KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXVIII
"Thyrile..."
Hinawakan kong mabuti ang kutsara sa aking kamay. This spoon feels so heavy this time. Hirap na hirap akong iangat ito sa hindi malamang dahilan.
"Thyrile..." may tumapik sa braso ko. Nabitawan ko ang kutsara. Kumalampag iyon sa babasaging plato at dumiretso ng hulog sa aking hita.
"Oh!" kinuha ko ang table napkin ngunit hindi ko pa iyon naipupunas sa aking damit ay mabilis na agad na pinunasan ni Klaude ang maliit na mantya roon. "Thank you." wika ko rito habang pinapanood ang kanyang ginawa.
"Get me another spoon." utos ni Klaude sa isang katulong sa gilid.
"Thyrile, are you okay?" tanong sa akin ni Trigger. Iniangat ko ang aking paningin. Tinagpo ko ang kanya at marahang tumango.
I'm definitely not okay. Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sinabi sa akin ni Knight.
What will happen if Caroline finds out that I'm dating Klaude? Magagalit ba sya sa akin? Of course! Kung ako nga ang nasa posisyon nya ay talagang magagalit ako. At iyon ang lubos kong kinatatakutan.
"Thyrile, kanina ka pa balisa." bulong sa akin ni Klaude. Tinignan ko ang mga tao sa aming table. They were all looking at me. Si Knight ay simpleng nakatingin lang sa akin. Sa kanya napako ang mata ko bago ko iyon iniba at tinignan si Klaude.
"I'm okay, Klaude. Don't worry about me." sinimulan ko na ang pagkain. Tahimik kong pinakikinggan ang usapan nila. They're laughing at a certain topic. Hindi ko gaanong naintindihan ang usapan nila dahil busy ako sa paglinga linga sa paligid.
I was searching for Caroline when Klaude held my hand. Nakangiti ito habang nakatingin sa mga kausap nya.
Saglit na nawala ang pag-aalala ko sa pagdating ni Caroline ng biglang binaggit ang pangalan ko.
"Thyrile is currently managing our business in the province. Mabilis syang matuto kaya naman naging madali lang sa kanya ang paghahawak non ng mag-isa." napatingin ako kay Trigger. Kausap nito si Kreed. Ngumiti nalang ako kay Kreed ng saglit itong lumingon sa akin.
"Hindi ka ba nahirapang i-manage iyon ng mag-isa?" tanong sa akin ni Kreed.
"No, actually. Nakapag-trabaho na naman ako sa ibang bansa about the same industry. Mas simple pa nga ang ginagawa ko rito kumpara sa dati kong trabaho."
"You're in agricultural, right?" muli nitong tanong. Tumango ako. Lumingon sa akin si Eleanor ng nakangiti at hinawakan ang isa kong kamay.
"Ang galing mo naman. Mayaman siguro kayo, no?" napailing ako habang nangingiti.
"Hindi naman sobrang yaman pero sakto lang. Kung ikukumpara kami sa inyo ay walang wala ang business namin." saad ko rito. That's true. Ang lupa nga ay pinapamigay lang ni Klaude sa akin na parang isang laruan, eh.
And speaking of that land, hindi na ako muli pang kinulit ni Klaude tungkol sa pagpapangalan sa akin non. I can't manage that piece of land pero sayang din kung hindi gagamitin. Maybe I should give it back to Minerva. Sa kanya naman talaga iyon. I will ask Klaude to do that pagkatapos ng honeymoon nina Kuya.
"Sabagay, wala naman kasi akong alam sa business." wika ni Eleanor. Nakisali kaming muli sa kanilang usapan hanggang sa mapag-pasyahan naming pumuntang dagat para maligo.
"Okay na ba itong suot ko?" lumabas ako ng kwarto at pinakita kay Klaude ang leopard print na binili ko. Alam kong ayaw nya rito nung una pero talagang nagandahan ako kaya binili ko na.
Tinignan ako ni Klaude simula ulo hanggang paa. May korte naman ang katawan ko at hindi maitim ang singit ko at ilalim ng pwet. Pantay ang kutis ko kahit saang parte ng aking katawan. My boobs are not that big pero kapag hinahapit ay nagkakaroon naman kahit papaano ng cleavage.
"Ano na?" muli kong tanong. Ang tagal naman kasi nitong sumagot at naiilang na ako sa kanyang tingin.
