CHAPTER 18: SINUSUNDAN
CHAPTER 18: SINUSUNDAN
Alexa's POV
"Magpunas ka... baka magkasakit ka." sabi ko kay Voltaire habang inaabot ung tuwalya. "Kuya, mamaya ka na matulog, magpalit ka muna na ng damit." sabi ko kay kuya na nakahiga na sa sofa. "Ano nga pala password ng condo mo. Ikukuha ko kayo ng pampalit." tanong ko sa kanya.
"072612" sagot ni kuya habang bumabangon.
"Ipagtitimpla muna kita ng gabi para magising ka. Baka bigla ka diyan makatulog. Ikaw Voltaire? Gusto mo ng kape?" - ako
"No thanks." - Voltaire
Pinatay ko na ung pinakuluan kong tubig at nagtimpla ng kape. Pagkaabot ko kape kay kuya nagpaalam na ako na pupunta sa kanyang condo.
"Punta na akong condo mo. Bakit kasi dito kayo dumiretso?" - ako
"Tsk. Ayoko makita condo ko." sabi ni Kuya. Medyo nawawala na yata ung kalasingan niya, dahil sa kape. Hindi naman siya gaano kalasing.
"Bakit?" - ako
"Wag ng maraming tanong. Dito muna ako. Kaya ikuha mo ko ng maraming pangpalit. May maleta doon sa taas ng cabinet ko. Magpatulong ka kay Voltaire." - Kuya King
"Kahit hindi mo sabihin. Sa tingin ko alam ko na." natatawang sabi kp sa kanya.
"Tsk." - Kuya King
"Okay lang bang magpatulong sayo?" tanong ko kay Voltaire.
"Okay." - Voltaire
"Salamat. *smile*" - ako
Sumakay kami ng elevator. Tahimik lang siya simula nung umalis kami sa condo hanggang ngayon. Hindi ko naman alam kung paano ko siya kakausapin.
Biglang namatay ung ilaw ng elevator kasabay ng pagtigil nito. Napakapit tuloy ako kay Voltaire dahil sa gulat.
"Sorry." sabi ko sa kanya at agad bumitaw. "Nagbrown out pa yata." dugtong ko.
"..........." - Voltaire
Binuksan niya ung flashlight ng phone niya para magbigay liwanag sa amin.
******************************
Zyrille's POV
"Saan ka pupunta?" tanong ni kuya nang makita akong palabas ng bahay.
"Magpapaload lang." - ako
"Gabi na at saka naulan." - Kuya Jazzer
"Diyan lang naman sa may kanto. Saka may payong naman ako." - ako
"Bilisan mo lang ha?!" - Kuya Jazzer
"Opo." - ako
Lumabas na ako ng bahay at habang naglalakad ako hindi ko maiwasang matakot. Ang dilim kasi tapos feeling ko may multo.
Binilisan ko ang lakad. Pagkadating ko sa tindahan nagpaload agad ako at nagmadaling umalis.
Napatingin ako sa bigla sa isang lalaki na nakatayo lang sa gilid. Nakatalikod siya sa akin at wala siyang payong.
Ano kaya trip niya? Bakit siya nagpapaulan?
At dahil isa akong concern citizen, lumapit ako sakanya para tanungin kung bakit siya nagpapaulan.
"Mister... bakit po kayo nagpapaulan?" - ako
Hindi siya sumagot. Baka akala niya ibang tao ang kausap ko.
"Mister, gusto niyo po bang pahiramin ko kayo ng payong? Malapit na naman bahay namin." - ako
At dahil hindi niya pa rin ako pinansin, naisipan kong kalabitin siya.
"Oh my gash!" gulat na sabi ko nang tumagos ang kamay ko sa kanya.
Tumagos ang kamay ko sa kanya. Ibig sabihin hindi siya tao. Isa siyang....
Dahan dahan siyang humarap sa akin.
Σ(O_O;)
Nabitawan ko yung payong ko.
"Yes?" - siya
"AHHHHHHHHH!!!!!" sigaw ko. Mabilis akong tumakbo pauwi. Wala na akong pakialam kung mabasa ako ng ulan.
