Chapter Twenty-one
Nang makauwi na kami pinasalamatan ko siya sa pagsama niya sa akin. Pagkabukas pa lang ng gate ay kita ko na agad ang dalawang pigurang nag-aabang sa akin sa pintuan. Hindi ko na lang iyon pinansin at saka lumingon ulit kay Ezekiel para tuluyan ng magpaalam.
“Thank you ulit, Kiel. Sorry kung ikaw pa naabala ko,”
“It’s fine though, and my wife would never be bothersome to me,” he said, then winked at me. He’s leaning at the passenger seat of his car while both of his hands are in his pockets.
Inirapan ko lang siya at saka pinagbantaan na kung hindi niya ako titigilan ay susungalngalin ko talaga siya.
Nginisihan niya lang naman ako at hindi sumagot.
Tuluyan na siyang umalis dahil mag-gagabi na rin. Hinayaan ko na lang siya at sinabihan na mag-ingat.
Tuluyan na akong pumasok sa mansyon at sinalubong ang dalawa na nag-aabang sa akin sa pinto.
“Bakit hindi na lang ako ang sinama mo?” tila nagtatampo pang saad ni Lily pero hindi ko siya pinansin. Diretso na lang akong pumasok at nagtungo sa dining area para kumain dahil nagugutom na naman ako.
“Samara, magsalita ka naman. May nagawa ba kami? Bakit hindi mo kami pinapansin?” rinig kong sabi ni Damian pero hindi ko rin siya pinansin.
“Manang, can you cook adobo for me, please?” tawag ko sa isang made na malapit sa akin. Nakatayo lang naman siya roon, mukhang naghihintay lang sa kung anong iuutos ko.
“Sige po,”
“Thanks,” at saka ako ngumiti sa kaniya.
Kinuha ko na lang ang phone ko sa bulsa ko at hindi pinansin ang dalawang tao na nasa likuran ko. Naririnig ko sila na nag-uusap pero hindi ko sila pinagtutuunan ng pansin.
Hindi pa ako nagbibihis dahil napagpasyahan ko na lang na mamaya na pagkatapos ko kumain para diretso na akong matutulog.
Inilagay ko na ang cellphone ko sa lamesa dahil ilang minuto lang ay naluto na ang adobo na ipinaluto ko.
“Kumain na rin kayo kung gusto niyo,” malamig kong sambit sa dalawang nasa tabi ko.
Medyo marami rin ang ulam na niluto kaya pinasabay ko na lang sila.
Narinig kong natigil silang mag-usap nang nagsalita ako. I felt them walking until I saw them on my left side.
Iniurong ni Damian ang upuan na katabi ko sa kabisera para makaupo si Lily then after that umupo na rin siya sa tabi n Lily.
“Hindi ka na galit sa amin?” tanong ni Lily habang parang maamong tuta na nakatingin sa akin.
Hindi ko siya pinansin at saka nagpatuloy lang sa pagkain.
“Just let her, baby. Lilipas din ‘yan,” rinig kong sambit ni Damian.
I saw Lily pouting on my peripheral vision.
Pinaghainan siya ni Damian ng pagkain, habang ako ay patuloy lang sa pagkain dahil gutom talaga ako.
Ako ang unang natapos, at pagkatapos ko ay inilagay ko na agad sa lababo ang pinggan ko. Pagkatapos n’on ay umakyat na ako sa taas para mag-half bath.
Pagkatapos ko mag-half bath ay nagsuot lang ako ng silk night dress na kulay puti.
Sakto naman na pag-upo ko sa kama ko ay biglang tumunog ang cellphone ko, indicating that someone texted me.
It was from Kiel.
Ulupong: how’s my wife? have any cravings i can buy?
Napangiti na lang ako sa text niya sa akin at saka nagtipa ng reply.
Me: I told you to stop calling me wife!
Ilang segundo pa ay dumating na agad ang reply niya.
