan sa pagkain. "Sige dad. Magpapabook na ako ng flight. Uuwi ako diyan sa Pilipinas." sabi ko kay Dad. Nanlaki ang mata ni Dane.
[Wag na. Ipapadala ko lang diyan ung private plane natin.] - Dad
"Sige po Dad." - ako
*end of called*
"Uuwi ka na ng Pilipinas? Akala ko ba sa Monday pa balik natin?" - Dane
"Kailangan ako ni Dad. Ikaw na bahalang kumuha ng mga papers ko bukas. Sige, alis na ako. Bye!" - Patrick
"Wait lang! Hoy Patrick! Langhiya! Inutusan pa ako." - Dane
Pagdating ko sa bahay, naghanda agad ako para sa pag alis ko.
Matagal tagal ko na ding hindi nakikita ang Pilipinas. 4 years ago nung pumunta ako dito at hanggang ngayon hindi pa ako bumabalik sa Pilipinas. Dito na rin kasi ako nag aral.
Next week pa dapat ang balik namin ni Dane sa Pilipinas. Inaayos pa kasi namin yung mga papers namin para sa paglipat namin ng school sa Pilipinas.
**************************
Drei's POV
"Alis na ako." paalam sa amin ni Aira. Pagkalabas niya, pumasok naman si Tito.
"Nakausap ko na ang Mom niyo. Bukas pa daw sila makakauwi galing Singapore. Kayo muna daw bahala kay Queen." - Tito
Tinignan niya si Queen na natutulog.
"Sige po. Salamat." - ako
"Wag niyo din pala muna palalapitin si Andrea sa mama niya. Baka kasi saktan ulit ni Queen." - Tito
Natigilan ung kambal sa pakikipaglaro kay Andrea.
"Bakit po tito? Sinaktan po ba siya ni Ate?" - Prince
"Kanina kasi... tinutulak niya palayo si Andrea sa kanya. Sinisisi niya kasi ito sa pagkamatay ni Mike." - Tito
"....." - kami
Hindi ko akalain na magagawa un ni Queen.
"Kukunin na pala ni Mr. Scott ung bangkay ni Kith. Sa bahay daw nila ibuburol. Pakisabi na lang kay Queen." - Tito
"Sige po tito. Ako ng magsasabi kay Queen mamaya." - ako
"Sige, labas na ako. Marami pa akong pasyente." - Tito
Tumango naman kami.
Anong gagawin namin?
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top