Kabanata 9 : Help

"Young lady."

Tahimik kong pinagmamasdan ang lalaking nasa aking harapan. I know this man. Ito ang kanang kamay ng aking ama. And my dad's best friend.

"What do you want?" I asked him.

Nasa library ako ngayon ng mansyon. Masyado akong nagsasayang ng oras sa pagkukulong ko sa sarili sa aking silid. I need to find a way to have my powers back. Alam kong imposible pero susubukan ko pa rin. If we can't find my dad to undo the spell he casted on me, then I'll find another way.

"It's a relief to see you alive, young lady," aniya na siyang nagpakunot ng noo ko. Lahat ng narito sa Dark Empire ay akala nilang patay na ako. Namatay dahil sa walang sapat na kapangyarihang mabuhay sa labas ng Empire namin.

"Hindi ako basta-bastang mamamatay, Elliot," ani ko at isinarado ang hawak na libro. "May mga mabubuting Tereshlian akong nakilala sa labas. They were good to me."

"Pero mapanganib pa rin iyon. Mabuti at di ka nila sinaktan."

"At bakit naman nila ako sasaktan?" nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Wala akong ginawang masama sa kanila. I just stay there. Do nothing that will harm them."

Sa pagbabalik ko sa tunay na mundo ko, isang bagay lang ang napagtanto ko. Lahat nang naninirahan dito sa Dark Empire ay takot sa maaring gawin ng ibang Tereshlian, lalo na ang council. We are cursed of having this dark magic. At ang pagkakaroon nito ay maaring ikagulo ng buong kingdom. We wanted to stay away from them as long as we can. We wanted to hide ourselves away from them for us to survive. Iyon lang naman ang nais naming may ganitong kapangyarihan. Ang mabuhay ng mapayapa, walang takot. Kaya nga binuo itong Empire na ito. Para sa mga Tereshlian na walang ibang mapupuntahan. Tereshlian na akala'y isinumpa ng tadhana.

"The Empress is preparing for a battle, young lady."

Alam ko na mangyayari ito. Battle against na council, of course. At dahil ito sa akin. Kung hindi nila ako hinanap, sana ay hindi malalaman ng council ang existence namin dito sa Tereshle.

"We don't have to fight against them, Elliot. Wala tayong ginagawang masama para sugurin tayo ng council."

"You're wrong, young lady," aniya na siyang nagpatigil sa akin. "Some of our men was caught. Nanlaban sila. Nakatakas ang iba samantalang nagbuwis ng buhay ang iilan."

"And the council?" I managed to ask. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa mga impormasyong nakukuha, alam ko na ang kahihinatnan ng lahat.

"Some of the council's agent were harmed during the encounter. And knowing them, the brilliant and efficient agents, nasisiguro kong hindi magtatagal ay mahahanap na nila tayo," pahayag ni Elliot na siya nagpalunok sa akin. "We know how powerful they are, young lady. Kahit na malakas ang iilan sa atin, hindi sapat iyon para matapatan ang taglay nilang mga attributes."

Napaupo ako sa upuang nasa gilid ko. Nanghina ako bigla dahil sa imaheng biglang rumehistro sa aking isipan.

"Please, iwan mo muna ako," ani ko at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi na nagsalita pang muli si Elliot at tahimik itong lumabas sa silid.

Kahit ayaw ko mang isipin, hindi maalis sa isipan ko ang mga maaring mangyari. Our empire will be doomed if the council find our location. Kahit na napapalibutan ito ng dark magic, alam kong may mga wizards sila na kayang tapatan ito.

I don't want to lose this empire. I don't want to lose the people. Pero anong magagawa ko? Wala akong kapangyarihan para protektahan ito.

Ipinikit ako at dinama ang katahimikan ng silid.

"Kael," wala sa sariling sambit ko kaya naman ay napamulat ako. Si Kael! Tama! He can help me with this one! He's a powerful! Idagdag pa ang presensya ng kaibigan niyang si David. They can help me!

Agad akong tumayo at mabilis na lumabas sa silid. Naging alerto naman ang dalawang kawal na nakabantay sa silid na kinaroroonan ko. Napaayos ako ng tindig sabay hugot nang malalim na hininga.

I almost forget about them!

Hindi pala ako basta-bastang makakaalis o labas man lang ng mansyon! Iyon ang pinakamahalagang utos ng aking ina. They can't lose me again kaya naman ay bantay-sarado ako ngayon.

Taas noo akong naglakad pabalik sa aking kwarto. Walang ingay namang sumunod ang aking mga taga bantay. Bawat hakbang, para akong lumulutang. Gusto kong tumakbo palayo sa dalawa pero alam kong maling hakbang iyon. Once na mahuli nila ako, tiyak na mas dodoble ang bantay sa akin. Mas mahihirapan ako.

Pagkapasok ko sa aking silid ay agad kong inilock ang pintuan ko. Mabilis akong nagpalit ng damit at inihanda ang balabal na gagamitin mamaya. Inip akong naupo sa gilid ng kama ko habang hinihintay ang pagdilim ng paligid. Naglakad ako patungo sa bintana ng aking silid at pinagmasdang maagi ang paligid.

May iilang kawal ang nakapwesto sa bawat sulok ng mansyon. Alerto ang mga ito. Mukhang mahihirapan ako nitong tumakas sa kanina.

Think, Mellan!

Mariin kong ipinikit mga mata at pinikiramdaman ang paligid. Rinig ko lahat ng ingay sa paligid ko. Maging ang paghinga ng tahimik na kawal na nasa labas ng silid ko, rinig ko iyon. It's good to have this ability. Kahit papaano ay malalaman ko ang maaring mangyari sa paligid ko.

"Let's switch."

Napamulat ako noong marinig iyon.

"Sa main gate na muna kayo. I'll guard the young empress here. Mas kailangan ng maraming tao sa main gate."

"Alright."

Napangisi ako noong marinig ko ang palayong mga yapak ng dalawang naunang taga-bantay ko. Great! Agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan ng aking silid. I immediately opened the door and to my surprise, si Benjamin ang naabutan kong nakabantay roon.

"Benj?" takang tanong ko dito. Bakit ito ang nagbabantay sa akin ngayon?

Walang emosyong tumingin sa akin ang kaibigan ko. Hindi ito nagsalita kaya naman ay napabuntong hininga na lamang ako. How can I escape from him? Hindi ko kayang labanan o saktan man lang ang kaibigan ko!

"May kailangan ka, Mellan?" he asked.

Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na alam kong ano ang uunahin ko. But I'm desperate! I need to escape. Alam kong malabong sumang-ayon itong si Benjamin sa nais ko but I'll give it a try.

"I need your help, Benj," mahinang turan ko at hinila ito papasok sa kwarto ko. Agad kong isinara ang pintuan at matamang tiningnan ang kaibigan.

"What the hell are you doing?" he asked.

"I need your help," pag-uulit ko. Kita kong natigilan ito. Please, help me out, Benjamin.

"At anong tulong naman ang nais mo?"

"I need to get out of here."

Kita ko kung paano nagdilim ang buong mukha ni Benjamin sa tinuran ko. Shit!

"Planning to escape again. I see, that's what I've thought earlier kaya naman ako na ang nagpresentang batayan ka. I have a feeling na gagawin mo ito, Mellan," aniya na siyang nagpaawang ng labi ko. "But, it's a no. Hindi kita tutulungan sa nais mo."

Mariin akong napapikit sa naging desisyon ni Benjamin. But, hell, there's no way na hindi ko gagawin ang lahat para makaalis ngayong gabi!

"But I need to do this! May mga kakilala ako sa Tereshle na maaring makatulong sa sitwasyon natin!"

"They won't help you. They hated us," malamig na turan nito.

"Hindi lahat, Benj. And I trusted them. Alam kong matutulungan nila tayo," I said before grabing his free hand. "And I trusted you too, Benjamin. I badly wants to save our Empire. And for me to save this, I need someone I trusted. Someone whose powerful enough to help us out. Come on, please, Benjamin. Just this one. Help me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top