KABANATA XXXIV

KABANATA XXXIV

"Lolo, may balak sana akong pumuntang Maynila." wika ko sa aking Lolo.

Naka-upo kami sa salla ngayon kasama si Klaude. I would like to take some time to be with him. Gusto kong sumama sa kanya pabalik sa Manila.

I had worried about our business for months now. Tama na siguro ang panahon iyon para makapag-bakasyon naman ni Klaude. We're both busy with our own businesses that we forgot to enjoy our lives.

Para saan pang kumikita kami ng malaki kung hindi naman namin iyon gagastusin sa pansarili naming kasiyahan? It's the reason why we're working hard, right? Ngayon ko gustong magpakasaya sa aking buhay.

"Bakit? Magpapakasal na ba kayo ni Klaude?" tanong ng Lolo.

Seryoso ang mukha nito at kung hindi lang ito seryoso ay baka isipin kong pinagti-tripan na naman ako nito.

"Hindi po, Lo. We're just having a vacation. Pag-iisipan pa namin kung saan but for now, I want stay in Klaude's house." napangisi ang Lolo at nilingon si Klaude sa kabilang tabi.

Nginitian sya ni Klaude pabalik. Parang nagkaka-intindihan ang dalawang ito sa kanilang mata.

"Alam ko na 'yan apo." kinikilig nitong wika at tumatawa tawa pa. Ako ang nahihiya para sa Lolo ko. "May gagawin kayong kababalaghan no?" napakunot ang noo ko.

Tumawa si Klaude. Pinanlisikan ko ito ng mata para tumigil ngunit patuloy lang ito sa pagtawa.

"Lo, kung anu-anong sinasabi mo." hindi ko na mapigilan ang pagtataray.

Nakakahiya talaga itong Lolo ko. Mabuti sana kung wala rito si Klaude sa aming tabi. I can take all his jokes but now that Klaude's listening to us, pakiramdam ko ay inilubog sa kumukulong tubig ang mukha ko sa sobrang init.

"Sige na't humayo kayo't magparami!" tumayo na ako.

Inayos ang aking damit at tinulungan ang Lolo'ng makatayo. Tumabi sa akin si Klaude at humarap kay Lolo.

"Lo, alis na po kami. Hayaan nyo't magpaparami kami ng lahi ni Thyrile." natatawang sabi ni Klaude kay Lolo.

Palihim ko itong kinurot sa kanyang tagiliran. Ang hilig talaga ng isang 'tong sabayan ang kabaliwan ni Lolo.

"Yan ang gusto ko sayo, Klaude! Napaka-masunurin mong bata." naglakad na kami papunta sa sasakyan ni Klaude.

Hinalikan ko nalang sa pisngi ang Lolo bago ako sumakay ng sasakyan. Panay pa ang sigaw nito na magparami kami habang papa-alis ang sasakyan sa mansyon.

"Sabik na sabik talaga ang Lolo'ng magka-apo. Kuya Gaige can make Minerva pregnant, hindi ko alam kung bakit palaging tayo ang sinasabihan nong magparami." ngumisi si Klaude habang nagda-drive.

"Maybe he's thinking that I can do it faster than your cousin." hinampas ko ang braso nito. Sira ulo!

Pero kapag iniisip ko yung nangyari sa amin noong isang gabi rito sa kanyang sasakyan ay hindi ko maalis sa aking sistema na baka nga maunahan pa namin ang bagong kasal. Nakakahiya kay Kuya dahil sila itong inaasahan ng lahat na magka-anak na.

Klaude and I had sex two times already without any protection. At ramdam ko laging sa loob nya pinuputok iyon. Bigla akong kinabahan. I can't be pregnant now. Kailangan munang mauna ng Kuya ko bago ako mabuntis. Or if ever ay dapat makasal muna kami Klaude.

But he's not making any move. Alangan namang ako itong mag-propose sa kanya. That can't be right? Sinong babae ang magpo-propose sa isang lalake? Every girl deserves to be surprised by a wedding proposal. That's it!

Ayoko munang isipin iyan. Napa-paranoid lang ako. Ayokong madaliin si Klaude. I'm sure he's got a plan and I'm sticking on that.

"Saan mo gustong pumunta pagkarating natin sa Manila?" tanong bigla ni Klaude.

Mula sa pagtanaw ko sa labas ay lumingon ako sa kanya. Both windows are open. Tinatangay ng hangin ang pareho naming buhok. He look even cool with his shades on. Pamatay talaga ang itsura ng lalakeng ito.

"Maganda sana kung makakarating tayo ng hapon doon para maka-daan pa tayong mall. I want to buy a bikini." kanina ko pa iniisip, maganda siguro kung sa isang beach resort kami mag-bakasyon.

Batangas para malapit? I heard maraming magagandang beach doon.

"For what?" lumingon ito saglit sa akin bago itinuong muli ang tingin sa kalsada.

"Gusto kong pumunta sa beach. What do you think?" pinagmasdan ko ang kanyang reaksyon. Matagal bago ito sumagot bago tumango. Napangiti agad ako. "Should we invite more people? Mas maganda sana kung may iba pang tao."

"Sure. Invite your friends." binilisan na nya ang pagmamaneho para makarating agad kami sa Maynila. "Mayroon kaming private island. Gusto mong doon nalang tayo?" tanong ni Klaude ng huminto ang sasakyan dahil sa stop light.

Napatingin ako sa pulang ilaw at ngumuso. "Grabe naman yung private island. I'm just thinking of Batangas. Ayaw mo ba roon?"

Ipinilig ko ang ulo ko sa may bintana at tinanaw ang daan nang muling umandar ang aming sasakyan.

"It's more safe if we stay in our island and I can easily keep an eye on you."

Maybe he's right. Hindi na ako makikipag-talo. Para rin siguro walang ibang tuminging babae kay Klaude? Hindi lang naman ko ang nakaka-attract ng mata, sya nga itong mas maraming nahahakot na tingin kaysa sa akin.

"Sige na nga."

Hapon ng makarating kami sa Maynila. Agad kaming pumunta sa isang malaking mall. Naglibot libot kami roon. I searched for bikini's.

Nahirapan pa ako ng husto dahil ayaw ni Klaude sa mga kinukuha ko. He's angry because it shows too much skin which kinda make me irked.

Malamang sa malamang ay bikini ito kaya talagang magpapakita ng maraming balat. We're not talking of gowns here!

"Oh ito, what do you think?" itinaas ko ang isang pink na two piece.

Simple lang ito at wala gaanong disenyo. The upper part is strapless. Sa tingin ko ay okay lang naman iyon dahil may kakapitan naman kahit papaano.

"No."

Tumaas ang sulot ng labi ko. Pang-ilang 'No' na nya ito ngayon. Pagod na akong maglakad sa iba't ibang stores.

"Eh ito?" turo ko roon sa bikini'ng leopard print.

"No." napailing nalang ako at tinalikuran ito.

Siguro ay hindi na muna ako mamimili ngayon. Next time nalang kapag hindi ko na kasama si Klaude. Sa ganong paraan ay makakapili talaga ako ng gusto kong suotin.

"I'm tired, Klaude. Let's just buy tomorrow?" ngumiti ako rito kahit pilit.

"Mabuti pa nga. I'll cancel my appointments to accompany you." seryoso nitong saad.

Napailing ako nang sumunod sa kanya. Pumasok kami sa isang restaurant. Doon na kami kumain ng dinner dahil gabi na rin naman.

"I don't know who to call. Sino bang pwede kong isama sa bakasyong 'to?" tinignan ko ang contacts ko sa phone nang matapos akong kumain.

Klaude's still on his plate. Gutom ako kaya mabilis akong natapos sa pagkain at kinalikot na agad ang cellphone ko.

"How about you take your cousins with you? Sila lang ang lalake'ng pwedeng tumapak sa isla ko."

Mabilis kong hinanap ang number ni Trigger. Of course he will come. I'm one hundred percent sure of that.

Okay lang din sa akin kung isama nya ang girlfriend nya. I have no plan of inviting them just for them to watch me flirting with Klaude. We should be tied. Kung kasama ko si Klaude ay dapat may kasama rin syang date nya.

"That's a good idea. Nag-send na ako ng message kay Trigger. Si Trey at Tryck naman ang iimbitahan ko." matapos kong maisend ang parehong text kay Trey ay pumunta ako sa number ni Tryck. Napangiti ako ng maasim.

Parang ayokong imbitahan ang isang 'to. Lalo pa't nakita ko ang huling text messsage namin sa isa't isa na inaasar nya lang ako.

Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Nagsend pa rin ako ng text sa kanya at pagkatapos ay nagdasal na sana hindi sya pumayag.

"How about you? Sinong iimbitahan mo?"

Inosente akong tinignan ni Klaude matapos kong maibalik sa aking bag ang cellphone ko. Nagkibit balikat ito at nilinis ang sulok ng kanyang labi.

"My brothers? I don't know. Pag-iisipan ko pa."

Come to think of it. Hindi ko pa pala nakikita sa personal ang mga kapatid ni Klaude. And even his parents. Sobrang close nya sa aking pamilya ngunit wala naman akong balita sa kanyang side. What about his mother? Father? And his younger brothers? Mabait din ba silang lahat?

Am I ready to face them? Paano kung sungitan nila ako. The only one I knew is Eleanor. The wife of Klaude's older brother. Sya palang ang nakakausap ko. Well, she's a nice person despite of her angelic face.

Kaunti nalang ang taong ganon ngayon. Most women who have looks are really ill-mannered. Minsan ay kaiinisan mo nalang sila dahil sa sagwa ng ugali nila. I hope Klaude's family is not like that especially his mother.

"Kamusta na pala ang parents mo, Klaude? Where are they?" ngayon ko lang ata matatanong ang tungkol sa kanyang pamilya. Gusto ko silang makilala.

"They're in Vegas." maiksi nitong sagot.

Naghintay pa ako ng kasunod ngunit katahimikan lang ang narinig ko. Namutawi ang tugtog ng violin sa gilid. Pinanood ko ang tumutugtog na babae habang nag-iisip ng idudugtong sa tanong ko.

"Kamusta na nga pala si Eleanor?" kinakabahang tanong ko. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Parang wala na sa hulog.

"Dalawa na ang anak nya." nanlaki ang mata ko.

She's pregnant the last time I saw her. Hindi pa nga gaanong malaki ang tyan nya dahil hindi ko napansing buntis sya. And after five years, dalawa na ang anak nya? Wonder if she's still sexy as she was before?

"Oh really? Sayang naman pala at wala ako noong nabuntis sya." uminom si Klaude sa kanyang tubig at umayos ng upo habang tinititigan ako.

I easily got conscious kaya napaiwas ako ng tingin at ngumiti sa ibang lugar.

"You want to visit her? Doon muna tayo mag-stay sa mansyon namin. Eleanor would be happy if you'd come." nakagat ko ang ibabang labi ko. Gusto ko!

Pero nahihiya ako. Baka isipin nyang ang feeling ko o kaya naman ay pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa pamilya nya. "It's up to you."

Lumabas na kami ng restaurant. Nag-drive na si Klaude. It's an unfamiliar path. Mapuno ang dinaanan namin. Parang napakalayo sa kabihasnan. Sa di kalayuan ay tanaw ko ang nagtatayugang pine trees. Naka-ayos ang mga ito.

"Is that your place?" tanong ko habang nakaturo roon sa tinitignan ko. Mabilis iyong nilingon ni Klaude.

"Yes." ngumiti ito.

Sumandal na ako sa upuan. Kinakabahan ako. Parang may kung anong rambulan ang nagaganap ngayon sa aking dibdib. I can't explain it. Para akong tinatawag ng kalikasan sa sobrang kaba.

I can't fully see their house. Ano ba ang itsura non? "Parang wala kayong kapit-bahay?" pansin ko.

Luminga ako sa paligid. Looks like we're in a wrong turn. Yung parang kahit anong oras ay may bubulaga sa amin ditong mamamatay tao. Yes, it's that creepy. Puro puno talaga.

"Masyadong malaki ang mansyong pinagawa kaya inilayo sa mga tao." napatango nalang ako.

Unti onti na kaming lumalapit sa matatayog na pine trees. Nakikita ko na ang mataas na bakod ng mansyon. Looks like some historic mansion in England.

Matayog ang itim nilang gate. There's an enormous lion sculpture beside it. May naka-uniporme pang gwardya sa gilid noon at nung makita ang sasakyan ni Klaude ay agad nilang binuksan ang gate. Namangha ako at halos malaglag ang aking panga.

