WAKAS

NOTE:

Thank you for supporting this story. THIS IS THE END. NO BOOK 2. NO EXTRA/SPECIAL CHAPTER. Please support my other stories, thank you <3

WAKAS [EPILOGUE]

"Klaude, pwede ba kitang makausap?" nilapitan ako ni Eleanor habang buhat ang kanyang anak na si Kreor. Walang imik kong hinintay ang susunod nitong sasabihin. "Tungkol kasi kay Thyrile. Sana ay huwag mo masyadong sobrahan ang pagiging malamig mo sa kanya."

"I know what I'm doing, Eleanor. Don't worry too much about her. Hindi sya nawawala sa isip ko kaya wala kang dapat na ipag-alala." nakita ko ang pag-ngiti nito sa sinabi ko.

I'm just going to teach Thyrile a lesson. I'm not being cold because I want her to suffer. Of course I wouldn't like that to happen. Ayokong saktan sya sa kahit anong paraan pero kung ito lang ang daan para ma-realize nya ang pagkakamali nya ay hindi ako magda-dalawang isip na ilayo muna ang sarili ko sa kanya ng ilan pang araw.

"Mabuti naman kung ganoon. Siguro nga ay wala akong dapat na ikabahala. May tiwala pa rin ako sayo." hinaplos ko ang mukha ni Kreor. How I wish I had my own baby. Dati ko pa gustong buntisin si Thyrile para hindi na sya makawala sa akin ngunit hindi naman ito mabuntis buntis.

Maybe I should try my luck after we get married. Doon ay sisiguraduhin kong may mabubuong bata sa kanyang sinapupunan.

"You should sleep now, Eleanor. Masyado nang gabi." tumango ito. Dumiretso na rin ako sa aking kwarto. Napahinga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto.

Agad tumingin sa akin ang kanyang mata. Those innocent eyes! Fuck! I should stay calm! Tingin palang nya ay nagpapahalina na sa akin. Hindi epektibo ang alak para hindi ko mapagmasdang mabuti ang kagandahan nya.

Thyrile, how could you do this to me? How could you make me fall inlove with you in just one glance katulad ng ginawa mo sa akin noong unang beses kitang makausap?

"Kreed, will you go to the party of Sandoval's? Hindi ba't imbitado ka roon?" tanong ng aming Ama isang araw habang sabay sabay kaming kumakain sa hapag. Tumingin ako sa aking kapatid na hindi man lang nilingon miski isang segundo ang aming Ama.

"No, Dad." maiksing tugon nito. I smiled bitterly. Laging sya ang iniimbitahan sa mga ganito dahil mataas ang posisyon nya sa kumpanya. I'm new to business at hindi ito ang gusto kong gawin sa buhay.

Dahil hindi dumalo si Kreed sa party ng mga Sandoval ay ako na mismo ang pumunta roon ng hindi nila alam. I'm with my two body guards. Kahit ayaw ko sa mga ito ay hindi nila ako nilulubayan. Same as Kreed with Fred and Larry.

"Klaude Hendricks?" lumapit sa akin ang isang matandang puti na ang buhok. Lapat ang mga ito sa kanyang malapad na noo. Walang buhay ko itong tinignan. "It's my first time seeing you. How was your brother Kreed?"

Agad nag-init ang dugo ko. "Ilayo nyo ang matandang ito sa akin." utos ko sa aking mga body guard. Pagkatapos non ay naglakad pa ako sa loob at pinagmasdan ang mga tao roon. This place is quite boring. No wonder why my brother dislikes going here.

Sumandal ako sa pader at ipinamulsa ang kamay ko. "I'm fucking lost! I'm fucking lost!" narinig kong paulit ulit na bulong ng isang babae sa aking tabi. Nakasandal din sya sa pader. Palinga linga ito sa paligid habang pinaglalaruan ng kanyang kanang paa ang sandals nya.

Tinignan ko ang mga daliri nya sa paa. I bet she's tired of wearing those heels. Bakit ba ang hilig ng mga babaeng magsuot ng ganyang kataas na sapatos kung sugat at sakit lang naman ang natatamo nila sa pagsusuot nito?