"I don't want you wearing that kind of bikinis. No, I hate you wearing one." nakakunot ang noo'ng wika nito. Napanguso ako. What should I wear then? T-shirt and pants? "I even hate it when you're waering shorts. Ganyan ka pa kaya?"
"Klaude, we're going to swim. Okay lang 'yan. Eleanor even bought her own then why can't I?" pagtatanggol ko sa aking sarili. Ang sarap kayang magsuot ng ganito! And plus, gusto kong maarawan ang balat ko para kahit papaano naman ay makapagpa-tan ako ng kahit kaunti.
"You think Kreed would allow Eleanor to wear bikini? At kayong dalawa lang ang babae rito. I will allow you to wear that kung tayong dalawa lang ang maliligo." lalo akong napa-nguso. What the hell?
"Ano ngang gusto mong isuot ko?! T-shirt and shorts?" naiirita ko nang sabi.
"Yes." kaswal nitong sagot. Napabuka ang bibig ko. Hindi ako makapaniwalang talagang gusto nya akong pasuotin ng t-shirt sa beach! Sa ganito kagandang beach! Nakakaiyak!
Nag-martsa ako pabalik sa loob ng kwarto. Naghanap ako ng tshirt at shorts. Iyon ang sinuot ko at tahimik akong lumabas ng kwarto pagkatapos. Hindi ko sya nilingon. Dire-diretso lang ako ng lakad hanggang sa makalabas ng aming tinutuluyan. Sinuot ko agad ang malaki kong shades.
"Thyrile, are you mad?" hinabol ako ni Klaude at hinawakan ang siko ko para pigilan ako. Tinignan ko sya ng nababagot.
"No, I'm not." pinalis ko ang kanyang kamay ngunit masyadong mahigpit ang kapit nya roon.
"Galit ka."
"Hindi nga sabi." medyo irita kong saad.
"I know you're mad."
"Alam mo naman pala, eh. Bitawan mo na ako, Klaude." niluwagan na nya ang hawak sa akin.
"Hanggang dito ba naman LQ pa rin kayo?" narinig kong wika ng isang tao sa likod ni Klaude. Sumilip ako roon. Napasimangot ako ng makita ko ang nakangising mukha ni Tryck.
"Hindi kami LQ, no. And we're not highschoolers for that." lumapit ito sa amin. Kasama nya si Trigger nang natatawa. Inakbayan ako ni Tryck at kinurot ang isa kong pisngi.
"Ang LQ ay hindi lang para sa mga highschool students." naglakad na ako. Naka-akbay pa rin sa akin si Tryck at kinukulit ako.
"Thyrile, sorry na raw sabi ni Klaude!" sigaw sa akin ni Trigger na nasa aking likod kasama si Klaude. Narinig ko ang mahinang tawanan nilang dalawa na parang pinagti-tripan nila akong dalawa. Nakisabay pa itong si Tryck.
"Wala akong pake." bulong ko.
"Klaude, sabi ni Thyrile, wala raw syang pake." sigaw ni Tryck. Nagtawanan na naman sila. Inis na pinalis ko ang naka-akbay na kamay sa akin ni Tryck. Epal talaga ang isang to!
"Thyrile, bati na raw kayo sabi ni Klaude!" natatawa ulit na sabi ni Trigger.
"Shut up!" wika ko.
"Uy, Klaude, shut up ka na raw!" siniko ko si Tryck.
"Hindi para kay Klaude yon!" kung anu-anong sinasabi nitong pinsan ko. May maiasar lang talaga! "Trigger! Tama na!" nilingon ko ang mga ito habang naglalakad kami at pinanlisikan ng mata si Trigger. Isa pa 'to. Minsan ay may pagka-isip bata. Magkapatid talaga ang dalawang sira ulong ito!
"Magbati na kasi kayo!" lumapit na sa amin si Trigger at Klaude. Ngumuso sa akin si Klaude na parang nagpapaawa. Halata namang gusto na ring tumawa ng isang 'to.
"We're not fighting. Kayo kasi!" sisi ko kay Tryck. Hinampas ko pa ang braso nito pero mabilis itong umilag.
"Kami pa ngayon?" wika nito sakin. "Tsaka kung di kayo magka-away, isang kiss nga r'yan!" kinikilig na sabi nito. Namula ang pisngi ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at naglakad ng mabilis para maiwasan sila.
