Kabanata 15 : Promises

"Young Empress."

Sabay-sabay na sambit ng tatlong nakakulong at iniyuko ang kanilang ulo bilang paggalang sa presensya ko.

Mataman ko silang pinagmasdan. Lahat sila ay nakagapos at kung tama ang hinala ko, hindi ito isang ordinaryong gapos lamang. Dark magic. But it's like a higher level of that magic. Kaninong kapangyarihan itong ginamit nila?

"Makakalaya na ba kami, Young Empress?" tanong ng isang lalaki sa akin. Hindi ko ito kinibo bagkus ang pinagmasdan ko sila isa-isa.

"What have you done?" walang emosyong tanong ko sa kanila. "Anong ginawa niyo para humantong ang lahat sa ganito?"

"Wala kaming ginawang masama, Young Empress."

"Is that what my mom told you to answer my goddamn question? Huh?" this time ay naging iritable na ako. Hanggang dito ba naman ay pagsisinungalingan nila ako? "Answer me. Please," pagmamakaawa ko. "I want to save everyone here. Kahit nagkasala kayo, you're still my people. I'm still your young empress."

Hindi kumibo ang tatlo. Napaluha na ako dahil sa frustration. Frustration sa kanila. Sa mga nangyayari. Sa aking malupit na ina at maging sa sarili ko. Ano ang kailangan kong gawin para maitama ang lahat ng ito?

"Patawad, Young Empress," ani ng isa sa kanila sabay luhod. Ganoon din ang ginawa ng dalawa kaya naman ay natigilan ako. "It was against our own will. Alam namin na labag sa batas ang gagawin namin. Pero wala kaming ibang pagpipilian. Empress Melissa's words are our rule, too."

"We all thought your dead. Wala ng ibang paraan para mailigtas ang Empire kundi ang lumaban sa kanila," pag-aamin pa ng isa.

"Pero sa ginawa ninyo ay mas nailagay sa panganib ang buong Empire!" mariing sambit ko sa kanila. "Hindi solusyon ang naisip at ginawa ninyo. Mas lalong napasama ang Empire natin sa buong Tereshle!"

"Young Empress, hindi tayo habang buhay nasa kadiliman lang. We're still a Tereshlian! We deserve something more than our own darkness."

"We want our freedom."

Freedom? Sino ba ang may ayaw sa kalayaan? Maging ako ay iyon ang inasam ko noon. And yes, ito rin ang nais ko sa mga taga Empire. A total freedom. Pero hindi sa ganitong paraan.

Hindi ko namalayan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Naninikip ang dibdib ko dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon. How can I save this people? How can I save our empire?

"I'm sorry," hingi ko ng tawad sa tatlo. "I'm sorry for being this useless. I'm sorry for being a failure. For being weak. I'm so sorry," I cried silently. Patuloy ang pagluha ko ngunit hindi ko magawang gumawa ng kahit anong ingay o hikbi lamang.

Ang tatlong ito. Umaasa silang tutulungan ko sila pero hindi ko kayang gawin iyon. I can't because I don't have that power to save them.

"It's not your fault, Young Empress," isa sa kanila ang nag-angat ng tingin sa akin. Malulungot na mga mata ang sumalubong sa akin. Mayamaya pa ay bahagya itong ngumiti. "Please don't blame yourself over something that you don't have any control on it."

Napakagat ako ng labi ko.

"Wala na tayong magagawa pa para maibalik ang nagawa namin. I'm pretty sure na galit na ang Council. Pero, Mellan, our dearest Young Empress, may magagawa ka pa para maitama lahat nang pagkakamali namin. Pagkakamali ng iyong ina. All you have to is to stop her," anito sabay tayo mula sa pagkakaluhod. "Give our Empire the freedom we've been asking and praying for so damn long. Palayain mo na ito mula sa kadiliman, Mellan. Nagmamakaawa ako. Kahit mabulok na kami sa kulungang ito basta iligtas mo lang ang Empire," sambit pa nito sabay yukong muli.

Kahit hindi niya nakikita, tumango ako dito. Nanginginig ang mga labi ko. I want to talk. To promised him that I'll do everything to save our Empire. Pero bago pa ako makapagsalita ay may kamay na humawak sa braso ko at inilayo sa kanila.

Promise, ililigtas ko ang Dark Empire.

"Mellan."

Agad kong niyakap si daddy noong mapagtantong siya ang humila sa akin palayo sa kulungan. Ang kaninang hikbing pinigilan ko sa harapan ng tatlong bilanggo ay pinakawalan ko. Umiyak ako habang mahigpit na yumakap sa aking ama. Nanghihina na ako at tama lamang ang presensya ni daddy. I need someone like him. Someone's strong enough to lift me up. I'm so broken right now.

"Dad," iyak ko. "The Empire. Let's save it. Please."

Hinaplos ni daddy ang buhok ko kaya bahagyang kumalma ako.

"We will, my princess. We'll save it," alo ni daddy at hinigpitan ang yakap sa akin.

"Sorry to interupt you sir but we need to leave this place," I've heard Kael's voice kaya naman ay humiwalay ako sa yakap ng aking ama. Binalingan ko ito at napalunok na lamang noong magtama ang aming paningin. Malungkot itong nakatingin sa akin kaya naman ay umiwas ako nang tingin sa kanya. Itinuon ko sa kawalan ang atensyon at kinalma ang sarili.

Kailan kaya ako makikitang malakas ni Kael. Iyong tipong hindi ako umiiyak. Iyong kaya kong tumayo sa sariling mga paa ko.

I hate it.

I hate being this weak. Being this useless. I want to be strong for myself and for them. I don't want to be a burden. I badly want to be strong.

Naramdaman ko ang paghawak ni daddy sa kamay ko kaya naman ay bumaling ako dito.

"Let's go, Mellan. Bumalik na tayo sa mansyon ni David Tyler. Marami tayong pag-uusapan," aniya at hinila na ako. Hindi na ako nakaangal sa ginawa ng aking ama. Nagpahila na lamang ako at noong marating namin ang mansyon ni David ay agad niya akong binigyan ng isang baso ng tubig. Sa kusina kami dumeretso samantalang nasa sala ang tatlo.

"Tell me, my princess, do you like Kael?"

Muntik ko nang maibuga ang iniinom na tubig dahil sa naging tanong ni daddy. Napalingon ako sa buong kusina at napatingin na rin sa pintuan at nakahinga ako ng maayos noong makitang dalawa lang kami ni daddy ang narito.

"Saan galing ang tanong na iyan, daddy?" kalmadong tanong ko dito at nailing na lamang. Sa totoo lang ay sobra ang kabang nararamdaman ko ngayon. This is my dad who is questioning me about my feelings towards him. It's awkward, you know. At isa pa, hindi ito ang tamang panahon para tanungin at pag-usapan namin ang tungkol sa bagay na iyan!

"Kael told me that he likes you a lot."

"Dad! Stop it!"

Kita ko ang pagngiti nito sa akin. Damn that Kael! Bakit niya sinabi kay daddy iyon?

"He's a great man, Mellan. And I'm so thankful na siya ang tumulong saiyo noong tumakas ka sa pangangalaga ko," seryosong sambit nito na siyang lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Damn, heart! Stay still. "I know that he already loves you, Mellan. I can see it through his eyes."

"Dad, naman!"

"Do you want your power back?"

I frozed.

Umawang ang labi ko sa naging tanong ni daddy. Is he for real?

"You needed it, Mellan. We'll save our Empire and after this one, I want you to be happy. I want you to be free from all your responsibilities as the next Empress. I want you to be happy, my child. And this is the only way I can do for you."

"Daddy," iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako makakilos.

"Mellan, I promised you before that I'll do everything for you. That I'll give everything to you. And now, I'm fullfilling that promises. I'm sorry for the hardship I have caused you, my princess. I'll be giving back to you what I have taken away from you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top