KABANATA XXXII


KABANATA XXXII

Umabante ang aming pila kaya nakatapat ko sya. Sumunod ito ng tingin sa akin. "We've met before right?" halos manlamig ako ng kausapin ako nito.

Nakita kong napatingin sa gawi namin si Trey at Ace ngunit agad din namang nag-iwas para makapag-usap din sila. Akala siguro nila ay isa lang ito sa mga kaibigan ko. I think I need help. I need to get out of here.

"Uhm, yeah. Natatandaan mo pa pala ako?" wika ko rito at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kung maganda ang naging produkto ng pagpipilit ko sa aking ngiti.

"Oo naman." magiliw nitong sabi. Gumalaw ang baby na kayang buhat. Nakapikit ito. It's confirmed! Sya ang batang buhat nya roon sa picture! Where's the other one? Nasaan ang buhat ni Klaude? Are they twins?

Mapait akong napangiti ng aluin nya nito para muling matulog. Napaka-inosente ng mukha nito at hindi ko matanggap sa aking sarili na isang sanggol ay kinaiinggitan ko pa.

Hindi ko na ata kaya. Mapapaiyak na ako ng wala sa oras. "Are you on vacation?" tanong nitong muli. The reality of speaking with her tonight is unbelievable. At kaswal din akong nakikipag-usap sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko iyon nasisikmura at nakaya.

"Hindi. May pupuntahan lang ako sa itaas." mariin kong nilunok ang aking laway. Nangangatog na ang mga tuhod ko kaya napakapit ako bigla kay Trey. Hindi naman ito umangal at patuloy pa rin sa kwentuhan nila ni Ace.

"Sa Room 304 lang ako. Dito muna ako magba-bakasyon since marami raw tourist spots sa lugar na ito." wala na akong ibang masabi. Mabuti at bumukas na ang kanilang elevator kaya sunod na syang papasok doon. "Let's see each other next time." ngumiti ito sa akin habang papasok sa elevator. Hindi na ako nakangiti pa pabalik

All I ever want to do now is to go home and wait for Klaude's arrival tomorrow.

Another speculation popped out in my mind. Baka kaya dito magbabakasyon si Caroline dahil nandito si Klaude. Or they have plan on meeting up habang hindi ko kasama si Klaude.

Naputol ang aking pag-iisip ng mahatak na ako ni Trey palakad. Nakakapit lang ako sa kanya hanggang sa marating namin ang rooftop. Bawat tao roon ay napatingin sa amin nang dumating kami. Of course I'm with Trey and Ace.

Sila ang pinaka-sikat dati sa school. Ano pa bang aasahan? Hanggang ngayon ata ay hindi pa kumukupas ang karisma ng dalawang 'to. What more kung dumating pa ang kapatid ni Ace na si Archer at ilang mga pinsan ko pa?

Naglakad kami patungo sa kumpol ng mga tao. Maraming bumati sa amin. Sinalubong kami ni Wendy kasama ang kanyang boyfriend. Matangkad ang lalakeng ito at halata ngang German. "Mabuti nakarating kayo! Tara, kain na!" itinuro nya sa amin ang ilang kakilala na nag-iihaw ng barbeque sa tabi. May ibang nag-iinom at ibang kumakanta.

Pinilit ko ang sarili kong makisabay sa kanilang tawanan ngunit may parte sa akin na hindi talaga mapakali. The cold breeze of the evening wind blew up in my skin. Niyakap ko ang aking sarili habang nakikinig sa iba't ibang kwento ng dating ka-schoolmates.

Wala pa atang tatlompung minuto ay hinanap ko na agad ang aking pinsan. Nakita ko ito sa kumpol ng mga lalake at nakikipagtawanan rin. May sarili sariling hawak ng beer. Si Trey ay may hawak na barbeque ng lapitan ko ito.

"CR lang ako, Trey." paalam ko sa aking pinsan. Tumango ito kaya humiwalay na ulit ako sa kanya. Para akong wala sa aking sarili ng bumaba ako ng hagdan. Nang marating ko ang third floor ay awtomatikong bumilis na naman ang pintig ng puso ko.

Mabagal ang hakbang ng hinanap ko ang Room 304. Pinagmasdan ko ang gintong numero na naka-kabit sa pinto nito. Pinindot ko ang doorbell. Napahigpit ang hawak ko sa aking bag ng marinig ang boses na lumabas doon.

"Sinong nandyan?" inilapit ko ang bibig ko sa speaker at doon nagsalita.

"Ako yung babae kanina sa elevator. Can I come in?" ilang segundo bago ito nagsalita.

"Oh! Sure." bumukas ang pinto. Nakita ko syang nakangiting dumungaw roon. "Mabuti at bumisita ka. Napuntahan mo na ba ang sadya mo rito?" pinapasok nya ako sa loob. Pagtapak ko palang papasok ay kakaibang sakit na agad ang naramdaman ko. There's someone in my head that's saying, hindi dapat ako nandito.

"Oo, napuntahan ko na. I hope you don't mind me visiting you here." parang tinutusok pa ang aking puso ng maramdaman kong hindi naman masamang tao si Caroline. Yeah, she's perfect. Modelo, maganda, sexy. Ano pa bang hahanapin mo?

"We're friends now. Alam kong mabait ka." ginabayan nya ako papunta sa counter. Naupo ako sa isang stool doon. She opened some wine at ibinigay ang nasalin sa isang maliit na baso.

"Nasaan ang anak mo?" wala sa sariling tanong ko rito. Oo, Thyrile. Saktan mo pa ang sarili mo! Bakit ba pumunta punta pa ako rito? To know what? Ano nga bang intensyon ko't nandito ako sa loob ng kanyang teritoryo? Hindi ko na alam kung ano pang ginagawa ko.

"Natutulog na." ngumiti ito at tumabi sa akin.

"If I'm not mistaken, ikaw ang girlfriend ni Klaude diba? Then that child is his?" ngiti lang ulit ang isinagot nito. Napariin ang hawak ko sa baso. Bakit ayaw nyang magsalita?! How will I know the truth kung ititikom nya ang bibig nya rito?

"Klaude and I were done years ago. Magkaibigan nalang kami ngayon. It's better off that way."

Ibig bang sabihin nito ay hindi sya pinanagutan ni Klaude? Is that it? Ano? Iniwan sya sa ere pagkatapos nyang mabuntis?

"Tinutulungan naman nya ako sa bata. He's very responsible and caring. Ngayon nga lang ay ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita. Maybe he's busy but I understand. Ganon talaga, kasalanan ko naman ito." naramdaman ko ang lungkot sa kanyang boses. Kahit na nakangiti ito ay kita ko ang kalungkutan ng kanyang mata.

Nakatitig lang ako sa aking inumin. Para akong lumulutang sa ere. Ano na ang gagawin ko ngayon? I love Klaude so much. Pero hindi ko ata kaya ang tanggapin sya gayong may responsibilidad sya sa ibang tao. He has a child now! Doon na dapat naka-tuon ang atnesyon nya at hindi sakin.

"You'll get again Klaude in no time, Caroline." iyon nalang ang nasabi ko. Ito na ata ang pinaka-tama kong gagawin sa aking buhay. Mahal na mahal ko si Klaude pero hindi ko pwedeng isugal ang pagmamahal na ito para sa kinabukasan ng isang batang walang muwang. Para ko itong inalisan ng pamilya kung tatanggapin kong muli si Klaude.

"Huh?" nangunot ang noo ni Caroline.

"Hindi mo pa pala ako kilala. I'm Thyrile. Sana magkita ulit tayo." ngumiti ako rito, mabilis na inubos ang wine na nasa baso at inayos ang aking sarili.

