Kabanata 10 : Kill
"Seriously? Mapapahamak tayong tatlo nito!"
Napakagat na lamang ako ng aking labi sa sinabi ni Amanda. Nasa kwarto ko pa rin kami. Pagkatapos nang pag-uusap namin kanina ni Benj, bigla ako nitong iniwan. And minutes later, bumalik ito at kasama na si Amanda!
"Let's help her, Amanda," ani Benj sabay hilot ng sintido nito.
"Benjamin! Nasisiraan ka na ba? We've been looking for her for years! At ngayong nakabalik na siya, tutulungan natin siyang makaalis muli? This is all wrong!"
"Amanda," tawag ko sa pangalan niya. Galit itong bumaling sa akin kaya naman ay natigilan ako. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Amanda. She's my friend when I was a little girl. She's sweet and treated me like her little sister. Seeing her now with an angry face, it makes my heart aches because it was all because of me. Ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
"Mellan, you know that I'll be always on your side. But not this time. Hindi kita hahayaang umalis na naman dito sa Empire. Mapanganib, Mellan."
"But this is our only chance, Amanda. Kael and his friend will help us. Nakakasiguro ako dito," paliwanag ko sa kanya. Bumaling ako kay Benjamin para manghingi ng tulong pero bigo ako noong makitang nahihirapan na din ito sa sitwasyon naming tatlo. "Please, help me. Kailangan ko lang makaalis dito. Babalik ako at ibabalik ang katahimikan ng Empire natin."
"Empress Melissa will be mad, Mellan. At alam mo ang kayang gawin niya paggalit siya."
"I'll deal with her when I come back. But right now, I badly need your help. Kailangan kong bumalik sa Zhepria. Nandoon si Kael. I'll convince him to help us. Siya lang ang kilala kong makakatulong sa atin para hindi matuloy ang paparating na gulo sa pagitan natin at ng council."
"Paano ka nakakasigurong tutulungan ka ng sinasabi mong si Kael?" it was Benjamin. Napalunok ako bago sumagot sa tanong niya.
"I trusted him with my life, Benj. I know he will," marahang sambit ko at matamang tiningnan ang dalawa.
"Be ready," biglang sambit ni Benjamin na siyang ikinagulat naming dalawa ni Amanda. "We'll escort her till we reach the eastern part of the forest."
"Benjamin!" si Amanda. "We can't do this!"
"Yes, we can, Amanda," ani Benj sabay tingin sa akin. "Just promised that you'll be safe, Mellan. Dahil kung may masamang mangyari saiyo, kami mismo ang magdedeklara ng gyera laban sa kanila."
"Benj," mahinang sambit ko, hindi makapaniwala.
"We trust and believe in you, Mellan. Don't do anything stupid that will harm you," aniya at naglakad na papunta sa pintuan ng silid ko. "And make sure to come back here. This is your home afterall."
Tanging tango lamang ang nagawa ko. Bumaling ako kay Amanda at naabutan ko itong nakapikit ng mariin, tila ba'y nagtitimpi sa kung anong nararamdaman niya ngayon. Pagkamulat niya ay tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Let's go, Mellan. Let's get you out of here."
Tumango ako dito at nilapitan siya. Nasa pintuan pa rin si Benjamin, hinihintay kami. Noong magkalapit na kaming tatlo, nagulat na lamang ako noong biglang hawakan ni Amanda ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin sabay hawak din sa kamay ni Benjamin.
"Make sure not to make any noises, guys. Hindi man nila tayo makikita, maririnig pa rin nila ang ingay na maari nating gawin."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Amanda. What the hell is she talking about?
"Let's go," ani Benjamin at binuksan na ang pintuan. Nasa unahan namin ito, sa gitna namin si Amanda na mahigpit ang hawak sa aking kamay. Gusto kong magtanong pero parehong seryoso ang dalawa kaya naman ay nanatili na lamang akong tahimik.
Natigil kami sa paglalakad noong may nakasalubong kaming tatlong kawal. I stop my breathing for a second. Naramdaman ko ang pagpisil ni Amanda sa kamay ko at naalala ang sinabi niya kanina.
"Make sure not to make any noises, guys. Hindi man nila tayo makikita, maririnig pa rin nila ang ingay na maari nating gawin."
Napaawang ang labi ko.
They can't see us?
Sinundan ko ng tingin ang mga kawal at tama nga ang hinala ko. Hindi nila kami nakikita. Nilagpasan lamang nila kami at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako kay Amanda noong marahan niyang hinila ang kamay ko. Magsasalita sana ako noong umiling ito sa akin. No, I can't make any noise. Hindi nga kami nakikita pero maririnig nila kami. At kung mangyari iyon, tatlo kaming malalagot sa aking ina. Kinagat ko na lamang ang aking labi at nagpahila kay Amanda at nagsimula na kaming maglakad muli.
