Kabanata 14 : Endure

Hindi ako mapakali.

It's been an hour since David and Kael went to the palace. Naiwan ako sa mansyon kasama ni Carmina.

"Calm down, Mellan. It's David and Kael. Hindi mapapahamak ang dalawang iyon," sambit nito habang patuloy sa pagbabasa nang hawak-hawak na libro.

"How I calm down, Carmina? Ang council ang kakausapin nila! And my dad! Kailangang maging ligtas siya!"

"He'll be fine, Mellan. Sheprid is one of the greatest wizard we have here in Tereshle," aniya habang nasa nakatingin pa rin sa librong hawak.

"Greatest wizard?" I asked. Naupo ako sa tabi niya kaya naman ay napabaling ito sa gawi ko.

"You really don't know a thing about your father, do you?" tanong nito sabay lapag nang hawak na libro. "Ano ba ang alam mo sa ama mo, Mellan?"

"He possessed too much dark power. A wizard, as well. But being called as one of the greatest wizard of Tereshle? I don't have a freaking idea about that," ani ko. "Dahil na rin sa estado namin, ilag kami sa ibang mga taga Tereshle kaya hindi ako makapaniwala na kilala niyo siya bilang si Sheprid."

"He was known for helping some of the Enthrean," kwento ni Carmina na siya nagpakunot ng noo ko. Enthrean? Kung saan kami nagkitang muli?

"He was using his healing ability and with the help of his dark magic, mas napapadali ang pagtulong niya."

"All this time, he was using his dark magic?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.

"Yes. Kaya naman ay naging alerto ang council sa bawat galaw nito. He was being followed secretly. Hindi lang siya magawang huliin dahil wala naman itong ginagawang masama na labag sa batas ng Tereshle. In fact, he's helping those who are in need."

Hindi ako makapagsalita sa mga impormasyong narining.

Kaya ba naging mainit kami sa mga mata ng council dahil sa paggamit ni daddy sa kapangyarihan niya? But no, base sa mga kwento nila Benjamin and Amanda sa akin, it was all because of me. Dahil sa paghahanap nila sa akin, lumabas ang ilang tauhan namin sa Empire. It was all about me.

"Pero, Mellan, alam mo ba ang mga ginawa ng iilang may dark magic na nagmula sa tinatawag mong Empire?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong nito.

"And what do you mean by that, Carmina?"

Bahagya itong tumawa kaya naman ay lalong kumunot ang noo ko.

"May iilan akong nahuling may taglay na dark magic. And base sa imbestigasyon ko, naglilikom sila ngayon ng mga sandata. They're moving all around Tereshle. Every goddamn division. Naghahanap ng mga Tereshlian na may kakayahang gumawa ng malalakas at matitibay na sandata."

Napaawang ang labi. Is this for real?

"We've captured ten of them from the different division of Tereshle. Some of them fought back and we just do what we have to do. We ended their lives as the punishment of their crimes," pagpapatuloy nito sa pakukuwento.

"That's not true," naiiling na sambit ko. Nanlalamig na ang buong katawan ko. Tila ayaw tanggapin ng utak ko ang mga salitang binitawan ni Carmina. "Nagkakamali lang kayo."

"I'm an Agent, Mellan. Alam mong totoo lahat ng mga sinasabi ko."

"Hindi nila magagawa iyon, Carmina. Kung may rules ang Tereshle, kami din! At higit na ipinagbabawal ang ganyang gawain!"

"That's right, it was against the rule that's why we executed them. Immediately."

"Pero sabi nila Benj, it was all because of me. Kaya sila lumabas sa Empire dahil sa paghahanap sa akin!" pagpupumilit ko.

Kita ko ang pag-iling nito sa akin.

"Do you trust your people, Maria Estellan?" she asked. Natigilan ako. Hindi ko kayang sagutin ang tanong nito. Wala akong makuhang sagot sa simpleng tanong nito sa akin. "Tell me, Mellan. Do you really trust your people? The people of your Empire?"

"Of... of course," mahinang sambit ko sabay yuko ng ulo ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamay ko. Ramdam ko ang panginginig nito.

Paano nila nagawang magsinungaling sa akin? Si Benjamin. Si Amanda? Maging sila Elliot at Helena! Bakit sila nagsinungaling sa akin!

But, no! Hindi ko pa alam ang totoong nangyayari. I can't conclude something that's not even clear to me.

"You want to talk to them?" biglang tanong ni Carmina sa akin kaya naman ay napaangat ako ng tingin sa kanya. "Your people," pagpapatuloy niya sa sinasabi. "I can escort you to them. Asked them for yourself."

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Talked to them, huh? I don't think so.

