CHAPTER 15: BLOODY DEATH GANG
CHAPTER 15: BLOODY DEATH GANG
Xander's POV
"Nasaan si Princess?" - Kuya King
"Pumunta kila She at Zyrene. Kukulitin niya daw na sumama sa laban mamaya." - ako
Umupo siya sa tabi ko at nag umpisa nang magkalikot sa phone niya.
"Buti pinayagan kang bumalik sa pakikipaglaban ni Ate Xenah." - ako
Natigilan siya sa ginagawa niya. Bumuntong hininga siya.
Yung nga ganung aksyon niya. Isa lang ang ibig sabihin. Hindi pumayag si Ate Xenah. Siguro siya ang katext niya ngayon at mukhang hindi siya nirereplyan.
"Hindi siya pumayag." - Kuya King
"Nag away kayo?" - ako
"Oo. *facepalm* Bakit ba ayaw niya ako payagan? Hindi ko siya maintindihan." - Kuya King
Tinapik siya sa balikat ni Keith.
"Ayos lang yan bro. Marami pang ibang babae diyan." - Keith
"Sira! Mahal ko yun." - Kuya King
Nagkatinginan si Keith at Lance.
"Bro... WALANG FOREVER!" sabay na sabi nila. Napailing na lang ako sa kanila. Binato sila ng unan ni Allen.
"MGA BITTER!!" - Allen
"Palibhasa hindi ka pa naiinlove. Puro pagkain lang kasi ang alam mo." pang aasar ni Keith
"Atleast yung pagkain hindi ako iniiwanan." - Allen
Natahimik naman si Keith. Tinapik siya ni Lance.
"Ayos lang yan bro. Marami pang ibang babae diyan." ginaya ni Lance ung sinabi ni Keith kay Kuya King kanina.
"Yeah right! Pahingi akong pizza." lumapit si Keith kay Allen. "Ginutom ako sayo." dugtong pa niya. Kumuha siya ng pizza na kanina pa pinagtutulungang ubusin nila Khylle at Allen.
"Anong grupo nga pala makakalaban natin mamaya?" - Lucifer
"Bloody Death Gang." - ako
"Bloody Death Gang? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yan ah! Bago lang?" - Ralph
"Bago nga lang sila. Pero kahit bago sila... Pang apat na agad sila sa ranking. Hindi pa sila natatalo simula nung sumali sila sa gangster world." - ako
"Edi tayo pala ang unang makakatalo sa kanila kung sakaling manalo tayo." - Ralph
"Gusto ko yan! Sa atin sila makakatikim ng unang pagkatalo." - Lance
"Gaano kayo kasigurado na mananalo tayo?" - Kuya Drei
"90%??" - Ralph
"95% kasama ka namin eh!" - Lance
"Mali kayong dalawa! 50-50 lang ang chance natin manalo. Hindi natin alam kung paano sila makipaglaban. Sinubukan kong humanap ng impormasyon tungkol sa kanila. Pero konti lang ang nakuha ko." - ako
"Ano nalaman mo?" - Ralph
"Mga gangster sila sa iba't ibang bansa na pinagsama sama. Pero last year lang sila sumali sa gangster world. Pero mabilis na sumikat ang pangalan nila sa gangster world. At nitong huling buwan... Tuloy tuloy sa pagtaas ang rank nila. 17 silang lahat at tatlo lang sa kanila ang nagmula dito sa Pilipinas. Yung iba sa ibang bansa na lumaki." - ako
"May mga personal background ka nila?" - Kuya King
"Wala akong nakuha. Ayun lang ang nalaman ko. Kahit picture wala akong nakuha. Mahirap maghanap ng impormasyon lalo na kung hindi sila kabilang sa organization natin." - ako
"Sabagay! *sigh*" - Kuya King
"Kaya pala kasama ka namin makikipaglaban mamaya?" - Ralph
Nagnod si Kuya King kay Ralph.
"Kailangan natin makumpleto. Sana mapapayag ni Princess ung dalawa. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa magiging laban natin mamaya." - Kuya King
Natahimik bigla sa HQ. Pati sila Allen na kumakain natigilan.
Kahit ako may ibang pakiramdam sa mangyayari mamaya. Sana walang masamang mangyari sa laban namin.
**************************
Rence's POV
"Nagtext sa akin si Xandra. Susunod na lang daw sila sa Secret Field." - ako
Bumalik na sa dati ang aura nila. Pagkatapos kasi magsalita ni Kuya Drei. Wala ng nag ingay. Lahat kami nagseryoso at may Kanya kanyang iniisip.
"Mag ayos na kayo. Aalis na tayo." - Kuya King
Tumayo na siya. Bumalik na din sa dati ung iba.
"Wait! Ubusin ko muna yung pizza ko." - Allen
Dali dali niyang sinubo ung tira niyang pizza.
"Ang takaw mo talaga." - Keith
"Nagutom ako sa kakaisip kanina eh!" - Allen
"Tulungan na kita diyan." - Khylle
Kinuha niya ang natitirang slice ng pizza.
"Waaahhh!! Akin yan eh! Bakit mo kinain?" - Allen
"Bagal mo eh!" - Khylle
"Hep hep hep! Mag aaway nanaman ba kayo?" - Zyrille
"Bilisan niyo na diyan." - Kuya Drei
Nauna akong lumabas.
Bahala sila sa buhay nila! Gusto ko na makita ang Prinsesa ko.
"Rence!" - Xander
Inakbayan niya ako at nakisabay sa paglalakad ko.
"Protektahan mo mamaya si Princess." bulong niya sa akin bago ako binitawan. Pumunta na siya sa motor niya.
"Hindi mo na kailangan sabihin... Gagawin ko talaga un." - ako
********************************
Ria's POV
*tok.tok.tok*
"Ria! Kakain na!" tawag sa akin ni Josh. Lumabas na ako sa kwarto ko kahit na labag sa loob ko.
Makakasabay ko nanaman siya sa pagkain.
Naabutan ko siya na nakatayo sa harap ng kwarto ko. Pumunta na ako dinning room. Umupo ako sa tabi ni Vince.
Pangalawang araw na namin dito sa bahay nila Kuya William. Pero hanggang ngayon wala pa rin sila Dane at Patrick.
"Kain na kayo! Aalis nga pala ako. Si Ashley muna bahala sa inyo. Hoy Ashley! Narinig mo ung sinabi ko?" - Kuya William
"Oo na kuya. Ako ng bahala sa tatlong yan." - Ate Ashley
"Wag mo silang palalabasin ng bahay. Gabi na! Kayo naman tatlo... WALANG AALIS!" - Kuya William
Tinuro niya kaming tatlo nila Vince.
Seriously?! Ano kami bata? Kailangan may curfew?
"Yes sir!" - Josh
Sumaludo pa siya kay Kuya William.
"Alis na ako! Bukas ng gabi na ako makakuwi." - Kuya William
Iniwan na niya kami.
"Grabe talaga si kuya! Parang tatay lang! Dinaig pa sila Dad noon." - Ate Ashley
Magkapatid sila ni Kuya William. Kung hindi ako nagkakamali mas matanda ng limang taon si kuya William sa kanya.
"Kain na tayo." - Vince
Tahimik lang kami na kumakain, nang biglang magsalita si Ate Ashley.
"Bakit ba pakiramdam ang akward kapag kasabay ko kayong tatlo kumain?" - Ate Ashley
"........." - kami
Ramdam din niya pala un? Ramdam ko din yun eh! Kaya nga ayaw kong sumabay sa pagkain.
"Oo Ashley! May kausap ka!" pagpaparinig sa niya sa amin. Umirap siya. "Ang ganda niyong kausap." sarcastic na sabi niya sa amin.
"Kumain ka na lang! Gutom lang yan." - Vince
Nagpout si Ate Ashley at tinuloy na lang ang pagkain.
********************************
Xandra's POV
"Sorry nalate kami!" sabi ko kay Kuya King pagkadating namin sa Secret field. Kami na lang kasi ang hinihintay.
Waaahhh! Nakakahiya sa kalaban. Inayusan pa kasi namin si Sensible Princess, para walang makakilala kung sino ba talaga siya.
"She! Welcome back! Long time no see! Namiss kita babe!" sabi ni Keith. Yayakapin niya sana si She, nang hilain siya palayo ni Prince. Tinignan ko si She na pulang pula na ngayon. Crush niya kasi Keith dati pa.
"Tama na yang reunion niyo! Mag umpisa na tayo." sabi ng hindi ko kilala na member ng kalaban namin ngayon.
Ano nga bang gang group ang kalaban namin ngayon?
May umakbay sa akin bigla at kahit hindi ko siya lingunin... alam ko na kung sino siya. Naamoy ko kasi ung pabango niya.
"Ano nanaman niyang iniisip mo?" tanong niya sa akin na may kasama pang pagtaas ng kilay.
"Lalaki!" - ako
Nagsalubong ang kilay niya.
Tinignan niya ako ng masama.
"Joke lang. Hahaha. Napakaseloso mo talaga!" hinawakan ko ung kabilaang gilid ng labi niya at saka ko hinila para magform ng smile. "Ilang beses ko ba sasabihin sayi na wag kang suminangot. Smile na dali!" sabi ko sa kanya.
"Tigilan mo nga yan!" inis na sabi niya. Inalis niya ung kamay ko.
"Sungit! Parang ngingiti lang! *pout*" - ako
"*smack* Goodluck kiss. *smile*" nakangiting sabi niya pagkatapos niya akong halikan. Kusa na lang akong napangiti dahil sa halik--este ngiti niya! ^__^
"Hoy kayong dalawa! Mamaya na yan! Baka nakakalimutan niyo? May laban pa tayo!" nakasimangot na sabi ni Prince.
Lumapit ako sa kanya habang kaholding hands ko si Kian.
"Isa ka pang nakasimangot! Kulang lang yan sa lovelife! Maghanap ka na kasi ng girlfriend." - ako
Tinapik ko siya sa balikat. At lalo lang siya napasimangot sa ginawa ko.
"Tsk!" - Prince
Inalis niya ung kamay ko sa balikat niya.
"Bahala nga kayo diyan!" - Prince
"Hahahaha." - ako
Tumabi siya kay Sensible Princess.
********************************
Zyrene's POV
"Babalik ka na talaga sa grupo?" - Nathan
"Yup. Ayaw kaming tigilan ni Xandra eh." - ako
"Bakit ka ba kasi umalis sa grupo?" - Nathan
"Secret. *kindat*" - ako
"Tsk. Wag kang lalayo sa tabi ko mamaya sa laban." - Nathan
"Huh? Bakit?" - ako
"Basta! Dito ka lang sa tabi ko." - Nathan
*dug. dug. dug*
"O-okay." - ako
***************************
Drei's POV
"Let's start! Group Battle tayo. Matira matibay. Kung kanino grupo ang natirang nakatayo... Yun ang panalo." sabi ng leader ng BDG.
"Okay. Umpisahan na natin." - ako
Ngumisi naman siya.
"Bago tayo mag umpisa... magpapakilala muna kami." - leader ng BDG
"I'm Blood, the leader of Bloody Death Gang." - Blood
Tinanggal niya ang suot niyang maskara. Lahat kasi sila may suot na maskara.
Sunod sunod na sila nagpakilala... Katulad ng ginawa ng leader nila, tinangal nila ang suot nilang maskara.
"Viper." - boy 1
"Black." - boy 2
"Deathstalker." - boy 3
"Demon." - boy 4
"Red." - girl 1
Parang nakita ko na siya dati.
"Siyete! Ano ba itong iniisip ko? Hindi siya si Jenny. Kamukha niya lang." bulong ni Keith sa tabi ko. Tama! May kamukha nga siya! Kamukha niya yung ex ni Keith. Pero...
Kamukha nga lang ba? O siya talaga?
Parang ayaw ko na makilala ung iba. Hindi talaga maganda pakiramdam ko sa kanila. May kakaiba sa grupo nila.
"Cobra." - boy 5
"Devil." - boy 6
"Phoneutria." - girl 2
"Heckler." - boy 7
"Cassowary." - girl 3
"Piranha." - boy 8
"Kill." - boy 9
"Fierce." - girl 4
*dug. dug. dug*
Ang boses na un...
Inalis niya ang maskara niya.
O.o
"X--xenah?" - ako
"*smirk*" - Fierce
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Halos hindi ko na pinansin ung natitirang kagrupo nila na nagpapakila.
"Sniper." - boy 10
"Kura." - girl 5
"Shi." - girl 6
"Umpisahan na natin ang laban." - Blood
Nag umpisa na silang umatake. Lahat kami nakikipaglaban.
Tinignan ko si Fierce na kinakalaban si Khylle ngayon.
Xenah.... ikaw ba talaga yan?
*Boooogsshhh*
Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa akin.
"Sa akin ka tumingin. Ako ang kalaban mo hindi siya. *evil grin*" - Blood
****************************
Nathan's POV
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Sweet Princess. Simula kasi nung nagpakilala ung Blood, nag iba na siya. Para siyang galit na gusto ng pumatay.
Nag aalala ako sa kanya. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang siya pero... Hindi ngayon ang tamang oras para doon.
"Sa harap mo!" sigaw sa akin ni Xander. At dahil wala ako sa sarili, hindi ko naiwasan ung atake sa harap ko. Napaatras ako dahil sa lakas ng pagkakatama sa akin.
Nagkabanggaan ang likod namin ni Lucifer.
"Concentrate... Saka mo na siya isipin." - Lucifer
Nakipaglaban na siya ulit kay sniper.
*****************************
Xandra's POV
"Ano ba yan Rid?! Kalaban ko yan!" inis na sabi ko kay Kian. Hinaharangan niya kasi ako bigla tapos kakalabanin niya si Shi na kalaban ko. Tapos ung kalaban naman niya na si Deathstalker tuloy lang sa pag atake siya. Bale dalawa kalaban niya. Ako nakatayo lang.
"Tabi! Doon ka sa kalaban mo." - ako
Tinulak ko siya kay Deathstalker.
"Hala! Sorry. ^_^V" sabi ko kay Rence. Nasuntok kasi siya ni Deathstalker dahil sa pagkakatulak ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Thanks. *kindat*" nakangiting sabi sa akin ni Deathstalker. Nakita ni Kian ung pagkindat niya sa akin. Nagdilim yung aura niya na isa lang ang ibig sabihin...
Galit na siya!
*********************
Xander's POV
Bagsak na ang iba sa amin. Apat na lang kaming natitirang nakatayo. Ako, si Lucifer, Voltaire at She. 9 pa ang nakatayo sa kalaban.
Pagod na ako!
"Ano? Kaya pa?" - Blood
Napapalibutan nila kami. Tinignan ko si Princess, yakap yakap siya ni Rence para protektahan. Pareho silang walang malay. Si Kuya naman... nakahiga na din. Bubog sarado. Ganun din ang iba naming kasama, maliban sa mga babae na protektado namin. Kaya mas konti ang nakuha nilang tama kaysa sa amin.
"Tapusin na natin ito." - Cobra
Nakipaglaban nanaman kami.
*BOOOOGGSSSGHH*
*BLAGGHHH*
*PAAAAAAKKK*
"Hindi ko na kaya." - Sensible Princess/She
Agad ko siya sinalo, nang bumagsak siya. Dahan dahan ko siya hiniga sa sahig, bago makipaglaban ulit.
3 vs 5 na lang.
*BOOOOGGSSSGHH*
*BLAGGHHH*
*PAAAAAAKKK*
Sunod sunod kaming tumumba nila Voltaire.
Wala na....
Tinignan ko si Blood at si Demon na natirang nakatayo. Sugatan na din sila kagaya namin.
Talo kami...
"Anong grupo isusunod natin?" - Demon
Pinikit ko ang mata ko.
"Silent Killers." rinig kong sabi ni Blood bago ako mawalan ng malay.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top