Mabilis ang naging pagkilos namin. Tuwing may nakakasalubong kami, bahagya kaming tumitigil sa pagkilos at kung lumagpas na ito, saka muli kaming gagalaw.
"We're here."
Napatingin ako sa unahan namin. Isang masukal na kagubatan iyon. Binitawan na ni Amanda ang kamay ko at hinarap ako.
"Deretso lang ang lakad, Mellan. Huwag kang lilingon sa iyong likuran. Kahit anong mangyari, huwag kang lilingon. Focus on your goal. Ang makalabas sa gubat na ito ang top priority mo ngayon," ani Amanda. I know what she's saying. Delikado ang gubat na ito. It's one of the Dark Empire primary defense against the outside world. Walang nagtatangkang dumaan dito palabas ng empire. Ako pa lamang.
"Once marating mo ang dulo nito, siguraduhin mong buhay ka pa at makakabalik sa amin, Mellan," it was Benjamin.
Tumango ako sa dalawa at huminga ng malalim.
"Go, Mellan. Baka makahalata na ang Empress. No one's guarding your room now. Go," sambit pang muli ni Benjamin sabay tulak sa akin palayo sa kanilang dalawa.
"Babalik ako. I promised," pangako ko sa kanila sabay takbo papasok sa gubat.
'Deretso lang ang lakad. Huwag lilingon sa iyong likuran.'
Mabilis akong tumakbo. I activated my hearing sense para naman marinig at malaman ko kung may paparating na panganib sa akin.
I can hear some noises from wild animals. Hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang natigilan dahil sa isang mabangis na hayop ang sumalubong sa akin.
"A wolf?" hindi makapaniwalang bulong ko habang tinititigan nang mabuti ang lobong nasa harapan ko. Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa akin. Akmang aatras na ako noong maalala ko ang sinabi ni Amanda. Deretso lang. Huwag titigil. Huwag lilingon sa likuran.
Humugot ako nang isang malalim na hininga at inihanda ang sarili. Wala man akong kapangyarihan ngayon, I know I can fight and protect myself. I was trained by Helena before. Kaya naman tiwala akong malalagpasan ko ang isang to.
I took a step forward at kita kong naging alerto ito. Isang hakbang pa ang ginawa ko at alam kong handa na akong atakihin ng lobong nasa harapan ko. At gaya nga nang inaasahan ko, mabilis itong tumakbo patungo sa akin kaya naman ay ganoon din ang ginawa ko. Sinalubong ko ito at inihanda ang sarili sa maaring gawin nito. Noong nasa malapit na kami sa isa't isa ay agad akong tinalunan ng lobo kaya naman ay itinaas ang kanan paa ko at buong lakad na sinipa iyon.
I mentally cursed when I felt the pain on my right foot. Ramdam ko ang sakit nito hanggang sa aking hita. Napabaling ako sa lobong tumilapon dahil sa naging atake ko. Agad naman akong tumayo nang maayos noong makita bumangon ang lobo at umatake na naman sa akin. Ininda ko ang sakit sa aking paa at mabilis tumakbo upang salubunging muli ang lobo. May nahagip akong isang sangga ng kahoy kaya naman dinampot ko iyon at buong lakas na ikinumpas iyon sa ulo ng lobo.
Sapol.
Muli kong pinalo ang lobo at sa pagkakataong ito ay mas nilakasan ko pa. Tumilapon itong muli kaya naman ay binilisan ko ang pagtakbo patungo rito at walang pag-alinlangang itinarak ang hawak-hawak na sangga sa ulo nito.
Natigilan ako noong natalsikan ako ng dugo nito. Umatras ako at lumayo dito. Wala sa sariling tumakbo ako palayo dito at tinungo ang daan palabas ng gubat.
Fvck!
Did I just killed that wild animal? Did I just fvcking killed it with my own hands? Oh great, that was my first kill! I never imagined na may mamamatay sa aking mga kamay. Mapahayop man ito o tao. I never dreamed taking someone's life.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo at wala sa sariling napatingin sa kamay ko na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin.
Calm down, Maria Estellan! That was just a freaking wolf! You just saved yourself from his freaking attacked!
Hinihingal akong napaupo noong marating ko ang dulo ng gubat. Nanghihina akong napahiga sa damuhan at mariing ipinikit ang mga mata.
I'm safe here. That's for sure.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top