Chapter Six
Katulad nga ng sinabi ni Adrian kaninang umaga. Pumunta kami ng mall para bumili ng cellphone. I was in disguise though. Binilhan niya ako ng Iphone, sinabi ko nga na kahit android lang ay puwede na pero nagpumilit pa rin siya na bilhan ako ng Iphone kaya't hinayaan ko na lang siya.
"Are you hungry?" tanong niya sa akin habang naglalakad lakad kami sa mall.
"Ahm hindi naman. I'm still full," mahina kong sabi sa kaniya.
My disguise today are beige sweater, paired with loose white pants and sneakers. May sumbrero rin at mask na nakatakip sa mukha ko.
Nag-iingat din kami ni Adrian na baka mahuli kami. Kung tutuusin ay dapat nasa mansyon na ako ngayon ngunit hinayaan ko na lang si Adrian sa pagdedesisyon.
Pagkauwi namin sa penthouse ay agad na akong pumunta sa kwarto. Si Adrian naman ay nagpaalam na lalabas muna dahil may gagawin daw siya.
I opened my phone. Adrian advised me not to message my family or friends for a while habang inaasikaso ang kaso ko. I don't know what was his reason kung pwede naman akong umuwi na lang, pero ang sabi niya ay iyon daw ang sinabi ng abogado kaya't hinayaan ko na lang din.
Ang therapist ko pala ay kakilala rin ni Adrian, kaya pala hindi na siya nagulat nang ako ang nakita niya roon. Adrian assured me that my existence will be hidden until my case is settled.
Gumawa ako ng bago kong account sa cellphone. I made a new instagram account and stalk my friends. Nakita ko ang mga post nila na nagsasaya sa isang resort. I stalked Lily, my bestfriend since childhood. Wala siyang recent post. Ang huling post niya ay dalawang linggo na ang nakakalipas.
The picture shows a shop inside the mall with the caption 'I miss you, babygirl. Balik ka na, mag-wwindow shopping pa tayo'. I felt sad seeing that post.
Miss na rin kita, Lily. Babalik din ako riyan kapag natapos na lahat ng ito.
I continued to scroll down on her feed. There were so many memories captured there. Mayroon noong nasa beach kami at nag-sswimming, mayroon naman noong first time namin sa bar. Kahit minor kami ay nagawa kaming papasukin dahil kilala namin ang may-ari ng bar na iyon. We were both 16 at that time. How I miss my outside life, away from all these stress.
Nagulat ako ng biglang may nag-text na unregistered number sa akin.
If I catch you again, I'll make sure to ruin you, every piece of you. Then I'll mark those pieces as mine and make you whole again until I'm the only one you're worshipping.
Nanginig ang mga kamay ko sa nabasa at tila napasong binitawan ang cellphone na hawak-hawak ko.
Tumunog ulit ang cellphone ko, indicating that someone message me. Sinilip ko 'yon para basahin.
Don't be scared, baby. It's just me.
Napaluha ako nang mabasa ko 'yon. How did he find me? Paano niya nakuha ang number ko? My cellphone is new as well as my sim card.
Unti-unting nagsibagsakan ang luha ko. Agad kong kinuha ang kumot at saka nagtalukbong at doon umiyak ng marahan.
Okay na ako, eh. Nagiging maayos na ako. Bakit pa niya ako hinahanap? Wala naman akong atraso sa kaniya. In fact, siya pa ang may kasalanan sa akin! Bakit? Anong kailangan niya?
I felt helpless again. Everytime, every fucking time I imagine his face smiling devilishly, it makes me hopeless and weak. He got the whole me in the palm of his hands. I was a puppet for him, a comfort woman. Bakit ba kasi? Ayoko ng bumalik sa kaniya. I suffered so much and I don't like it.
Tinignan ko ang buong kwarto. I don't see anything suspicious there, but I'm pretty sure that he installed something here. Hindi naman ako tanga para hindi iyon malaman. Paano niya malalaman kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko kung walang camera rito.
Hindi ako makatayo para makalabas dahil natatakot ako na baka nariyan lang siya, naghihintay, nag-aabang na lalabas ako para mahuli niya ako. I am fucking scared of what he can do.