"I don't think I can do that," halos bulong na sambit ko. Nanghihina na ako. "I'm scared," pumikit ako pagkatapos nang pag-amin ko sa kanya.

"You don't have to be scared, Mellan. I'm with you. And that's your people you're dealing with. You don't have to be scared."

"The truth. That's what I'm scared about, Carmina. The truth," I managed to say.

"Truth hurts, Mellan. But believing their little scheme is worst," she said then tapped my shoulder. "Face your fear, young empress. Face them."

Tumayo na si Carmina mula sa pagkakaupo at naglahad ng kamay sa akin.

"Come on. Help yourself. You need to do this," aniya at bahagyang nginitian ako. "Let's go."

Kahit nag-aalangan, tinanggap ko ang kamay ni Carmina. And that's hit me. I trusted them more than anyone else. Sila Kael and David. Pinagkakatiwalaan ko sila. Isang bagay na hindi ko kayang ibigay ng buong sa mga kauri ko. Isang bagay na hindi ko na alam kung kaya ko pang ibigay sa mga kaibigan ko sa Empire.

Hindi ko alam kong saang parte kami ng Zhepria nagpunta ni Carmina. Ang sabi nito ay sa nasa Zhepria pa ang iilang nahuli nila. Hindi pa nila ito magawang ipadala sa Aundros, kung nasaan ang base nila, ang Tynera, sapagkat inuna nila ang pagdala kay Daddy doon.

"What the hell, Carmina?" bungad ng isang lalaki pagkapasok namin sa isang gusali. May iilang taong naroon, kasama na ang ilang kawal mula sa namumuno ng Zhepria, ang mga Stone. At kung tama ang hinala ko, isang Agent itong nasa harapan namin ngayon. "Bakit nagdala ka ng isang Tereshlian dito?"

"Relax, Toffer. She'll be fine. They won't dare to hurt their young empress," ani Carmina sabay hawak sa braso ko.

"Young empress?" pasigaw na tanong ng lalaki kay Carmina. Agad namang binitawan ako ni Carmina sabay summon ng sandata nito at itinutok sa kausap.

"You're being annoying again, Toffer," ani Carmina na nagpatigil sa lalaki. Gulat itong nakatingin kay Carmina sabay taas ng dalawang kamay nito. "Stop talking and get out of the way."

"Pero Carmina, malilintikan tayo sa gagawin mo. No one's allowed to enter here maliban sa ating mga Agents," paliwanag ng lalaki sabay hakbang ng isang beses paatras, tila iniiwasan ang dulo ng espada ni Carmina.

"She's on me, Toffer. Now, move!"

Hindi nagsalita ang lalaki. Matamang tiningnan nito si Carmina. Mayamaya lang ay bumuntong hininga ito at umiiling na binalingan ako.

"Don't do something's stupid, ladies. Lalo ka na, Carmina. We'll be in a big trouble if something's went wrong here."

"I know that," asik ni Carmina sabay dissolve ng espada nito. "Let's go, Mellan. Let's be quick. Baka bumalik na ang dalawa. Mas malilintikan tayo doon."

Tumango ako dito at sinundan itong naunang maglakad sa akin. Humingi ako ng dispensa kay Toffer at nagpasalamat na rin. Hindi niya ako kinibo kaya naman ay sinundan ko na lamang si Carmina.

Isang madilim na pasilyo ang bumungad sa akin. Siguro ilang metro na lamang ang layo namin sa pinaka-selda kung saan nakakulong ang mga taga empire na nahuli ng mga Agent. Kunot noo kong pinakiramdaman ang paligid. Segundo lang ang lumipas noong mapagtanto kung ano ang mayroon sa lugar na ito.

"They're using their dark magic against us. Hindi kami makalapit sa kanila unless may isa sa aming kayang tiisin ang sakit dulot ng kapangyarihan nila," paliwanag ni Carmina na siyang nagpalinaw sa akin sa nangyayari.

"Sino lang ang kayang tiisin ang pressure na ito?" ani ko at humakbang na sa madilim na pasilyo. I felt nothing. Wala akong naramdam na kahit anong sakit. Maybe because I'm used to it. I once possessed this power kaya kilala ng katawan ko ito. Isang hakbang pa ang ginawa ko at tuluyan na akong nakalayo kay Carmina. Umikot ako at hinarap siya. "Sino ang may kakayahang gawin din ito, Carmina?" tukoy ko sa pagpasok sa maitim at mapanganib na teritoryo na ginawa ng mga taga Dark Empire.

"Kael," she said. "He can endure the pain, Mellan. He can and he will do everything," she stopped, took a deep breathe. "..everything that even facing his own death was already nothing to him."

I gasped.

He can?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top