Kabanata 2 : Voice

"This is Estella," pakilala ni Kael sa akin sa kaibigan niya.

"Is this the same girl you were talking about, huh, Kael?" tanong ng kaibigan ni Kael sa kanya habang nakangising nakatingin sa akin. Napahakbang ako ng isang beses paatras. I'm not confortable with this man. Gusto kong umalis at magtago mula sa kanya.

"Stop it, David. Tinatakot mo," ani Kael sabay tapik sa balikat ng kaibigan. Nilagpasan kami ni Kael at nagsimulang maglakad palayo. Nawala ang ngisi ni David at simpleng ngumiti sa akin. Naglahad ito ng kamay at yumuko. "David Tyler, my lady. Nice to meet you."

Kahit nag-aalinlangan ay tinanggap ko ang kamay nito.

"Maria Estellan," pakilala ko na siyang ikiangat ng isang kilay nito. "Please, Mellan na lang," napangiwi ako at bumitaw na sa pakikipagkamay sa kanya.

"I thought it was Estella?" David asked as we walked towards where Kael is. Nasa taas ito ngayon at marahil ay inaayos na ang matutulugan namin. "Siya lang ang tumatawag sa akin ng ganyan. I kept on telling him to stop calling me like that pero matigas ang ulo. Di na ako namilit pa."

Narinig kong tumawa si David kaya naman ay napatingin ako sa kanya. He was laughing right now kaya naman ay naging magaan ang loob ko sa kanya. Mukhang pinagtripan niya lang ako kanina.

Napanguso ako.

"Sanay si Kael mag-isa. Mabuti at nagtagal ka sa mansyon niya?" tanong nito sa akin.

Nagkibit-balikat ako.

"Mabait naman ako," ani ko na siyang ikinatawang muli ni David.

"I can see that," sambit muli ni David at makahulugang ngumiti.

"Estella, come over here," napaangat ako ng tingin noong marinig ko ang tinig ni Kael sa pangalawang palapag ng bahay ni David. Actually, his house is a mansion, just like Kael's. Ang pinagkaiba nga lang ay may mga katulong ito. Unlike sa mansyon ni Kael, kaming dalawa lang.

"Akyat na muna ako, David. Magpapahinga na rin ako," paalam ko dito.

"Go on. Feel at home. Kung may mga kailangan ka, you can ask our maids. Nasa study room lang ako. Maybe Kael will join me later. Kaya if hindi mo siya mahanap, just ask for the direction to our maids."

Tumango-tango na lang ako. Tahimik akong pamanhik sa pangalawang palapag. Panay ang tingin ko sa mga paintings na nakasabit sa dingding.

David Tyler.

Mayaman ang isang to. At sa tingin ko'y malakas at makapangyarihan din siya. By a single look, ramdam ko ang kapangyarihang taglay niya. Tumigil ako sa isang pinto na bahagyang bukas. Itinulak ko iyon at nadatnan si Kael na inaayos ang gamit na dala ko.

"Stay here. Magpahinga ka muna," aniya at naglakad palapit sa akin. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Kasing laki lang to ng silid ko sa mansyon ni Kael. Tumango-tango ako sa kanya at itinuon ang atensyon sa kanya. "David and I will discuss something on his office. I need to go," paalam niya at lumabas na sa silid.

"Okay," mahinang tugon ko noong makalabas na ito ng silid. Napailing na lang ako at isinarado na ang pintuan at walang imik na naupo sa gilid ng malaking kama.

This is Zhepria. The wind attributers of Tereshle.

Iniangat ko ang kamay ko at pinagmasdang maigi. Ano ang taglay kong kapangyarihan? Pabagsak kong inihiga ang katawan habang di inaalis ang tingin sa kamay. Bata pa lang ako, alam ko na bawat isa sa mamamayan ng Tereshle ay may taglay na attribute, just like my father. We belong to a small village of Aundros, boundary between the Lynus Division. Ngunit hanggang lumaki ako, ni hindi ko natuklasan ang taglay na kapangyarihan. Palagi akong ikinukulong ng ama ko sa maliit na bahay namin. Nakakalabas lamang ako noon pag umaalis ito para mangaso. I manage to have friends back then pero pag nalalaman nilang hindi ko alam kong anong taglay kong attribute, they'll distanced their selves to me. Tila ba'y nagtataglay ako ng isang nakakahawa at nakakamatay na sakit. Hindi na nila ako kakausapin o tingnan man lang. And that's the worst experience I have. Mas malala pa tuwing sinasaktan ako ni ama pag nalalaman niyang lumalabas ako ng bahay.

"Hindi ka ba talaga makikinig sa akin? Hah, Mellan? Sinabi nang huwag na huwag kang lumabas dito," galit na sambit ni ama sabay sampal na naman sa akin. "Huwag mong hintaying itali kita diyan sa kama mo, Mellan. Huwag mong ubusin ang pasensya ko!"

Minsan iniisip ko na lang noon na para sa pansariling kapakanan ko ang ginagawa ni ama. Iiyak na lang ako hanggang mapagod ako kakangawa. I was powerless. Ni hindi ko maipalabas ang sariling attribute. Baka mapahamak lang ako pag lumabas ako sa bahay namin. Hindi ko kayang protektahan ang sarili ko.

Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inayos ang suot na damit. Nagtungo ako sa isang salamin sa sulok ng silid at pinagmasdan ang sarili.

Am I that useless?

I bit my lower lip with my own thoughts. Naalala ko lang naman kanina ang mga nangyari sa akin noong nagdaang taon at heto na naman ako, kinaaawaan ang sarili. Kailangan kaya ako magkakaroon ng sapat na lakas para itayo ang sarili? Marahil kay kailan ma'y hindi mangyayari iyon. I was born to be weak, I'll live and die with that.

Napabaling ako sa pintuan noong makarinig ako ng iilang tinig. Kunot noo akong naglakad roon at pinakinggan muna ang nangyayari sa labas.

"Hello, Kael!"

Babae. Tinig ng isang babae!

Agad kong binuksan ang pintuan at laking gulat noong makitang walang tao roon. Tahimik ang buong palapag. Tanging paghinga at lakas ng kalabog ng dibdib ko ang naririnig ko. Ipinilig ko ang ulo ko at napasimangot.

What was that?

"Ang tagal mong di bumisita ah? David is boring, puro libro ang pinagkakaabalahan!"

Oh no! Talagang naririnig ko iyon! Mabilis akong umatras at isinarado ang pintuan. What was that? Huminga ako ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata. Ito ang unang pagkakataong nangyari sa akin to. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakalma ang sarili. Pabalik-balik ako ng paglalakad, hindi mapakali.

At halos tumalon ako noong biglang may kumatok sa pintuan at bumukas ito.

"You're awake."

"Kael!" I said then run towards him.

Kita ko ang pagkunot ng noo niya habang pinagmamasdan ang galaw ko.

Nanginginig ang kamay ko noong hawakan ko ang laylayan ng suot niyang damit. Damn it. Calm down, Mellan.

"What's wrong?" he asked as he held my trembling hand. Kita ko ang pag-aalala nito kaya naman ay pilit kong kinakalma ang sarili. "Speak, Estella, anong nangyari?"

"Kael, is your girl awake?"

Napabaling ako sa nagsalita sa likod ni Kael. Napako ako sa kinatatayuan.

Siya nga!

Iyong babaeng naririnig ko kanina! That was her voice! Hindi ko inalis ang tingin sa babaeng kadarating lang. Bumaling si Kael sa kanya at ibinalik sa akin at atensyon.

"Ikaw," wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa babae at umatras ng isang beses sa kinatatayuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top