Bahala sila r'yan! Mga lalake talaga, pag nagsama-sama, mga abnormal!
"Thyrile, just one kiss!" hinabol ako ni Trigger at pinatigil. Hinarap nya ako kay Klaude.
"Hoy, huwag mo ngang sabayan ang kalokohan ng mga 'to." saway ko kay Klaude. Paano naman kasi ay hindi sya pumapalag. Gustong gusto?!
"It's just one kiss. Let's make it quick." lumapit ito at ngumuso sa harap ko. Naghiyawan na, na parang baliw ang dalawa kong pinsan. Hiyang hiya na talaga ako. I can feel the heat in my face. Siguro ay sobrang pula na talaga ng mukha ko.
"No!" matigas kong sabi. Not in front of my cousins. Hinding hindi sa harap ng mga baliw na ito!
Tumakbo ako papunta sa tabing dagat. Hinabol nila akong tatlo. Nakita ko roon si Eleanor na naka-suot ng rash guard at may dinadakot sa lupa. Napahinto ako sa kanyang tabi at umupo sa buhanginan.
"Bakit ganyan ang suot mo?" takang tanong ko. Hindi naman kami bumili nyan noong nagsama kami sa mall.
"Binigay sa akin ni Kreed. Mas maganda raw kung ito ang susuotin ko." napatingin ako sa dinadakot nya sa lupa. "Eh ikaw, bat ganyan ang suot mo?"
"Huh? Ayaw ni Klaude sa binili kong bikini. Ang arte!" singhal ko. Lumingon ako kung nasaan si Klaude. Nakahinto na ito at kausap si Knight.
Ang mga pinsan ko naman ay nasa dagat na. Kumakaway pa sa akin si Tryck. "Thyrile!" tawag nito. Parang iniimbitahan akong sumama sa kanya roon. Lulunurin lang ako ng isang 'yan.
"Baka ayaw nyang may ibang nakaka-kita ng katawan mo." nakatitig pa rin ako sa ginagawa nya.
"Saglit nga. What are doing?" takang tanong ko. Medyo nawi-weirdohan na ako sa kanya.
"Kumukuha akong buhangin. Tinutulungan ko kasi si Eleed gumawa ng sand castle." tinuro nya ang anak sa hindi kalayuan. Magkaparehas ang ginagawa nila. Mag-ina nga.
"Sige, swimming lang ako ha?" paalam ko sa kanya. Pumunta na ako sa dagat. Lumingon muna ako kay Klaude. Nakatingin sya sa akin habang nakapameywang.
Sumisid na ako sa dagat at nagtagal doon sa ilalim. Nasa medyo mababaw lang ako. Tinanaw ko ang ilalim. Ang linis talaga ng tubig rito! At ang lamig pa. Ang sarap sa balat.
Pagkaahon ko ay may natamaan ako. Napahawak ako sa aking ulo at lumangoy palayo. "Sorry..." wika ko. Tinignan ko kung sino iyon at medyo napatigil ako ng makitang si Kei iyon. "Ah, sorry ulit."
Tumingin sya sa akin. Minasahe nya ang kanyang baba. Doon ko ata sya natamaan. But why is he so close to me? "It's okay." tumango ako at lalangoy na sana palayo sa kanya ng muli itong magsalita. "Are you okay?"
Napalingon ako. "Yah." pagkasagot ko non ay lumingon sya sa aking tabi.
"I'm going." bago ko pa man sya makausap muli ay may humawak na sa baywang ko.
"Thyrile, anong sinabi nya sayo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Klaude. Ang bilis naman lumangoy nito papunta sakin.
"Kei? He just asked me if I'm okay. Nabangga ko sya at tumama ang ulo ko sa baba nya. Pero nag-sorry rin naman ako." paliwanag ko. Mukhang mabait naman si Kei. Maybe he's just silent pero nararamdaman kong mabait naman sya.
"What else?" lumangoy na ako. Sinundan ako ni Klaude.
"What else? Wala na. Yun lang. Why?" dumiretso ako sa tabing dagat. Piniga ko ang buhok ko nang makarating doon. I looked at Klaude. My eyes went staight to his wet abs. Hindi ko iyon napansin kaninang nasa dagat kami.
"Thyrile!" sigaw ni Tryck. Tumatakbo ito ng lumapit sa amin. Huminto ako para maabutan nya kami. Ano na namang kailangan nito? "Let's play! Volleyball!"
At yon nga ang nangyari. Nagtayo agad sila ng net sa gilid para may malaruan kami. Ang kasama ko sa team ay sina Trigger, Tryck at Klaude.
Sa kabila naman ay sina Kreed, Knight, Kei at Eleanor. Pinaiwan nalang sa katulong si Kreor at Eleed. Nandoon sila sa lilim kasama ang ilang katulong na mags-score samin.
"If we win this game, I'll get that make up kiss that you rejected earlier." bulong sa akin ni Klaude habang hawak ang bola ng volleyball.
"What?!" singhal ko. Hindi na nya narinig iyon dahil pumunta na sya sa likod. Si Klaude ang unang nagserve. Naka-pwesto na kaming lahat. Pag-serve nya sa bola ay si Knight ang unang sumalo roon.
Napunta iyon kay Eleanor at naibalik nya sa amin. Sa akin pumunta ang bola. Pinalo ko iyon at si Trigger ang spike papunta sa kabila. Mabilis iyong tumama sa buhangin. Kami ang nakakuha ng unang puntos.
"Nice team!" nakangiting wika ni Trigger. Diretso sa akin ang tingin ni Klaude. It looks like he knows that we're going to win this game. Shit! Ang sarap ipatalo! Pang-asar lang sa kanya.
Sa sumunod na minuto ay lumamang sila. Hindi dahil nagpapatalo ako kundi sadyang magaling talaga sila. Magaling si Knight maglaro. Sya ang laging nakakapuntos. Pati si Eleanor ay magaling din.
Samantalang ako ay hindi man lang nakapuntos ni isa. I suck at this sport. Marunong lang ako tumanggap at magserve ng bola pero aside from that, wala na akong ibang alam.
Nakakahabol pa naman kami kahit papaano dahil magaling ang mga pinsan ko at may ibubuga naman kahit papaano. And Klaude has a massive strenght to spike. Kung ako siguro ang tatanggap ng spike na yon ay baka bali na ang kamay ko.
"Ayoko na." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa gilid para makapagpahinga saglit. I can't do this anymore. Namumula na ang kamay ko.
"23-21, that's not bad. Makakahabol pa tayo." uminon ng tubig si Tryck. Mukhang seryoso ang isang 'to.
"One set lang ang game na 'to kaya kailangan manalo tayo." wika ni Trigger habang pabalik kami sa aming pwesto.
Tinali ko ang suot kong damit sa may bandang puson at umayos na ng pwesto. "Witwiw!~ Chicks!" asar sa akin ni Tryck. Inirapan ko lang ito.
Nagsimula na namang muli ang laban. Nakahabol kami hanggang sa nag-tie na ang score sa 23. Tuwang tuwa ako. I even jumped when we tied the score. Tumakbo ako kay Klaude at niyakap ito. Pagkahiwalay namin ay doon lang namin napansin na lahat ay nakatingin sa amin. Pinamulahan ako ng mukha at tahimik na bumalik sa pwesto ko.
Natapos ang laro na 23-25 ang score at kami ang nanalo. "I told ya! Kayang kaya natin 'to!" ginulo ni Trigger ang buhok ko. Tumatawa ako habang inaayos iyon.
"You should thank me. Dahil sa galing ko kaya tayo nanalo!" mayabang na sabi ni Tryck. Sinipa ko ito ng mahina.
Lumapit sa amin sina Eleanor. She immediately congratulate me kahit wala naman akong naiscore kahit isa.
"Should I get my reward for winning?" hinila ako ni Klaude at mabilis akong hinalikan sa labi. Napalaki ang mata ko. I didn't blink hanggang sa maghiwalay ang labi namin. Boses agad ng pinsan ko ang namutawi sa buong paligid.
"Bati na sila!" sigaw ni Tryck.
"PDA!" natatawang tuya ni Trigger. Hiyang hiya ako na tinakpan ko nalang ang mukha ko. Hinimas ni Eleanor ang likod ko habang rinig ko ang tawanan ng mga lalake.
"Kuya, next time, get a room." narinig kong sabi ni Kei kahit mahina iyon.
Halos makalimutan ko na si Caroline dahil sa tuwa ng dumating ang gabi at nakita kong may paparating na bagong helicopter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top