"Aalis ka na ba?" tanong nito sa akin ng tumayo ako sa counter stool. Tumango lang ako. "Nice to meet you again, Thyrile. I'm thinking, we could atleast exchange numbers? Let's hang out again." ibinigay ko ang numero ko sa kanya. Lumabas na ako ng kwartong iyon ng nakadungaw pa rin ito sa pinto. She waved at me.

Nang naglakad ako patalikod ay mabilis na umagos ang luha sa mga mata ko. Napakapit ako sa pader habang hirap na naglalakad. I covered my mouth to stop my sobs. Agad akong nag-text kay Trey na mags-stay lang ako sa kanyang sasakyan sandali.

Mabilis akong sumakay sa elevator nang bumukas ito. Bumaba ito at naglakad na ako paalis. Marami pa ring nakapila sa isang elevator sa baba. Isa na roon si Hanzen. Nagkatinginan kaming dalawa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumakbo na paalis doon.

"Thyrile!" narinig kong sigaw nya. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa maabot ko ang sasakyan ni Trey. Pagkabukas ko sa passenger seat ay agad din iyong sumara dahil sa marahas na pagpigil sa akin ni Hanzen. "Bakit ka umiiyak?" tanong nito.

Nakatalikod lang ako sa kanya. Gustuhin ko mang pigilan ang iyak ko ay hindi ko magawa. Masyado akong nasaktan sa pag-uusap namin ni Caroline. Siguro ay ti-triple pa ang sakit na ito kapag ipinagtabuyan ko na si Klaude.

"Huwag mo akong pakealaman, Hanzen. Layuan mo nga ako!" pilit kong binubuksan ang pinto ngunit dahil sa pagpigil nya rito ay hindi ko ito mabuksan ng maigi. "Ano ba?!" marahas ko itong hinarap ngunit isang mahigpit na yakap lang ang sinalubong nito sa akin.

"Thyrile naman! Tinatanong ko lang kung bakit ka umiiyak! Hanggang dito ba naman ay ipagtatabuyan mo pa rin ako?" matigas nitong sabi. Napatingala ako sa langit. Kaunti ang mga bituin doon. Kaunti nga ba o hindi ko lang makita dahil sa humaharang na luha sa mga mata ko?

Napahawak ako sa damit ni Hanzen. Kinuyumos ko ang kamay ko roon. "Mahal na mahal ko si Klaude, Hanzen. Pero bakit parang ayaw sa amin ng tadhana?" umagos ang luha pababa sa aking mukha. Kinagat ko ang aking labi. Tonight was painful. Kailan lang ay masaya ako. Bakit parang ang bilis iyong binawi sa akin?

"Huwag mong isipin iyan, Thyrile. Sinusubok lang kayo ng tadhana. Kung talagang mahal na mahal nyo ang isa't isa ay hindi kayo maghihiwalay kahit na ano pa ang mangyari."

Nanlambot ang tuhod ko. Ang kapit ko nalang sa damit ni Hanzen ang pumipirmi sa akin para makatayo ng maayos.

"Pero kung ang paghihiwalay nyo naman ay para sa nakakabuti, bakit ko ipagdadamot iyon para lang sa sarili kong kasiyahan?" wika ko. Napalayo sa akin si Hanzen. Tinignan ako nito ng mariin sa mata.

"Ano bang nangyayari sayo, Thyrile?" umiling ako. Walang ibang makakatulong sa akin kundi ang sarili ko.

Maaga ako gumising kinabukasan. Darating daw si Klaude dito bandang tanghali pa. Minabuti kong pumunta na nang bayan para roon sya salubungin. Ayokong dito kami sa bahay magpang-abot dahil hindi pa ako sigurado sa hakbang na gagawin ko.

Nakatulala lang ako sa babasaging pader ng restaurant nang matanaw ko ang pamilyar nyang sasakyan. Mabilis akong ginapangan ng kaba. Pinagmasdan ko ang pagbaba nya mula roon. Tinanggal nya ang suot na shades nang makababa ng sasakyan, inayos kaunti ang buhok at naglakad na papasok ng restaurant.

Napainom ako sa aking tubig. Sumasabay ang kainitan ng araw sa itsura nya ngayon. I can't believe I owned him for the past months. At ngayon ay nagpapasya akong bitawan sya gayong hindi pa ako sigurado kung kaya ko nga ba talaga o hindi.

We'll talk things out. Ayokong humantong sa hiwalayan. Kung magagawan ng paraan ay gagawan namin ng paraan. Iyon ang paulit ulit na kumbinsi sa akin ni Hanzen kahapon bago kami naghiwalay.

Tumayo agad ako ng makalapit ito sa akin. Hinawakan nya ang aking baywang at hinalikan ako sa labi. Ilang kurap ang nagawa ko bago nakabawi. Mahigit isang segundong halik lang ay nababaliw na ako. What's wrong with me?

"Bakit dito mo ginustong magkita tayo?" tanong nito at pinag-urong ako ng silya. Sinubaybayan ko ang bawat galaw nya simula sa pag-upo at sa pagtawag ng waiter para sa aming order.

"We have something to talk about." naputol ang sinasabi ko ng dumating ang waiter. "Mamaya..."

Umorder na kami ng lunch. Mabilis na umalis ang waiter matapos nitong makuha ang gusto namin. "Ano namang gusto mong pag-usapan natin? Pwede naman natin 'yon gawin sa bahay nyo." napahinga ako ng malalim.

"I know." dahil kung dito ay pupwede akong mag-walk out. If anything happens. Sana ay hindi. Sana ay hindi nya totoong anak ang batang iyon. And if yes, siguro ay ito na ang magiging huli naming pagkikita.

"Then what is it? Anong problema?" hinawakan nito ang kamay ko. Ngumiti ito ngunit kita ko ang pagod sa kanyang mukha. Alam kong marami syang ginagawa. We're both busy at kung dadagdag pa itong pansarili naming problema ay lalong bibigat ang pareho naming balikat.

"Klaude, tell me honestly..." halos hindi ko maisatinig ang sinasabi ko. Humugot ako ng lakas ng loob para makapagsalita ng hindi pumipiyok. "...May anak ka na ba talaga?"

Napaluwang ang hawak nito sa aking kamay. Naramdaman kong nakapatong nalang iyon sa akin. Napangiti ako ng mapait at pinalis ang isiping iyon. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha habang ako ay nagpupumilit ditong ngumiti.

"I mean, I'm sorry for asking this---"

"Where did you heard that?" tanong nito. Gusto ko syang sigawan. Why can't you just fucking answer the goddamn question?! Napaka-hirap ba nong sagutin para batuhin mo ako ng isa pang tanong?!

I could burst out here anytime with anger. Pinapanatili ko nalang talaga ang composure ko dahil ayokong gumawa ng eksena. I want to listen! Ito ang pinipigilan ko kaya ayokong sa bahay kami mag-usap. Because if we were there, I know I can not stay this fucking calm anymore!

I want some peace of mind. Iyon lang ang gusto ko. Pero bakit ang tanong nyang iyon ay parang unti onting bumabasag ng puso ko?

"It's not important, right? My point here is, who's Caroline Faustino in your life? Do you have a child with her? Simpleng tanong. Simpleng sagot lang din ang kailangan ko sayo, Klaude."

Napa-tiim bagang ito. Mahina ang boses ko ngunit puno iyon ng diin. My anger and pain is mixing up. Napa-paranoid na rin ako. Halo halo na ang nasa utak ko. Hindi ko alam kung magagalit ako o ano. My clear goal for now is to listen to him. But I don't want him to disappoint me.

"Tumutulong ako sa pag-aalaga sa bata, Thyrile." panimula nito. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang tapusin ang pagpapaliwanag nya. Nakatitig lang ako kay Klaude ng ilapag ng waiter ang inorder namin sa lamesa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg