Chapter Seventeen

My head hurts like hell when I woke up. Kumikirot iyon. At nang subukan kong idilat ang mata ko ay halos hindi ko na makita ang paligid ko dahil sobrang labo niyon. Mabigat din ang mga talukap ng mata ko at feeling ko ay nadaganan ng debris ang katawan ko.

Ang sakit.

"Shh... just stay there for a while. Don't force it," isang boses na pamilyar ang nagsalita sa may gilid ko. But I can't see her, because as I've said, hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko.

I winced when my head ache like a hammer just thump on my head.

"Fuck it. Make this go away!" sigaw ko nang mas lalo pa iyong kumirot.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

"Yes... yes, just be calm, makakasama ang stress sa inyong mag-ina..." mahinhin na sabi ng babae.

But I just can't hear her because my head hurts like hell! Ayaw niyon tumigil sa pagkirot!

"Please, calm down... Samara..."

"No! Make this go away! Ang sakit!" sigaw ko at saka nagpumiglas sa kama ko.

I can feel them tying me restrains on my hands and on my feet. Mas lalo akong nagpumiglas nang maramdaman iyon.

"No! Please... let me go! Make this go away!"

"Please calm down... calm down..."

Hindi ko na naririnig ang sinasabi ng babae dahil nag-ffade ang boses niya at 'di ko na siya marinig na nagsasalita.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na unti-unti na akong kumalma. Hanggang sa nakatulog na ulit ako.

"Samara..."

"Abort it. We don't need that."

"No. This is my baby."

"Don't be so dramatic, Samara. We can still live together without that baby."

"No! I want to be with my baby! Hindi ko papatayin ang anak ko!"

"You made a wrong choice, Samara. But okay, I'll give you a chance, if you want to live with that baby. Huwag kayong magpapakita sa akin. Ayaw ko kayong makita. Ni anino. Swear to me that you wouldn't let me see you."

Then I see him get a gun. And when he almost pull the trigger. I screamed.

"No!"

When I opened my eyes, nakaupo na ako at naghahabol ng hininga.

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar. The walls are not familiar to me. Pinaghalong beige iyon at white. Walang ibang mga gamit kundi cabinet at tv lang na nakasabit sa harap ko. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko na may bedside table iyon, sa taas ay may nakapatong na tray ng pagkain pati basong tubig at gamot.

There's no restraints on my hands and feet anymore. Nakasuot din ako ng hospital gown. Pinakiramdaman ko kung may underwears ba ako, pero wala akong naramdaman.

I didn't bother to be concerned about how I dress. Mas mabigat ang nararamdaman ko ngayon.

I feel like I'm carrying a heavy thing in my heart. It's so heavy that I can't barely breathe. It's consuming all of me.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa anak ko.

Napahawak ako sa tiyan ko. I rubbed my stomach to feel if she or he still there. Mahal ko na ang anak ko kahit hindi ko pa siya nakikita.

Napaluha ako nang maalala ko na naman ang nangyari. Simula sa mga emosyon na nakita ko sa mga mata ni Austin, hanggang sa pagragasa ng ulan sa balat ko.

I don't understand. Why he didn't want his child? What does he mean that we don't need this child? Bakit ayaw niya sa bata? Bakit ayaw niya sa amin?

I can't live without my child. I just know that I can't.

Napahagulgol ako nang maalala ko kung paano niya kami naabot ng bala sa binti ko. Napatingin ako sa binti ko habang umiiyak. May benda na nakapalibot doon, kung saan ako natamaan, pero wala akong naramdaman na kirot.

I sobbed and closed my mouth just by remembering his words. It cuts me deep down on my heart. Like he just basically cut me open.

Masakit. Sobra.

Bumukas ang pinto. Napatingin ako sa pumasok. Nang makita kong si Daniella iyon ay mas lalo akong napahagulgol.

"Ayaw niya sa anak namin, Ella. Ayaw niya sa amin, Ella. Ang sakit." hagulgol ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Sa sobrang bigat nang nararamdaman ko. Halos 'di na ako makahinga sa iyak ko. Nanginginig pa ang buong katawan ko sa hikbi pati hagulgol.

