Kabanata 8 : Way
"Mellan."
Hindi ako kumibo. Wala akong lakas para sumagot man lang sa tawag nila sa akin. Nanatili akong nakatitig sa kawalan.
Kanina pa lumabas sa aking silid ang aking ina. Empress Melissa. Iyon ang pangalan niya. She's my mother. The ruler of this so called Dark Empire.
Kanina habang nag-uusap kami, wala talaga akong planong abutin ang kamay niya. Ngunit noong banggitin niya ang salitang anak ay nawasak ang pader na ginawa ko. I reached her hand.
I closed my eyes. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. This is not happening to me!
"Mellan, talk to us," ulit ni Amanda. Pagkaalis ng aking ina, agad na bumalik sila ni Benjamin pero hindi ko sila kinibo. Nakatulala lamang ako.
"Let's go, Amanda. Let her rest," ani Benjamin. Hindi ito umalma sa nais ng lalaki at nagpahila na paalis sa aking silid. Noong isarado nilang muli ang pintuan, doon lang ako naiyak ng tuluyan.
Napahawak ako sa ulo habang walang humpay ang mga alaalang bumabalik sa akin.
"Stop," ani ko at mariing ipinikit ang mga mata. "Stop, please."
Tama na. Hindi ko na kaya.
"Mellan, let's go," yaya ni daddy habang hawak-hawak nito ang aking kamay.
"Hindi mo maaring dahil ang anak ko, Eugene!" napapikit ako dahil sa sigaw ni mommy. Are they fighting again?
"Itigil mo na itong kabaliwan mo, Melissa. Hindi ako papayag na gamitin niyo ang anak ko!"
"This is her fate, Eugene. She's the future of this Empire!" ani mommy sabay hablot ng aking kamay.
"Daddy!" napasigaw ako dahil sa takot. My mom is now scarier than her usual self. Galit na galit itong nakatingin sa aking ama. "If you want to leave and live a normal life, go. Hindi kita pipigilan pero hindi mo ilalabas si Mellan sa mansyon na to, Eugene."
"Melissa, maawa ka sa bata! Hindi maaring siyang ang magdusa sa masalimuot na kapalaran nating mga taga Empire! I'm saving our daughter here, so please, stop this shit already! Please!" pagmamakaawa ni daddy habang pilit na inaabot ako mula sa aking ina.
Umiiyak na ako ngayon. Oo, alam ko ang kapalaran ko. Alam ko at matagal ko nang tanggap iyon. I was destined to stay here, in the dark. Dapat ako ang magsilbing lakas kung sakaling ako na ang mamununo sa buong Dark Empire. Ako, si Maria Estellan, ang susunod na Empress at hindi na mababago iyon. But seeing my father crying and begging for my freedom broke my heart.
"Mommy, let me go!" iyak ko at pilit na inaalis ang hawak ng aking ina.
"Mellan, stop it! Go to your room!" my mom shouted at me. Nanginig ako dahil sa takot. Agad akong tumingin kay daddy at humingi ng tulong.
Dad, please, save me.
Hindi ko na maalala pa ang mga sunod na nangyari. Basta ay naitakas ako noon ni daddy. My dad was a great wizard. He casted a dark spell on me para hindi ko magamit ang dark magic ko. Kaya naman noong nagkamalay na ako noon, wala akong matandaan maliban na ako si Maria Estellan at ama ko si Eugene Estellan, isang Randus sa division ng Aundros.
"Where are you now, daddy?" bulong ko habang umiiyak pa rin.
I wasted my dad's sacrifices. Dahil sa kagustuhan kong makita ang buong mundo, tumakas ako mula sa kanya not knowing na ikapapahamak ko iyon. Tumakas ako dahil akala ko ipinagkait nito sa akin ang karapatan kong lumaya. I was thristy for my freedom kaya naman noong nagkaroon ako ng pagkakataong tumakas, ginawa ko na.
"I'm so sorry, daddy. I'm so sorry," iyak kong muli.
Hindi ko alam kong ilang oras ako umiiyak kanina. Ni hindi ko nga namalayang nakatulog na pala ako. Kung hindi lang ako dinalaw ng masamang panaginip, malamang ay mahimbing pa rin ang tulog ko ngayon.
Dilat ang mga mata ko pero nanatili akong nakahiga. Wala akong sapat na lakas para gumalaw. Kahit naibalik na sa akin ang alaala ko, wala pa rin naman ang kapangyarihan ko.
I sighed.
What now? I'm back to being the young Empress of Dark Empire. Wala na akong takas. Pero anong mapapala nila sa akin? I don't have my power with me! Si daddy ang nagcast ng spell sa akin kaya siya din dapat ang magtanggal nito! At hanggang wala pa akong kapangyarihan, I'll be useless for the whole Empire.
Agad akong naging alerto noong makarinig ako ng mga yapak sa di kalayuan. Napalunok ako noong patungo sa aking silid ang ingay na naririnig. They're here again. Di ba sila nagsasawang kausapin ako?
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinungo ang banyo ng silid. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas mula roon. Hindi na ako nagulat pa noong makitang nasa silid na sila Amanda at Benjamin, kasama iyong babaeng nagdala sa akin sa lugar na to.
"Helena," banggit ko sa pangalan ng babae na siyang ikinatigil nilang tatlo. I remember who she was. Siya iyong tagapangalaga ko mula noong bata pa. She teached and trained me before. Mabait siya pero sunod-sunuran sa aking ina.
"Mellan, naaalala mo na ang lahat," mahinang turan ni Amanda na siyang ikinabaling ko sa kanya.
"You all know how powerful Empress Melissa is. Wala siyang di kayang gawin," malamig na sambit ko. "Well, maliban na lamang sa sumpang mayron ang katawan ko."
Kanina, pagkatapos bumalik ang mga alaala ko, sinubukang tanggalin ni mommy ang spell na inilagay ni daddy sa akin. She failed kaya naman ay galit itong lumabas sa silid ko. Wala siyang magagawa sa sumpang mayroon ako. She can't undo it no matter what.
"But we need your power, Mellan. Malapit nang magsimula ang labanan," si Benjamin.
"Hindi ako magiging sandatang muli, Benj. I'm done being the weapon before. Tapos ko nang gawin iyon kaya naman ay di ko na uulitin."
I remember how my mother used me to dominate others. She's cruel. Walang sinasanto. She's powerful, yes, pero hindi sapat sa kanya ang taglay na lakas. She needs more. And that's why I hate her.
"Iba ang sitwasyon natin ngayon, Mellan. Some of our people are now dead. Nalaman na ng council ang nag-eexist tayo! They're coming and they'll hunt us down!" ani Amanda na siyang ikinatigil ko.
What?
"Anong ginawa niyo?" I asked them. Hindi kumibo ang tatlo. "Hindi kikilos ang Tereshle's council kung wala tayong ginawang masama!"
Hindi maari to! Kung susugod ang mga taga council dito sa Empire, paniguradong walang laban ang mga tao dito. Those people are way better and powerful than us!
"It's been a year, Mellan. May iilang tauhan ang ipinadala ng Empress para ipahanap ka sa bawat sulok ng Tereshle. Nalaman namin na buhay ka kaya naman ay nagsimulang kumilos ang mga tauhan ng Empire," paliwanag ni Helena na ikinailing ko.
"Hindi ba kayo nag-iisip?" asik ko. "Batas natin iyon! Not to mendle with other Tereshlian was one of the rules here! Paanong pumayag kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko. That was a reckless move! Talagang malalaman at malalaman ng council na mayroong pagala-galang kakaiba sa apat na division nito!
Hindi kumibo ang tatlo. Maging ako ay naubusan ng mga salita. Bata pa ako noon, alam ko na ang magiging papel ko sa Empire na to. Lahat ng miyembro at tauhan namin ay biniyayaan ng dark magic. Ang kwento, lahat ng narito ay yung mga tinakwil ng kani-kanilang pamilya dahil sa taglay na kapangyarihan. Masama ang pagkakaroon nito kaya naman hindi ito tanggap ng iilan at dahil doon, nabuo ang Dark Empire. Lahat ng Tereshlian na nagtataglay ng itim na kapangyarihan ay napapadpad at nananatili dito sa Empire. My great anchestors teached and trained them to used this magic properly. And as time passed, dumami ang miyembro ng Empire. Noong una, ang mansyon lamang namin ang ginamit na tirahan ngunit ngayon, tila isang village na ito. Maraming kabahayan at sa sentro nito ang mansyon namin. At para naman walang maging problema, ipinagbawal ang paglabas ng Empire.
Ang buong Empire ay pinalilibutan ng dark magic para itago. Walang makakakita sa Empire kundi ang mga Tereshlian na may dark magic lamang. At dahil sa palaki na palaking populasyon, nagkaroon kami ng iilang batas at isa na roon ang hindi kami maaring makipagsalamuha sa ibang Tereshlian. Simple because they hate us for existing. All they know is that we are the defination of destruction itself, which is not true.
I possessed too much dark magic. Noong ipinanganak ako, ramdam ng buong Empire ang kapangyarihan ko. They already knew that I'll be the next Empress. The next leader.
"Mellan, hindi maaring matapos ang lahat nang pinaghirapan natin dahil lamang sa council," basag ni Helena sa katahimikan.
"Hindi tayo lalaban sa council," mariing sambit ko.
"Kung hindi tayo lalaban, tayo ang mamamatay, Mellan!" si Amanda habang umiiling-iling. "We need to fight!"
"No," mahinang sambit ko. "Pag lumaban tayo, lalong gugulo ang sitwasyon. Lalong iisipin ng council na may ginawa tayo labag sa patakaran ng Tereshle kaya hindi ako papayag," bumuntong hininga ako. "You said you need me, right? Then this is my way to end this."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top