"Master Klaude, may gusto raw pong kumausap sa inyong isang businessman. George Quirino ang pangalan nya. May-ari sila ng---"

"I'm not interested. Ayokong kumausap ng kahit sino. Reject it and leave me alone." yumuko ang dalawa sa akin. Pero imbis na sundin ang inuutos kong umalis sila ay hindi naman nila ginawa. Dumistansya lang ito ng kaunti sa akin.

Nakita kong isinuot na ng babae ang kanyang sapatos. Tumuwid ito ng tayo at ngumiti. I bite my lip. She's gorgeous when she's smiling!

"Hi, Ms. Sante Niego?" tanong ng lumapit na lalake. May katandaan na ito. Siguro ay mga late 30's. Agad ko itong pinanlisikan ng mata lalo na ng hawakan nya ang babae sa kamay. I could feel my anger in every part of my body.

"Tss. Disgusting old hag." bulong ko ngunit sinigurado kong maririnig nila iyon. Halatang bata pa itong babae at lalapitan nya para hawakan ang kamay? What's his plan? Hitting on young girls?

Napatingin silang dalawa sa akin. Umiwas ako ng tingin.

"Yes." diretsong tingin ng babae roon sa matandang lalake. "Do you want to date me?" biglang tanong ng babae. Kahit ako ay nahulugan ng panga sa kanyang tanong. Tss, bitch. Akala ko ay iba ka sa kanila.

"Why not? I'm single by the way at marami rin akong pera. Kaya kong bayaran ang pangpa-aral mo." sagot noong lalake. Ipinakita ang nakakahindik nyang ngiti.

Sinenyasan ko ang dalawa kong body guards para lumapit sa akin. Yumuko ito para pakinggan ang sasabihin ko. "Look for that guy's company. I want it to be bankrupt by this week." lumingon ang body guard ko sa lalakeng tinukoy ko.

Let's see kung kaya mo pa syang pag-aralin sa mga pera mo kung ikaw rin ay gipit na sa pera.

"Maganda sana ang alok mo Mister pero kaya akong pag-aralin ng Mommy ko at hindi ako interesado sa matatanda." nangunot ang mukha ng lalake. I almost burst out laughing. Inis na umalis doon ang lalake.

Lumingon sa akin ang babae at tinaasan ako ng kilay. Nakipagtagisan ako sa kanya ng tingin. I swallowed hard. That white skin and angelic face, ang sarap titigan non kahit ilang oras pa. Kahit ito lang ang gawin ko rito ay okay lang sa akin.

Her small nose and pinkish lips. Ang bilugan nyang mata na nakatitig sa akin. This is the first time that I saw someone like this. Ilang taon na kaya ito at bakit parang ang liit nya pa rin? Don't tell me she's just a high school student?

"Do you want to date me too?" tanong nito. Hindi pa rin naaalis ang pagtaas nya ng kilay sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita. I was caught off guard. Bakit nya ito tinatanong sa akin? "Ye--- No. Why would I date you? Ni hindi ka pa nga ata nireregla. At sigurado akong baby bra pa ang sinusuot mo." hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi. She rolled her eyes on me and flips her hair.

"I knew it. Walang magkakagusto sa akin dito. Si Mommy kasi, ang kulit!" bulong nito sa kanyang sarili at tumalikod na sa akin. Naglakad na sya ng palinga linga.

Pinagmasdan ko lang ang kanyang katawan hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Damn girl! Hahanapin kita at sisiguraduhin kong hindi ito ang una't huling pagkikita natin.

"Look for her details. I want to know all about her. Kailangan ko na iyon bukas." umalis ako sa party na iyon. At kinabukasan din ay iniabot sa akin ang folder na naglalaman ng pagkakakilanlan ng babaeng iyon.

Sa edad ako agad tumingin. "What the fuck?! She's just 17?" nag-aaral pa nga sya! Samantalang ako ay 21 years old na. Mabilis kong inihagis ang folder. How many years should I need to wait for her to graduate? Pero 18 na sya next year. Baka pwede na ako sa kanya? No, Klaude! It's insane.

I shouldn't fantasize a 17-year old girl. That's enough! Kailangan ko nalang mag-focus sa aking pag-aaral.

Isang araw habang nasa isang event na naman ako ay nakita ko na naman syang may kausap na lalake. Mabilis na nangunot ang noo ko. What the hell is she doing? Is she selling herself?! Then I'm more than willing to buy!

Sinundan ko lang sya buong gabi habang palipat lipat sya sa ibang lalake. "I want you to follow her all the time. At siguraduhin nyong masisira ang buhay ng kung sino mang lalake ang lalapitan nya."

Ilang linggo ang nakalipas ay umalis ako ng bansa para magpatuloy ng pag-aaral. Doon ko itiuon ang pansin ko. I need to be big para sa susunod ay lapitan na naman nya ako. I know her motives. Lalapit sya sa mga kilalang businessman at tatanungin kung interesado ba ang mga ito sa kanya.

I made myself big in another country. Dahil maraming negosyo ang pamilya namin sa ibang bansa kaya madali kong nagawa ko ang plano ko. Minsan ay gumagawa rin ako ng kalokohan para maging matunog ang pangalan ko. I don't need to compete with my brother. Kung hindi ko kayang palakihin ang sarili ko sa Pilipinas ay gagawin ko iyon malayo sa kanya.

I came back after three years. Sinigurado kong kilala na ako ng lahat at pati ang magulang nya ay hahabulin ako. "I want an agri business." saad ko kay Kreed.

"Agri? Alam mong malayo iyan sa negosyo natin. Why not hotel? Or restaurants? May mga bansa pa tayong hindi napapatayuan ng---"

"I said, I want agri." pinukulan ako ng masamang tingin ni Kreed. Pagkatapos ng ilang segundong pananahimik ay tumango rin ito.

"Do what you want. Siguraduhin mo lang na hindi mo pababayaan ang trabaho mo rito." umalis ako ng opisina nya at pumunta sa akin. Doon ko inumpisahan ang plano ko.

"Master, doon po nakaupo ang mga Sante Niego." lumingon ako sa kanilang table. Inayos ko ang aking coat at tahimik na tinungo ang kanilang table. Nakita ko agad ang kanyang likod doon. How many years was it, Thyrile?

Oh, Thyrile! Sisiguraduhin kong pagkatapos ng gabing ito ay hindi mo na makakalimutan ang pangalang Klaude Hendricks.

Lumingon ka sa akin nang banggitin ng iyong ina ang pangalan ko. Hindi kita agad tinignan dahil alam kong isang masungit na naman na tingin ang ipupukol mo sa akin. O baka pagtaasan mo na naman ako ng kilay.

I want to smile at that thought. Hindi pa rin kasi nabubura sa aking isipan kung paano kita unang nakilala.

"Thyrile!" pagtawag sa iyo non ay dahan dahan kang tumayo. Nagbago ng kaunti ang mukha mo at mas lalo kang gumanda. Tinitigan ko ang bilog mong matang nakapako sa akin. How I wish you stared at me like that when the first time we met. Baka tuluyan na akong nabaliw sa iyo non at pinakidnap ka na sa inyo.

"Nice to meet you..." maingat kong kinuha ang iyong kamay. I kissed it. It's the first time that our skin touches with each other. Naramdaman ko agad ang kakaibang boltaheng dala non sa akin. "... Ms. Thyrile Sante Niego."

Alalang alala ko pa ang lahat. Kung paano lumapat ang labi ko sa likod ng iyong kamay. Kung paano mo ako tinignan ng inosente gamit ang bilugan mong mata at kung paano mo ako napaibig ng ganito ay hindi ko rin alam.

"Sir, hindi maganda ang sitwasyon ngayon dito sa hacienda." malungkot na sabi sa akin ni Mang Pedring isang araw nang dalhin ako ni Thyrile para bisitahin ang mga tanim nila.