Ulupong: why not?
Me: Because we are not married!
Ulupong: oh, do you want me to marry you?
Napailing na lang ako sa tanong niya at saka hindi na nag-reply.
Ezekiel’s my friend at wala rin akong nararamdaman para sa kaniya. I still love the father of my child kahit ilang beses niya akong ginago. And for Ezekiel, ayoko siyang paasahin dahil ayokong masaktan siya.
I’d like us to stay friends.
Tumunog ulit ang cellphone ko pero hindi ko iyon pinansin. I turned it off, before turning on the T.V to watch a movie.
Inubos ko ang oras ko sa panonood ng kung ano-ano. Hanggang sa ‘di ko na nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko kinabukasan ay umaandar pa rin ang T.V. Agad kong kinuha ang remote sa bedside table saka iyon pinatay gamit ang remote.
Napatulala muna ako saglit sa kawalan bago ako kumilos para gawin ang morning routine ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong bumaba para kumain.
Naabutan ko roon sina Lily pati Damian na kumakain.
“Good morning, Samara,” masiglang bati ni Lily sa akin.
Tinanguan ko lang siya pero hindi ko tinignan. Ganoon din ang ginawa ko kay Damian noong batiin niya ako.
I’m still stoic and nonchalant to them, kasi hanggang ngayon ay naiirita ako sa kanila.
Siguro dahil inilihim nila sa akin ang relasyon nila noong una? I mean they didn’t even formally announce themselves as boyfriend and girlfriend in front of my face. Kung hindi ko pa narinig ang usapan na iyon ay hindi ko pa malalaman.
I know it’s petty, but I can’t help it.
Nagsimula na akong kumain nang hindi kumikibo. Hindi rin naman nila ako kinikibo kaya natuwa ako.
We ate in silence and I enjoyed my meal. Nang matapos ay dumiretso na sila sa trabaho at sa school– Lily on school, Damian on work.
I chose to walk in the garden so I can pass my time.
Naglakad-lakad ako sa garden at saka hinaplos ang bawat halaman na madaanan ko.
It’s still early in the morning, and the sun is still greeting the sky.
Tumingala ako at saka pumikit. The sun rays hit my face like it’s trying to warm it.
Hinaplos ko ang tiyan ko at saka ngumiti.
Ilang sandali lang ay may narinig akong bumisina. It’s a faint sound but I’m still able to hear it from the backyard.
“Senorita, may naghahanap po sa inyo sa labas. Ezekiel daw po ang pangalan niya.” dinig kong sabi ng isang maliit na boses.
Napadilat ako at napatingin sa nagsalita, it was Annita.
Nakasuot siya ng damit na pang katulong habang nag-aalinlangan na nakatingin sa akin.
I smiled at her to ease her.
“Okay, just tell him that I’ll go next.” sambit ko.
Tumango lang siya sa akin at saka umalis.
Ngayon ko lang ako kinausap ni Annita. Ang ibang mga maids kasi ang madalas na kumakausap sa akin, habang siya naman ay busy sa paghuhugas ng plato o ‘di kaya’y maglinis ng mansyon.
Tumingin ulit ako sa harap ko at saka pinagmasdan ang kalangitan bago napagdesisyonan na sumunod na.
Nakita ko si Ezekiel sa sala na nakaupo habang nakadekwatro. He’s wearing a army green navy shirt and dark jeans, ang mga paa niya ay natatakpan ng sapatos na hindi ko na inalam kung anong brand.
Nang mapansin niya naman ako ay napatingin siya sa akin. I smiled at him.
Ngumiti siya, pero nawala rin agad nung napunta ang mata niya sa suot ko. Napatingin tuloy ako sa suot ko.
Hindi naman iyon kakaiba dahil ito ang duster dress na sinukat ko noong pumunta kami ng mall. Noong sinabihan niya akong maganda raw ako sa duster dress na ‘to.