Naramdaman ko ang yakap ni Daniella sa akin sa gilid ko.

"Shh... they'll take care of him. Don't stress yourself, masama iyan para sa inyo,"

"Ayaw niya sa amin, Ella. Sabihin mo, paano ko matatanggap iyon? Sabihin mo kung paano! Gusto niyang ipalaglag ang anak namin! Hindi ko kaya, Daniella. Kaya niya kami binaril. Kaya ako may tama sa binti. Kaya ako nasa gitna ng ulan umiiyak. Ayaw niya sa amin..."

"Shh..."

Hindi mapakali si Daniella kakapatahan sa akin. She rubbed my back and whispered calming words to my ears. She even swayed me a little for me to calm down.

Maya-maya rin naman ay kumalma na ako. I breathe in and breathe out to recover. Napatingin ako sa taas at saka huminga ng malalim at bumuga nang mahinahon.

"You should monitor yourself now, Samara. May bata na sa sinapupunan mo. May anak ka na. You need to take care of yourself for the baby," mahinahon na sambit ni Daniella.

I nod my head as a response.

"You should eat, masama sa inyo ni baby ang magpagutom." dagdag niya pa.

Tumango na lang ulit ako, at walang salitang kinuha ang tray ng pagkain sa bedside table. Mahinahon ko iyong inilapag sa hita ko at saka nagsimulang kumain.

I was silent the whole time. Wala akong ganang magsalita. Kahit subukan kong ngumiti ay hindi ko magawa. Masiyado kasing masakit ang nararamdaman ko.

But I would be strong for my child. This is only for today. Ngayon ko lang pagbibigyan ang sarili ko na umiyak at masaktan. Bukas, bukas ay magpapakatatag na ako, para sa sarili ko, para sa anak ko.

I would let my emotions flow today and let myself process things today. Tomorrow, I will be brave.

Nang matapos na ako kumain at makainom ng gamot ay kinuha na ni Ella ang tray at mga pinggan sa hita ko.

Iniwan na rin niya ako roon para makapagpahinga. But I couldn't seem to rest. To shut the voices inside my head. I couldn't rest my mind from all the things.

Kaya napatulala na lang ako habang dinadama ang buhay sa sinapupunan ko. Ang sabi ni Ella, bukas daw ay dadalhin niya kami sa clinic niya para sa proper check-up. Para na rin makita kung ilang days, weeks, or months na akong buntis.

Napangiti lang ako nang maalala kong may bata nang nabubuo sa tiyan ko.

I looked down on my stomach to see my stomach. It was covered by the duvet. Hindi rin visible ang baby bump ko, pero patuloy lang ako sa paghaplos doon.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ulit iyon. Nagulat ako nang makita kung sino iyon.

"I'm sorry. I had to bring this to you, umalis kasi si Daniella para pumunta sa clinic niya," it was Ezekiel.

"O-oh, o-okay." I said then cleared my throat. "What's that?"

"Painkillers." he briefly said.

Napatango na lang ako at sinenyasan na pumasok siya. I scanned him while he's putting my medicines on my bedside table.

May maliit siya na hiwa sa bandang kilay niya. Ang mga kamay naman niya ay may benda. Seryosong-seryoso siyang naglalagay ng mga gamot ko sa lamesa. Na parang kung hahawakan mo siya at iistorbohin sa ginagawa ay susunggaban ka niya.

Nakasuot siya ng white polo at ang sleeves ay nakatupi hanggang siko niya. Kitang-kita ko roon ang mga tribal tattoo niya sa kanang braso. Bukas din ang dalawang butones ng polo niya at ang buhok niya ay magulo. His slacks are brown with the leather black belt snaking on his hips. Napansin ko rin kanina nang pumasok siya ay naka medyas lang siya.

Gone the bright aura surrounding him. It was all dark like he transformed into a cruel predator.

I take the courage to ask him about his bruise.

"Kiel..." I called.