"What do you mean?" tinignan ko ang mga pananim. Maraming trabahador doon ang nagha-harvest.

"Dinalaw ng peste ang ilang pananim at malaking posyento nito ang nawala. Sa lawak ng taniman ay kaunti lang ang naa-angkat kaya't isa isang nag-aalisan ang mga kumukuha."

Pinag-aralan kong mabuti ang sinabing iyon ng kanilang katiwala. Ipinahanap ko ang puno't dulo ng problema sa taniman. They are losing investors and Gaige is not doing fine for some unknown reason.

"Ikakalugi natin kung ipagpapatuloy ang pag-iinvest sa kanila." sabi ng isang espesyalistang pinagtanungan ko. "Hindi lang naman ang agrikultura nila ang bumababa, Mr. Hendricks. Same goes for small businesses but it is better to just buy small hectares of land and produce your own business, hindi ba?"

"I don't need another business. Ang kailangan ko ay maisalba ang malaking negosyong papalubog na."

"Then kill the biggest competitor."

Masusi ko pang inalam ang mga detalye para tulungang iahon ang kabuhayan ng pamilya ni Thyrile. I talked to some business entrepreneurs and asked them to invest money ngunit tinatanggihan lang nila ako ng paulit ulit.

"Caroline, I need you." matigas kong sabi nang wala na akong iba pang malapitan.

("Anything for you, Klaude. Saan mo gustong makipagkita?") narinig ko ang mahina nyang tawa sa kabilang linya. Naihilamos ko ang sariling mga kamay sa aking mukha matapos maibaba ang tawag.

"This is about business, Caroline. Walang iba." wika ko nang magkita kami sa isang restaurant. Ngumisi sya sa akin bago sumimsim sa kanyang inumin.

"Of course it's about business. Ano pa nga bang hihilingin mo sa akin bukod sa kapangyarihan?" mas lalong nagtiim ang mga bagang ko. I can't let her know that I'm doing this for someone else.

Kaya kong gawin ang lahat matulungan lang si Thyrile. And after that, I will ask her be mine. Hindi ko na patatagalin pa.

I already played with the demons just to get her attention, just to get her. At kaya ko pang makipagtagisan sa ibang tao maprotektahan lang sya, mapasaya lang sya.

Sinabi ko sa kanya ang plano ko. "Kahit ilang bilyon para sa maliit na lupa ay bibilhin ko. Just name the price and I will deposit the money in their account."

Caroline's face became serious. Pinakatitigan nya ako. "And what will I get in return?"

"Anything. Money, luxuries, sabihin mo kung anong gusto mo. Ibibigay ko ang lahat sa iyo." binigyan nya ako ng isang pilyang ngiti.

"Para namang hindi mo ako kilala, Klaude. I don't need more luxuries in life. Just one night with you and I'll do your work."

"Deal."

Ilang araw matapos ang pag-uusap na iyon ay nakatanggap din agad ako ng mensahe galing sa kanya.

From Caroline:

Minerva Olivares, owner of a small agricultural business in Huertas. She's new to the industry so I think you can fool her into selling her own land. Good luck on talking to her. I'll send you the complete details and address.

I did not waste any time, pinuntahan ko na agad ang sinabi sa akin ni Caroline. The Minerva she was talking about is so stubborn. Ayaw nyang ibenta sa akin ang lupa.

"I told you, Mister. The land is not for sale. Kahit nalulugi na ito ay hindi ko pa rin ito ibebenta sa kahit na sino!" matigas nyang sabi sa akin. "Kung iyan lang ang ipinunta mo rito ay umalis ka nalang! The door is open!"

"Ms. Olivares, that's why I'm giving you an option, choose between losing and selling this to me."

"Hay, ang kulit! Hindi nga!" kita ko ang pagkairita nya sa akin. Sa araw na iyon ay umalis muna ako. Simula noon ay araw araw ako bumabalik sa kanya tuwing wala akong ginagawa sa opisina.

