CHAPTER 14: DALAGANG INA
CHAPTER 14: DALAGANG INA
Alexa's POV
Lumipas ang mga araw. At tama nga ang sinabi nila Princess. Hindi ko maiiwasan ang mga bully sa RU. At mas lalong lumala nung kumalat ang balita na anak ko si Andrea. Na isa akong dalagang ina.
"Hi Miss! Gusto mong sumama sa pad ko?" sabi ng isang mukhang manyak na nadaanan ko.
Yumuko ako binilisan ang paglalakad. Pero biglang may humila sa akin at dinala ako sa kung saan. Kinorner niya ako sa pader at saka may binulong.
*PAAAAK*
"BASTOS! Lumayo ka sa akin." inis na sabi ko sa kanya, pagkatapos ko siyang sampalin.
Walang hiyang lalaking ito. Anong akala niya sa akin? GRO? Tama bang yayain niya ko makipag ano sa kanya.
"Aray! Kung makapagsabi ka naman na bastos... akala mo kung sino kang malinis na babae. I'm sure anak mo si Andrea sa isang lalaki na---" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay sinampal ko siya ulit.
"Wala kang alam. Hindi mo ko kilala. Alis!" tinulak ko siya palayo sa akin. Paalis na sana ako nang bigla niya akong hatakin papasok sa isang lumang building.
"Bitawan mo ko! Tulong!" - ako
Sinadal niya ako sa pader. Hawak niya ang kabilaan kong kamay na nasa gilid ng ulo ko. Pilit niya akong hinahalikan.
"A..no ba! Bi.. tawan mo ko!" pilit kong iniiwas ung ulo ko sa kanya.
"TULONG!!!" - ako
Napapikit na lang ako.
*BOOOGGGSSHHHH*
Dinilat ko ang mata ko. Nakita ko si Kuya King na binubugbog ung lalaking kamuntik ng mangrape sa akin.
"@#$% ka! Kapatid ko yang binabastos mo! @#%&*@$! Mamatay ka na!" galit na sabi ni Kuya King sa lalaki habang sinusuntok.
Ngayon ko lang nakita si Kuya na galit na galit. Nakakatakot siya!
"Kuya tama na!" tumakbo ako kay Kuya. Hinila ko na siya palayo doon sa lalaki. Dumudugo na kasi ung mukha nung lalaki saka baka mapatay pa niya.
Tumigil naman siya.
"Maghanap ka na ng bago mong school, dahil hinding hindi ka na ulit makakatuntong dito." huling sabi niya doon sa lalaki bago ako hilain paalis.
Nanahimik na lang ako, dahil baka masigawan pa niya ako ng hindi oras.
Pumunta kami sa broadcast room. May kinausap siyang lalaki doon. Maya maya ay lumapit siya mic na nandoon.
"Announcement to all students. I'm King Alexandrei Rutherford! Anak ng nagmamay ari ng school. Kapatid ko sila Prince Alexander, Princess Alexandra at QUEEN ALEXANDRIA! Oras na malaman ko na may ginawa kayong kalokohan sa mga kapatid ko... hindi ako magdadalawang isip na patalsikin kayo sa RU! By the way! Sa mga hindi nakakakilala kay Queen Alexandria... Siya lang naman ang tinatawag niyong DALAGANG INA! Yun lang. Salamat sa pakikinig. At pasensya na sa abala! Especially sa mga nagkaklase ngayon." - Kuya Drei
(⊙o⊙)
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong matutuwa ba ako o hindi sa ginagawa ni kuya.
Matutuwa kasi sa unang pagkakataon pinaramdam niya sa akin na nag aalala siya sa akin... na kapatid niya ako. Kahit na hindi kami gaano kaclose. O maiinis ako sa kanya kasi sinabi niya na kapatid niya. Dahil doon... maiiba nanaman ang tingin ng iba sa akin. Maraming makikipagplastikan. Pero alam ko naman ginawa niya lang un para tigilan na ako ng mga bully.
"Let's go." - Kuya King
Hinila nanaman niya ako.
"Salamat... kuya." - ako
Tumigil siya sa paglalakad. Tinignan niya ako at ningitian.
"May klase ka pa ba?" - Kuya King
"Wala na." - ako
"Hatid ko na kayo ni Andrea pauwi." - Kuya King.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad kami.
******************************
Ria's POV
"Nakapag usap na kami ng mga magulang niyo." sabi ni Mom kila Vince.
Nandito kami ngayon sa office ni Mom. Pinatawag niya kami kasi may sasabihin daw siya bago kami umuwi. Ilang araw din kami nag stay nila Vince, Luke at Stanley dito sa HQ. Kung hindi nga lang dumadalaw si Dane dito... baka tumakas na ako dito.
"Para sa security niyo... napag usapan namin na patirahin kayo sa iisang bahay." - Mom
"Kayo? Sino sinong titira sa iisang bahay?" - ako
"Silent Killers." - Mom
"Yes! Masaya un sigurado." - Stanley
Masaya ba un? Makakasama ko sila sa isang bahay? Eh! Mas gusto ko ung tahimik lang.
"Dati pa naman namin plano un na patirahin kayo sa isang bahay. Yun nga lang pinasabog ng BSO ung titirahan niyo dapat." - Mom
Alam ko ung tinutukoy niya. Ung tinitirahan ko dati bago ako lumipat sa condo ung sinasabi niya na dapat titirahan namin.
"Saan po kami titira?" - Luke
"Sa bahay kung saan nakatira sila William. Si William din ang tatayong guardian niyo. Siya ang nagbabantay sa inyo. Kaya uunahan ko na kayo. Wag kayong gagawa ng kalokohan, dahil siguradong malalaman at malalaman namin un." sabi ni Mom habang nakatingin sa mga lalaki.
"Ano ba yan! Akala ko kami lang? Bakit may magbabantay?" bulong ni Vince na sa tingin ko narinig ni Mom.
"Tulad nga ng sinabi ko Vince. Para sa security niyo ito. Ayaw namin maulit ung nangyari sa inyo. Kaya kailangan ng magbabantay sa inyo, para alam namin kung ano pinagkakagawa niyo." - Mom
"Mom... sino po ba yung mga kasama ni Kuya Will doon?" - ako
"Yung kapatid lang niya saka si Josh lang ung kasama niya doon." - Mom
Nung marinig ko ung pangalan ni Josh, parang gusto kong sabihin na 'ayoko tumira sa iisang bahay na kasama siya' pero alam ko naman na wala na akong magagawa. Kaya nanahimik na lang ako.
Hindi ko pinahalata na tutol ako sa sinasabi niya.
"Bakit nandoon si Josh?" - Luke
"Doon na siya nakatira simula nung nag aral siya dito sa Manila. Saka si William kasi ung nagtatrain sa kanya. Alam niyo naman na hindi na siya part ng Silent Killers. Hindi ko nga alam kung bakit siya umalis sa gang niyo. Samantalang part ng training ang pagiging gang. Kailangan tuloy niya magtrain kay William." - Mom
Kung alam lang niya. Hindi talaga umalis si Josh. Pinaalis siya nila Kuya. Siraulo kasi!
"Anyway tutal titira na din kayo sa isang bahay. Mas maganda siguro kung isama niyo na siya ulit sa grupo niyo. Para mabawasan ang trabaho ni William." - Mom
Napatingin sa akin sila Luke.
"Okay." - ako
Umokay na lang ako. Baka kasi magtanong pa siya ng 'Bakit?' kung sasabihin kong hindi pwede. Ayoko pa naman sabihin ung dahilan.
"Okay. Maliwanag na sa inyo ang lahat? Titira kayo kila William. Ito ang address." may binigay siya sa aming papel. "Kayong dalawa lilipat lang kayo doon kapag sa RU na din kayo mag aaral." sabi niya kila Luke at Stanley. Sa Batangas pa kasi sila nag aaral.
"Kung wala na kayong tanong. Pwede na kayong umalis. Marami pa akong trabahong tatapusin." - Mom
Lumabas na kami sa office ni Mom.
"Alis na kami Ria! Vince!" - Stanley
"Sige. Ingat sila sa inyo!" - Vince
Pagkaalis nila Luke... nag umpisa na akong maglakad.
"Saan ka pupunta?" - Vince
"Condo. Mag aayos pa ako ng gamit ko." - ako
"Teka! Magcocommute ka?" - Vince
"Hindi maglalakad ako." sarcastic na sabi ko sa kanya.
"Sabay na tayo. Baka mapaano ka pa." - Vince
Hinayaan ko na siyang sumunod sa akin. Sumakay kami sa bus. Yung ordinary.
"Pfffft. Para kang baliw." - ako
Hindi kasi siya mapakali sa upuan. Tatayo siya... tapos titingin sa mga nakasakay.
"Umupo ka nga. Pinagtitinginan ka na." - ako
Hinila ko ung laylayan ng damit niya. Umupo naman siya.
"Safe ba dito?" - Vince
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Walang sasakyan na 100% na safe." - ako
"Ang init naman dito. Wala bang aircon?" - Vince
"Ordinary lang ito. Kaya wag ka ng umasang may aircon." - ako
Huminto ung bus. May mga sumakay. At tulad ng ibang bus... sakay ng sakay sila kahit na wala ng upuan. Nakatayo na tuloy ung iba.
"Siyet! Lalong uminit! Bakit ba sakay sila ng sakay." inis na sabi niya.
"Manahimik ka nga! Napaghahalataan kang rich kid. Bakit ka ba kasi sumabay sa akin? Nagtaxi ka na lang sana." - ako
"Bakit ba kasi dito pa tayo sumakay?" - Vince
"Ayoko sumakay ng taxi eh! Ayoko ung amoy ng aircon nila." - ako
Nahihilo kasi ako sa amoy ng taxi saka bus na aircon. Pero kapag sasakyan naman namin... okay lang naman sa akin.
Nanahimik na siya. Hindi na kami nag usap hanggang sa makababa kami ng bus.
"WTH! Sasakay tayo diyan?" tinuro niya ung jeep sa harap namin.
"Oo." - ako
Nauna na akong sumakay. Bumuntong hininga muna siya bago sumakay.
"Bayad po." sabi ng isang pasahero. Inaabot niya ung bayad niya.
Tinignan ko si Vince. Sa kanya kasi malapit ung nagbabayad. Ayun! Nakatingin lang siya sa matandang babae na nagbabayad.
"Bayad daw po." - ako
Ako na ang kumuha ng bayad. Halata naman na walang balak si Vince na kunin un.
"Baki---" - Vince
"Ganito talaga dito." - ako
Hindi ko na siya pinatapos. Alam ko na naman ung tatanungin niya.
Pagdating namin sa condominium dumiretso na siya agad sa parking lot para kunin ung sasakyan niya. Uuwi na daw siya para mag impake ng damit. Ako naman pumasok na sa loob.
Mag aayos na din ako ng gamit na dadalhin ko sa lilipatan namin. Konti lang dadalhin kong damit, since wala akong balak tumambay doon kapag walang pasok. Doon lang ako matutulog.
Ayan! Tapos na!
Tinignan ko ung oras.
"4:14 pa lang. Maa--" - ako
Natigilan ako nang mapansin ko ung babaeng multo. Ngayon na lang siya nagpakita ulit sa akin.
Akala ko tumigil na siya sa pagmumulto sa akin... Hindi pa pala!
Lumapit siya sa akin.
"Kailangan mong mamatay. Kailangan mong mamatay. Kailangan mong mamatay." paulit ulit niya ito sinasabi habang papalapit. Hinawakan ko ung kwintas na bigay ni Alexa.
"KAILANGAN MO NG MAMATAY!!" hahawakan niya sana ung leeg ko pero umatras ako. Dahil sa pag atras ko, napigtas niya ung kwintas na bigay ni Alexa.
Tinapon niya ito.
"Paanong na---" - ako
Inatake niya ako ulit. Umiwas naman ako.
Multo ba talaga ito? Bakit parang hindi?
Sinugod niya ako ng sinugod.
Napapagod na ako umiwas. Hindi na ako natutuwa.
"TAMA NA!" sigaw ko at hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.
O.o
******************************
Alexa's POV
"Alis na ko." paalam sa akin ni Kuya, pagkatapos kaming ihatid.
"Ingat ka." - ako
Pinaandar na niya yung sasakyan niya. Pumasok na ako sa loob ng condominium. Hinawakan ko sa kamay si Andrea.
