Chapter Nine
Katulad nga ng sinabi ni Adrian kahapon ay nagpunta kami ng mall, pero bago iyon ay nagpunta muna kami sa opisina ni Mr. Zamora para sa session ko.
We're here now at the mall choosing dresses for the party. Pagtapos ng one and a half hour session ko ay dumiretso na agad kami rito. I'm wearing baggy sweaters and baggy pants and for my eyes, I wore shades. Naka disguise pa rin ako dahil sabi nga ni Adrian ay para iyon sa safety ko.
"May napili ka na ba?" tanong niya sa akin at saka hinaplos ang buhok ko.
"Hmm... can't choose. Lahat sila magaganda,"
"Hmm... okay,"
I felt his hard chest on my back as he kissed my hair. I flushed.
Okay, fuck it. We're not friends. Alam kong hindi ganito ang dapat na maging 'interaction' ng magkaibigan. Damn, sinong magkaibigan ang maglalambingan at maghahalikan? Unless you're in a friends with benefits relationship.
The kiss we did yesterday. It still lingers in my memory. His words, his whispers, his gestures, the way my body set on fire just by the mere touch of his hand. Surely, this is not what 'friends' supposed to do. Hindi na rin naman ako bata para hindi malaman ang mga ganitong bagay.
And I'm well aware that the way my body respond to his touches was because I lust for him, it's not love.
"Can I help you choose?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko. I can feel his gaze on me but I didn't bother to give him a look.
Hindi naman sa naiilang ako sa kaniya or hindi kumportable. It's just that... I can feel the sexual tension between us and it bothers me to hell.
Naglibot-libot pa ako sa botique. Napunta kami ni Adrian sa dulo ng boutique. Doon ko rin nakita ang dress na gusto ko. It was a gold bodycon dress. Its satin fabric was glowing against the light. It's a simple dress with slit on its left side. Cow neck din ang style. Mataas ang slit niyon and that made the dress look sexy. It was backless as well. I fell in love to the dress by first sight.
Hinawakan ko iyon at kinuha sa pinagsasampayan.
I smiled then turned my head to show it to Adrian. Para akong bata na nagpapakita ng laruan sa tatay niya habang pinapakita ang dress sa kaniya. Tinatawanan niya lang naman ako.
"Let's go to the fitting room and see if it fits," nakangiti niyang saad.
"For sure it will," I smiled then looked at the dress again.
"Yeah... it will," makahulugan niyang sambit.
I cocked my eyebrows but he just shrugged. Hindi ko na lang pinansin at pumunta na sa fitting room para isukat ang dress.
I have so many dresses at the mansion. Pero hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa ako sa dress na ito. Maybe I'm just happy and I appreciate someone buying things for me.
Kasama ko naman si Lily kung namimili ako ng mga damit. Nililibre niya rin ako, pero hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako sobrang tuwa.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. The dress fits me well. I can see my curves. It compliments my body structure and facial features. Mas na-hahighlight niyon ang hubog ko. Mahaba rin iyon na umabot hanggang talampakan ko.
Maputi ako. My long wavy brown hair and my ash grey eyes stands out because of the dress. Napangiti ako saka lumabas upang ipakita kay Adrian.
"Look," I turned around. "Isn't it pretty?" nakangiti kong saad.
Seryoso niya lang akong tinignan. His eyes are locked on my eyes. He roamed his gaze on my body. Bahagya naman akong nahiya pero hindi ko pinakita. Nang mapatapat ang tingin niya sa akin ay ngumiti siya.
"No words can elucidate how pretty you are, Sam," he sternly said.
"Ahmm... thank you..." I flushed. Ngumiti na lang ako para itago ang pagkahiya.
"So we'll buy this?" I cheerfully said, trying to lighten the mood.
Isinuksok niya lang ang kamay niya sa kaniyang dalawang bulsa saka tumango. Hindi pa rin maalis ang tingin niya sa akin, kaya medyo naiilang na ako.
"Okay, let's go!" saad ko saka pumasok sa fitting room para hubarin ang dress.
Pagkapasok ko sa fitting room ay napasandal ako sa pinto. My heart was beating fast, not in a good way. And it's bothering me.
I sighed then undressed myself.
Nang mabili na namin ang dress ay nagpunta kami sa isang restaurant upang kumain. Nagpa reserve na pala si Adrian bago pa kami nakapunta. Nasa dulong part kami ng restaurant. Pagabi na rin, hula ko ay mag-aala sais na ng gabi. Kitang-kita ko ang mga sasakyan na dumadaan dahil katabi lang namin ang glass wall.
Naka order na rin kami ng pagkain, hinihintay na lang.
"Here's your order, Ma'am and Sir..." binanggit niya ang mga inorder namin saka inilapag ang mga pagkain sa lamesa.
"Thank you," dinig kong sabi ni Adrian. Ngumiti lang ako sa waiter nang mapatingin ito sa akin. Ngumiti rin siya pabalik.
Umalis na ang waiter at iniwan kami ni Adrian doon.
"Let's eat," Adrian said.
I nodded then started to eat with him.
Buong oras na kumakain kami ay walang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko rin alam kung bakit siya tahimik pero hinayaan ko na lang.
Nang matapos kaming kumain ay agad na rin kaming umalis dahil gumagabi na rin. Hindi pa rin nagsasalita si Adrian kaya hindi na ako mapakali.
"Adrian..." tawag ko sa kaniya.
Nasa sasakyan na kaming dalawa at bumabyahe na pauwi.
"Hmm..." sagot niya. Ang mata niya ay nasa kalsada. I bit my lower lip.
I can feel that something is wrong. Wala naman akong nagawa. I recall our conversations earlier, pero lahat naman iyon ay ayos naman. Nagsimula lang siyang maging ganito pagkatapos nung sa eksena namin sa botique. Halos hindi siya tumitingin sa akin. Kahit noong nasa restaurant kami. Para lang akong hangin sa kaniya.
"M-may problema ba tayo?"
"Huh? Wala. Wala tayong problema, Sam," sabi niya sa isang matigas na tono.
Tumingin ako sa kaniya. His jaw is moving whilst he was seriously driving and his attention are on the road.
"A-akala ko k-kasi... may nagawa ako. Kanina mo pa ako hindi pinapansin. I'm just bothered..." saad ko sa mahinang boses.
Hindi niya ako pinansin. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya nang napansin kong wala siyang balak na kausapin ako. I looked outside instead.
Hindi ko alam kung anong problema. It's frustrating me! Bakit hindi niya ako pinapansin? Wala naman akong nagawa ah. Maayos naman kami kanina. Anong problema?
Hanggang sa makarating kami sa Tower ay hindi niya ako pinansin. Nauna pa siyang lumakad sa akin bitbit ang mga pinamili niya sa mga kamay niya. Nasa likod niya lang ako, nakaduko. Mas binilisan niya pa ang lakad ng malapit na kami sa elevator.
Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang maabutan siya.
Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya para abutan siya. Tumigil naman siya pero hindi ako nilingon. I bit my lower lip.
Ano bang problema? Hindi naman siya ganito. Hindi ako sanay.
"Hintayin mo naman ako," saad ko.
Nanatili siyang walang imik. Ni hindi ako nilingon.
Nang magbukas ang elevator ay agad siyang pumasok. Nabitawan ko ang damit niya dahil doon. Pumasok na lang din ako kasunod niya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako pinapansin.
The whole elevator ride, we were both silent. Parang kung magsasalita kami ay may sasabog bigla. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.
Kaya nang makapasok kami sa penthouse niya ay hinawakan ko siya sa braso. Napatigil naman siya.
"Ano bang problema, Adrian? May nagawa ba ako? Pwede mo namang sabihin sa akin, hindi iyong hindi mo ako pinapan--"
Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin. He pulled my neck then kissed me. Narinig ko ang pagbagsak ng mga paperbag sa sahig. My eyes are widen in shock. Marahan na gumalaw ang labi niya sa labi ko. I closed my eyes and answered his kisses. He bit my lower lip, causing me to gasp, he took that opportunity to enter his tongue on my mouth. He expertly explore his tongue on my mouth. Napahawak ako sa braso niya.
My body doesn't respond to it. Instead I feel something cold in my stomach, telling me to stop the kiss.
Natapos ang halik. Hinihingal niyang idinikit ang kaniyang noo sa noo ko. Hindi siya makatingin sa akin.
"Hey..." tawag ko sa kaniya.
He looked at me then smile. He caress my face then gave me a peck on my lips.
"Damn... You're driving me crazy, Samara." tila nahihirapan niyang saad.
Hindi ko man naiintindihan pero hinayaan ko lang siyang magsalita. I looked into his eyes. I saw how he is controlling his emotions. I caressed his arms.
"Bakit kailangan mo akong pahirapan ng ganito? Hmm?"
He rub his thumb on my cheeks then kissed me again.
"Fuck it. I like you, Sam. I like you so much," he said in between his breaths.
Nagulat ako sa sinabi niya, pero hindi ako nagsalita.
"You look beautiful in that dress. And damn, my dick can't handle it," natawa pa siya. Ngumiti lang ako ng tipid.
"Please... please say something," he begged. He kissed me again. Hindi ako sumagot sa halik niyang iyon. Naramdaman niya iyon kaya't itinigil niya. Idinikit niyang muli ang noo niya sa akin. He closed his eyes as if he's controlling something and at the same time he is hurt.
"Adrian..." mahina kong tawag sa kaniya.
"Hmm?" he opened his eyes and looked at me gently.
"I-I'm sorry... I don't feel the same way," saad ko saka hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko saka lumayo.
Bigo siyang tumingin sa akin saka inilagay ang kamay sa bulsa niya. He nodded then looked up and licked his lips.
"I understand..." saka siya tumango-tango. "I truly understand, Sam."
Tumingin siya sa akin saka ngumiti. "But that doesn't mean that I'll give up, okay? I'll win you whatever it takes,"
"B-but Adria--"
"Shh... no buts, Sam. Go to your room now, magpahinga ka na." saad niya saka ako iniwan doon.
I sighed then raked my hair upwards.
Adrian is my friend. Yeah, we make out sometimes, and I know that's not what friends to supposed to do. But I can't reciprocate. Hindi ko kayang suklian ang pagkagusto niya sa akin. Maybe I can offer him to be my fling? Friends with benefits? But I know that I will never like him.
Nagtungo na ako sa kwarto ko bitbit ang paperbag na naglalaman ng damit ko. Ang ibang paperbags ay inilagay ko na lang sa center table.
Naligo ako at nagbihis ng damit pantulog.
I sighed before slamming myself to the mattress. Sa guestroom na ulit ako natulog. Napatanggal na rin ni Adrian ang nakakabit na camera rito, kaya hindi na ako nangangamba.
I closed my eyes forcing myself to sleep. Pero hindi ako makatulog. Naalala ko ang halik ni Adrian.
Napahawak ako sa labi ko saka bumuntonghininga.
Kinabukasan ay late akong nagising dahil na rin sa nangyari kagabi. Hindi ko na rin naabutan si Adrian kasi maaga siyang pumasok.
I sighed while watching Bluey again. I forced myself to not think about it, but everytime I close my eyes, ang mga halik lang ni Adrian ang naalala ko.
Ipinilig ko na lang ulo ko para mawala iyon sa isipan ko.
Sa mga nagdaang araw ay ganoon pa rin si Adrian. Maagang pumapasok at gabi na umuwi. Minsan ay hinihintay ko siya pero nakakatulog ako sa sofa. Tapos pagkagising ko ay nasa kwarto na ako.
Hanggang sa dumating na ang araw para sa masquerade party. Naghahanda na ako para mamaya. Ala siyete na ng gabi at ang party ay mag-sstart ng eight-thirty.
I sighed whilst putting my earrings. Naka make up na ako. I just wore a simple make up para bumagay sa dress ko. But I wore red lipstick tonight, mas na-emphasize lalo niyon ang mukha ko. I also wore black stilleto. Ang buhok ko na hanggang bewang ay kinulot ko at hinayaan kong nakalugay.
Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin at saka ngumiti. I looked okay with my dress. The light from my room's illuminating the color of my dress. Napangiti ako at saka isinuot ang gold lace masquerade mask na ibinigay sa akin ni Adrian.
The mask paired the color of my dress.
Lumabas na ako ng kwarto ko. Pagkalabas ko ay naabutan ko naman si Adrian na naghihintay. Adrian's wearing a three piece black suit and his feet are covered with black oxford shoes. However, his eyes are covered with black mask. Hindi iyon full face mask katulad ng sa akin. Kalahati lang ng mukha namin ang natatakpan.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pero hindi siya umimik.
Hindi ako makalapit sa kaniya kasi feeling ko galit siya sa akin. I just stand there and just looked at him, waiting for him to move.
He sighed then walked towards me.
"You looked gorgeous, baby," he gently said when he reached me.
Tipid akong ngumiti. I flinched when he touched my forearm. Nagulat siya roon pero hindi nagsalita. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin saka ako hinalikan sa noo.
"Let's go? Shall we?" he offered his arm and I gladly accept it and clung my arm to him.
Nang makababa kami ng kotse ay agad kaming naglakad sa red carpet. The flash of cameras immediately filled our eyes. Pilit namang isinisiksik ni Adrian ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Even though the news of me missing died down, hindi pa rin ako makampante dahil baka may makakilala sa akin.
Nang makalampas na kami roon ay napahinga ako ng maluwag. Nasabi rin ni Adrian na ang party na ito ay napupuno ng mga negosyante galing sa ibang bansa. This party is also for biddings and donations.
Nakapasok na kami sa loob matapos hanapin ang pangalan namin sa guestlist. Iba rin ang pangalan na gamit ko ngayon. I'm Hannah Fate Fernando, the wife of Adrian Jade Fernando. Para hindi raw maghinala ang mga tao rito.
We were greeted by some businessman and businesswoman. Kilala ko rin ang iba dahil minsan ko na silang nakikita sa business gathering kasama ang tatay ko. But I'm glad that they didn't know that it was me-the daughter of Sebastian Javier.
"Oh! I didn't know you had a wife. But in fairness, you're wife is so gorgeous," sabi ng isang babae na hindi ko kilala.
"Yeah, she is," he hoarsely said then caressed my hair. Kahit na nahihiya ako ay nginitian ko lang ang babae. Ngumiti naman siya pabalik.
"O siya sige, enjoy the night lovebirds," pagkasabi niya no'n ay umalis na rin siya.
Inakay naman ako ni Adrian sa isang table. It's only a tall table with no seat. Nang may dumaan na waiter na may dalang mga alak ay kumuha kami. Magkaharap naman kami ni Adrian habang nakatayo.
The venue was extravagant. May mga chandelier sa paligid. Walang specific theme ang party kaya makikita mo ang kaniya-kaniyang style ng mga dumadalo. It was fancy and magical. Sa background naman ay may jazz music na tumutugtog.
And I was feeling a little bit anxious because I'm feeling someone's staring at me. Kung titingin naman ako sa paligid ay wala naman. Most of them are busy talking and just minding their own world. I just shrugged my shoulder.
"Hey, Adrian..." isang matandang banyaga ang bumati sa kaniya. Lumayo naman siya ng bahagya, pero nanatiling malapit sa akin.
Nag-uusap sila pero hindi ko rin pinakinggan. I'm busy drinking my champagne.
"Would you mind introducing me to the beautiful lady beside you?" dinig kong sabi ng matanda kaya napatingin ako sa kanila.
Adrian's jaw clenched but he smiled afterwards. "This is my wife, Hannah Fate Fernando,"
Bahagya namang nagulat ang matanda pero ngumiti rin. His smiled at me creepily. I shuddered.
"Oh, I see," tumango ang matanda. "We'll get going then, see you two later,"
Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya saka hindi na sila pinansin. I heard Adrian sighed so I looked at him.
"You okay?" tanong ko at sumimsim sa champagne ko.
"Yeah..." he nodded then sipped his champagne as well.
"I'll just go to the bathroom," saad ko dahil bigla akong naiihi.
"Do you want me to accompany you?"
"No, no, just stay here. I'll be fine," saad ko saka umalis na upang magtungo ng C.R.
Nagtanong-tanong pa ako sa mga tao na naroon upang malaman kung nasaan ang C.R dahil masiyado ring malaki ang venue.
Nang magtungo ako sa C.R ay agad na akong pumasok sa isang cubicle para umihi. Napabuntonghininga pa ako. Nang matapos na ako ay nagpunas ako at lumabas ng cubicle.
I went to the sink to wash my hands. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang imahe ni Austin sa likod ko. He's leaning against the door frame while looking at me with a smirk on his face. Ang kamay niya ay nakalagay sa dalawa niyang bulsa. His hair are brushed upward, and that made him look so fresh.
Natigilan ako at parang estatwa na hindi makagalaw. Naiwang nasa ere ang kamay ko habang tumutulo ang tubig sa kamay ko.
"Miss me, love?" he sweetly said before walking towards me. Hindi pa rin ako makakilos kahit nang makalapit siya sa akin.
I was feeling mixed emotions! I felt like I did miss him but fuck, why‽ Nagwawala pa nga ako nung nag-text siya sa akin. I felt like I was ready to kill him before! But fuck! Gusto kong magmura ng paulit-ulit dahil nakakaputangina talaga. Bakit? Tangina, ganito ba ang aftermath ng counseling at pag take ng mga gamot? Why am I suddenly longing for his touch? I don't fucking know.
He snaked his arms around my waist. Hinawi niya ang buhok ko at saka hinalikan ang batok ko. And fuck me for liking it.
Why am I feeling this towards my rapist? Fuck no! I should loathe him to hell but my body is betraying me!
And how did he know that I was here? Is he stalking me? Fuck, of course.
"I miss you..." he said hoarsely. I saw him closed his eyes while kissing my nape. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Katulad dati, wala akong nagagawa kung hindi hayaan lang siya sa kung anong gusto niya.
Gusto ko siyang sipain, murahin, suntukin, noong una. I swore that if I ever saw him again. I'll kill him with my own hands. Pero ngayong nandito na siya... hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Hmm... it's time to go home now. The game is over." he said as my vision went dark.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top