Kabanata 20 : Control

Kanina pa ako nandito sa mansyon ngunit ni isang kawal ay wala akong nakasalubong man lang.

Weird. Kailan man ay hindi nawawalan ng kawal ang mansyon na ito!

Isang hakbang ang ginawa ko at gumawa ito ng ingay sa napakatahimik na mansyon. I alerted myself. Something's not right here. Something's off.

I took another step then heard a faint heartbeat on my right side.

"Come out already!" I shouted. My voice just echoed. "What is this? Hide and seek?" tanong ko at inihanda ang espadang hawak. "Show yourself!"

"You have a short temper, Maria Estellan. I wasn't inform about that."

Kunot noo kong pinagmasdan ang babaeng lumabas sa isang pasilyo.

Napako ako sa kinatatayuan ko. What the hell is this?

"Who are you?" nahihirapang tanong ko dito. Pinagmasdan ko itong mabuti. From her head to toe. Slowly but my heart beats faster. Impossible!

"Oh, hindi mo pala ako kilala. You never had a chance to know who I am."

"Just answer my damn question!" galit na sambit ko. Litong-lito na ako! Ano ba ang nangyayari? Sino ang babaeng ito?

"I'm Marie Estellan," she said that makes my heart jump. Natigilan ako sa paghinga. I want to hear more from her. I want to know what's our connection. And I hoping na mali ang nasa isip ko. Sana. "And I'm your twin sister," now I'm doomed. "Surprise?"

"You're lying," nanghihinang sambit ko.

"Hindi ako umaasang maniniwala ka sa akin. I wasn't born to be your sister, anyway. I was born to defeat you. To be your enemy."

"Paanong nangyari ito?" pinagmasdan ko siya ng mabuti. Magkamukha kami. Magkamukhang-magkamukha. Mas mabaha lang ang buhok nito sa akin. Mine is below my shoulder only. Ang sakanya ay aabot sa bewang nito. Our bodies are the same, height and all. We're identical twins! "Anong nangyari sayo? Bakit ngayon lang kita nakita?"

Tumawa ito nang mahina at humakbang ng isang beses palapit sa akin.

"Why? Because I was in prison," mariing sambit nito. "All my life, I live their. Alone."

"Our mom did that to you?" hindi makapaniwalang tanong ko dito. How can she do this to her own daughter? Damn! Yeah, right! Ako nga nagawang gamitin niya sa pansariling kapakanan niya, itong kakambal ko pa kaya.

"She did nothing to me, Maria," anito na siyang nagpatigil sa akin. "Wala siyang ginawa kaya naman ay hindi ko ito itinuring ina."

"She's still your mother!"

"You're the only daughter she knew! Ikaw lang! Because I'm just a weapon! Nothing more, nothing less!" sigaw nito sa akin. Hindi ako gumalaw. Pilit na iniintindi ang mga salitang sinasabi nito. Weapon? Now, I'm convinced. Kambal nga kami. Pati sa kamalasan ay kambal din. "Hindi mo pa rin ba makuha ang lahat-lahat? Akala ko ba mas magaling ka sa akin sa lahat ng bagay? Don't disappoint me, Maria."

"Sino ang nagkulong sa iyo?" I asked her.

"Now, you're asking," she smirked. "It was Elliot. He saved me from our evil mother. She wanted me dead and Elliot took care of me."

"What?"

"You heard me right now, Maria. And now, she's losing everything she have. Elliot's plan is winning over her. Kaya naman ay lumabas na ako sa lugar na pinagtataguan ko. And I'm here to eliminate you."

"What plan are you talking about?" mariing kong hinawakan ang espadang nasa kamay ko. I have an idea. And it scares me kung tama lahat ang nasa isip ko.

"You don't have to know," aniya at sinugod ako. Agad kong itinaas ang espada ko at sinangga ang atake niya. I pushed her hard then slash my sword towards her. Mabilis niyang sinangga ang ginawa ko, just like what I did earlier, at tumalon ng mataas palayo sa akin. "Minsan mas mabuting hindi mo alam ang katotohanan para hindi ka na masaktan pa," sambit muli nito at sinugod ako.

But I wan't to know the truth! Ito lang ang magtutulak sa akin na lumaban pa. Ito ang kailangan ko dahil hindi ko na alam kung ano ang totoo sa mga nangyayari.

"Focus, my dear sister," I blinked twice and saw her face infront of me. Napaatras ako noong itinutok nito ang espada sa aking leeg. "Tell me, anong gusto mong mangyari sa lugar na ito?"

Natigilan ako sa naging tanong niya. Seryoso ang mukha niya. Kinalma ko ang sarili. This girl, ramdam ko na hindi ito masama gaya nang ipinapakita niya sa akin ngayon. She's indeed my twin. We are connected. We shared the same blood and flesh. I know, she's not evil just like our mother.

"Total freedom," I managed to answer her. "Para sa akin, sa mga taong umaasa sa akin," sambit ko pa at matamang tiningnan ito sa kanyang mga mata. "At para sayo."

"We have the same goal here but I'm not like you, dearest sister. I just want to save myself. That's all," aniya at muling sinugod ako. I stay still. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ako. Pinanuod ko lang itong sumugod sa akin. Noong lumapat muli ang espada niya sa leeg ko, tumigil ito at masamang tiningnan ako.

"Fight, you bitch!" sigaw niya pero hindi pa rin ako gumalaw.

"I can't," mahinang sambit ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Kita ko ang galit dito. Nanginginig pa ito dahil sa matinding emosyon sa mga mata nito. "Paano ko lalabanan ang kapatid na ngayon ko lang nakita. How can I fight you when all I wanted to do right now is to hug you. Tight."

"Bullshit!" she screamed then remove her sword on my neck. "You're weak! I can't believe you! Akala ko malakas ka!"

"My power is only for those who hurt my family and the people I treasure the most. You are my family. And I bound to protect you,too."

"Shut up, Maria! Hindi mo alam ang sinasabi mo!"

"How about you? Alam mo ba ang ginagawa mo? Do you know who's the real enemy here?" tanong ko dito na siyang nagpatigil sa kanya.

"Stop messing with me!" she screamed then pointed her sword again towards me.

"Marie, I'm your sister. I'm not your enemy."

"I'm no one's sister," mariing sambit nito.

"Yes, you are. We shared the same blood and flesh. You are my sister."

Bigla nitong binitawan ang espada na siyang ikinabigla ko. Bumagsak ang katawan nito at napaluhod sa sahig.

"Marie..."

"All my life," natigilan ako noong marinig ang ang nanginginig nitong boses. "I wanted to have someone who will took care of me. Someone who will see me as me. Someone who will accept me."

Nag-angat ito ng tingin sa akin at laking gulat ko noong makita ang luha nito sa mga mata.

"Darkness was my only companion for years, Maria. And Elliot was there to cheer me up. He was there. Always. I don't need anyone but he chose to stay. And now, he's giving me the freedom I always wanted. And to finally have it, I need to kill you. I need to kill you because you're the reason why I was locked up!"

"Do you really want to end up my life?" I managed to asked her. Humakbang ako palapit sa kanya. Gusto kong damayan siya sa kanyang pag-iyak pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to be strong. For her. She's so fragile. I need to be her strength, for her to fight more.

"I... I don't know anymore!" naguguluhang sambit niya sabay hagulhol. Akmang hahakbang muli ako nang napako ako sa kinatatayuan ako.

Impit na ungol ang narinig ko galing sa kapatid ko habang nanlalaki ang mga mata nito. Bumaling ito sa akin habang unti-unting bumagsak ang katawan sa sahig.

"I thought I can used you, Marie. Nagkamali ako. You're still useless."

Masama kong tiningnan ang lalaking nagsalita.

"Elliot!" umugong ang boses ko sa kabuuan ng hall. "How dare you!"

"Now, this is what I'm waiting for. Come on, Mellan. Hate me more. Show me your anger. Show me your darkness."

"No, Maria," napatingin ako kay Marie. Nahihirapan itong gumalaw. Kita ko kung paano nito inabot ang patalim na nakabaon sa likuran niya. She screamed then throw it away. "Stop it already, Elliot. Nagawa mo na ang nais mo."

"What are you talking about, Marie? Your mom is still alive. Hindi pa ako tapos. Nagsisimula pa lamang."

"You want my mom dead?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. What is this? Is he a traitor?

Ngumisi lamang si Elliot at ipinakita ang isang bagay na pagmamay-ari ng aking ina. The Empress ring! What the hell! Paanong nasa kanya ito?

"I was controlling her after all this years, Mellan. The Empress is my puppet. I am the real master here."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top