"Hmm?" he hummed, not looking at me.

"Saan ka galing? Nakipagbugbugan ka ba? Ang dami mong sugat,"

This time he faced me and looked straight into my eyes. He smiled and sit on the side of the bed, scanning my face.

"You're too good to be with him, Samara. Remember that." that's all what he said before he tap my head and headed outside.

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kaya nagkibit balikat na lang ako.

Hindi naman iyon ang inaasahan kong sagot.

Binuhos ko na lang ang oras ko sa pagtitig sa kisame at pag-iisip. Ni wala man lang akong ibang ginawa kundi kumain at matulog. Gusto kong lumabas dahil gusto kong makalanghap ng hangin.

Napasimangot ako ng maalala kong may tama pala ako sa binti.

Hindi ko rin alam kung ilang araw akong narito. Hindi ko rin alam kung nasaan ako o kaninong bahay ito.

Gusto kong lumabas!

"Oh my gosh! Why are you crying? Sinong nanakit sayo? Papaluin natin,"

Hindi ko namalayan na nakapasok si Daniella sa kwarto. At hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak! Gusto ko lang naman lumabas!

Napasinghot ako at napahikbi. "Gusto kong lumabas…" mahina kong saad.

I heard her gasped at saka natawa ng mahina. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Shh… okay, we're going outside. I'm going to ask Ezekiel to take you out okay? Wait here," parang siyang nakikipag-usap sa bata nang sabihin niya iyon. Napatango na lang ako.

Lumabas na siya ng kwarto at nagsabing saglit lang siya at hindi magtatagal. Nakaramdam naman ako ng tuwa nang maisip kong makakalabas na ako.

I smiled sadly. Since I turned eighteen, my whole life has turned upside down. Lagi na lang akong hinahabol at nagtatago. Lagi na lang may gustong manakit sa akin. Kung sasaya man ako, sandali lang, tapos kukunin na rin agad sa akin.

Parang pinatikim lang ako ng candy tapos never ng mauulit iyon.

Not a while when I heard someone knocked on my room. Sinabihan ko ang kung sino man na pumasok. Hindi na ako nagulat ng makita na si Ezekiel iyon. Pero nagulat ako nang makita ko siyang pumasok na may dalang wheel chair.

"You can't walk properly with that wound on your leg." he explained before I could ask him.

Natahimik na lang ako. Inalalayan niya akong tumayo sa kama bago ako dahan-dahan na iniupo sa wheel chair. Naramdaman ko kaagad ang kirot ng binti ko nang makaupo na ako.

Ezekiel started to roll the wheel chair out of the room.

"Ilang araw na ako rito?" I asked him.

"One week, Samara." he sternly said.

I got silent for the nth time again when he said that.

Nasa garden na kami sa likod ng bahay at mukhang hapon na rin dahil nagtatalo na ang kulay ng kahel at asul sa kalangitan. I can see the sun starting to fade and give light to the sky.

"You were unconscious and in a critical condition when you got here. We conducted a blood transfusion dahil na rin sa tama ng bala sa binti mo. Nahirapan pa kaming kumuha ng blood donor, but luckily, we were able to contact your cousin, Damian, who had the same blood type as you. Muntik ka na ring makunan dahil doon. And… you were unconscious for three days,"

Napaisip ako bigla sa sinabi niya. 

"D-did he know that I'm pregnant?" of course he knew, dumbass.

"Unfortunately, yes,"

Deretso lang ang tingin ko sa daan, prinoproseso pa ang mga sinabi niya.

Parang na blangko ang utak ko at hindi ako makapag-isip ng maayos. Kung alam ni Damian, panigurado, any day from now, he would come here to see me and ask who's the father of this child. At hindi pa ako handa na sabihin sa kanya kung sino!

I'm only eighteen, and I'm sure he'll be furious about this. Siya pa naman ang tumatayong kuya ko. And God knows how protective he is when it comes to me and his sisters.

Napagpasiyahan na rin namin ni Ezekiel na pumasok na dahil gumagabi na at baka mahamugan at magkasakit pa ako.