Yung lalaking nagpapaulan at yung multo sa CR ay iiSa!! Waaahhh!! Sinusundan niya ba ako? (*>.<*)
Pagkadating ko sa bahay gulat na tinignan ako ni kuya.
"Anyare sayo?" - Kuya Jazzer
"Kuya.. huh.. huh.. may multo..." hinihingal na sabi ko sa kanya.
"Huh? Teka! Ikukuha kita ng tubig." tumakbo siya papuntang kusina.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Oh! Inom ka muna." inabutan ako ni kuya ng tubig. Ininom ko yun agad. Umupo muna ako at nag inhale exhale bago magsilita.
"WAAAHH!!! Kuya may nakita akong multo." sabi ko sa kanya habang inaalog siya.
"Wait! Nahi--" - Kuya Jazzer
"Anong gagawin ko kuya? Baka sundan niya ako dito." - ako
"Sandali nga la--" - Kuya Jazzer
"Tapos patayin. Waahhh!!!" - ako
Hawak hawak ko pa rin siya sa balikat habang inaalog.
"ANAK NG TINOLA! NAHIHILO NA AKO!" - Kuya Jazzer
Natigilan ako dahil sa sigaw ni kuya. Inalis niya ang kamay ko sa balikat niya at saka ako tinignan ng masama. Nagpeace sign ako sa kanya habang nakangiti.
"*sigh* Inood mo na lang yan. Patayin mo ung ilaw para kunwari na nasa sinehan tayo." - Kuya Jazzer
"Ano papanuorin natin?" - ako
"Harry Potter. " - Kuya Jazzer
"Sige. Gusto ko yan!" - ako
Pinatay ko yung ilaw at agad na bumalik sa tabi ni Kuya.
*******************************
Alexa's POV
"Ang tagal naman magkakuryente." reklamo ko. Kanina pa kasi kaming nakakulong dito sa elevator.
Kanina nabasa ko sa group message ni Ria na brown out daw. Kaya sa tingin ko ayun din ang dahilan kung bakit kami ngayon nandito.
Namatay bigla yung ilaw ng phone ni Voltaire.
"Lowbat na." - Voltaire
Tinignan ko phone ko.
"Malapit na din akong nalowbat." - ako
Nakaupo na kami pareho ni Voltaire sa sahig. Medyo malayo ang pagitan naming dalawa. Naiilang kasi ako sa kanya kaya medyo lumayo ako.
Tumingin ako sa pinto ng elevator. May naramdaman kasi akong spirit na nanggagaling sa labas ng elevator. Inilawan ko ito.
"Oh my god!" nabitawan ko ung phone ko dahil sa gulat. Bigla kasing may tumagos na spirit sa elevator. At hindi lang yun basta multo...
Yun ung multo na nanggugulo kay Ria at yung nakita namin sa ghost room.
May humawak bigla ng kamay ko.
Nilingon ko si Voltaire.
"Okay ka lang?" tanong niya habang hawak hawak ung kamay ko.
"O--okay lang ako." - ako
Lumapit siya sa akin. Bale magkadikit na kami ngayon.
"May nakikita ka ba?" - Voltaire
"Huh?" - ako
"Spirit." - Voltaire
"Bakit mo natanong?" - ako
"Yung reaction mo kasi kanina. Para kang nakakita ng multo." - Voltaire
"*sigh* Yung multo sa ghost room..." tinignan ko ulit ung babaeng multo. Nakatingin siya ng masama sa amin. "Nandito siya ngayon. Nakatingin ng masama sa akin." humigpit ung hawak sa akin ni Voltaire nang sabihin ko yun.
"Hazel..." bulong niya.
Nilingon siya nung spirit nang banggitin niya yun.
Hazel? Sino si hazel? Kilala niya ba ung spirit?
***************************
Zyrille's POV
"Anak ng pitopung puting tupa naman oh! Nasa climax na nga eh! Ayun na eh! Naglalaban na sila." reklamo ni kuya nang biglang namatay ung tv.
"Brown out yata?" - ako
"Wait! Ichecheck ko lang!" - Kuya Jazzer
*click*
"Brown out nga. Ayaw bumukas ng ilaw. Maghahanap lang ako ng kandila." paalam sa akin ni kuya. Naalala ko bigla na may flashlight sa kwarto ko.
"Kuya may flashlight ako sa kwarto. Kukunin ko lang." pumunta ako ng kwarto. Ginamit kong pang ilaw ung flashlight ng phone ko. Siyempre anong silbi ng flashlight nun kung hindi gagamitin. Pero dahil ayoko malowbat phone ko... Hahanapin ko na lang ung flashlight sa kwarto ko.
Habang naghahalungkat ako may humawak sa balikat ko.
"Wait lang kuya! Hinahanap ko pa." sabi ko sa kanya habang naghahalunglat pa rin. Hindi niya pa rin inaalis ung kamay niya sa balikat ko kaya hinayaan ko na lang.
"Ayun! Nakita ko na ku---" - ako
Σ(っ°Д °; )っ
"AAAAAAHHHHHHHHH!!!!" sigaw ko nang makitang hindi si kuya yung nakahawak sa balikat ko, kundi ung multo kanina. Tumakbo ako palabas ng kwarto nang biglang may nabunggo ako.
Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabungo ko.
"Janzen, okay ka lang? Bakit ka sumisigaw?" - Kuya Jazzer
Tinulungan niya akong makatayo. Siya kasi ung nakabungguan ko. Papasok siya sa kwarto ko tapos ako naman palabas kaya ayun! Sa sahig ang bagsak ko.
"Kuya... yung multo." nanginginig na sabi ko. Tinignan niya yung tinitignan ko.
"Aaaaahhhh!!! MAY MULTO!!! TAAKKKBOOOO!!!" sigaw niya at saka ako hinila patakbo. Pumunta kami sa kwarto niya. Nilock niya yung pinto na para bang hindi makakapasok ung multo. Sa pagkakaalam ko tumatagos ung multo sa kahit saan.
********************************
Alexa's POV
Nakahinga ako ng maluwag nang magkailaw na. Umandar na din ung elevator.
"Thanks God!" sabi ko. Pasimple kong hinila ung kamay ko kay Voltaire at nagpatay malisya.
"Tara na!" sabi ko sa kanya. Tuloy tuloy lang ako sa paglabas. Binalewala ko na lamang ung babaeng multo kahit na nakatingin pa rin siya ng masama sa amin.
Pagdating namin sa condo ni kuya King, dumiretso agad ako sa kwarto niya. Hinanap ko yung maleta na sinasabi niya sa taas ng cabinet. Nang makita ko, sinubukan kong abutin at kasamaang palad hindi kinaya ng height ko taas ng cabinet.
"Ako na." - Voltaire
Kinuha niya ng walang kahirap hirap ung maleta.
"Salamat. *smile*" - ako
"Tsk." - Voltaire
Tinalikuran niya ako bigla. Hindi ko na siya pinansin. Inumpisahan ko ng kumuha ng damit ni kuya.
After 30 minutes.. Napuno ko na ung maleta. Hindi na ako namili ng damit, basta kumuha na lang at nilagay sa maleta.
"Okay na. Balikan na natin si kuya." - ako
Tumango naman siya. Kinuha niya yung maleta at saka naunang umalis. Tahimik na sinundan ko siya. Pareho kaming hindi nagsalita hanggang sa makadating kami sa condo.
******************************
Someone's POV
Sa gitna ng napakalakas na ulan, nandito ako ngayon sa isang madilim na eskinita. Nag aabang sa bago kong bikitima.
Nakasuot ako ng itim na jacket. Naglagay ako ng face mask na may disenyong ngiti na abot tenga. Nakasuot din ako ng itim na gloves para masigurado na walang ebindensya na makukuha ang kapulisan.
May sasakyan na dumating at mula doon bumaba ang kanina ko pang inaabangan.
"Babe, sigurado ka bang dito ka na? Hatid na kita sa bahay niyo." sabi ng malanding lalaki na bf ng aking target.
Paano ko nasabing malandi? Malandi siya dahil pinagsasabay niya yung magbestfriend. Sa eskwelahan nila ang kasama niya ung bff ng target ko. Pero after class siya at ang target ko ang magkasama. Palihim silang nagkikita. Nalaman ko din na pera lang ang habol ng target ko ngayon sa lalaki. Yun ang dahilan kung bakit nilalandi niya ang bf ng bestfriend niya.
Paano ko nalaman lahat yan? Siyempre nag reresearch muna ako ng info tungkol sa target ko at saka ako magpaplano ng gagawin.
"Hindi na babe. Alam mo naman na bawal pa ako magbf. Baka makita ka nila mama saka malapit nanaman bahay namin." - target
"Okay. Mag iingat ka. I love you." - lalaki
"I love you too." - target
Naghalikan silang dalawa na parang walang bukas. Halos mabitawan na ni target ung payong niya habang nakikipaghalikan. Kulang na lang maghubad sila at gumawa ng milagro sa gitna ng ulan.
"Sige lang! Sulitin niyo na ang huling oras na magkasama kayo, dahil pagkatapos ng gabing ito sa impyerno na kayo muling magkikita. *evil laugh*" bulong ko habang kinukuhaan sila ng video. Balak ko kasing ipakita sa mga schoolmates nila kung gaano sila kawalanghiya.
"Bye Babe!" - lalaki
Sumakay na siya sa sasakyan niya at umalis. Tinago ko na ang phone ko na waterproof. Kahit mabasa hindi un nasisira, kaya ayos lang na gamitin ko un kahit umuulan.
Kinuha ko na ang panyo ko na may pampatulog at saka siya hinila nang malapit na siya sa pinagtataguan ko. Agad kong tinakpan yung bibig niya at pinaamoy ung panyo.
"Hmmmmpp..asfdjfkgl" - target
Sinubukan niya maglaban pero wala siyang nagawa dahil mas malakas ako sa kanya. Nang mawalan na siya ng malay, tinalian ko siya para wala ng takas kung sakaling magising siya. Pagkatapos hinila ko na siya papunta sa sasakyan na dala ko. Wala akong balak buhatin siya kaya bahala siyang magkasugat sugat dahil sa pagkaladkad ko. Umuulan naman kaya malilinis din ung dugo niya sa semento.
*chuckle* Madadagdagan nanaman ang koleksyon ko. Pagkatapos ng gabing ito... pagmamay ari ko na ang puso mo. *evil laugh*
****************************
Ashley's POV
Hi!! I'm Ashley Mae Collins, 21 years old. Isa akong model at siyempre hindi mawawala sa dugo ko ang pagiging agent.
"What? May bago nanaman siyang nabiktama? Sige, papunta na ako diyan." rinig kong sabi ni kuya William sa kausap niya sa cellphone.
"Kuya, may trabaho kahit nabagyo?" tanong ko sa kanya nang makita kong nagmamadali siyang pumunta ng kwarto niya. Kakagising ko lang nang marinig ko siyang may kausap sa phone.
"Emergency. Ikaw ng bahala sa mga alaga natin. Wala ka naman sigurong photoshoot ngayon?" sabi niya sa akin pagkalabas niya ng kwarto habang sinusuot ung jacket niya.
"Wala naman." - ako
"Good. Walang aalis ah! Suspende naman ung klase nung lima kaya dito na lang kayo sa bahay. Babalik din ako agad." - Kuya William
"Opo. Alis na! Para ka talagang tatay." - ako
Tinulak tulak ko siya papalabas ng bahay.
"Wag kayong magpapasok ng kung sino sino sa bahay. Ilock mo ung pinto." pahabol niya.
"Opo tay! Ilalock ko po ung pinto at hindi magpapasok sa bahay. Hindi din po kami aalis." pang aasar ko sa kanya. Ang lakas kasi makabilin, parang hindi namin kaya ang sarili namin.
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top