It was a typical dress na makikita mo na suot ng mga nanay. Sinuot ko na dahil mas komportable ako rito.
“Why? What’s wrong with my dress?” tanong ko sa kaniya at saka lumapit.
“Wala naman. Come,” sabi niya at saka sumenyas gamit ang kamay.
Nang makalapit na ako sa kaniya ay inalalayan niya ako na umupo.
The dress made me comfortable because it was made in polyester and it gives you a cool feeling.
“The duster really looks good on you.” he said then smiled at me.
Hindi ako ngumiti sa kaniya. “Thank you.”
“So what are you doing here?” tanong ko sa kaniya.
He just shrugged his shoulders and leaned on the backrest of the sofa before placing his left arm at my backrest. Palihim akong napatingin doon saka tumingin sa kaniya, pero mukhang wala lang naman sa kaniya ‘yon.
“Wala lang. I just missed my wife.” saad niya nang hindi nakatingin sa akin. Ngumiti pa ang ulupong.
Sinamaan ko siya ng tingin at saka hinampas sa dibdib. Napa-aray naman siya. Buti nga.
“Isa, Kiel. Tigilan mo ako.”
Nginisihan niya lang naman ako bago umiling. Tumingin siya sa akin nang may ngiting nakakaloko.
“Sarap mo talagang pikunin.” asar niya pa.
I rolled my eyes. “Pero totoo, anong ginagawa mo rito?”
“Wala nga lang. Baka naboboring ka na rito, eh. Hindi na kita hinintay na i-text ako kaya ako na pumunta rito.” saad niya.
“Ahh… okay.”
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin bago siya nagsalita ulit.
“At saka, malapit na birthday mo ‘di ba?”
Napatingin ako sa kaniya dahil doon habang nakakunot ang noo.
“Paano mo nalaman ang birthday ko?”
“Tinignan ko records mo.” saad niya sa tono na parang naguguluhan kung bakit hindi ko alam.
“I needed to know your personal information when you got into the hospital. Mukha lang ‘yong bahay, pero hospital talaga ‘yon.”
Nawala ang kunot ng noo ko sa sinabi niya.
Tumango na lang ako.
“It’s five days from now.” saad niya pang muli.
“Yes.”
“And didn’t Damian inform you? Mag-iimbita raw siya ng mga guest. So I assume your birthday won’t be ordinary like the birthdays you had.” saad niya.
Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga impormasyon na ‘yon, pero tumatango na lang ako.
Damian knew damn well that I don’t like parties on my birthday. But I guess I needed to change my life. I decided to enjoy my life and put some colors on it. I just realised that my life has been dull and I needed to change my lifestyle a bit.
Lumabas nga kami ni Damian. Hindi niya na ako pinagpalit ng damit sa ‘di malamang dahilan. Basta niya na lang akong hinila papunta ng kotse niya– pero inalalayan niya ako, siyempre. Nagalit pa ako dahil ang sagwa ng suot ko, at saka pambahay lang naman ‘yon. Pero hindi na siya nakipag-away sa akin at saka sinabing hindi naman daw kami pupunta ng restaurant o ano.
At oo nga, hindi kami pumunta sa mall or sa restaurant. Dinala niya lang ako sa park na malapit lang sa amin– hindi naman na malapit talaga, pero considering its location, mas malapit ‘yon sa amin kaysa sa ibang parke.
Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan niya. At saka pinaupo sa malapit na bench.
“Do you want ice cream?” tanong niya agad noong makaupo na ako sa bench.
“Can I have one?” tanong ko sa kaniya. Pumungay naman ang mata niya habang nakatingin sa akin.
“Of course, anything you want. As long as it doesn’t harm you and the baby.”
Ngumiti ako sa kaniya. “Okay! I want the ube flavor.”
“Okay, wait here.” saad niya at saka umalis.
Nakangiti naman akong tumingin sa paligid.
Pero nang mapansin ko ang kulay itim na Audi na medyo malayo sa harapan ko ay nawala ang ngiti ko.
Mukha kasing may tumitingin sa akin mula sa loob. It’s heavily tinted, kaya hindi ko makita ang nasa loob.
Patuloy lang akong tumitig doon dahil sa hindi malamang dahilan, hindi ko rin maialis ang tingin ko roon. It feels like it's luring me to just stare at it.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Kiel.
“Huy, ano ‘yang tinitignan mo?” tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakatingin. “Kanina pa kita tinatawag.”
Napalingon naman ako sa kaniya. “A-ah s-sorry, may nakita lang kasi ak–”
Tumingin ulit ako roon pero wala na ang kotse roon. Nagtaka naman ako at saka tumingin kay Ezekiel.
“May kotse kasi roon kanina.” turo ko sa direksyon kung saan ako nakatititig kanina. Tinawanan lang naman ako ni Kiel.
“Ano namang kinalaman ng kotse? Baka stress ka lang kaya kung ano-anong naiisip mo. Oh ito na ice cream mo.” saad niya at saka ibinigay sa akin ang ice cream ko.
Tinanggap ko naman iyon at saka agad na kinain.
Ipinagkibit balikat ko na lang ang naramdaman pati na rin ang ngiti ko kanina. Tama si Kiel, baka stress lang ako kaya kung ano-anong nakikita ko.
Nang makauwi na kami ay magtatanghali pa lang. Sandali lang naman kasi akong ipinasyal ni Kiel, sapat na rin ang oras na ‘yon para malingaw ako.
Nang makapasok ako sa mansyon ay wala pa rin si Lily pati na rin si Damian. Siyempre, magtatanghali pa lang eh.
Huwebes ngayon, at sa Martes na ang birthday ko. Wala pa naman akong plano kung anong dekorasyon o kung anong magaganap sa birthday ko. But assuming that Damian already informed Kiel about it, inaasahan ko na may plano na siya.
Hindi ko rin alam na umbis na sa akin niya unang sabihin ang plano niya ay kay Kiel pa. Ang sabi kasi ni Kiel sa akin ay sa kaniya na sinabi kasi siya lang naman ang kinakausap ko, para raw kung may ipapadadagdag daw ako, pwede kong sabihin sa kaniya para masabi niya kay Damian.
Pero kahit na! Birthday ko ‘yon, eh.
Umakyat na lang ako sa taas. Inaya ako ng mga katulong na kumain pero sinabi kong busog pa ako, kaya hinayaan na lang nila ako.
Pagkaakyat ko sa taas ay agad kong hinanap ang cellphone ko. Hindi ko kasi ‘yon dinala kanina kasi wala rin naman akong masiyadong paggagamitan.
Binuksan ko ang instagram ko at saka nag-scroll sa feed ko.
Wala akong nakitang tungkol sa kaniya roon. Maliban na lang sa mga nag-uumapaw na messages ang dumagsa sa notification ko. Hindi ko na iyon pinansin at nilagay sa DND mode ang cellphone ko bago ako lumipat sa Twitter.
Nang mabuksan ko ang twitter account ko ay agad na sumalubong sa akin ang balita na tungkol kay Austin pati na rin ang sa babae na nabalita na dinedate niya raw.
The bachelor Austin Gabriel Rossi has bluntly denied the rumour of him dating a girl.
Iyon ang nakalagay sa caption ng post. Nakalagay pa roon ang link ng article pero hindi ko na iyon inabalang pindutin dahil naiirita ako.
So anong nakita namin sa post pati na rin sa balitang napanood namin? Fling lang sila? Fuck buddy?
Tangina talaga ng mga klase ng lalake na katulad niya.
Anong tingin niya sa amin na mga babae? Laruan na kung kailan niya gustong itapon, itatapon niya lang?
Pinatay ko na ang cellphone ko dahil naiirita lang ako.
I slumped myself on the dress and just stared on the ceiling.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top