Hindi na rin naman masyadong masakit ang sugat ko sa binti pero may benda pa rin iyon. Nakatulong din naman ang mga painkillers na ibinibigay sa akin ni Daniella.

I was able to bathe alone and changed my clothes into a more comfortable one. Pinadalhan din naman ako ni Daniella ng mas komportable na damit dahil nangangati ako sa hospital gown.

Nasabi rin ni Ezekiel na doctor din siya kagaya ni Daniella. Minsan siya ang nag-ccheck up sa akin kung wala si Daniella.

Another day came, at ngayon ako magkakaroon ng proper check up sa clinic ni Daniella.

"Congratulations, Samara! You were one month pregnant!" masayang bati niya sa akin at saka ibinilin ang mga reseta sa akin.

Masaya akong napangiti. My heart flutters and I feel that warm feeling again in my chest. Something like my unborn baby is trying to communicate with me that she or he is there for me, that he or she is with me.

Nagulat ako ng marahas na bumukas ang pinto. Pagkatingin ko ay nakita ko kaagad si Damian na madilim ang anyo at masamang nakatitig kay Daniella. Daniella seems unbothered, nakuha pa nitong sumandal sa upuan niya at humalukipkip.

"Let's go, Samara." he said with his teeth gritting. He's looking at me with his dark eyes. Napalunok na lang ako.

"Stress is bad for a pregnant woman, Sir." rinig kong sambit ni Daniella.

Inirapan lang siya ni Damian nang hindi tumitingin sa kaniya. Mabilis na nagbago ang anyo niya. He look softly at me before he spoke.

"Let's go, Samara…" mas malumanay niya na na sambit ngayon.

Tumayo na lang ako at saka nagpapasensyang ngumiti kay Daniella.

"I'm sorry for that, Ella. Mauna na kami,"

She nodded at us and smiled like telling me it's okay. Mahina akong napasabi ng sorry at saka naglakad na palabas ng clinic kasama si Damian.

But before we walk outside, kinuha ni Damian ang mga gamit ko na nakatungtong sa lamesa malapit sa amin bago ako inalalayan palabas.

We were heading to the parking lot when he suddenly spoke.

"I watched the news. I knew what happened to you, Samara,"

His tone was dangerous. I felt like he wanted to kill the one who did this to me.

"It's okay now, Damian. You shouldn't worry about it,"

"And why the fuck exactly shouldn't I worry about it, Samara?! Ilang buwan ka naming hinanap! Halos hindi kami magkanda-ugaga sa paghahanap sa 'yo tapos sasabihin mo na okay lang 'yon?! Na parang hindi nangyari 'yon?! Bullshit, Samara! Bullshit!"

Napapikit ako dahil sa pag sigaw niya. Pero nanatili akong kalmado.

"And about that bullet in your leg! Fuck him, Samara! Pati anak niya?! Kayo?! Papatayin niya?! Tangina, anong okay doon?!"

Nanatili akong nakatayo roon at hinayaan siyang sipa-sipain ang gulong ng sasakyan niya. He banged the hood of his car with his fists. His veins are popping from his skin. Medyo madilim sa parking lot, pero kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya.

He undresses his coat and loosen his tie from his collar.

"We will file a lawsuit against him, Samara,"

Doon ako nawalan ng kulay sa sinabi niya.

I wouldn't let him put Austin behind bars! Kahit gaano ka demonyo ang hayop na iyon ay hindi ko naman siya kayang makitang nakakulong. At siya ang tatay ng anak ko! Hindi ako papayag!

"No, Damian! I wouldn't let you do that!"

"Try me, Samara. Got in." he demanded. Nabuksan niya na pala ang passenger seat.

Dahil na rin sa kapaguran ay sumunod na lang ako, kaysa rito pa kami mag-away. Padabog akong pumasok sa passenger seat.

I wouldn't let him do anything bad against Austin! Over my dead body! Mahal ko pa rin naman yung taong 'yon.

"We will file a lawsuit, and that's final," he said.

"And I will go against it, Damian. Try me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top