Kabanata 18 : Create

Dalawang kawal ang nasa likuran ko.

Paakyat na ako ngayon patungo sa aking silid. Bawat hakbang ko ay maingat at walang ingay. Pinapakiramdaman ko din ang bawat kilos ng mga kawal na nasa aking likuran. At noong marating ko ang pintuan ng aking silid, agad akong tumigil at binalingan ang dalawa.

Naging alerto naman sila.

Ngumiti ako sa kanila at bahagyang inayos ang suot na damit.

"Maari niyo bang samahan ako kila Benjamin and Amanda?" malumanay na tanong ko sa kanila. Ngunit minuto na ang lumipas ay walang kumibo sa dalawa. Oh great, mukhang mahihirapan ako dito.

I only have a day to do my mission. Ngunit kong hindi ako makakasigurong ligtas ang dalawa kong kaibigan, hindi ko alam kong magagawa ko ba nang maayos ang inutos sa akin ni daddy.

"Alright, kung ayaw niyo, fine. I'm going in. Magbantay kayo nang mabuti. Baka sa isang iglap, matakasan ko kayo," I said then entered my room. Agad kong isinarado iyon at ginamitan ng dark magic upang makasigurong walang makakapasok dito. Mabilis akong nagtungo sa kama at naupo roon. I closed my eyes then concentrate.

'Benjamin? Amanda? Can you hear me?'

I tried to talk to them through my mind. Isa ito sa ability na mayroon ako. I remember when I was a child, isa ito sa naging daan ko para makapag-usap sa kanilang dalawa. Palagi akong nasa silid noon at nakakalabas lamang ako pag may okasyon sa Empire. It was a blessing ability but still, it's a cursed outside the Dark Empire.

"Benj! Amanda! Answer me!"

"Oh my God! Mellan?"

It was Amanda!

"Nasaan kayo?" I asked her.

"Nasa underground prison kami, Mellan. Benjamin was injured. He needs some aid!"

"Underground prison? Great, I'll be there! Wait for me!"

"Wait, what? Mahihirapan ka, Mellan. Mapanganib!" pigil nito sa akin.

"Ilan ang bantay na nariyan ngayon?"

"I don't know. Maybe five?"

"Alright. Pupunta ako diyan."

"Mellan, wait! Yung kapangyarihan mo..."

"I'll explain later. Gotta go!"

Iminulat ko ang mga mata at agad na tumayo sa kama.

Underground prison? Kung tama ang nasa memorya ko, nasa pinaka likod iyon ng mansyon. It will take some time before I'll arrive there. Kaya naman ay hindi na ako nagdalawang isip na buksang muli ang pintuan ng silid ko. I dispell my dark magic on the door and ready myself to attack my guards.

Pagkabukas ng pinto ay agad kong kinumpas ang kanang kamay ko at tinamaan ang isa sa kawal. With the use of my dark magic, pinatulog ko ito.

"Young..."

Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita nito. I put my hand on his shoulder then released my dark magic on him.

"Sleep, boys," ani ko at tumakbo na palayo sa kanila.

Agad kong tinungo iyong daan patungo sa pinakalikod ng mansyon. At sa bawat kawal na nadaraanan ko ay pinapatulog ko ito gamit ang kapangyarihan ko. I can't hurt them. They're just some guards who serves their Empress.

"Mellan!"

Natigil ako sa pagtakbo noong marinig ko ang boses ni Helena. Lumapit ito sa akin sabay hagod ng tingin sa aking kabuuan.

"You're back! Ayos ka lang ba? Hindi ka ba napahamak sa paglabas mo sa gubat?" sunod-sunod na tanong nito.

"Paano mo nalaman ang tungkol doon?" lumayo ako sa kanya. I can't tell if she's an enemy or not. I need to be extra careful.

"Benj and Amanda told me," she said. Kumunot ang noo ko. That's impossible. Mga bata pa lang kami ay may mga bagay na kaming pinagkasunduan. At isa na roon ang huwag ipagsabi sa ibang tao ang mga bagay na nangyayari sa bawat isa.

"Talaga ba?" I asked her then raised my right hand. Kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nito dahil sa nakikita.

"Your power is back," she uttered. "The Empress will be happy about this!"

"Oh, come on, Helena. Hindi malalaman ng Empress ito," ani ko sabay sugod sa kanya. Naging mabilis naman ang pagkilos nito. Mukhang inaasahan niya ang aking pag-atake.

"You can't defeat me, Mellan. Ako ang nagturo sa iyong lumaban. I know your every damn moves," pagmamalaki niya sabay sugod sa akin. Hindi na ako nag-dalawang isip pa. It's confirmed, she's an enemy. And I need to eliminate her.

Naging mabilis ang aking pag-iwas sa atake niya. Using my dark magic, I created a sword. Ganoon din ang ginawa ni Helena kaya naman noong magtama ang mga sandata namin ay pareho kaming tumilapon dahil sa malakas na impact ng naging aggresibong mga atake namin.

"I'm impressed. You become stronger," komento nito sabay tayo, ganoon din ako.

"Well, I'm strong enough to defeat you, Helena. Kayo ni mommy. I'll make sure to end your evil plans here."

"Evil, huh? Since we were born, the word evil was next to our name, Mellan. Huwag kang magmalinis," ngumisi ito at inihanda ang sarili sa sunod niyang atake.

"You can say that, Helena, pero huwag niyo akong itulad sa inyo!" mariing sambit ko at ikinumpas ang kaliwang kamay ko. Agad na bumulusok ang itim na kapangyarihan ko patungo sa kanya. Kita ko ang pagkagulat nito na siyang dahilan upang matamaan ito ng aking atake.

Bumagsak ang katawan nito at tila nahihirapan sa paghinga.

"You'll survive, don't worry about that. I'll just paralyzed you for a moment. I need to finished my task here and find my friends."

Pagkasabi ko noon ay pinagpatuloy ko na ang pagtakbo. At habang nakatuon ang atensyon ko sa dinaraanan ay napahawak ako sa braso ko. I mentally cursed when I felt the pain on it. Damn that Helena! Hindi ko alam na nasugatan niya ako! Agad kong ginamitan ito ng dark magic ko para matigil ang pagdugo nito. At noong makarating ko sa entrance ng underground prison, agad na naging alerto ang dalawang kawal na nakabantay roon.

Umayos ako ng tayo at matamang kinatitigan ang mga ito.

"Papasok ako," mariing sambit ko at naglakad palapit sa kanila.

"You're not allowed to enter here, Young Empress," mariing sambit ng isa sa kawal at itinaas ang espadang hawak at itinutok sa akin.

I smirked.

"You give me no choice then," I said then attacked them. In just a blink of an eye, natumba ang dalawang bantay. Sa dampi lamang ng kamay ko sa kanila, nawalan na sila ng malay. This is the main reason why my dark magic was dangerous. I can end someone's life with just a single contact. But in their case, nawalan lang sila ng malay dahil sa pagkontrol ko sa kapangyarihan ko.

Noong mapatumba ko na ang dalawa aya agad kong binuksan ang pintuan. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang madilim napasilyo. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. I felt nothing kaya naman ay naging alerto ako. I even activated my hearing ability at noong makarinig ako ng paghinga sa gawing kanan ko ay agad kong ikinumpas ang kamay patungo roon. Isang kalabog ang narinig ko at alam kong may natamaan sa naging atake ko.

Tinakbo ko ang madilim na pasilyo at noong marating ko ang pinakadulo nito ay bumungad sa akin ang iilang selda na may lamang mga bilanggo.

Napaawang ang labi ko.

What the hell is happening?

Bakit maraming mga bilanggo sa lugar na ito?

"Mellan!"

Napatingin ako sa gawing kaliwa ko at mabilis na nilapitan si Amanda.

"You're really here!" she exclaimed then reached my hand. Pinagmasdan ko ito. May mga pasa ito sa mukha. Marahil ay nakuha niya dahil sa pakikipaglaban sa lugar na ito.

"Step back, ilalabas ko kayo sa lugar na ito," ani ko at agad na itinaas ang kamay ko. Lumayo naman si Amanda sa akin. At noong masiguro kong hindi siya mapapaano sa gagawin ko, walang pag-alinlangang sinira ko ang rehas. Pumasok ako dito at tinungo ang walang malay na si Benjamin.

"He's badly injured," ani Amanda at umalalay din sa kay Benj.

"You need to go out of this place. My dad and other Tereshlian friends are waiting for my signal at the boundary of the east forest. Dad can heal Benjamin."

"At paano ka naman?"

"I'll be fine. I have a mission to be done," sambit ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Young empress! Help us!"

Natigilan ako at tiningnan ang mga bilanggong humihingi ng tulong sa akin. Bumaling ako kay Amanda at nakita ko ang pag-iling nito sa akin.

"Hindi natin kakayaning tulungan silang lahat, Mellan," mahinang sambit nito na siyang nagpapikit sa akin. She's right. Sa dami nila, I can't help them. Not in this kind situation.

"I'm sorry," sambit ko sabay baling muli sa kanila. "Babalikan ko kayo. And I promised, ibibigay ko sa inyo ang kalayaang matagal niyo nang inaasam."

Ngayon alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko.

I'll destroy Dark Empire. I'll destroy what's my mother is creating, an empire full of hatred and selfishness. I'll end her obsession. And I'll create a new place where darkness is just a part of our lives, not our world.

"Let's go, Amanda. I have lots of things to do."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top