"Andrea tabi!" - ako
Hinila ko si Andrea palapit sa akin. May babae kasi na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Kung hindi kami tatabi, baka nabungo na kami. Nakayuko pa naman siya.
Sinundan ko ng tingin ung babae. Nakaitim na dress ito.
Bakit kaya siya nagmamadali?
Lumingon ito sa akin saglit.
O.o
Totoo ba un nakita ko? O namamalikmata lang ako?
"Baka namalikmata lang ako. Imposibleng siya un." - ako
Pagkaakyat namin sa floor kung nasaan ang condo ko, natanaw ko si Ria sa harap ng condo niya. Nakatingin siya sa kamay niya.
"Ria!" tawag ko sa kanya nang makalapit ako. Tinignan niya ako na gulat na gulat.
"Ayos ka lang? Anong meron sa kamay mo?" - ako
"Huh?! Ah! Wala. Ayos lang ako." - Ria
"Sure ka?" - ako
Ngumuti siya at tumango.
"Pasok na ako sa loob." - Ria
"Sige." - ako
"*smile* Punta ako sa inyo mamaya. May aayusin lang ako saglit." - ako
"Okay. Hihintayin kita." - ako
******************************
Zyrille's POV
"Janzen, nandyan na daw yung ibang gamit mo galing kila lola." - Kuya Jazzer
Lumabas agad ako ng kwarto nang marinig ko yung sigaw ni kuya.
"Nasaan?" - ako
Tinuro niya yung isang box na nasa gilid.
"Bakit ang laki naman yata niyan?" - ako
Yung mga gamit ko lang naman sa study table ko ung pinapadala ko kila lola? Konti lang naman laman nun. Okay na nga ung isang box ng sapatos doon. =__=
"Baka pinapalayas ka na. Kaya lahat ng gamit mo pinadala. Ayaw ka na nilang pabalikin." - Kuya Jazzer
"Che!" - ako
Lumapit ako doon sa box na kasing laki ng balikbayan box. Tinulak ko ito palapit sa sofa. Hindi ko naman kayang buhatin kaya hanggang tulak lang ako.
Binukasan ko ung box.
Tama nga yata si kuya, ayaw na nila akong pabalikin doon. Pati kasi mga damit ko na naiwan sa batangas kasama.
Kinuha ko ung maliit na box sa loob. Binuksan ko yun at nakita ko ang matagal ko ng hinahanap.
"Sabi na nga ba! Naiwan ko ito sa batangas. Buti na lang hindi ko talaga naiwala." - ako
"Piso ba yan? Patingin!" - Kuya Jazzer
Kinuha niya sa akin yung kwintas na hawak ko. Tinignan niya ung pendant.
"Astig! Piso nga! Saan mo ito nabili?" - Kuya Jazzer
"Hindi ko yan binili. Ginawa ko yan." - ako
"Ito gawa mo?! Hindi nga?" - Kuya Jazzer
"Oo nga." - ako
"Paano?" - Kuya Jazzer
"Anong paano? Nakalimutan mo na ba? Pagawaan ng mga jewelry ang business ni lolo. At siyempre nagpaturo ako sa kanya kung paano gawin yan." - ako
"Oo nga pala. Pero bakit piso ung pendant?" - Kuya Jazzer
"Lucky charm ko yan." - ako
"Lucky Charm? Hmmm.. Siguro may nagbigay sayo nitong piso no? Sino? Sila lola ba? O sila Khylle?" - Kuya Jazzer
"Childhood friend ko. Akin na yan kuya. Punta na ako sa kwarto ko." - ako
"Wait! Sinong chi--Hoy bumalik ka dito! Kinakausap pa kita!" - Kuya Jazzer
Natawa ako sa reaction niya. Inagaw ko kasi sa kanya yung kwintas at saka tumakbo papuntang kwarto.
"Goodnight kuya! Bukas ko na aayusin yang gamit ko. Pakitabi na lang! Thank you! Labyuh! *flying kiss*" - ako
"HAIST! TINAKASAN MO NANAMAN AKO!" - Kuya Jazzer
"Pffft." - ako
Pumasok na ako sa kwarto. Sinigurado kong nakalock ung pinto bago humiga.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top