Chapter Twenty
Nagkulong ako sa kwarto ko pagkatapos nang napanood ko sa T.V halos hindi na ako kumain kung hindi lang ako pinilit ng mga maid na bumaba. Dumating din agad si Lily, marahil ay napanood din niya ang nasa balita.
“Tangina talaga ng mga lalake, bayag na nga lang ang ambag sa lipunan, eh.” inis na bungad sa akin ni Lily pagkarating niya sa mansyon.
Hindi ako kumibo at nanatiling nakatulala sa kawalan.
“Huwag mo na talagang ipakita ‘yang anak mo sa kaniya, sinasabi ko sa ‘yo, ako mismo ang bibira riyan,” gigil na gigil pa rin na sabi niya.
“Si Damian din pala, pupunta rito,” sabi pa niyang muli.
Tumingin ako sa kaniya. Nakasuot pa rin siya ng uniform hanggang ngayon, mukhang nagmadali talaga dahil narinig ko na sabi niya kanina ay hindi niya na raw siya um-attend sa last class niya dahil sa nabalitaan.
Hindi ko rin alam kung bakit nabalita pa iyon. Ang alam ko kasi ay masiyadong pribado ang buhay ni Austin na halos ayaw niya ng lumabas sa bahay niya. Hindi ko rin nga alam na isa rin siya sa mga bachelors, eh. Wala siyang sinabi sa akin. Kahit noong butler ko pa siya. Ang alam ko lang ay ang pangalan pati na rin ang edad niya, bukod doon, wala na.
Masyadong magulo. Hindi ko alam. Ang dami niyang inilihim sa akin. Akala ko kilala ko na siya. Pakiramdam ko ay trinaydor niya ako ng paulit-ulit. Ang sakit to the point na namamanhid na ako.
“Huwag ka na masiyadong magpaka-stress. Hindi muna ako papasok bukas, saan mo gusto pumunta?” tanong ni Lily sa akin pero hindi ko siya masagot. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan. Nawawalan ako ng gana magsalita.
“Bawal sa ‘yo ang magpaka-stress, Samara. Paano na lang ang bata?”
Bigla naman akong napatingin sa tiyan ko. Hinawakan ko iyon at saka ngumiti ng bahagya pero hindi ako nagsalita.
“Magsalita ka please, natatakot ako sa ‘yo…”
“Anong nangyayari?” Narinig ko ang boses ni Damian, kapapasok lang ng mansyon.
Naka corporate attire din siya at halatang dumiretso rito pagkatapos magtrabaho. Nang makita niya ako ay lumambot ang ekspresyon ng mga mata niya.
I saw how his jaw flexed.
“Samara’s not talking…” dining kong bulong ni Lily sa kaniya.
They are overthinking, tinatamad lang ako magsalita. Nawawalan lang ako ng gana.
“Sam…” I heard my nickname from Damian. He’s calling me that when I was too stubborn to get my shit together.
Hindi pa rin ako tumitingin sa kanila dahil tinatamad akong makipag-usap kahit na kanino. I’ve had enough, and I feel like my body’s responding to all the shit I’ve encountered in my life.
“Sam, talk to us… say how you feel…”
Hindi parin ako nagsalita at hinayaan lang sila na kausapin ako.
“Please, Samara. You had your baby, if you’re stressed, just tell us. We can unwind outside if you want.” Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Damian dahil lumundo ang kabilang banda ng kama ko.
I didn’t bother to look at them, not once. Nakatingin lang ako ng diretso sa kawalan.
Naramdaman ko ang magaang paghagod ng isang kamay sa likod ko. I know it’s Lily basing from the small and soft thing on my back.
“Can you get her to a therapist? Kinakabahan ako, ayaw niya magsalita.”
They all sound blurry to me. Hindi ko na sila marinig ng maayos dahil sa rami ng iniisip ko.
Kalaunan ay hinayaan na lang nila ako. Iniwan na nila ako sa kwarto ko dahil kahit ni isang salita ay hindi ko sila binigyan. Masiyado ko kasing iniisip ang nakita ko kanina. Ang sakit eh. Tinapon niya lang ang ilang buwan na pagsasama namin. Para saan? Dahil ba nabuntis niya ako? O baka hindi na ako maganda sa paningin niya?
Ang sakit lang na isipin kasi trinaydor niya ako. Ni hindi man lang siya nagbigay ng explanation kung bakit ayaw niya na.
Hindi ko na alam ang mararamdaman ko.
Maya-maya ay tinawag na ako ni Damian, hindi na siya naka corporate attire. Naka joggers na lang siya at white T-shirt.
“Dito na lang din muna pala ako titira hanggang sa manganak ka. Mas magandang nababantayan ka.” I heard him said.
Nasa lamesa na kami ngayon at kumakain. Nasa kabisera ako, si Lily ay nasa kaliwa at si Damian naman ay nasa kanan ng lamesa.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.
Ni hindi ko rin sila tinapunan ng tingin. Mabuti nga’t walang sinabi si Damian tungkol sa nabalitaan niya. And I’m glad about it.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang hindi sila tinitignan. Mas gusto kong tahimik lang at mabuti nga ay naintindihan nila iyon dahil hindi na nila ako kinausap pa.
“What if ipa check-up natin siya? It’s bothering me, Damian.”
“Shh… calm down, she will be fine,”
Dinig kong pag-uusap nila. Hindi ko pa rin sila kinakausap at hanggang ngayon ay nakatingin lang ako sa kawalan.
Nasa kwarto ko na ako at nakahiga. I’m staring at the ceiling, feeling numb from all the pain. Hindi pa nakatulong ang mga nalaman ko.
I heard Damian talk about my case. He already knew the mafia that was looking for me. Ni hindi niya man lang sinabi sa akin na may alam na siya. Kung hindi ko pa sila narinig ni Lily na nag-uusap, hindi ko malalaman.
Sinabi kasi ni Damian sa kaniya kung bakit ako nawala. And I heard that all the information he knew was coming from an intel he hired.
“No, she’s not. Look at her eyes, just look at it. Buntis siya Damian, stress is bad for the baby and for her.”
“Calm down, baby. She will be fine, okay?”
Bahagya akong nagulat doon pero hindi ko sila pinansin. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Lily.
“Stop it… Naririnig ka ni Samara,”
“Ano ngayon? I’m not hiding you, mas mabuting alam niya kung anong meron sa atin,”
“Shut up,”
Hindi ko na sila pinakinggan dahil naiirita na ako sa pinag-uusapan nila. Instead, I wasted my time staring at the ceiling.
Three weeks later, nagpunta na kami sa doctor ko para magpa-check-up. Hindi pa rin ako masiyadong nagsasalita at kung magsalita man ako, iisang word lang ang lumalabas sa bibig ko. The doctor seemed bothered about it but didn’t say anything. Nagpatuloy ang check-up ko ng hindi ako na-sstress.
“Make sure to drink your vitamins everyday, okay? Pwede ka rin magpasama kay Lily maglakad-lakad, if you want,”
Tumango lang ako sa sinabi ni Damian pero hindi ako sumagot. Ang tanging masayang nangyari lang na nangyari sa araw na ito ay ang pagdinig ko sa heartbeat ng anak ko. I almost cried when I heard his or her heartbeat. Feeling ko ay nanalo ako ng lotto sa sobrang saya.
Apat na buwan na akong buntis, at ang sabi ng doctor ay by next two or three weeks ay malalaman ko na ang gender ng anak ko.
Napangiti na lang ako at napahawak sa tiyan ko. Medyo nagiging visible na ang baby bump ko. Para tuloy akong bloated lagi.
“Are you sure you’re okay, Samara? Tignan mo ‘yang eyebags mo oh.” sabi ni Lily pero hindi ko siya pinansin.
