KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVI
"Thyrile..." tawag sa akin ng pamilyar na boses. Agad akong ngumiti ng nilingon ko ito. Naka-ayos na ito ng corporate suit. Tumayo ako para hintayin syang makarating sa aking pwesto.
"Magandang umaga, Klaude!" bati sa kanya ni Eleanor. Hinawakan nya ang kamay ko nang magkalapit kami. Namula ang pisngi ko ng ngumisi sa akin si Eleanor bago sinubuang muli ang kanyang anak.
"Goodmorning, My Lady. Where's Kreed?" tanong ni Klaude rito. Inanyayahan nya akong maupo sa kabilang side ng table. Pinaghila pa nya ako ng upuan bago ako maupo.
"Nag-aayos na siguro iyon sa taas. Pupuntahan ko nalang muna para tignan at mag-aayos na rin ako ng aking sarili." pinunasan ni Eleanor ang bibig ni Eleed at ibinaba na sa kanyang upuan. "Paki tignan muna si Eleed, Klaude." tumakbo si Eleed papunta sa gawi namin.
Pagkaalis ni Eleanor ay agad binuhat ni Klaude si Eleed at pinaupo sa kanyang kandungan. Klaude really knows on how to handle kids. Ang gwapo nyang tignan habang may hawak na bata. Lalo na noong binuhat nya si Eleed kagabi noong bagong punta palang namin dito.
He will be a good father to our child. Okay na sa akin kahit babae o lalake ang unang anak ko. I can guarantee that Klaude can take good care of my child. Iyon lang ay sana mabuntis na ako.
Nako, Thyrile! What are you thinking?! Mabuntis? Minerva should bear a child first before me. Bakit ba kasi hindi pa mabuntis buntis ni Kuya si Minerva para sana ay pwede na rin ako?
"Eleed really likes you, Klaude." puna ko ng pinaglalaruan ni Eleed ang tainga ni Klaude. Napapangiti ako sa simpleng galaw ng bata.
"Palagi akong bumibisita rito dati noong nagbubuntis palang si Eleanor and when Eleed was born, we spoiled her with everything. Sya ang unang naging apo sa pamilya kaya lahat ay gusto sya." lumingon sa akin si Klaude. There's something in his eyes that I can't decipher. Para itong may gustong sabihin ngunit hindi ko naman iyon mahuli.
I was lost for a second ng iniba nito ang kanyang tingin at ngumiti kay Eleed. "Ganon ba? Then she must be lucky." wika ko.
"If only I can get you pregnant right now..." bulong nito na hindi ko naintindihan.
"Ano?" takang tanong ko. Nang tumingin sa akin si Klaude ay may pumasok namang isang lalake sa loob ng dinning area. Napatigil ako. I looked at his intense eyes. Parang nanlalamon ang mga iyon. Mabilis na nagtindigan ang mga balahibo ko.
He's holding Kreor when he entered the room. Tumingin ito sa akin. Pilit kong itinataas ang dalawang sulok ng aking labi para makagawa ng isang ngiti ngunit sa sobrang takot ay hindi ko iyon magawa.
Tumakbo agad si Eleed papunta sa lalakeng 'yon. Don't tell me he's Kreed?!
"Ms. Thyrile Sante Niego, am I right?" tanong nito ng maupo sa pinaka dulo ng lamesa. Para itong hari noong maupo roon. His imperious stance made my knees tremble in fear. Yes, he's handsome. Wala akong malalait sa mukha nito but thinking that I would stand next to him? Baka mahimatay lang ako.
He kissed Eleed's head at ngumiti rito saglit. Lumundag ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Halos mapakapit ako kay Klaude ng makita ko ang ngiti ng kanyang kapatid. Pinaglaruan ni Eleed ang kamay ni Kreor while Kreed hand is resting on Eleed's back.
Although his eyes soften when he looked at Eleed, muli itong naging malamig nang lumingon sa akin. I would much prefer Klaude than him! Parang bawat galaw ko ay pupunain nito. Like there's no room for mistakes. You should be elegant, feminine enough and classy to fit his taste. Tamang tama nga sa kanya si Eleanor.