"Don't tell me you live here before?" parang akong isang bata na iginala sa isang historical palace. I can't hardly tell if this is a mansion or a palace.

Bumungad sa amin ang isang napakalaking fountain sa harap ng mansyon. Malinis ang umaagos tubig doon at puting puti pa ang kulay ng fountain.

Ipinarada ni Klaude ang sasakyan sa gilid ng mansyon. There are other vintage cars there. May dalawa ring nakahilerang bagong modelo ng sasakyan. Hindi ko na alam kung saan pa ililingon ang ulo ko. Everywhere is instagramable. Yes, if there's such word as instagramable then this place is perfect for background.

"Dito ako lumaki. C'mon, Eleanor's inside." hinawakan ko ang kamay ni Klaude. Talagang kapit na kapit ako roon. Natatakot akong maligaw.

Si Klaude na mismo ang bumukas ng pinto. It's a double door. Ang bigat siguro noon nung tinulak nya. Pagkabukas ng pinto ay tahimik ang buong lugar. There's a grand staircase infront. Sa kisame ay nakasabit ang napakalaking chandelier. The red carpet follows the path of the staircase.

The floor is white kaya mas lalong nananaig ang kulay ng kanilang carpet. Every corner of the mansion is covered with different details. Kahit saan ka tumingin ay halatang inukit ng isang propesyonal ang bawat parte ng loob ng mansyon.

Nahati sa dalawa ang grand staircase nang dumating sa gitna. Ang isang hagdan ay papunta sa kaliwa at ang isa naman ay sa kanan. Isang tili ang narinig namin mula sa kanang parte ng hagdan.

Tumatakbong bumaba roon ang isang batang babae na nakasuot ng asul na dress. May suot itong beret sa kanyang ulo at naka-sapatos pa ng itim. Napatigil ito ng makita kami na papalakad papunta sa hagdan.

"Eleed, huwag kang tumakbo!" isang sigaw na naman ang narinig kong kasunod ng bata. May isang kasam-bahay na bumaba roon at mabilis na hinawakan ang batang babae sa kanyang kamay. Ilang sandali pa ay nakita na rin kami nito at biglang nanlaki ang mga mata. "Master Klaude!"

Mabilis nyang binuhat ang batang babae at tumakbo pababa sa amin. "Be careful Daniella. Baka mahulog si Eleed." wika ni Klaude ng salubungin namin sila sa ibaba ng hagdan.

"Master! Ang tagal tagal nyo nang hindi dumadalaw rito! Tatawagin mo lang po si Lady Eleanor para ipaalam na dumating kayo!" masigla nitong sabi ng biglang mapatingin sa akin.

I awkwardly smile. Kumaway pa ako sa kanya bago nagtago sa likod ni Klaude. Idiot! Bakit ka kumaway?!

"Daniella, this is Thyrile." umusog si Klaude para mapakita ako. "And Thyrile, this is Daniella. One of Eleanor's personal maid."

Magalang na yumuko sa akin si Daniella at nginitian ako. Napatingin ako sa batang hawak nito. Ang ganda nya. Mamula mula ang kanyang pisngi. Mahaba ang kanyang pilik mata at patusok ang dulo non. If I remember it right, ganito rin ang mata ni Eleanor.

Nginitian ko ang bata ngunit ngumuso lang ito at inabot si Klaude ng kanyang dalawang kamay. Mabilis na kinuha ni Klaude ang bata at kinarga ito.

"Sige na, Daniella. Tawagin mo na si Eleanor. Didiretso kami sa living room. Tell her she has a visitor."

Tumango si Daniella at iniwan na kami. Sumandal ang pisngi ng bata sa balikat ni Klaude. Inalo nya ito.

Pilit na hinahagilap ni Klaude ang kamay ko kaya mabilis ko iyong hinawakan.

Naglakad kami at nakatitig lang ako sa nakangusong bata. Tumingin ito sa akin at mabilis ding nag-iwas ng tingin.

She remained her head rested on Klaude's shoulder while looking at my side. Pasimple kong tinusok ang kanyang pisngi. Sobrang lambot non! Namula ito at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Klaude, she's so cute." bulalas ko kasabay ng patitig ng bilog nitong mata sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg