KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVII
"Thyrile, wear this." ibinigay sa akin ni Klaude ang isang t-shirt. Sinuot ko iyon at hinila na sya papunta sa mga pinsan ko. Mabilis akong tumakbo. Muntikan pa nga akong madulas. Mabuti at mabilis na nahuli ni Klaude ang braso ko.
"Trigger!" sigaw ko at niyakap ito. Tumingin ako sa kasama nya. Napanguso ako. "Akala ko, busy ka?" tanong ko kay Tryck. Patay talaga ako kapag nagkasama silang dalawa ni Klaude. Pagkakaisahan na naman nila ako.
"You got my time, Thyrile. Why would I choose work over you?" nakangisi nitong sagot sa akin. Sumimangot lang ako. Bola!
"Tara na?" kinausap ni Klaude si Tryck. I held Trigger's arm. Tinatanong ko sya kung bakit hindi nya sinama 'yong girlfriend nya ngunit hindi naman ito sumasagot ng maayos. Baka LQ yung dalawa?
And Trey's not even here. Ano naman kayang problema ng isang iyon at hindi sumama rito? But aside from that, I'm so happy that my cousins are here. Hindi nga lang kompleto but it's enough to make me feel contented.
"Anyway, I'll just call you later. Magpahinga muna kayo." hinatid na namin sila sa kanilang tutuluyan. Klaude and I went back to our own house. Doon ay nag-shower muna akong saglit bago ako nagbihis ng maayos.
Pumunta ako sa isang beach deck sa taas ng tinutuluyan namin ni Klaude. I saw him sitting there, nagpapatuyo ng buhok sa kanyang towel. I sat beside him. Doon ako pumwesto sa kanyang paanan.
Minutes of silence surrounded us. Pinagmasdan ko lang ng mabuti ang paligid mula rito sa taas. I can live here. Kung sana ay hindi lang ito nakatayo sa isang isla na walang tao ay aayain ko talagang tumira si Klaude dito.
I smiled. I'm always thinking of my future with Klaude. Kada mag-iisip ako kung saan ko gustong tumira ay nasasama sya sa utak ko.
So this is what it feels to be deeply inlove? The moment when you dream about your greatest future and you're always thinking that he'll be always a part of it.
"Klaude, I will never forget this." bigla kong sabi. Nakaramdam ako na iginapang nya ang kanyang kamay sa akin.
He hugged me from behind. Tumingin lang ako sa langit ng nakangiti. "Everything for you, Thyrile." hinalikan nya ang aking balikat. Lumingon ako sa kanya at binigyan ito ng saglit na halik sa labi.
I feel so special today. Klaude made me feel like one. Hindi ko na nga alam kung ilang beses akong magpapasalamat para sa ginawa nyang ito. "Masaya akong hinintay mo ako noong nawala ako. I'm happy that you're still inlove with me after so many years."
Pinaglaruan nya ang dulo ng aking buhok. Ngumiti sya at hinalikan ang dulo nito. "I can love you more and more, Thyrile. And let me prove that to you for the rest of your life." napangiti ako. Sumandal ako sa kanyang dibdib. Sa ganoong posisyon namin tinanaw ang madilim na kalangitan. "And you know that as much as I want to move on from you at that time, marinig ko lang ang pangalan mo ng isang beses ay bumabalik na naman ako sayo. I can't move on, Thyrile because I don't want to. I'll never move on from you. Remember that."
May kasamang luha sa mata ang pag-ngiti ko matapos nyang masabi iyon. Ano bang nagawa ko noon na biniyayaan ako ng ganitong klaseng lalake?
I thought perfect guy only exists in books. But I forgot, perfect guy exists when that person loves you wholeheartedly without any doubt.
Tumingin ako sa kalangitan. It's only the stars and the moon that guides the sky to light in the darkness. Tinitigan ko ang buwan habang hinahaplos ni Klaude ang aking buhok.
Dalawang puting helicopter and nakita kong dumaan sa paningin ko. Sinundan ko iyon ng tingin. Magkaiba ang itsura nito kumpara sa sinakyan namin. Both are white with a little of black. May nakaukit doon ngunit hindi ko naman mabasa sa layo.
"Who's that?" nawala na iyon sa paningin ko nang lumanding. Patuloy pa rin si Klaude sa paghaplos sa aking buhok ng sumagot ito.
"My brothers."
Maghahapunan ng bumaba kaming dalawa ni Klaude. Simpleng damit lang ang sinuot ko. Just white dress na sleeveless. I wore my white sandals. Naglakad kami hanggang sa mapunta sa isang malaking cottage doon.
Nakita kong may mga tao na. Rinig ko ang tawa ni Eleed habang buhat ito ni Kreed. Eleanor is standing in the threshold of the cottage. Buhat nya si Kreor habang nakatingin sa loob. Both Tryck and Trigger are sitting there beside who knows who?
Napakunot ang noo ko. Pilit kong tinititigan ang mukha ng dalawang katabi ng aking pinsan. Parehong lalake. Sa malayo ay hindi gaanong maaninag ang mga mukha nito ngunit ng lumapit ay bigla akong kinabahan at napahawak nalang sa braso ni Klaude.
"Is that your brothers?" tanong ko kay Klaude para makumpirma ang iniisip ko.
"Yes. Dito ka lang sa tabi ko, Thyrile." hinila pa nya ako palapit sa kanya. Eleanor was the first one who noticed us.
"Kanina pa namin kayo hinihintay. Mabuti nalang at dumating na kayo." she smiled at us at naglakad na pasabay sa amin sa loob. Umupo ito sa aking kanan. Klaude's at my left. Nakatingin lang ako sa pinsan ko na pinanood ang pag-upo namin sa aking harap.
I immediately covered my lap with pillow. May mga nakahanda nang pagkain sa harap. Si Eleanor ang unang kumuha roon at mabilis akong inalok.
"Thyrile..." tawag sa akin ni Klaude sa seryosong boses. Napadiretso ako ng upo at tumingin sa kanya. "That's my brothers. Knight and Kei Hendricks." ngumiti sa akin ang isa. I guess that's Knight but the other one just looked at me.
Binigyan ko silang dalawa ng pilit na ngiti. "Hi, nice to meet you. I'm Thyrile Sante Niego."
I tried my best not to be awkward infront of them. Halos mangatog ngatog ang panga ko sa kaba. God genes! Grabe ang lahi ng pamilyang ito! Each and everyone of them is perfect in their own way.
They're blessed with so much looks. Kahit may pagkahawig silang lahat ay iba iba ang awrang nararamdaman ko sa kanila. While Kreed's the authoritative one, Klaude's the one who's serious but sweet inside.
I can see that Knight's the one who can talk to anyone. He's the approachable type. The one who's always smiling and gentleman. Kei's the mysterious and the 'I don't care who you are' type.
Hindi man lang kasi ako nginitian nito. But that's okay. Marahil ay mag-iiba pa ang tingin ko sa kanila kapag nakausap ko na sila. Hindi ako dapat ma-intimidate sa kanila.
"I heard so much about you. Ikaw 'yong laging pinupuntahan ni Klaude sa probinsya?" tanong bigla nong Knight. Tumango nalang ako. Maybe? Ako nga ba iyon? Ako lang naman ang pinupuntahan ni Knight sa probinsya diba?
"Address me as your Kuya, Knight." wika ni Klaude kay Knight. Ngumiti lamang si Knight doon at muli na naman akong tinignan.
"My Kuya hide you for years, is that okay with you?" natulala lang ako. Anong tinago? Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Hindi agad ako nakasagot. Hinawakan ni Klaude ang kamay ko. Ramdam ko ang higpit noon. Napatingin lang ako sa magkahawak naming kamay sa ilalim.
"Knight, I didn't invite you to ruin this vacation." Klaude said with frustration. Kita ko ang pagpipigil nya ng galit. Lahat kami ay natahimik at napatingin kay Klaude at Knight.
"I'm not ruining this vacation, Kuya." nakangiting wika ni Knight kay Klaude. Nakita ko ang pagkunot ng noo sa akin ni Trigger. Napaiwas akong tingin sa kanya.
"Why would Klaude hide Thyrile? What do you mean by that?" singit ni Trigger sa usapan. Lumakas lalo ang kaba sa dibdib ko. Parang biglang nagkaroon ng tensyon. My cousin is damn serious with his question. Gusto ko syang sitahin ngunit may parte sa akin na gusto ring malinawan sa sinasabi ni Knight.
"Oh, you don't know? My brother only used your cousin to get your business. After he failed because Thyrile went out of the country, he introduced Caroline to the media. Nobody knows that there's a thing between my brother and Thyrile---"
"Knight..." tawag ni Kreed sa kanyang kapatid. Napahinga ako ng paulit ulit. "Stop feeding them false informations."
"I'm not, Kreed." sagot ni Knight. "I mean, Kuya Kreed." I saw his devilish smile when he turned his eyes on me.
Anong pinagsasabi nya? Hibang ba sya? Is he trying to break me or does he want me out of this picture? Kasi kung ayaw nya sa akin para sa kapatid nya then he should have said it earlier. Hindi itong gumagawa pa sya ng kung anu-anong istorya.
I know that Klaude introduced Caroline to the media because he thought that Caroline's baby is his. That's reasonable. At nasaktan ko sya noon. But saying that Klaude only used me to get our business is another story.
Tinulungan pa nga nya akong iahoI ang kabuhayan namin by buying Minerva's land. I don't get Knight's point here. "I clearly understood Klaude. He's not trying to hide me from anyone or that's what I think. I've been away for years and there's Caroline by her side. It's understandable that Klaude wants to move on from me and I see that as the reason why he introduced Caroline to the media. There's no need to light a fire because there's nothing to be burnt up again."
Nakatitig at seryoso kong paliwang kay Knight. It's my first time seeing him ngunit parang ang dami na nitong alam sa mga nangyayari sa amin ni Klaude. Why is that? Why is he sticking his nose in our relationship?
"I see, my bad. I just only thought of the reason why my brother haven't introduced you earlier before you even decided to walked out from his life. Akala ko ay tinatago ka nya. But I see my mistakes now."
Napaisip ako roon. Oo nga, bakit hindi ako pinakilala dati ni Klaude noong maayos pa kami? Is there a deeper meaning to that? Kailangan ko pa bang ungkatin ang nangyari ilang taon na ang nakakalipas?
"Knight, please. Don't spoil this evening." pakiusap ni Klaude kay Knight. Hindi na naman ito nagsalita pang muli. Kumain nalang kami habang nagkukwentuhan. Lumipat ako ng upuan sa tabi ni Tryck. Sumunod sa akin si Eleanor.
I introduced him to my cousins bago lumipat si Trigger sa tabi ni Klaude. Nakisali sa kanilang usapan si Kreed. Hindi ko gaanong narinig dahil kung anu-ano rin ang dinadaldal sa akin ni Tryck. Lumipat ulit ng upuan si Eleanor at kinausap ang dalawa pang nakababatang kapatid ni Klaude.
Lihim ko silang pinagmasdan. Eleanor can freely talk to anyone while I'm stuck here with Tryck. Nakakainggit sya. I can feel that Knight didn't want me for Klaude. Nakakalungkot lang. Akala ko ay magiging malinis lahat.
Natapos ang gabing iyon na hindi ko nakausap ng maayos ang dalawang kapatid ni Klaude. Marami pa namang araw para gawin iyon. I could try my luck tomorrow.
"No, Thyrile. Maraming pwedeng gumawa nyan. Let's go."
"Hindi nga, Klaude. Tutulungan ko lang si Eleanor magligpit ng pinagkainan. Hindi naman ito magtatagal. Susunod din ako sayo, okay?" hinawakan ko ng mariin ang kanyang kamay bago ko iyon binitawan. He gently smiled at me kahit alam kong medyo pilit.
"Okay, hihintayin kita sa kwarto." nagpaalam na ako. Bumalik ako sa cottage at nakita ko roon si Eleanor na ninilinis ang mga pinagkainan namin kasama ng dalawang katulong. Tinulungan ko agad sya.
"Eleanor, why don't you go ahead? Ako nalang ang tutulong sa kanila." aya ko sa kanya. Nakita ko kasi ang asawa nyang medyo nainis noong nagpumilit syang tumulong dito kanina.
"Saglit lang naman ito." wika nya at pinunasan ang table ng basahan. Pilit na inaagaw sa kanya ang hawak na basahan ngunit ayaw nyang bitawan iyon. Lihim ko nalang na binantayan ang mga galaw nya. Nakita ko syang nakikipag-ngitian sa mga katulong at minsan ay nakikipag-kwentuhan pa roon.
Ilang minuto lang ay nalinis na namin ang cottage. Binuhat ko ang ilang pinggan doon. May mga tumulong din sa akin. Gusto ko lang talagang gayahin ang ginagawa ni Eleanor dahil naiinggit ako sa kanya. Naglakad kami papasok sa loob. Doon namin inilapag ang mga plato sa kusina.
"Kami na po ang bahala rito, My Lady." wika ng isang katulong kay Eleanor. Hinugasan ko nalang ang kamay ko.
"Sige. Aalis na ako, ha?" sagot nya rito. Nagsabay na kami palabas. Magkaibang direksyon ang lalakaran namin kaya niyakap ko muna sya bago kami naghiwalay.
Pinagmasdan ko ang pag-lalakad nya patungo sa kanilang tutuluyan. Ako naman ay dumiretso pabalik sa cottage. Nakapatay na ang mga ilaw roon. Umupo ako sa pinaka dulo. Pinagmasdan ko ang dagat sa ibaba.
I wasn't sure if this night is one the best. Nakakapanlumo pa rin ang nangyari kanina. Naaalala ko na naman ang pag-iwan ko kay Klaude. What if I didn't come back? Masaya na kaya ang buhay nya? Would he end up with Caroline?
Pero masaya akong magkasama na kami ngayon. Am I selfish for wanting him? Do I deserve him again?
Pero bakit parang may ibang ibig sabihin si Knight kanina sa kanyang sinabi? Why is he making Klaude the bad guy here?
"Something bothering you?" halos mapatalon ako ng may isang boses ang nagsalita malapit sa aking batok. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad akong napa-atras sa taong iyon.
"What---" hindi ko na natapos ang tanong ko. I immediately closed my mouth as I looked at him. Ngumiti ito sa akin. Napaiwas ako ng tingin at umayos agad ng upo.
"I'm just making fun of you, that's all. Don't take my words seriously." saad nito. "Come here, masyado kang malayo." ibinigay nya ang kamay nya sa akin. Pinagmasdan ko lang iyon na naka-angat sa aking harap.
Tatanggapin ko ba iyon? No. Umismid ako at lumapit ng upo sa kanya. I don't need his hand. "Ibig bang sabihin ay biro lang ang sinabi mo kanina?" naka-kunot ang noo'ng tanong ko rito.
Kahit madilim ay natatanaw ko pa rin ang perpektong hugis ng kanyang mukha. From his jawline to his chin. Biglang kumalabog ang dibdib ko. This is the first time that I'll talk to him in private. Nanayo agad ang balahibo ko habang pinagmamasdan ko ang mukha nito kasabay ng malamig na ihip ng hangin.
"What do you think?" lumingon ito sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Napapikit ako ng ilang beses. Hell no. Klaude's eyes were intense and his were playful. Hindi ko alam kung anong mas kakamuhian ko sa dalawa because both looked so mesmerizing. And I don't like that.
"Don't answer me with another question." kalmado kong sabi. I don't want to sound rude. Gusto ko syang maka-usap ng matino dahil gusto kong makasundo ang lahat ng kapatid ni Klaude. "And quit staring at me. Nakakailang." napatalikod ako sa kanya.
Tumingin ako sa dagat. Ramdam ko pa rin ang titig nya sa akin. Nakakapangilabot ang tingin nya, swear to God!
"Don't worry. I know everything. I just want to twist your mind and watch your reaction. And you gave me what I wanted." tumayo na ito. Ipinamulsa nya ang kanyang kamay sa suot na pambaba. Saglit ko itong tinignan. Tumayo na rin ako at pinagpag ang aking damit.
"So you're playing with me?" hindi makapaniwalang tanong ko. Sinasabi ko nang nag-iimbento lang sya. Mabuti at hindi ko pinaniwalaan ang utak ko noong pinag-isipan ko ito na nahihibang na.
"You can say that." humakbang ito papalapit sa akin. Napa-atras ako. Hindi ako nagpahalatang gusto ko nang tumakbo. "C'mon, Thyrile. Give me more entertainment." mahina nitong sabi nang ilapit ang mukha nya sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Naguguluhan na tinagpo ko ang kanyang mata. "What the hell are you saying?" mahina kong bigkas.
Kinuha nya ang kamay ko. Pinisil pisil nya iyon habang tinititigan ng nakangiti. "I invited Caroline. Hope you don't mind." matapos nyang sabihin iyon ay hinalikan nya ang likod ng aking kamay at maingat na ibinaba.
Naglakad ito paalis ng cottage. Naiwan ako roong nakatulala at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top