Kabanata 3 : Presence
Tahimik akong naupo sa bakanteng upuan sa sala ni David.
Nasa tabi ko sa Kael samantalang si David at yung babae ay nasa harapan naming dalawa. Pagkatapos kasi nang encounter namin ng babae kanina sa silid, hindi na ako mapakali kaya naman ay lumabas na kami sa kwarto at pinatawag ni Kael ang kaibigan.
"What have you done this time, Carmina?" malamig na tanong ni David sa babaeng kanina pa nakasimangot.
Carmina? That's her name.
"Wala akong ginagawang masama, David," mariing sambit ni Carmina at tinaasan ako ng kilay. Napalunok naman ako dahil sa inasal niya.
"Stop it, Carmina," suway naman ni Kael na siya lalong ikinairita ni Carmina.
"Wala akong ginagawa sa kanya!" she hissed. Ngayon ay mukhang galit na ito.
"I'm sorry," mababang sambit ko at yumuko. Hindi ko talaga alam ang nangyayari. Maging ako ay naguguluhan na. "It was my fault, Kael, David. Nabigla lang ako."
"What's really is wrong with you? Huh? Mellan, right?" mataray na tanong ni Carmina sa akin. Napalunok muli ako at napatingin kay Kael.
"Earlier, I heard," panimula ko. "Things."
"Oh, really? Things like?" si Carmina ulit.
"Carmina, I'm warning you," nagbabantang sabi ni Kael sa kaibigan. Natigil naman si Carmina at inirapan akong muli. Walang sabi-sabi itong tumayo at naglakad palayo. Pinagmasdan namin itong lumabas sa mansyon kaya naman ay napayuko ako dahil sa kahihiyan.
It wasn't Carmina's fault. Marahil ay nairita lang to sa akin dahil sa naging reaksyon ko noong makita ko siya kanina.
"Now, Estella. Ano ang problema?" it was Kael. Napatingin ako sa kanya at kay David na tahimik lang na nakaupo sa pwesto niya.
"Kael, narinig ko ang boses ni Carmina kanina," paliwanag ko sa kanya. Kita ko ang pagkunot ng dalawang lalaki, tila di maintindihan ang sinasabi ko.
"Before kayo pumunta sa kwarto ko kanina, saan kayo nag-usap ni Carmina?" I asked Kael. Nakakunot pa rin ang noo nito habang pinagmamasdan ako.
"Dito sa sala," walang ganang sagot nito sa akin.
"Exactly, nandito kayo kanina. Ako naman ay nandoon," ani ko at tiningala ang pangalawang palapag kung nasaan ang kwarto na ibinigay nila sa akin kanina.
"Mellan, ano bang pinupunto mo?" this time, si David na ang nagtanong. Bumaling ako sa kanya at humugot nang malalim na hininga.
"That was the first time and I was shocked kaya naman ay ganoon na lamang ang reaksyon ko kanina. I'm so sorry. Walang kasalanan si Carmina."
Nagkatinginan ang dalawang lalaki pagkatapos kong magsalita. Tila ba'y nag-uusap sila gamit ang kani-kanilang mga mata.
"First time?" David asked after a minute. Tumango naman ako dito.
"What's your attribute, Mellan?" natigilan ako sa sunod na naging tanong ni David sa akin. Napatingin ako kay Kael dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kita kong isinandal ni Kael ang likod sa sandalan ng upuan. Prente itong naupo samantala ako'y pinagpapawisan na. This topic makes me uncomfortable. Ano bang isasagot ko? Wala naman diba?
"I don't have one," I honestly said. Kita ko ang natigilan si David sa naging sagot ko sa tanong niya. Agad itong napatingin kay Kael ngunit hindi man lang kumibo ang lalaki.
"You're kidding me," hindi makapaniwalang sambit ni David. "A Tereshlian without an attribute? That's impossible, Mellan."
"I know, David. Pero simula noong bata pa ako, ni minsan ay wala akong ginamit na attribute. Wala akong kakaibang naramdaman sa pagkatao ko. Not until today. Noong marining ko ang tinig ni Carmina kanina. I was shocked, yes, dahil sa unang pagkakataon ay may nangyaring kakaiba sa sarili ko. Kaya nga hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kanina."
"Do you know about this case, huh, Kael?" seryosong tanong ni David sa kaibigan.
"Yes," Kael quickly said then looked at me. "I've been investigating her case but until now, I don't have any valuable information on my hand."
"Where did you find her again?" mas naging seryoso ang usapan ng dalawa. Biglang sumakit ang ulo ko dahil alam kong ang sitwasyon ko ang pinag-uusapan nila.
"Mount Ryzus," sagot naman ni Kael.
"That was a hella dangerous mountain. You live there?" tanong ni David sa akin na siyang ikinailing ko. Hindi ako nakatira doon. Doon lang ako natagpuan ni Kael.
"A small village, boundary between Aundros and Lynus division."
"I assume the people there are fire attributers," ani David. Tumango ako. "How come na di mo alam ang attribute mo? Kahit mag-isa ka lang, kaya mong ipalabas at magamit ang taglay mong kapangyarihan."
"I tried, okay. Pero walang nangyari kaya naman ay hinayaan ko na lang. My father caged me because of that kaya hindi ko talaga alam kung ano ang mali sa akin," mahinang sambit ko sabay yuko.
Katahimikan.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita hanggang marinig naming bumukas ang pintuan at pumasok doon si Carmina. Nagmamadali itong lumapit sa pwesto namin at seryosong tinangnan si David.
"Something strange is happening at the plaza," she said. Kunot noong nakatingin sa kanya si David samantalang tahimik kaming dalawa ni Kael.
"The royal guards are there, Mina. No need to inform me," walang ganang sambit ni David kay Carmina.
"Something dark," muling sabi ni Carmina na siyang kumuha ng atensyon ni David. Maging si Kael napaayos nang upo sa sinabi ni Carmina.
Something what? Dark? Ano naman yon?
"You sure about that?" David asked. Tumango-tango naman si Carmina kaya naman ay tumayo si David. Maging si Kael ay napatayo rin.
"I need to see this," ani David.
"I'm coming with you," si Kael naman na siyang ikinagulo ng isip ko.
"Wait?" pigil ko sa kanila. Ako lang ata ang walang alam sa nangyayari. Aalis sila, that's for sure. At iiwan nila ako dito sa mansyon na to? No way!
"Stay here," Kael said with finality. What? Seryoso siya? "Let's go, David, Mina."
Binalingan ako ni Carmina at nginisihan. Nagsimulang maglakad si Kael at sinundan ni Carmina. Tumikhim naman si David na siyang nagpabaling sa akin sa kanya.
"You'll be fine here, Mellan. Huwag kang umalis dito," aniya at sinundan na din ang dalawa.
Napaupo akong muli at napasimangot sa naging desisyon ni Kael kanina. Paano niyang nagawang iwan ako dito? Nakakaasar!
Basungot ang aking mukha habang pinagmamasdan ang kawalan. Kung ayaw niya akong kasama, fine, edi wag! Pwede naman akong umalis mag-isa diba?
Hilaw na ngiti ang lumabas sa aking labi dahil sa walang kwentang naiisip. Of course, I can't! Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko kung may mangyaring di maganda sa akin. I can't risk my safety over this nonsense thoughts of mine. At base sa binalita ni Carmina kanina, mukhang nagkakagulo ngayon sa plaza ng Zhepria.
Akmang tatayo na ako para bumalik sa kwartong inuukupahan ko dito sa mansyon noong makarinig ako ng iilang kalabog.
What was that?
Nagpalinga-linga ako, hoping na may makita akong maid ng mansyong ito. Seconds past, wala ni isang maid ang dumaan man lang sa sala. Saan nagpunta ang mga yon?
Napatingin ako sa pangalawang palapag noong makarinig muli ako nang kalabog. Agad akong tumakbo patungo sa taas. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko ngayon. Walang Kael na magliligtas sa akin if ever na may masamang mangyari pero wala akong choice!
Sinundan ko ang ingay na kanina ko pa naririnig at nanlamig ang buong katawan ko noong natigil ako sa tapat ng kwartong inuukupahan.
Dahan-dahan kong inilapat ang tenga sa pintuan upang pakinggan ang nangyayari sa loob. Napaatras naman ako noong makarinig ako ng iilang yapak mula roon.
Someone's there!
Shit! Anong gagawin ko?
I closed my eyes and calm down my senses. Mas naging malinaw ang naririnig ko sa loob ng silid. Bawat galaw na ginagawa nito, rinig na rinig ko.
Is this my ability? Dahil kung oo, ang creepy niya! Hearing things like this is not a good thing at all. Nakakabaliw!
"Kaya ko to," mahinang bulong ko sa sarili at lumapit muli sa pintuan. Lumunok ako ng isang beses at hinawakan ang doorknob. I bit my lower lip as I open the door. Biglaan ko itong binuksan kaya naman ay biglang napatingin sa akin ang nilalang na nasa loob.
I frozed.
"Who are you?" I managed to ask.
Yung babae kanina sa sentro ng Zhepria! Yung babaeng nakaitim na damit na nakita ko sa restaurant na kinainan namin ni Kael kanina! Siya itong nasa silid ko ngayon!
"You felt my presence," aniya na siyang nagpangilabot sa akin. Ang tinig niya, pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig.
"I'm asking you, sino ka?" ulit ko sa naging tanong kanina. Humakbang ako ng isang beses paatras. Hindi ko alam kung ano ang pakay nito. Baka ikapahamak ko ito. Hindi maaari!
"Estella!"
Napalingon ako sa labas ng pintuan noong marinig ko ang boses ni Kael sa baba. They're back!
"Fuck! Nasa taas siya!" that was David. Mabibilis na galaw ang sunod kong narinig hanggang makita ko ang sila Kael sa pintuan ng silid.
"Estella!" Kael exclaimed then run towards me. "You okay?"
Tumango ako dito at bumaling sa babaeng nasa silid ko. Nagpalinga-linga ako sa buong silid noong di ko ito nakita.
"Nasaan na siya?" I asked to myself at nagtungo sa bukas na bintana ng silid. Napalunok ako noong makakita ng itim na usok palayo sa mansyon ni David.
That was her. That's for sure.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top