Tumunog ang pintuan, tunog binuksan kaya't mas lalo akong nagtaklob ng kumot. I heard someone's footsteps. Dahan-dahan iyon na tila nanantya. I decided to walk towards my door. Kahit na nanghihina ang tuhod ko at umiiyak ay nagawa ko iyong i-lock. Bumalik ako sa kama saka nagtalukbong muli.
Matapos ang ilang segundo ay nag-twist ang doorknob ng kwarto ko. Someone's trying to get in! Mas lalo lang akong nagtalukbong ng kumot at saka umiyak ng marahan.
"Samara..."
I imagined Austin waiting outside, smiling, like a predator preying its prey, waiting for it to take the bait.
"Samara, it's me, it's Adrian. Open the door please,"
Umiling-iling ako. It's not Adrian, Samara, don't listen to it. Don't listen to him. Hindi iyon si Adrian, si Austin iyon.
"Please, Samara. Open this, I just want to check if you're okay,"
No, Samara. Huwag kang magpapaloko. Hindi si Austin 'yan. He's tricking you. Gusto mo bang bumalik doon?
Umiling ako habang umiiyak at saka nagtakip ng tenga.
Huwag kang magpapa-uto, hindi si Adrian iyon, huwag mong buksan.
Sumigaw ako nang hindi ko na nakayanan ang mga boses na sumasatinig sa utak ko. I cried harder and screamed to make it stop.
Ang hirap. Nakakatayo na ako, eh. Bakit ganoon? Ayaw ba ng tadhanang sumaya ako? Bakit ganito? Gusto ko na lang maging bata ulit kung ganito rin pala ang mararanasan ko sa pagtanda. I don't like it, it's destroying every part of me.
Biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako saka tumalon paalis ng kama para kumuha ng anumang patalim.
No, hindi ako magpapahuli. I'll fight. Okay ng mamatay akong lumalaban kaysa bumalik sa puder ng hayop na iyon. I will not be his slave anymore.
May nakita ako roong isang kutsilyo, it's a bread knife but I think that will do. Humarap ako sa taong pumasok sa pinto hawak ang patalim at saka itinutok doon ang bread knife.
Nagulat ako ng makita ko roon si Adrian. Nakataas ang kamay na nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin. I immediately throw the knife at sumiksik sa gilid ng pader.
I felt embarrassed. Papatayin ko ang nagpapakain sa akin? Bakit? Wala naman siyang ginawa. Adrian is so kind. Bakit ko siya tinutukan ng kutsilyo? Hindi siya si Austin!
Pinalo-palo ko ang ulo ko habang umiiyak. Bakit? Hindi ko naman iyon sinasadya. Tama! Akala ko si Austin siya. Hindi ko naman siya papatayin. Akala ko lang si Austin siya. Hindi ko siya papatayin. Tama, hindi ko siya papatayin. Hindi siya si Austin.
"Are you calm now? Can I come over now?"
Tumango-tango ako. Tama, hindi ko siya papatayin. Hindi naman siya si Austin, eh. Okay lang na lumapit siya. Okay lang 'yan, Samara. Hindi siya si Austin. Hindi mo siya papatayin.
Naramdaman kong yumakap si Adrian sa akin. Patuloy pa rin akong umiiyak habang pinapalo-palo ang ulo ko. The voices inside my head can't seem to go silent. Paulit-ulit silang bumubulong sa utak ko.
"Tama na! Oo na! Hindi siya si Austin! Hindi ko siya papatayin!" sigaw ko.
Napamura si Adrian at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Narinig ko pa siyang nagmura at may sinabi pero hindi ko iyon maintindihan. Masiyadong malakas ang mga boses na nasa utak ko.
Si Austin. Si Austin ang sasaktan mo. Si Austin ang dapat mamatay, siya lang. Huwag ka matakot. Patayin mo siya kapag nakita mo.
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang si Adrian naman ay patuloy na inaalo ako.
Kailan ba 'to matatapos? Gusto ko ng matapos itong paghihirap na 'to! Ayoko na please, tama na, masiyado ng masakit. Take this pain away please, ayoko, tama na.
"Shhh... it's okay, Samara. I'm here, hush now... Shhh, it's okay,"
Patuloy lang sa pag-aalo si Adrian sa akin kahit pumapalag ako sa hawak niya.
Kalaunan ay kumalma na rin ako. I breathe in then breathe out. Hanggang sa kumalma na ang buong sistema ko. Adrian wiped my tears and cupped my face then looked at me softly.
"What happened? Did something triggers you?"
'Di ako makasagot sa kaniya at nanatiling nakayuko. I can't look at his eyes knowing that I almost endangered his life. Kundi lang ako bumalik sa dati kong isip ay napatay ko na siya siguro.
The thought of it horrified me kaya hindi ako makatingin sa kaniya. I almost killed him, I cannot accept it.
"Samara, tell me, what happened?"
"N-nag-text," bulong ko, hindi pa rin siya tinitignan.
Ramdam kong natigilan siya. Tumayo siya sa pagkakaluhod at saka pumunta sa kama. I lift my head to see him. Nakita kong pinulot niya ang cellphone ko sa kama. Napakunot ang noo niya ng binuksan niya ang cellphone at saka malakas na nagmura.
Lumingon siya sa akin. His eyes immediately softens as he looked at me. Ibinaba niya ang cellphone sa kama at saka ako nilapitan. He bent to level me. He cupped my face then rake my hair.
"It's okay, Samara. I'm here, hmm? Doon ka muna sa kwarto ko matulog ngayong gabi. Dito lang ako sa sala matutulog. Okay ba?" he said softly.
Napatango na lang ako. Inalalayan niya akong tumayo at saka kami tumungo sa kwarto niya. Pagpasok ko roon ay naamoy ko kaagad ang pabango niya. The smell of musk immediately filled my nostrils that brings calmness through my body.
Ang kulay ng kwarto niya ay pinaghalong copper brown at black. His bed are the combination of white and black-black ang bedsheets, pillow case naman ay puti.
May cabinet doon na kulay itim sa gilid sa pinagilid naman ng kwarto, sa kaliwa, ay may pinto na paniguradong banyo. May study table din sa kanang gilid. May upuan doon, at sa lamesa ay may laptop at cellphone niya. May papel din na naroon.
Inalalayan niya akong maupo sa kama niya at saka tumabi sa akin. He caress my hair and rubbed my back. I can feel no danger with his touch so it doesn't bother me at all.
"I'm sorry, I failed to check your phone, aayusin ko lang ang kwarto mo. For now, kahit gusto kong ibalik ang cellphone mo, hindi pwede, I'm afraid that he will message you again. I'll buy you books instead, hmm?"
Tumango ako ng hindi lumilingon sa kaniya. Okay na rin naman ako sa mga libro. At saka wala na rin naman akong balak na gamitin ang cellphone na iyon. Natatakot din ako na baka sa susunod na ma-trigger ako ay kung ano pang magawa ko. Kaya mas naisip kong mas mabuting hindi na lang ako gumamit ng cellphone.
Iniwan na ako roon ni Adrian at nagpaalam na magluluto siya para sa hapunan naming dalawa. Bumalik din siya sandali para bigyan ako ng tubig at saka lumabas. Napatingin ako sa orasan na nasa itaas ng pintuan. It's already 6 in the evening.
I sighed then play with my fingers. Kanina ay muntik na ako makasakit ng tao. I should really work with myself. Ang appointment ko naman sa therapist ko ay two times a week lang. I would definitely see a psychiatrist for this because I can't take this lightly.
Nang matapos ng magluto si Adrian ay tinawag niya na ako para kumain. Lumabas na rin ako at sinabayan siyang kumain.
Habang kumakain kami ay nakikita ko siyang sumusulyap sa akin pero hindi naman nag-initiate ng pag-uusapan. Nanatili lang akong nakayuko at hindi makatingin sa kaniya. Nahihiya ako dahil sa nangyari kanina kaya hindi ako makatingin.
Nang matapos kami kumain ay nagprisinta ako na ako na ang maghuhugas pero hindi niya ako pinayagan.
"You should take a rest, Samara. Ako na nito. Good night,"
Tumango lang ako nang hindi siya nililingon at saka nagtungo na sa kwarto para magpahinga. Naramdaman ko rin ang pagod kaya agad na akong nakatulog.
Nagising ako nang may naramdaman kong may nakatingin sa akin. I immediately saw Austin at the corner of the room smiling devilishly at me.
"Found you, babe,"
Humahangos akong bumangon at saka inilibot ang tingin sa buong kwarto. I don't see Austin there kaya napahinga ako ng maluwag.
Panaginip lang 'yon, Samara. Relax, he will not get in here. Calm yourself, you're safe.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. I wiped it angrily before blowing a sigh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top