Kabanata 11 : Back

Napamulat ako ng mga mata ko noong makaramdam ako ng matinding sakit sa aking paa.

Agad akong napabangon noong maalala ang nangyari. Iyong lobo, iyong pag-atake ko dito at iyong pagtarak ko ng sangga sa ulo nito. Agad akong nakaramdam ng kakaibang lamig sa buong katawan ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at natigilan bigla noong maalala kong nasaan ako.

Mabilis akong nagmulat muli ng mga mata at napaawang na lamang ang labi noong mapagtatantong nasa isang di pamilyar na silid ako.

Where the hell I am?

Agad kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking katawan at umalis sa kamang kinahihigaan.

"Shit!" bulalas ko at napaupo sa sahig noong maramdaman ang sakit sa aking paa. Napatingin ako dito at hindi na ako nagulat noong makita ang pamamaga nito. Mukhang napasama ang lagay nito sa ginawa ko sa lobo kanina. Kagat labi akong tumayo habang iniinda ang matinding sakit. Naupo ako sa gilid ng kama at napatingin sa pintuan ng silid noong bumukas iyon.

"At last, your awake," ani ng isang matandang babae habang may dalang tray na may lamang mga dahon ng mga halaman. Hindi ako kumibo. Mataman lamang akong nakatingin sa kanya. "Dalawang araw ka ng walang malay. Nag-aalala na kami ng asawa ko dahil walang epekto sayo ang gamot na ibinibigay namin sa iyo."

Dalawang araw? Ganoon katagal akong nawalan ng malay? Fvck! Hindi maaring mangyari ito! I wasted two fvcking days of my life!

"Where am I?" I managed to ask. Naglakad ang matandang babae papalapit sa akin at inilapag ang hawak na tray sa mesa na nasa gilid lamang ng kama.

"Nasa bahay ka namin. Dito sa Enthrea. Mangangaso ang asawa ko at nakita ka niyang walang malay at sugatan sa bungad ng isang masukal na gubat."

Enthrea? Great! Hindi Zhepria ang napuntahan ko!

"Kailangan ko na pong umalis," ani ko at pilit na tumayo. I can managed the pain. Kaya ko. Kailangan ko nang makausap si Kael. Hindi na ako maaring magsayang pa ng oras! By this time, malamang ay alam na ng aking ina ang pagkawala ko sa Empire. Benjamin and Amanda will be in danger if she finds out about my escape plan!

"Pero hindi pa hilom ang mga sugat mo. Maging ang iyong paa ay namamaga pa," pigil nito sa akin sa pagtayo.

"Kailangan ko pong makabalik sa Zhepria!"

"Malayo ang Zhepria sa lugar na ito. Kailangan mo ng sapat na lakas kung nais mong makarating doon," aniya sabay kuha ng isang dahon sa tray at inilapat sa aking braso. Napatingin ako doon at laking gulat ko noong makakita ako ng sugat roon. "Malalim ang sugat na ito, iha. Mukhang isang mabangis na hayop ang nakaharap mo sa gubat na pinanggalingan mo."

Hindi ako nakaimik. So, I was wounded afterall. Hindi lang pala iyong paa ko ang injury ko.

"Wala po bang healer sa lugar na ito?" I managed to asked. This is Enthrea. Sa pagkakaalam ko, maraming healers ang naninirahan sa division na ito.

Nakita ko ang pag-iling ng matanda.

"Malayo tayo sa sentro ng Enthrea," sambit nito na. "Ngunit umalis ang asawa ko kaninang umaga. Pumunta siya sa sentro at nag baka sakaling may mahanap siyang magaling na manggagamot na maaring sumuri saiyo. Marahil ay pabalik na iyon ngayon."

Lumuhod ang matanda at sinunod na nilagyan ng dahon ang namamaga kong paa. Noong matapos ito ay naupo ito sa tabi ko. Hindi ako kumibo. Gusto kong magpasalamat pero wala akong sapat na lakas para gawin iyon. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng buong katawan ko. Kung kanina ay iyong paa ko lang ang iniinda ko, ngayon naman ay buong katawan na. Para akong nabugbog. Idagdag mo pa ang malaking sugat sa aking braso.

Akmang tatayo na ang matandang babae noong biglang bumukas ang pintuan ng silid. Sabay kaming napatingin roon at halos mawalan ako ng lakas noong makita kong sino ang naroon.

"Oh, gising ka na pala!" sambit ng matandang lalaki. Ito marahil ang asawang tinutukoy ng babaeng nasa tabi ko. Ngunit wala sa kanya ang buong atensiyon ko kundi nasa lalaking nasa likuran nito.

Gusto kong tumayo. Gusto kong tumakbo patungo sa kanya at yakapin siya nang mahigpit. But I am too weak to do that. I am too weak even to move my fingers. Hindi ko magalaw ang katawan ko!

"Mellan," mahinang sambit nito na siyang nagpatulo ng mga luha ko. How I missed him. How I missed him calling my name.

"Dad," I managed to say as I cried.

Agad akong nilapitan ng aking ama at mahigpit na niyakap.

"Mellan, my baby!" my dad said as he hugged me tighter. Kahit nanghihina, gumanti ako sa yakap ng aking ama.

"Eugene, may pinsala ang katawan ng bata. Huwag mong yakapin ng mahigpit," ani ng lalaking kasama ni daddy. Agad namang humiwalay ito sa akin at matamang tiningnan ang buong katawan ko.

"What happened to you?" dad asked as he examined me. Mula ulo hanggang paa. Kita ko ang pagkunot ng noo niya noong makitang namamaga ang isang paa ko. "Anong klaseng halimaw ang nakalaban mo at naging ganito ang itsura mo, Mellan?"

Napakagat ako ng labi habang hindi inaalis ang mata sa kanya. My dad is here. Buhay siya at nasa harapan ko siya ngayon!

"Just a wolf, dad," sagot ko dito habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa aking ama. It's been a year since the last time I saw him. Naalala ko pa iyong mga ginawa sa akin ni dad. Iyong pagkulong niya sa bahay namin noon. Iyong pagbabawal niya sa akin. Iyong pagsasakripisyo niya para sa kaligtasan ko mula sa magulong mundong pinanggalingan ko.

"A wolf? You mean you entered the east part of the forest?" hindi makapaniwalang tanong nito at inilagay ang kamay sa aking namamagang paa. Tumango ako dito habang pinagmamasdan ang bawat galaw nito. Ramdam ko ang init mula sa palad nito. Mayamaya pa ay unti-unting nawala ang sakit sa aking paa.

He's healing me!

"Next time, don't be too reckless, young lady. That forest is dangerous," sambit pa nito at sinunod na pinagaling ang sugat sa aking braso. "That wolf! How dare him to hurt you."

"He's dead, dad. No need to take some revenge for me."

Nag-angat nang tingin si daddy sa akin at marahang hinaplos ang aking pisngi.

"Welcome back, my princess," naiiyak na sambit nito at muli akong niyakap. Bigla akong napangiti noong nawala na ang sakit ng buong katawan ko. I hugged him back and another tears fall from my eyes.

"It's good to see you again, dad," I whispered.

Nasa isang pabilog na mesa kami ngayon.

Matapos akong gamotin ni daddy, nag-aya ang mag-asawang tumulong sa akin na kumain muna daw kami. Dahil siguro sa dalawang araw na wala akong malay, bigla akong natakam sa pagkain. I'm starving. I badly need to eat.

"Mabuti at ikaw ang nakita ko kanina, Eugene," ani ni Lolo Simeon habang nasa hapag na kami. "Akalain mo't itong magandang dilag na ito pala ang iyong hinahanap na anak."

"Tadhana na siguro ang nagpasya na magkita na kaming mag-ama, Simeon," wika ni daddy at matamang kinatitigan ako. "Maraming salamat sa pagtulong sa kanya."

"Walang anuman, Eugene. Malaki na rin ang naitulong mo sa aming mag-asawa. Kami dapat ang nagpapasalamat sa iyo."

Tumango na lamang ang aking ama at nagpatuloy na sa kanyang pagkain

Noong matapos na kami sa pagkain, nagpasya si daddy na umalis na kaming dalawa. Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ni dad. Basta na lang kaming umalis sa bahay ng mag-asawa, without telling me where we are going. I sighed. I need to tell him about our current situation. Hindi maaring magsayang na naman ako ng oras ko. I took a deep breathe. Natigil ako sa paglalakad kaya naman ay agad akong nilingon ng aking ama.

"What's the problem, Mellan? May masakit ba sayo? Is your wound hurting? Tell me," sunod-sunod na tanong nito sa akin na ikinailing ko.

"I need my power, dad," deretsong sambit ko dito na siyang ikinatigil niya. Mataman ko itong tiningnan. Ni pagkurap ay di ko ginawa. "Our Empire is preparing for a war against na council."

"You're not going to be a weapon for that war, Mellan," biglang sambit nito. "Nakalimutan mo na ba ang rason kong bakit kita inilayo sa madilim na mundong iyon? Ito na iyon, Mellan! Nangyayari na at hindi ko hahayaang maging sandata ka para sa lintek na Empire na iyon!"

"Dad, it's our home!"

"No, it wasn't! That was your mother's obssession!" may diing wika nito. "You're mother wants to control everything. At masiksikmura niyang gamitin ang sariling anak niya para sa pansariling kapakanan niya!"

"Dad, listen to me," hinawakan ko ang kamay ng aking ama para pakalmahin ito. I can see his anger towards my mother, his wife. And it breaks my heart. "Iba na ang sitwasyon natin ngayon. Walang kinalaman si mommy sa naging desisyon ko."

"Mellan."

"I want to save our Empire, dad. I want to stop the war before it begins."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top