Kabanata 5 : Felt
Nasa pangalawang palapag lang kami pero bakit ang tagal naming marating ang kwarto ni David?
Napahugot ako ng hininga noong makita ang hagdan na nagkokonekta sa ikatlong palapag. Ngunit bago pa ako makahakbang paakyat, agad akong hinila ni Kael sa likuran niya at sinumon ang espadang apoy nito.
Agad nagkaroon ng liwanag dahil sa attribute ni Kael. Naaninag ko ang dalawang lalaking parehong nakaitim at nakatakip ang mukha. Pareho itong may hawak na sandata at nakatutok sa aming dalawa ni Kael.
"Move, Estella," mahinang sambit ni Kael kaya naman ay napahakbang ako ng isang beses pataas sa hagdanan.
"Give us the girl," bigla akong nangilabot dahil sa boses na narinig. It was familiar to my ears kaya naman ay napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Kael.
"Go," utos ni Kael sa akin ngunit hindi gumalaw ang mga paa ko. Umiling ako dito at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. My heart is beating so damn fast! At nanginginig na din ang mga kalamnan ko!
"I c-cant move my feet," nanghihinang sambit ko at nailing. I've heard Kael cursed. Akmang magsasalitang muli ito noong biglang sumugod ang dalawa sa gawi namin. Agad naman akong mapabitaw nang hawak kay Kael dahil sa takot. I've never seen him fight before, ngayon lang. At alam kong mahihirapan siyang lumaban kong nakahawak kamay siya sa akin.
"Fvcked," he cursed as he slash his swords towards the guy who attacked him on the right side. Napapikit ako noong nakitang natamaan ni Kael ang lalaki. Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko ngunit nanatili akong nakapikit. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung masaksihan ko ang mga iyon. I might lose my mind!
Napasigaw naman ako noong biglang may humawak sa akin at binuhat sa may balikat nito.
Shit!
"Put me down!" sigaw ko noong makita ang isang lalaking nakaitim din gaya ng dalawang kalaban ngayon ni Kael. "Ano ba!" I screamed again at pinagpapalo ito ngayon. Kung may kapangyarihan lang ako, edi sana kaya kong lumaban. Kaya ko sanang ipagtanggol ang sarili ko. Fuck! "Kael!" buong lakas na sigaw ko sa pangalan niya.
Nagpapanic na ako. I can't be caught! Hindi maari ito! Nagpapadyak ako at pinagpapalo pa nang mas malakas ang lalaki at laking gulat ko na lamang noong biglang natumba ang lalaki at nabitawan ako nito.
Agad akong tumayo mula sa pagkakabagsak at pinagmasdang mabuti ang lalaking wala nang buhay ngayon.
"You okay?"
Napatingin ako sa lalaking nagtanong sa akin. Tumango ako dito at napaupo na lamang sa sahig dahil sa panghihina. That was close. So close!
"Hey, Mellan. Ayos ka lang ba talaga? Nasaktan ka ba? Ano? Tell me," nag-aalalang mga tanong ni David sa akin. Napailing na lamang ako at napatingin sa gawi ni Kael. Napalunok ako noong makitang mataman itong nakatingin sa akin ngayon habang dinidisolve ang fire sword nito. Tumba na ang dalawang kalaban nito. Gaya noong umatake sa akin, wala na din itong buhay na nakahandusay sa sahig.
"Kael," tawag ni David sa kaibigan. Hindi ito kumibo at nakatingin lamang sa akin. Rinig ko ang marahas na buntong hininga ni David at umayos nang tayo. "Let my people deal with them," aniya at binalingan ako. "I'll call Carmina to calm you down. For now, let's go to my room."
Hindi ako gumalaw. Maging si Kael kaya naman si David na mismo ang tumulong sa akin para makatayo.
"Stop that, Kael. Move your ass!" galit na sambit ni David at inalalayan na akong maglakad. Yumuko na lamang ako at pinakalma ang sarili. I silently cried and wiped my own tears. I was scared, okay. Pero yung takot sa mga mata ni Kael, it breaks my heart into pieces. Hindi ko kayang tingin ang mga iyon.
"Hey, he's okay. You don't have to worry much," bulong ni David sa akin kaya naman ay tumango na lamang ako at hindi na umimik hanggang makarating sa silid ni David.
Upon entering his room, I was expecting a master's bedroom pero natigilan ako noong makita ko ang napakaraming libro roon. It was like a library. May isang mesa sa unahan namin at may sofa rin sa loob nito.
"Your room?" mahinang tanong ko dito. Binitawan na niya ako at naupo sa sofa.
"Well, yes. My library actually. I spent most of my time here so ito na ang naging silid ko," aniya at inabutan ako ng isang basong tubig. Tinanggap ko iyon at uminom.
I've heard him sighed kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Mukha itong problemado habang pabalik-balik na lumalakad sa harapan ko. Nakapamewang ito at mukhang malalim ang iniisip.
"David," tawag pansin ko dito. "Thank you kanina," ani ko at bahagyang ngumiti. "And sorry for the trouble."
"Don't mention it," aniya at nagtungo sa mesa niya. May kinuha itong libro at dinala sa akin. "I've been studying this thing for the past years. It's a mystery to me pero mukhang nagkakaroon na ako ng hinuha sa iilang laman ng librong ito."
Napatingin ako sa librong ibinigay niya.
"Creation," basa ko sa nakasulat na titulo ng aklat. Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Anong kinalaman ng librong ito sa sitwasyon natin ngayon?" I asked him.
He took a deep breathe before answering my question.
"This book belongs to my great ancestors. Isa ito sa research nila na hanggang ngayon ay tila fictional pa rin dahil hindi naman ito nag-eexist sa mundo natin," kwento niya sa akin. Napatinging muli ako sa aklat. Creation. Creation of what?
"Are you familiar with dark magic?"
Natigilan ako sa naging tanong niya. Dark Magic. Napailing ako. I don't know. Narinig ko na ang tungkol doon noon, yes, pero wala akong ideya kung ano at para saan ito.
"I've already know what's inside that book. Alam ko ang bawat detalye tungkol sa sinasabi nitong dark magic," aniya at naupo sa tabi ko. "And earlier, I felt it."
Napalunok ako. Kinakabahan sa mga susunod na sasabihin ni David. Dark Magic. Salita pa lamang ay alam kong mapanganib na. Pero ano ang tinutukoy ni David? He felt that magic inside his mansion? Is that it?
"And I think the magic is after you, Mellan."
"David, stop," biglang singit ni Kael sa pag-uusap namin ni David. Pumasok ito sa silid kasama si Carmina. Parehong seryoso ang dalawa samantalang agad na tumayo si David mula sa pagkakaupo at nilapitan ang mga kaibigan.
"Naramdaman mo din iyon kanina, Kael!" giit niya at binalingan ako. "Kung nakuha nila si Mellan, we both know kung ano ang kalalabasan ng lahat!"
"David, calm down!" suway naman ni Carmina at nilapitan ako. "You okay?" she asked then I nod at her. She tapped me on my shoulder and somehow, I felt a little bit relaxed.
"You felt it too, Kael. And it was something dangerous! Hindi iyon normal na kapangyarihan! Wala sa kahit sinong Tereshlian ang nagmamay-ari noon! It was that magic!" si David muli habang nakaharap kay Kael. Hindi na nagsalita si Kael. Tahimik nitong ipinikit ang mga mata at walang lakas na binalingan ako. Naramdaman ko ang paghawak ni Carmina sa kamay ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Nakatuon lamang ang buong atensyon ko kay Kael.
He looked tired. He needs some rest.
I smiled a little then nod my head.
I'm scared, yes. Takot ako sa mga susunod na mangyayari pero mas takot ako sa nakikita ng dalawang mata ko ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top