"I need this company to be big! Kailangan kong mapalaki ito at paano ko iyon magagawa kung bibilhin mo ito sa akin?" singhal nya ng isang araw ay kulitin ko na naman sya sa pagbebenta ng lupa.

Napahilot ako sa aking sentido. Lumapit ang isang body guard sa akin at inabutan ako ng tubig. Umiling lang ako at pinalayo muli ito. "Alright, I'll invest in bond. Kapag ginawa ko iyon ay lalapit sa iyo ang mga investors. Pati ang stocks mo ay may bibili rin. Kapag lumaki ang kompanya ng dahil sa akin ay pu-pwede ko na ba itong mabili?"

Mahinhing saad ko. Nakita kong napalunok sya sa aking sinabi. "What if hindi mangyari iyang sinasabi mo?"

"I'm not new to business, Ms. Olivares." kumuha ako ng card sa bulsa ng aking coat at inilapag iyon sa kanyang harap. "Call me when you need more money."

Tumayo na ako. Masyado nang nauubos ang oras ko sa pakikipag-usap sa babaeng ito. I'll have a talk to Thyrile later. Kahit boses nya lang ay sapat na sa akin para gumaan ang pakiramdam ko.

"If I were you, I will not invest my money in a losing industry. Business world is a big gamble, Klaude. Tularan mo ang kapatid mong si Kreed. He'll not put his money in useless industries like agriculture." mabilis kong kinwelyuhan ang kaharap na matanda.

I will put all my money into risk just to save Thyrile. Wala akong pakealam kahit maubos ang lahat ng kayamanan ko!

"One more word and I promise to ruin you and your bullshit company!" lumabas ako ng conference room habang nangangatog ang mga kamay. Pagpasok ko sa sariling opisina ay malakas kong inihagis ang mga papel doon.

("K-klaude.") nakababad ako sa harap ng aking laptop habang ang isa kong kamay ay hawak ang aking telepono habang kausap si Thyrile.

I missed her voice so much. I missed her. Pakiramdam ko'y mababaliw na ako dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita.

Kahit matigas ang kanyang ulo at may pagka-isip bata pa rin hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin sya. Ilang taon ko syang pinangarap and I will not let this chance slip in my very hands.

"You tell me the problem. Nag-aalala na ako." tanong ko nang mahimigan ang para'y paos nyang boses. Ilang sandali pa ay narinig ko na syang siminghot. Is she crying? "Ipapahanda ko ang choper para makapunta r'yan ngayon."

("Saglit! Ayos lang ako, huwag ka masyadong mag-alala sa akin.") wika nya sa kabilang linya. I'm so worried of her. Nababalisa na ako sa kakaisip kung kailan ulit kami magkikita ni Thyrile.

Damn, she's like a drug to me. Ikakabaliw ko na ata kung lilipas pa ang ilang araw na hindi ko masisilayan kahit dulo lang ng kanyang buhok.

Kinabukasan ng gabi ay tumawag sa akin si Caroline para magpasundo sa isang bar na lagi naming pinupuntahan.

I'm in a good mood today dahil balak kong surpresahin ng dalaw si Thyrile sa kanilang probinsya. I already bought a bouquet of flowers for her. Ngayong gabi ang alis ko.

"You look so happy today!" puna ni Caroline nang magkita kami. Matapos nyang lumapit ay mabilis nya akong hinalikan sa labi.

"Caroline, no more kissing!" saway ko na mas lalo nitong ikinangisi. Para kay Thyrile nalang ang labi ko simula ngayon.

Tapos na ang lahat ng problema. Minerva's business is doing good. Nabalitaan kong isa isa nang naglalapitan ang mga investors sa kanya. She should be happy with that.

At pagkatapos noon ay ako naman ang makikinabang sa kanyang lupa para mai-regalo iyon kay Thyrile.

"Akala ko pwedeng kissing kasi masaya ka. Samahan mo nalang ako rito. Let's drink and celebrate whatever's the reason behind your smile." umorder sya ng isa pang shot ng tequila.

"Ihahatid na kita sa inyo, Caroline. May pupuntahan pa akong importante." she pouted her lips ngunit sumunod din naman sa akin.