Nagsasalita silang dalawa ni Damian, kinakausap ako pero hindi ko sila pinapansin. It’s been going on like this since I watched that news about Austin and his new girl.
New girl. Tangina niya.
“Just leave her be, baby. Baka ayaw niya lang talaga tayong kausapin,”
“But why? She can tell us what she’s thinking,”
“Just let her, please? Huwag na natin siyang stress-in,”
At hindi na silang nagsalitang dalawa hanggang sa makarating na kami sa kotse at diretsong umuwi na. Pagkauwi namin ay nakahanda na ang tanghalian namin. Medyo tanghali na rin kasi kaming pumunta sa obgyn. Kaya tinanghali rin kami ng uwi.
Pagkatapos kong kumain ay diretso na akong pumunta sa kwarto ko. Pinalitan na pala ni Damian ang sinira kong T.V. Mas malaki na ang ngayon kaysa sa dati kong T.V. Pinalagyan din niya ng bookshelves ang kwarto ko para kahit daw ayaw kong manood ay hindi ako maboboring.
I pulled out my phone on my pants. Agad kong binuksan ang Instagram account ko. At sa hindi inaasahan, nakita ko na naman ang picture ni Austin pati na rin ang babae niya.
Masakit pa rin, kahit na sabihin ko sa sarili ko na nakamove-on na ako, hindi ko parin maalis ang sakit. Hindi kasi okay. Never magiging okay ang ginawa niya sa akin. Never akong hindi masasaktan sa ginawa niya sa akin.
But now, I don’t cry. I just feel… numb. I don’t know. Masakit pero hindi sapat para tumulo ang luha ko.
Ilang segundo pa akong napatitig sa picture nila.
Austin was looking at the camera. Wearing a three piece black suit while the girl was wearing a gold bodycon dress and leaning on Austin's chest.
Looking at Austin, akala mo ay wala siyang anak na kung makaasta ay binata pa rin. Tangina talaga. Naiinis ako ng sobra.
I scrolled through dahil nauugot lang ako sa pagmumukha nilang dalawa. Ang sagwa nilang tignan parehas. Mukha silang isda na bagong huli lang.
Nang hindi ako makuntento sa pag-sscroll ay napagdesisyunan ko na lang na manood ng T.V, pero hindi pa rin ako makuntento, sinubukan ko ring magbasa ng libro, pero wala rin. It seems like nothing’s making me entertained anymore.
I sighed and decided to just go shopping. Bibili na lang ako ng mga gamit ng anak ko. O ‘di kaya’y mamimili na lang ako ng maternal dress. Hindi ko kasi nagustuhan ang binili sa akin ni Damian at Lily, kaya bibili na lang ako ng bago.
Mabuti na lang ay naka-save ang number ni Ezekiel sa phone ko. I called him after getting ready, and he said that he’ll be here at five.
Hindi ko rin alam kung paano niya nalaman kung nasaan ang bahay ko. Pero hindi na ako nag-abalang magtanong pa.
True to his words, he got here at the mansion in less than five minutes. I don’t know what he drives para maging ganoon kabilis ang byahe niya papunta rito.
Immediately, when I got downstairs, as expected, tinapunan ako ng maraming tanong nina Lily at Damian. Asking me where do I go and stuff. But I didn’t answered them dahil naiirita ako sa kanilang dalawa sa hindi malamang dahilan.
“Let’s go, Ezekiel,” my first three words straight after all those months.
Narinig ko ang bahagyang pagsinghap nina Lily sa biglaang pagsasalita ko.
“Yep, let’s go, your majesty…” he uttered with a smirk on his lips. I rolled my eyes and put my hand on his right arm.
Inalalayan niya akong pumasok sa kotse niya. I feel Damian and Lily’s stare burning at my back. Inignora ko na lang iyon.
“I heard from them that you don’t talk. Bakit biglang nakapagsalita ka ngayon?” he mischievously said.
I snorted.
“Ayaw ko lang silang kausapin na dalawa dahil naiirita ako sa kanila.” I said then crossed my arms.
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa mga bahay na nadadaanan namin. My mansion is located, we can say, very far away from the city. Dahil kulang na lang ay dapat itinayo na lang ang mansyon sa taas ng bundok.
Hindi ko rin alam kung bakit doon ‘yon pinatayo ni Daddy. But I just shrugged it off.
“So bakit ako ang tinawagan mo?”
“Hindi ko alam. Mas hindi ka naman kasi nakakairita kaysa sa mga tao sa paligid ko. Alam mo bang kulang na lang ay palayasin ko lahat ng mga tao sa bahay dahil naiirita ako sa kanilang lahat?” I said then rolled my eyes.
It feels so good venting out. Feeling ko ay unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.
“Pregnancy hormones, eh?” saad niya at saka tumawa.
I snorted.
After a long drive, nakarating na rin kami sa Mall. Agad kaming dumiretso sa isang clothing store. We were greeted by the sales lady. Kita ko agad ang pagtingin nila kay Ezekiel, pero ang isa ay walang pakialam dahil diretso lang ang tingin habang nakaalalay sa likuran ko.
“Good Morning, Ma’am and Sir, what can we do for you?” bungad ng isang babae. Napatingin siya sa akin pati kay Ezekiel at saka sa tiyan kong umuumbok na. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay agad siyang ngumiti. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsimangot niya.
Hindi ko siya pinansin.
“Do you have maternal dresses for my wife?” rinig kong sabi ni Ezekiel kaya napatingin ako sa kaniya.
“You’re getting it wrong. I’m–”
“Hush. Let’s go, baby. Para makauwi na rin tayo kaagad.”
Pinalo ko siya sa braso niya pero ngumiti ka lang siya sa akin. I gave him a warning look.
Lumingon ulit ako sa sales lady na mukhang hindi na mapatae ang mukha ngayon.
“Yes… this way please,”
She guided us to the maternal section. Agad kong nakita ang mga dress na nakasabit. Pumili ako roon at sinukat ang mga napili ko.
“You look beautiful.” he said, looking mesmerised.
Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi nagsalita. Narinig ko pa siyang bumubulong-bulong.
“Anong sabi mo?”
“Wala, sabi ko ang ganda ng asawa ko.” sabay tawa niya.
“Tigilan mo nga ako, Ezekiel. Susungalngalin kita,”
“Chill. Binibiro ka lang. Pero ang ganda mo talaga, grabe.” sabi niya at saka nagpaypay pa sa mukha niya na parang naiinitan siya.
I rolled my eyes at his remarks.
Dumiretso na kami sa counter para bayaran lahat ng pinimili ko. Akmang kukunin ko na ang wallet ko sa bag ko nang pigilan ako ni Ezekiel.
“I won’t let my wife pay for her things. Keep it.” he said then winked.
Narinig ko naman ang bahagyang pagtili ng mga cashier, kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“I’m not your wi–”
“Shh… it’s okay baby. I know na naglilihi ka.” sabi niya pa at saka tumawa.
Ang kamay niya ay nasa likod ko. Hinapit niya ako sa bewang at mas inilapit sa kaniya. Pinalo ko siya sa braso ng medyo malakas kaya napa-aray ka.
“Aw, that hurt, baby. You shouldn’t be like that to your husband.” saad niya at saka tumawa.
“Ang cute niyong dalawa, Sir. Bagay na bagay,” narinig kong sabi ng cashier kaya napatingin ako sa kaniya.
Nag thumbs up pa siya sa amin na parang approve siya sa aming dalawa.
“Really? I’m glad,”
Napairap na lang ako at hindi na siya pinansin.
Mukhang mas ma-sstress pa ako sa kaniya kaysa sa mga tao sa bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top