And dammit! Kreor looks really like him. Akala ko ay kamukha ni Klaude si Kreor but I was wrong. Mali ngang pinagkumpara ko ang mukha ni Klaude sa anak ng kanyang kapatid.
"Y-yes." I said then swallowed hard. Hirap akong magbigkas ng isang salita. Paano pa kapag nagtanong pang muli ito? And for Pete's sake! Isang kapatid palang ito ni Klaude. May dalawa pa. Don't tell me ganito rin ang iaakto ko kapag nakilala ko na sila?
I talked to big clients before. Kahit pa isipin kong magpaka-propesyonal nalang ay hindi ko pa rin magawa. Kakaiba ang charisma't dating na dala nya.
"How long are you two dating each other?" muli nitong tanong. Pakiramdam ko ay nasa hot seat ako. Parang dumadagundong ang buong boses nya sa loob ng kwarto. His masculine voice sent shivers down my spine. Lumingon ako kay Klaude para humingi ng tulong.
"More than five years." sagot ni Klaude at nilagyan ng napkin ang aking hita. Hindi na mapakali ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Eleanor, where are you? Sagipin mo ako rito sa nakakatakot mong asawa!
"More than five years and still you are not yet engaged?" naramdaman kong pumukol sa akin ang tingin ni Kreed. Diyos ko po! Mahihimatay na ata ako rito. Bakit sa akin ang tingin ng lalakeng ito?
"We're getting there."
Sa wakas ay dumating na si Eleanor. Agad nyang kinuha si Eleed kay Kreed at pinaupo ito sa katabi nyang silya. Huminto na rin ang tanong nya sa akin. Si Klaude nalang ang kanyang kinausap. Ako naman ay busy sa sinasabi ni Eleanor.
May mga parte ng usapan sina Klaude na talagang pinapakinggan ko. Katulad nalang nang usapan nilang bakasyon namin sa kanilang private resort. Seems like Kreed will also come. Syempre dahil nandon ang kanyang asawa. But hopefully, my cousins could also come para naman hindi ako ma-awkward'an doon. Hindi pa pala nagre-reply ang mga bugok na iyon!
Natapos ang almusal at pareho naming hinatid ng tanaw sina Kreed at Klaude habang sumasakay ng kani-kanilang sasakyan. Klaude has his own car. Sya mismo ang nagpapatakbo noon while Kreed has his own driver. Magkaiba nga ang magkapatid na ito.
"Sinabi sa akin ni Kreed na pwede raw akong sumama sa iyo ngayon papuntang mall. Binilinan din ako ni Klaude na huwag kang payagang bumili ng masyadong malaswang swimsuit." saad ni Eleanor habang naglilinis kami ng kusina.
"Really?! So we can go out today?!" parang biglang nagliwanag ang mukha ko.
"Oo, ipapaiwan ko nalang kina Hannah ang anak ko. Basta raw ay huwag tayong magpapa-gabi." ngumiti din sa akin si Eleanor. Pareho kaming tumakbo sa aming silid ng tumatawa.
Agad kong hinalungkat ang lagayan ko ng damit at pumili roon ng medyo presentableng damit. I should equal Eleanor's standard. Baka mamaya nyan ay magmukha lang akong alalay kapag nagkasama kami sa mall knowing she has the body, height and beauty. Sya na talaga!
Tumingin ako sa salamin habang inaayos ayos pa ang aking pulang dress. Hapit ito sa buo kong katawan at hanggang ilalim ng tuhod ang haba nito. I wore black stilletos dahil itong sapatos lang na ito ang pinaka-komportable akong suotin sa lahat ng heels na dala ko.
Naglagay rin ako ng kaunting make-up sa mukha. Light lang iyon para hindi ako masyadong pagtinginan ng tao. Lumabas ako ng kwarto nang magulat dahil nandoon na si Eleanor sa labas ng aking pinto.
"Ayan ba ang isusuot mo?" tanong nito sa akin. Tinignan ko ang kanyang suot. Naka-shorts lang sya at abong t-shirt. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok at naka-cap ng puti. Ang suot naman nyang sapatos ay simpleng doll shoes lang. "Hindi ka ba mahihirapan mag-shopping ng naka-heels?" dugtong pa nito.
"Huh?" napamaang ako. I thought she would wear some classy dress. Syempre ay mayaman sya. Kahit nga dito sa mansyon ay naka-dress sya noong una ko syang madatnan. "Bakit ganyan ang suot mo?"
"Kasi maghahanap tayo ng swimsuit. Hindi ba't nakakapagod 'yon?" inosenteng tinignan ko ang mga mata nito. She's right. Nagsuot lang naman ako ng ganito dahil akala ko magkapareho kami ng susuotin.
"Oo nga. Wait, I'm going to change." sa huli ay ginaya ko nalang din ang kanyang porma. Looks like I'm back with my old style. Iyong puro shorts lang ang sinusuot. Naaalala ko pa ang mga panahong iyon.
Sumakay kami sa itim nilang sasakyan. Pareho kaming nasa-backseat ni Eleanor. May bodyguard na naka-upo sa harap at tatlo pang sasakyan na nakasunod sa amin sa likod. Napailing ako ng lihim. Is this the life of Eleanor? No wonder why she can't go out in her mansion.
Nang dumating kami sa mall ay hindi lang swimsuit ang pinuntirya namin. We bought new clothes. Syempre lahat ay pang-beach style. Tig-tatlong pares din ang binili naming swimsuit. Ang kanya ay dalawang one piece at isang two piece.
Sa akin naman ay tatlong two piece. Ang isa pa nga roon ay 'yong tinuro ko kay Klaude na leopard print. Bahala syang magalit sa akin. "Bagay ba?" tanong sa akin ni Eleanor ng isukat nya ang isang wide brim hat.
"It looks good on you." binili nya 'yong sinukat nya. Ako naman ay namili ng shades. Pagkatapos naming mamili roon ay pumunta kami sa kids section. Binilhan nya ang kanyang mga anak. Nakakatuwa dahil alam na alam nya ang sukat ng mga ito kahit pa hindi nya iyon kasama.
"Hindi ba masyadong marami itong pinamili natin?" tinignan ko ang hawak na paper bags ng mga body guards nya.
"I think it's enough. Ilang araw rin tayo roon kaya okay lang naman siguro kung ganito karami ang binili natin." ngumiti sya ng makasakay kami sa sasakyan.
Pagkauwi ay sinalubong agad kami ni Eleed. Mag-gagabi ng makarating kami sa mansyon. Mabuti nga at hindi kami inabot ng masyadong dilim sa daan. I know Klaude would be angry too.
Isa isang tinignan ni Eleed ang mga dala naming paper bags. Kinuha ko na ang akin. Isusukat ko ito sa kwarto. Titignan ko kung maganda ba ang mga nabili ko. "Eleanor, taas lang ako ha?" paalam ko rito.
"Sige lang. Magpahinga ka muna." dumiretso na ako sa kwarto at ibinaba ang paper bags sa kama ni Klaude. Kinuha ko ang aking cellphone. Naupo ako sa kama at hinagilap ang number ni Trigger. "Hello?"
("Yeah, Why?") bagot na sagot nito. Saan naman kaya ito galing at parang kakagaling lang sa tulog?
"Na-receive mo text ko kahapon? Punta tayong beach!" he growl before he answered me.
("Sige sige. Sasama ako.")
"Okay! Tsaka please invite Trey too? Hindi rin sya nagrereply sakin."
("Sure.") sinabi ko ang detalye kung saang beach kami pupunta at kung sinu-sino ang kasama. Pagkatapos kong maibaba ang phone ay agad ko nang tinignan ang mga pinamili namin. Sana ay maging maganda ang bakasyong ito!
Hinangin ang buhok ko ng makababa kami sa helicopter. Kinuha agad ni Klaude ang kamay ko at tinulungan akong makababa. Nakita ko sa isang helicopter si Eleanor at si Kreed. Suot agad nito ang sumbrerong binili namin noong nakaraan.
"Is this the resort?" hinawakang mabuti ni Klaude ang aking kamay. I looked at him. Mataas ang sikat ng araw. It's a good season to have my skin tanned. Mamaya ay magbibilad agad ako sa araw.
"Yes. It's a little island but it's more than enough to accomodate us." kitang kita ko na ang puting malaking bahay na nakatirik sa gitna ng isla. And this is not a small island! Sakop ng mansyon ang buong isla. Pinagmasdan ko ang ilan pang detalye ng buong lugar. I was amazed by the architecture of this island. Talagang wala silang pinalampas na lupa ng isla na hindi nila ginamit.
Tahimik kaming naglakad papunta sa mansyon. Nauunang maglakad ang mag-asawa. Kaming dalawa ni Klaude ay ilang layo lang sa kanilang likuran.
"Wala bang ibang tao rito?" luminga ako sa paligid. Pinagmasdan ko ang dagat sa ibaba. Mukhang napaka-linis ng tubig dito. Kung siguro ay ginawa nila itong public place, marahil ay unti-onti rin itong masisira. People are careless when it comess to nature. Palagi nilang pinagsasamantalahan ang kagandahan ng paligid.
"May taga-pamahala ang islang ito."
The splash of the water to the rocks is the the only sound that I could hear. Tahimik ang lugar. May pagka-malamig ang ihip ng hangin dahil sa mga berdeng punong nakatanim sa bawat sulok ng isla.
"Thyrile, magkita nalang tayo bago maghapunan." dumiretso na sina Eleanor sa kanilang tutuluyan. Isang penthouse ang pinasukan nila samantalang kami ni Klaude ay naglakad pa patungo sa isang bahay roon na katulad ng pinagtuluyan nila.
Pagkapasok namin doon ay agad akong namangha sa itsura ng lugar. "Klaude, this is beyond beautiful!" ibinaba ko ang hawak kong bag at tumakbo sa itaas. I wander around the house. Napaka-ganda talaga rito.
"Wear your swimsuit so we could lay under the sun." wika nito sa akin. Mabilis akong naghubad. Prepared ata ako! Isang itim na two piece ang sinuot ko. I wore my slippers then ran outside the house. May natanaw rin akong swimming pool sa di kalayuan. This is insane!
"C'mon, Thyrile. Just hold my hand." hinila na ako ni Klaude sa dalampasigan. Nakangiti ito habang naka-suot ng shades. Pagkarating namin doon ay nagtampisaw lang ako sa dagat. Klaude stayed near the beach. Pinanood nya lang ako.
Nag-floating ako sa tubig. I can clearly see what's behind me dahil sa linaw non. Even the white sand is breathtaking.
"Klaude! Tara bilis! Samahan mo ko rito!" kumaway ako sa kanya. Bumangon ito saglit at inilapag ang shades doon. Onti-unti na itong lumapit sa akin. Lumangoy ako palayo sa kanya. He immediately dive in at ilang segundo palang ay nahigit na agad nya ang baywang ko. Tumili ako at tumatawa ng hinarap ko sya.
"May lahing shokoy!" asar ko rito. He pinched my nose while smiling. Pinamulahan ako ng pisngi at mabilis na winisikan ito ng tubig sa mukha. He then laugh at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang kamay.
Napakagat ako sa aking labi. Damn, bastard! Why so hot?! "Matigas talaga ang ulo mo't ganitong swimsuit ang binili mo." hinila nya ang garter ng aking panty sa likod. Napasigaw ako ng bitawan nya iyon.
"Stop it!" tinulak ko sya. Sumisid ako sa ilalim ng dagat. Hindi ako gaano kagaling lumangoy kaya mabilis agad akong umangat at humagilap ng hangin. Nagulat nalang ako ng biglang may humigit sa akin pababa. Napapikit ako ng mariin.
Isang malambot na labi ang bumungad sa akin sa ilalim. Idinilat ko ang isa kong mata. Klaude's lips are crushing mine. Nabuga ko lalo ang hangin sa loob ng aking bibig. He gave me his air then pulled me up.
Tumatawang tinignan ako nito habang pinupuno ko ng hangin ang aking baga. "Damn you!" singhal ko rito. He kissed me again. This time, it is a passionate kiss. Nakalutang ang pareho naming katawan sa dagat. Held my waist tighter and pulled me closer to him.
Humawak ako sa kanyang dibdib. Isang ingay galing sa helicopter ang nagpatigil sa aming halikan. Napahawak pa ako sa kanyang balikat ng lingunin ko ang helicopter na bumaba sa di kalayuan.
"That must be my cousins!" umalis na kami sa beach at tinungo ang bagong dating.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top