Ilang oras ang binyahe ko. She seems to be off today. I haven't received any text or calls from her. Napakagat ako sa aking mga labi at hindi na napigilan pa ang lubos na pagngisi.

"Damn, Thyrile. I'm so inlove with you." tinanaw ko ang mga rosas sa backseat. I'm so excited to see her. I can already imagine her face while I'm handing her the flowers. Alam kong matutuwa sya.

Madaling araw ako nakarating sa kanila. Ang pinsan nyang si Trey ang bumukas sa pintuan at isang malakas na suntok ang ibinungad nya sa akin. "Saan mo dinala ang pinsan ko?!" kinwelyuhan nya ako.

Napa-ayos ako sa aking panga at nabitawan ang mga rosas na hawak. "What are you talking about?" naka-kunot ang noo'ng tanong ko.

May naglakad mula sa kanyang likod, ang kanilang Lolo. He stared at me bago marahang naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Trey pushed me back. "Thyrile's missing."

At iyon ang simula ng ilang taong pagkawala nya. Thyrile is gone. She's nowhere to be found and I...

I was left alone. She left me. Nakaka-gago.

"Ginabi ka na naman?" napaiwas ako ng tingin sayo. Your soft voice made me lose my mind. Ngayon pang alalang alala ang tono mo sa akin ay para akong baliw na gustong ngumiti na rito.

"Hindi mo na dapat ako hinintay." tinanggal ko ang butones ng aking polo at hinubad iyon. Bago ako pumasok sa bathroom ay muli ka na namang nagsalita.

"Amoy alak na naman itong damit mo. Why are you always drinking? Kung may problema ka ay pwede naman natin itong pag-usapan. Please, Klaude. Let's talk." pinipigilan ko ang mapangiti. Para akong may asawa. At ang babaeng iyon ang taong mahal na mahal ko.

No one cares if I drink alcohol. Natutuwa akong nag-alala sa akin si Thyrile kahit papaano. And in just a snap, nagbalik sa akin ang lahat. I still have the smell of the alcohol I drank last night when I went to their mansion.

"Klaude, please, umalis ka muna rito. Hindi namin itinatago si Thyrile. Kahit haluglugin mo ang buong mansyon ay wala sya rito." saad ni Gaige. Tatlong buwan na akong pabalik balik dito at sa bahay nila sa Maynila ngunit wala ni isa sa akin ang may gustong magsabi kung nasaan si Thyrile.

"Gaige, alam kong alam mo kung nasaan sya. Tell me so I could talk to her. Huwag nyong ipagdamot sa akin si Thyrile." my voice almost cracked.

Tatlong buwan na akong parang mamamatay kakahanap sa kanya. Ipinahanap ko pa sya sa lahat ng bansa ngunit wala pa ring balita.

"We still don't know where she is." pagsasaraduhan na sana ako ng pinto nang pigilan ko iyon.

"You know, ayaw nyo lang sabihin sa akin. Saan ako nagkamali? Anong ayaw nyo sa akin para maiba ko, payagan nyo lang ako kay Thyrile?"

May humawak sa braso ni Gaige. I saw his Lolo and Trey behind. Muli nilang nilakihan ang bukas ng pinto at pinapasok ako sa loob.

"Klaude, Thyrile is in good hands. Give her time to think and space so she could breathe." ani ng kanilang Lolo. Umiling ako. I gave her enough time before.

Simula nag-aaral hanggang magdalaga ay pinagmasdan ko sya sa malayo. Isn't that enough time and space? Hindi ba pwedeng ako naman ngayon?

"I can't. I waited her for years. Sana maintindihan nyo kung bakit hindi ko na kayang maghintay pa." I kneeled infont of them. I can do anything but giving her up in will never be in the choices. "Please, I beg. Tell me where she is."

Iyon ang unang beses kong umiyak sa harap ng ibang tao. I cried to beg for a girl I loved ngunit hindi nya ako binalikan.

After so many years, wala pa rin akong nakitang Thyrile. Kahit anino, wala.

