Kabanata 7 : Confuse

"No! Kael!"

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa dibdib at naramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko. Hinihingal ako habang muling ipinikit ang mga mata. Damn! Panaginip lang. Panaginip lang, Mellan. Walang mangyayaring masama sa kanya. Wala. Calm down.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago muling iminulat ang mga mata. I frozed.

Isang di pamilyar na silid ang bumungad sa akin. Nasa isang malaking kama ako. Tahimik kong inilibot ang paningin. Lahat ng nakikita ko ay kulay itim. Ang mga gamit nito ay itim at maging ang mga kurtina sa may bintana ay itim rin.

'Dark Empire'

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I bit my lower lip as I remember everything that happened. Yung pag-uusap namin ng babae sa silid ni David. Yung mga sinabi niyang hindi ko maintindihan. Dark Empire. Heir. Yung pagbanggit niya sa pangalan ng mga magulang at yung pagsabi niya nang layuan ko ang mga kaibigan para hindi na sila mapahamak pa.

Sariwang-sariwa pa sa akin ang lahat ng iyon. And I'm starting to freak out right now.

"Who the hell is she?" nanghihina kong bulong habang pilit pa ring kinakalma ang sarili. I need to know kung nasaang parte ako ng Tereshle naroon. I need to get out of here. Akmang babangon na ako noong biglang napatingin sa pintuan dahil sa  naririnig na ingay mula roon. Someone's coming! Agad akong nahigang muli at nagpanggap na tulog pa. Napalunok ako habang sobrang lakas ng pagtibok ng puso. Damn! I can't breathe properly! Ilang segundo lang ang nagdaan noong marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Wake her up," may narinig akong nagsalita. It wasn't the girl who brought me here, that's for sure. I closed my fist firmly. Calm down, Mellan, for pete sake!

"But, she's still sleeping. Let the young lady rest for awhile," a man's voice. Who are they?

"We don't have enough time, Benjamin. Sooner, the council will know our existence!"

"Can you please calm down! Let's go, huwag tayong magtalo dito sa silid niya."

"Mellan!"

"Amanda! Tama na!"

Hindi na ako nakapagpigil pa. Binuksan ko ang mga mata ko at walang buhay na tiningnan ang dalawang nag-aaway ngayon sa gilid ng kama ko. Pareho silang natigil noong makitang gising na ako. Kita ko kung paano bitawan ng lalaki iyong nagwawalang babae. Pormal itong tumayo at yumuko sa harapan ko. This two, sa tansya ko ay kasing edad ko lang ang mga to. Sino naman kaya ang mga to?

"Mellan," banggit ng babae sa pangalan ko. Pinagmasdan ko lang ito at hindi umimik. "You're awake."

Walang imik akong naupo mula sa pagkakahiga. Kahit sobrang kaba, hindi ko ito pinahalata sa dalawa. Mukhang harmless naman sila. They won't hurt me. Sana.

"Who are you?" I asked them without blinking. Nag-angat ng tingin yung lalaki sa akin at bumaling sa katabi.

"I'm Amanda and he's Benjamin," ani ng babae at naupo sa gilid ng kama ko. "We're your friends."

"I don't have any friends here," malamig na turan ko. "Nasaan ako?" I asked them again.

"Mellan," si Benjamin. "Nasa mansyon tayo ngayon. Mansyon niyo."

"I'm just a Randus. Wala kaming mansyon."

"Maria Estellan!" sigaw bigla ni Amanda sa buong pangalan ko. Kita ko ang frustration sa mga mata nito. "Stop being stubborn!" she hissed.

"Amanda, you know her condition. Stop it," suway ni Benjamin.

"At anong gagawin natin? Pabayaan siya? No way, Benjamin! Nasa panganib ang buong Empire natin!"

Empire?

"Dark Empire," wala sa sariling bulong ko na nagpatigil sa dalawa. Pinagmasdan ko ang reaction nila and it confirmed me where the hell I am. Nasa Dark Empire ako ngayon! I can't believe na totoo ito! Akala ko gawa-gawa lang ng babae iyon pero base sa reaction ng dalawa, it exist.

"You remember?" Benjamin asked.

"No," I responded and close my eyes. "The woman who brought me here told that nonsense to me," dugtong ko pa at muling binalingan ang dalawa.

"This nonsense is your home, Mellan. Your Empire," malamig na turan ni Amanda. "You were gone for so many years. We thought you were dead."

"Wala kayong mapapala sa akin. Bring me back to Zhepria," I said, almost whisper. "P-please."

Natigilan ang dalawa dahil sa biglang panginginig ng boses ko. Nawala lahat ng tapang na pinakita ko kanina sa kanila noong banggitin ko ang Zhepria. Naalala ko si Kael. I need to go home. Kailangan ko siyang makita dahil kung hindi baka mawalan na ako ng pag-asa pa.

"Mellan, we need you," si Benjamin. Napatingin ako sa kanya. "I'm sorry pero hindi ka namin ibabalik doon."

"Ano bang gusto niyo sa akin?" pinahid ko ang luhang umaagos sa mukha ko. Natigilan ang dalawa dahil sa pag-iyak ko. "I'm powerless! Useless! And I don't belong here! Hindi ako taga rito! I just came from a small village from Aundros!"

"You are not useless, Mellan!" si Amanda na umiiyak na din ngayon. "Inilayo ka dito ng ama mo! Siya ang dahilan kung bakit hindi mo kami maaalala. Maging ang kapangyarihan mo, siya ang dahilan kung bakit hindi mo ito magamit ngayon!"

Natigilan ako. Napalunok ako noong maalala ang lahat na ginawa ni papa. Yes, ikinulong niya ako. Ipinagkait niya sa akin ang kalayaan ko pero alam kong para sa ikabubuti ko iyon. Because I am powerless. Hindi ko kayang protektahan ang sarili ko kaya hindi niya ako hinayaang makalabas sa bahay, sa village namin!

"When you're gone, the Empress was mad. Really mad. You are her only heir, Mellan. And you're dad took you away from us," ani pa ni Amanda. Kalmado na ito ngayon, hindi na umiiyak.

"Naguguluhan ako," I honestly said. "This is not real. Nagsisinungaling kayong lahat sa akin. Tama na."

"That is your truth, Maria Estellan. This is where you belong."

Natigilan kaming tatlo noong may nagsalita sa may pintuan ng silid. Agad namang lumuhod ang dalawa habang naglakad papasok ang babae. Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan siya. Paanong nangyari to? Bakit kamukha ko siya?

"Leave us," aniya habang di naalis ang titig sa akin. Walang imik na lumabas ang dalawa. Sinarado pa nito ang pintuan kaya bigla akong di nakahinga nang maayos.

"Give me your hand," utos nito sabay lahad ng kamay sa akin. Umiling ako. No, hindi ko gagawin ang nais ng babaeng to.

"Mellan, I said give me your hand," ulit niya.

"Gusto ko nang umuwi," mahinang sambit ko. Yumuko ako dahil sa nagbabadyang luha na naman sa aking mga mata. I'm scared. Really scared. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung iisiping mabuti, parang tumutugma na ang lahat ng sinasabi nila sa akin. Pero paanong nangyari iyon? Dark Empire. I'm sure na ang naninirahan dito ay gumagamit ng Dark Magic. Yung magic na tinutukoy sa librong pag mamay-ari ng pamilya ni David. Siguradong-sigurado ako. And my dad, I am powerless now because of him? How come? He's my dad! Alam niyang ikapapahamak ko ang walang kapangyarihang taglay! I can't fight because I don't have anything! At paano niya nagawang ilayo ako sa aking ina?

Ina.

Agad akong nag-angat ng tingin sa babaeng hanggang ngayon ay nakalahad pa rin ang kamay sa akin.

This can't be right? Hindi siya ang aking ina?

"Take my hand, Mellan. Ipapakita ko sayo lahat ng nawalang alaala mo," aniya at ngumiti sa akin. "Anak."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top