CHAPTER 17: ACTING
CHAPTER 17: ACTING
Drei's POV
"Ano pag uusapan natin?" tanong sa akin ni Xenah.
"Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko?" - ako
Ningisian niya ako at saka tumingin sa akin ng diresto.
"Simula nung nakilala mo ko." - Xenah
Tinignan ko siya mabuti. Ibang iba na siya sa Xenah na nakilala ko. Ibang iba na siya sa babaeng minahal ko.
"Lahat ng ginagawa ko, parte lang ng acting ko. *chuckle* Pinagplanuhan namin ang lahat na yun. Simula nung lumipat ako dito. Lahat yun. Parte ng plano namin." - Xenah
Nagpakuyom ako ng kamao.
"Hindi ko naman inaasahan na maiinlove ka sa akin. Nung una pakikipagkaibigan lang talaga ang balak ko pero dahil nanligaw ka... naisip ko na mas mapapalapit nga naman ako sa inyo kung magiging tayo." - Xenah
Hinawakan niya ako sa pisngi.
*dug. dug. dug*
"Bakit mo ginagawa ito?" - ako
Natigilan siya tanong ko. Nakita ko sa mata niya ang lungkot.
Sa sandaling yun nakita ko sa kanya yung Xenah na nakilala ko.
"Mind your own business. Sinagot ko na ang tanong mo. Alis na ako." - Xenah
Tinalikuran niya ako.
"Sa dalawang taon na naging tayo... hindi mo ba ako natutunang mahalin? Xenah, handa kitang patawarin... Wag mo lang kong iwan. Mahal na nahal kita." - ako
Alam kong kabaliwan na itong ginagawa ko. Wala akong pakialam kung magmukha akong desperado. Mahal ko siya. Hindi ko hahayan na masayang na lang basta ang pinagsamahan namin.
"Hindi... Hindi kita minahal. Wala akong kahit na anong nararamadaman sayo. Ginamit lang kita, para mapabagsak ang grupo niyo." sabi niya sa akin habang nakatalikod bago tuluyang umalis.
"Arrrgghhhhh!! Siyet!" sigaw ko habang pinagsusuntok ung pader. Kahit nagkasugat sugat na ang kamao ko dahil sa suntok ko, wala akong ibang maramdaman maliban sa sakit na nararamdaman ko sa puso.
"Drei, tama na yan." - Ken
Pinigilan niya ako. Huminga ako ng lalim at saka pinakalma ang sarili.
"Nakita mo lahat?" - ako
"Sorry. Kanina ko pa kasi napapansin na kakaiba ung kinikilos niyong dalawa kaya sumunod ako sa inyo." - Ken
"Nasaan yung iba?" - ako
"Music room." - Ken
Kumuha ako ng panyo para takpan ung sugat ko sa kamay.
"Tara! May sasabihin ako sa inyo." - ako
"Ano? Kinakabahan ako sayo." - Ken
"Malalaman mo mamaya." - ako
Alam ko magagalit sila sa gagawin ko. Pero sa tingin ko ito ang tamang gawin.
Mula ngayon... mawawala na ang banda. Titigil na muna ako sa pagtutugtog. Masyado akong maraming alaala niya sa banda. Kaya doon ko uumpisahang limutin siya. Mas maganda na siguro ito para mas matutukan ko ang Dark Royalties.
Hindi pa tapos ang laban natin Bloody Death Gang. Babawi kami. Ipapakita namin sa inyo na maling grupo ang binangga niyo.
"Buti nandito na kayo. Start na ba? Nasaan si Xenah?" - Jizelle
"........" - ako
Inakbyan ni Ken si Jizelle.
"Mamaya na ang tanong. May sasabihin daw si Drei." - Ken
"Ano sasabihin mo?" tanong ni Daryl na mukhang nakaramdam na. Napatingin siya saglit sa kamay ko.
"Sana maintindihan niyo ko sa gagawin ko. Jizelle, Daryl at Ken... bubuwagin ko na ang banda." - ako
"What?! Seryoso ka ba diyan?" - Jizelle
"Bakit?" - Daryl
"Alam ko nangako tayo na itutuloy natin ang banda kahit na nakatapos na tayo. Pero hindi ko kaya. Sorry." - ako
"Bakit biglaan naman? May problema ba? Maayos pa naman natin si--." - Jizelle
"Hindi na. Hindi na namin maayos yun. Break na kami ni Xenah. Alam kong hindi kayo dapat madamay sa amin... pero sa tingin niyo ba makakatutog pa tayo ng maayos kung wala na kami? Alam niyo kung paano nabuo ang banda. Wala ang D'jakx kung wala siya. Paano ko siya makakalimutan kung maalala ko siya sa tuwing tutugtog tayo?" - ako
Tinapik ako sa balikat ni Daryl.
"Naiintindihan ko. Ayos lang sa akin na mawala na ang D'jakx pero mangako ka na oras na maging okay ka... bubuo tayo ulit na panibagong banda. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang music." - Daryl
"Ang drama mo Drei! Hindi bagay sayo. Pati tuloy kami nahawaan ng kadramahan mo." sabi ni Jizelle. Pinunasan niya ang luha niya. "Tama si Daryl. Mangako ka na bubuo tayo ulit ng bagong banda. Yung walang Xenah. Mag umpisa tayo ulit." dugtong niya.
"Don't worry bro. Tutulungan kitang makalimot. Tara sa Bar!" - Ken
"Game ako diyan!" - Jizelle
"Hindi ka iinom." - Ken/Daryl
"Ang daya!" - Jizelle
"Mahirap kang awatin kapag nalasing." - Daryl
"Masyado kang hyper kapag nakainom." - Ken
"Konti lang naman eh!" - Jizelle
"Hinde!" sabay ulit na sabi nung dalawa. Napasimangot naman si Jizelle.
******************************
Patrick's POV
"Anubayan! Bitawan mo nga ako. Bakit ka ba nakaakbay?" inis na sabi ni Ria. Pilit niyang inaalis ung kamay ko pero lalo ko lang hinihigpitan. Tinignan niya ako ng masama.
"Parang akbay lang eh! Ganito naman tayo dati." nakangiting sabi ko sa kanya. Ngiti na siguradong mainiis siya.
Lalong sumama ang mukha niya. Kunot ang noo niya habang nakasimangot. Hindi ko tuloy mapigilang matawa.
"Hahahahaha!" - ako
"Hay naku!" - Ria
"Gatcha! Bagay pala kayong dalawa." - Dane
Napatingin kami sa kanya. Pinakita niya yung cellphone niya na may picture naming dalawa ni Ria. Tumatawa ako doon habang nakaakbay kay Ria. Si Ria naman nakakunot ang noo habang nakasimangot. Nakatingin siya sa akin na para bang gusto na niya akong isumpa.
"Burahin mo yan." - Ria
"Ayoko nga. Ipopost ko ito sa facebook." pang aasar sa kanya ni Dane.
"Wag! Akin na yan!" - Ria
Lalapit siya sana kay Dane pero dahil nakaakbay ako sa kanya, nahila ko siya pabalik sa akin.
"Bitawan mo ko." inis na sabi niya sa akin. Kinindatan ako ni Dane, senyales na gawin ko na ang plano.
"Finah Aira Smith may sasabihin ako sayo." umpisa ko. Hinarap ko siya sa akin.
Bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Matagal ko ng tinatago ito." - ako
"Ano ba pinagsa--" - Ria
"Mahal kita. Simula nung bata pa tayo mahal na kita." - ako
Nanlaki ang mata niya sinabi ko, tapos bigla siyang nagpoker face.
"Pffft. Hahahahaha. Now I know how she will react when someone said 'I love you' to her." - Dane
"Stop messing me." - Ria
Inalis niya yung kamay ko na nakahawak sa balikat ko.
"We're not messing you. It's just a joke." - Dane
"Pareho lang yun. At ikaw naman!" - Ria
Tinignan niya ako ng masama.
"Aray! Masakit Ria!" sigaw ko nang pingutin niya ako sa tenga.
"Hindi magandang biro yun. Kailan ka ba titino? Gusto mo bang bumalik sa America? Ha?!" sermon niya sa akin habang hawak hawak ang tenga ko.
"Ria, masakit! Hindi ko naman gustong gawin yun. Idea lahat ni Dane yun." - ako
"BRAD!!" binitawan na ni Ria yung tenga ko at lumingon doon sa tumawag sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali si Zyrille yun. Siya lang naman ang tumatawag na Brad kay Ria.
Hinawakan ko yung tenga ko.
"Ano? Dalawa pa ba tenga mo?" sabi sa akin ni Dane. Tinignan ko siya ng masama.
"Unfair! Ikaw dapat yung piningot! Idea mo yun." sabi ko sa kanya.
"Kinareer mo naman. Haha. Hanep nga ang acting mo. Parang totoo yung sinasabi mo." - Dane
"Totoo naman yung sinabi ko... Mahal ko si Inah." mahinang sabi ko. Baka kasi marinig ni Ria.
"Yeah right! Maganda pala mga kaibigan ni Ria." - Dane
Napatingin ako kila Ria. Nagulat ako nang makita ko yung babaeng kasama ni Zyrille.
"Hoy! Natulala ka na diyan? Nagandahan ka din no?" - Dane
"Sira! Parang hindi naman natin nakasama si Zyrille, nung niligtas natin sila Ria." - ako
"Hindi ko siya masyadong natignan. Alam mo naman nasa paglitas kila Ria ang isip ko nun. Yung kasama niyang babae, ngayon ko lang siya nakita." - Dane
Napatingin ulit ako kay Iris--este Khylle. Saktong napatingin din siya sa akin.
"Ano pinagbubulungan niyo?" mataray na tanong ni Ria sa amin.
Minsan talaga sinusumpong siya ng katarayan. Lalo na kung badtrip siya. Mukhang nainis talaga siya sa biro ni Dane kanina.
"Wala! Sabi ko lang sa kanya, magpapakilala kami sa kaibigan mo. Hello Dude and beautiful ladies! I'm Dane. It's nice too meet you all." - Dane
"Hi! I'm Zyrille. It's nice to meet you too." - Zyrille
Nakipagkamay si Dane kay Zyrille. Pasimple akong lumapit kay Ria. Inakbyan ko siya at saka binulungan.
"Bantayan mo yang si Dane. Baka hindi mo mamalayang nililigawan na niya yung isa kila Zyrille." bulong ko sa kanya.
"Alam ko. Pati ikaw babantayan ko." mahinang sabi niya sa akin.
"Patrick! Wala ka bang balak magpakilala?" - Dane
"I'm Patrick. *smile* Magkakabata kami ni Ria. Naaalala mo pa ba ako Zyrille?" - ako
"Oo naman. Ito nga pala kuya ko." - Zyrille
"Allen." - Allen
Nagshakehands kami.
"Ito naman si Khylle. Bestfriend namin ni Aira." - Zyrille
Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Ria.
Patay! Kailan pa sila magkakilala? Hindi niya pwedeng malaman na si Khylle at yung ex girlfriend ko ay iisa.
Binilak ko ung tingin kila Zyrille.
"*fake smile* Hi Khylle." - ako
Nilahad ko yung kamay ko para makipagkamay. Tinitigan niya muna yun ng matagal bago kunin.
"Khylle." cold na sabi niya.
"Pagpasensyahan mo na yan. Ganyan lang talaga siya sa lalaki." - Zyrille
Ganun lang talaga siya sa lalaki? Anong ibig niyang sabihin? Hindi naman ganun si Khylle dati.
"Okay lang. Kamusta ka na pala?" - ako
"Ayos naman. Ikaw? Kamusta ang buhay sa america?" - Zyrille
"Maayos naman. Pero mas gusto ko pa rin dito sa Pilipinas." - ako
"Bakit ka ba kasi biglang umalis?" - Zyrille
Nagkatinginan kami ni Ria.
Ano sasabihin ko?
"Nagalit sa kanya si Ria kaya ayun lumayo muna siya. Grabe kasi magalit si Ria. Halos isumpa na niya si Patrick. Hahaha." - Dane
"Dane!" sabay na sabi namin ni Ria.
"Bakit? Ayun naman talaga yung dahilan." - Dane
"Manahimik ka na nga!" - Ria
"Pffftt. Nakakatuwa kang tignan kapag kasama mo sila. Nawawala ung pagiging kalmado mo." - Zyrille
"Hahaha. Oo nga! Sobrang close siguro kayo, kaya ganyan kayo sa isa't isa." - Khylle
Nagulat ako nang bigla siyang sumali sa usapan. Kanina pa kasi siya tahimik.
"Ewan ko sa inyo! Una na kami! Bye!" - Ria
Hinila niya na ako papuntang sasakyan ko.
"Bye guys! Hoy hintayin niyo ko!" - Dane
********************************
Khylle's POV
Pinanood ko sila Aira na palayo sa amin.
Blake... Laro lang ba talaga sayo yung isang taon natin? Bakit ka ba ganyan? Bakit ako lang ang apektado?
Ano ba klaseng tanong yan? Khylle! Gumising ka! Hindi ka niya mahal! Pinagpustahan ka lang nilang magkakaibigan. May iba siyang mahal! At si Inah yun. Hindi ako.
"Boi! Kanina ka pa tulaley diyan. Wala na sila Aira, ano pa tinitignan mo diyan?" natauhan ako nang mapansin kong winawave ni Zyrille ung kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Uwi na ako." walang ganang sabi ko.
Kumapit si Zyrille sa braso ko.
"May problema ba?" - Zyrille
Tinignan ko saglit si Allen na nakasunod lang sa likod namin.
Bahala siyang makinig!
"Nakita ko ex ko." - ako
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.
"Huh? Saan? Kailan?" - Zyrille
"Ngayon ngayon lang. *sigh* Nakausap mo pa nga siya." - ako
"Sila Aira lang naman yung huli--Si Patrick ba yung tinutukoy mo?" - Zyrille
"Oo... Atin atin lang ito ah? Wala kang pagsasabihan kahit sino. Kahit kay Aira wag mong sasabihin. Secret lang natin ito." - ako
"Bakit pati kay Aira bawal?" - Zyrille
"Kasi baka mag away pa sila kung malaman niya. Bago kami maghiwalay ni Blake--Patrick, sinabi niya sa akin na mahal niya si Inah." - ako
"Oh? Sino naman yung Inah na un? Anong kinalaman ni Aira sa kanya?" - Zyrille
"Narinig ko noon sa usapan nila ni Josh na kababata nila si Inah." - ako
"Wait! Nagets ko na! Si Inah kababata nila. Tapos magkakabata din sila ni Aira. Iniisip mo bang si Aira yung Inah na tinutukoy nila?" - Zyrille
"*nod* Finah yung first name ni Aira. Pwedeng doon nanggaling ung Inah." - ako
"Pwede. Pero Ria tawag nila kay Aira." - Zyrille
"Malay mo code name lang nila ung Inah para hindi malaman ni Aira." - ako
"Maybe." - Zyrille
"Wag na nga natin sila pag usapan. Umaambon na! Dalian natin!" - ako
Tumakbo na kami papunta sa kanya kanyang sasakyan. Medyo lumalakas na din kasi ung ambon.
**************************
Alexa's POV
"Voltaire? Kuya? Anong nangyari sa inyo? Pasok kayo." pinapasok ko sila sa condo ko.
"Naulanan kami." sagot ni Voltaire habang nakatingin kay kuya na pagewang gewang habang naglalakad.
Biglang natumba si Kuya, buti na lang nahawakan namin siya agad. Napatingin ako sa kamay namin ni Voltaire na aksidenteng nagkahawak nung sinalo namin si Kuya. Nagkatinginan kaming dalawa.
Ngayon ko lang napansin.... ang lapit pala ng mukha niya sa akin.
*dug. dug. dug*
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Inalalayan ko na lang si kuya hanggang sa makaupo siya.
"Kukuha lang ako ng pampunas." paalam ko sa kanila. Pumunta muna ako ng kusina para magpakulo ng tubig. Balak ko kasi ipagtimpla ng kape si kuya mamaya. Paglatapos ko magsalang ng tubig kumuha na ako ng tuwalya sa kwarto. Napatingin ako sa kamay ko at nagflashback sa isip ko yung nangyari kanina.
Pagkasara ko ng cabinet, nakita ko sa salamin ang mukha ko na pulang pula.
>///////<
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top