"Not now, Thyrile. Matulog ka na at huwag mo na ulit ako aabangan pang makauwi ulit bukas."

Gabi ng sumunod na araw na iyon ay nadatnan ko na naman syang gising at hinihintay ako sa aking kwarto. Hindi na ito nagtanong pa ng kung anu-ano. Tahimik nyang pinupulot ang damit na iniiwan ko sa sahig kada papasok ako sa bathroom para maligo. Ganoon ang naging gawi namin sa loob ng isang linggo.

"Klaude..." tawag ni Kreed sa akin ng maiwan kami sa meeting room matapos mag-present ng isang employee kanina tungkol sa kanyang proyekto. "Eleanor is getting worried. Kinukwento nya sa akin na araw araw nangangamba si Thyrile kung magkaka-ayos pa kayo o hindi. I think you're being too hard on her."

"I'm not yet contented, Kreed. " isinandal ko ang likod sa swivel chair. "You have no idea how childish Thyrile is. Hindi ko rin sigurado kung epektibo ba ang ginagawa kong ito sa kanya. I want her to find light in darkness not to wait for light. Gusto kong tignan kung susuko sya ng ganito kabilis. I waited for who knows how many years for her. Wala akong balak na paghintayin sya ng ganon din katagal. Ang gusto ko lang ay huwag syang sumuko agad."

Tumango si Kreed. Pinaglaruan nya ang ballpen sa kanyang mga daliri. "I know you waited for years. Siguro ay ito na rin ang pagkakataon mo para alukin sya ng kasal."

Napangiti ako. Matagal ko nang gustong gawin 'yan. Hindi lang ako makahanap ng tyempo dahil ang dami ng nangyayari. "I waited for her to grow up. She became stunning and beautiful pero dahil din sa akin kung bakit sya nasisira't nasasaktan."

Caroline Faustino was my past playmate. Isa sya sa mga ginamit ko dati at sya ang pinaka-tuso sa kanilang lahat dahil alam nya kung anong mga plano ko. Naging mabait ako sa kanya dahil ayokong maging hadlang sya sa akin. Hanggang doon lang ang naging relasyon namin dati.

"Mabuti at hindi ka na lasing ngayon." pansin ni Thyrile ng umuwi ako ng maaga. Dumiretso ako sa aking table. May kinuha akong papeles doon. Umuwi ako ng maaga ngayon dahil may kailangan akong tignan na trabaho rito. "Klaude, please, let's talk."

Sumikip ang dibdib ko ng mapansin ang tono ng kanyang boses. Kahit anong pilit ko ay bumabalik pa rin talaga ako sa kanya. Dammit!

"Okay, you start." ibinaba ko ang aking hawak. Tumayo sya sa gilid ng aking lamesa at pinagtalop ang dalawang kamay. I unconsciously looked at her silky dress. Maiksi iyon kaya litaw ang maputi nyang hita. Napalunok ako.

"I'm sorry for everything. Hindi ko alam kung paano babawi sayo but I assure you, kung sakali mang dumating muli si Caroline, I won't leave you like I did before. Sa tabi mo lang ako. Doon lang ako hangga't hindi ikaw ang mag-papaalis sa akin sa tabi mo."

Nakita ko ang pangingilid ng kanyang luha. "Don't cry, Thyrile." napamura ako. Ano ba itong ginagawa ko?

"Hindi ako umiiyak. Matatag ako." suminghot ito at tumingin sa taas. Matapos ng ilang segundo ay muli itong tumingin sa akin. "Ayoko na kasi, Klaude. Ayoko nang hindi mo ko pinapansin kasi masakit. Ganito pala yung pakiramdam noong tinatarayan kita. I didn't know it would hurt this bad. Pero ngayong ako na ang nasa sitwasyon, naiintindihan ko na. You smile a lot kahit na tinatarayan kita noon samantalang ako ay hindi iyon magawa sayo."

Umiyak na sya. Nakita ko ang pangangatog ng kanyang labi. You didn't change, Thyrile. Kahit umiiyak ka ay cute ka pa rin. Damn!

"Come here." minuwestra ko sa kanyang lumapit sa akin. Mabagal syang naglakad habang pahikbi hikbi.

"Nagsisisi na ako. Maniwala ka sana sakin. Gusto mo ba ay lumuhod pa ako sa harap mo para mapatunayang nagsisisi ako?" akma syang luluhod sa harap ko ng hilain ko ang kamay nya at mabilis na kinabig ang baywang nya papunta sa akin.

She sat on my lap at doon ko sya niyakap. Pinahid ko ang luha sa kanyang mukha. "You don't need to do that, Thyrile. I just want you to learn your lesson. Not because there's someone who wants to ruin us ay tatakbo ka na agad at tatakas. Hindi ganon. We will fight, Thyrile. Paano ako lalaban kung umayaw ka na? Sayo lang ako kumukuha ng lakas kaya kung lalayuan mo ako ay manghihina ako."

Tumango tango sya. Gusto kong pitikin ang kanyang ilong dahil hindi ko alam kung talaga bang pumapasok sa isip nya ang sinasabi ko. "Yes, I understand." nakangusong sabi nito. Hindi ko alam kung bakit parang malungkot pa rin sya.

Hinapit ko ang kanyang mukha at hinalikan ito ng mariin. I've been dying to do this for the past weeks. Kumapit sya sa aking batok at tinugunan ang bawat halik na binibigay ko.

Our kiss got intense. She would moan every time I bite her lips. My hands roam around her curves. Napakakinis talaga nya. My libido rises every time I touch her sides. Isinulot ko ang aking kamay sa kanyang dress. Napakanipis lang nito at ang sarap sarap sirain.

"Oh Klaude!" she exhaled when I move my hands to her butt in a circular motion. Nanggigigil ako sa kanya. Tumayo ako habang buhat sya. Inilapag ko si Thyrile sa aking lamesa at doon ako humiwalay sa kanya.

"Gracious, you look so inviting." I said while memorizing her whole body. Inayos nya ang kanyang dress at kinagat ang kanyang daliri. Ang pag-iwas nya ang tingin sa akin ay talagang nagpainit sa aking kalamnan.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at tumingin sa kanyang mukha. "Stop looking. Lagi kang ganyan! Naiilang ako." nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha sa sinabi.

"No, don't look that way. Titigan mo rin ako. I want you to remember every part of me like how I memorize every inch of you." tinapat ko ang kanyang mukha sa akin. She bites her lip while looking at me. Pinagmasdan nya ako bago ako sinunggaban ng halik.

I kissed her hungrily bago ko hinubad ang suot nya. With just one finger, I played with her core. Napaigtad sya. "Oh please, Klaude!" napapikit ito at halos manginig ang kanyang katawan ng binagalan ko ang kilos ng aking daliri.

Hinila ko sya papunta sa akin. I grind on her wetness. "I want you mine, Thyrile. Just mine. I can't give you the world but I'm willing to give you my world. Own me, Thyrile like you're afraid to loose me. Walang ibang nagmamay-ari sa akin kundi ikaw. Walang Caroline sa mundo natin. It's just you and me."

Matapos kong sabihin iyon ay hinubad ko na ang aking damit. Tinignan nya ako ng maluha luha. She hugged me tight. "I want you too, Klaude. No Caroline. Ako lang. Gusto kitang ipagdamot sa kahit sinong babae dahil natatakot akong maibigay nila ang bagay na hirap akong ibigay. Please promise me to stay beside be no matter what? I'll promise the same thing. Hindi na kita iiwan pang muli."

Inihiwalay ko sya sa akin.I cupped her face. "Yes, I promise." ngumiti ito ng tipid at pinamulahan ng mukha. "But I need one thing." tumingin sya sa akin ng nagtataka.

"What's that?" hinintay nito ang susunod kong sasabihin.

Napangiti ako bago nagsalita. "Marry me."

Maluha-luha syang yumuko at ngumiti. I kissed her forehead. "I will, Klaude.I will."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg