KABANATA XXXI
KABANATA XXXI
"Tinanong sa akin ng boss mo kung kailan ako ulit bibisita sa inyo. Well, I can visit as long as you want me to." pinisil ni Klaude ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya ng wala sa sarili. Here I go again. Hindi ko na naman masabi kung anong nasa loob ng utak ko.
I don't know where to start. Kapag ba sinabi kong pinakealam ko ang phone nya ay magagalit sya sakin? But my point is that I wanted to know who is that girl in his life? Sino ang batang karga nilang dalawa? Am I missing something for the past five years?
I know I have to cope up from the loss but how can I do that if I don't have that much strength to ask him? Hindi ko na alam. Masyado akong tulala habang bumabyahe kami pabalik sa hotel. "Are you listening to me?" tanong sa akin ni Klaude. Lumingon muna ako sa kanya bago ngumiti. I'am not. I'm busy with my own problem.
My mind's contradicting my body. Sinasabi ng utak kong kausapin ko sya ngunit ayaw naman iyon gawin ng katawan ko.
Problema nga ba ito na kailangan kong problemahin? Or am I making my own problem? I should ask him of course but not now.
Ilang araw akong naging busy sa trabaho hanggang sa umuwi si Daddy rito. I stayed in our house. Naiwan si Klaude mag-isa sa kanyang hotel. The same routine, I worked and then he'll fetch me from my office. Ganoon lang ang naging gawi namin sa loob ng isang linggo.
"Nakausap mo na ba ang boss mo tungkol sa pagre-resign mo?" tanong sa akin ni Klaude habang nandito ako sa kusina. Kasalukuyan akong nagluluto para sa aming dalawa. Si Daddy naman ay nasa opisina kasama ang Tita ko. May pag-uusapan daw sila ngayon.
"Yes, pumayag sya syempre. But I need to finish my project. Baka ay ilang araw nalang ang ilagi natin dito." pagkatapos kong magluto ay inilapag ko na ang pagkain sa harap nya. Natutunan ko ito roon sa librong binili ko. Pangalawang beses ko palang iyon naluluto. The first one was just a testing. Mabuti dahil sinamahan ako ni Daddy'ng lutuin iyon. Ngayon ay nagpapa-impress ako kay Klaude kaya nang bisitahin nya ako ay agad akong nagluto ng napag-aralan.
"Tikman mo nga. Sabihin mo sa akin kung okay na." umupo ako sa kanyang harap. I watched him while he's taking a spoon of what I cooked. Napatingin sya sa akin habang ninanamnam ang kinain.
"It's delicious." napangiti agad ako.
"Marami pa akong alam na lutuin." pagkatapos naming magtanghalian ay sinamahan lang ako ni Klaude sa bahay. Nanood kaming movies hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako sa malaking boses ni Daddy. Dumilat ako saglit at nakita kong napatingin ito sa akin ng umayos ako ng upo. Hindi ko pala natapos ang pinapanood namin dahil sa antok. "Hi, Dad! How's work?" tanong ko ng nahihikab pa.
"Pinag-usapan lang namin kung anong mangyayari sa negosyo sa Pilipinas. Bumalik na ang Mommy mo sa Maynila at naiwan ang pinsan mong si Trey sa probinsya. Sya ngayon ang nagma-manage non. Kailan nga pala ang uwi nyo?"
Nilingon ko si Klaude sa aking tabi bago sumagot kay Daddy. "Mga three days nalang po siguro or less."
Ganoon nga ang nangyari. Pinilit kong matapos ang project sa loob ng tatlong araw. Pagkatapos non ay lumipad agad kami pabalik ng Pilipinas. Parang wala na sa akin ang babaeng nakita ko sa picture dahil sa dami ng problema ko. Tsaka ko na sya poproblemahin kung magtagpo man ang landas namin.
But as long as Klaude's still by my side then I have nothing to worry. Hindi naman siguro nya ako iiwan. "Are you going back to the province?" tanong sa akin ni Klaude habang ipinaparada ang sasakyan sa isang restaurant.
"Oo, kailangan na raw talaga ng magma-manage doon." kumain kami roon saglit. Pinag-usapan kung paano kami magkikita. Klaude can't leave his work here. Alam ko iyon at malaking sakripisyo ang gagawin namin dahil magkalayo kaming dalawa. We will be busy with our own works. Hindi ko rin maimagine kung paano namin isisingit ang relasyon naming dalawa.
To think of it, ano nga ba talagang relasyon namin? We haven't talked about it yet. We know we loved each other. We had sex. At ano na ngayon? Is he already my boyfriend? Matik na ba agad na ganon iyon?
"Babalik agad ako sa Maynila pagkatapos kitang maihatid sa inyo." wika nito habang nagmamaneho. Kakagaling lang namin sa aming flight. Nag-stop over lang kami para saglit na kumain. We're both tired kaya ayoko nang maging pabigat kay Klaude.
"It's okay Klaude, pwede mo naman akong ihatid sa sakayan ng bus. Alam kong pagod ka." tumingin ito sa akin at kinuha ang kamay ko. He kissed it then smiled.
"Never. Kaya naman kitang ihatid kaya ako ang magda-drive sa iyo pauwi. Don't think about me. Kaya ko ang sarili ko." tinitigan ko lang ito. Hindi na ako nakipagtalo pa tungkol doon.
Mabilis ang mga naging araw dahil sa pareho na kaming naging busy ni Klaude. Nag-uusap pa rin naman kami through phone o kung minsan ay dumadalaw sya rito para makapag-date kami. We spent hours talking with each other before we sleep. Ganon ang nangyari sa loob ng ilang buwan.
I clearly forgot about the picture hanggang sa nakita ko isang araw si Wendy sa coffee bean sa aming bayan matapos kong magshopping ng ilang damit doon. "Can I seat here?" tanong nito. Ngumiti nalang ako. Palihim akong luminga sa aking paligid. Wala na palang vacant seat.
"Balita ko ay ikaw na ang nag-hahawak ng negosyo nyo." panimula nito. May dala rin itong ilang paper bags. Ibinaba nya iyon sa gilid ng kanyang upuan bago tumingin sa akin.
"Oo, ako na nga." last naming usap ay doon sa venue kung saan ako unang ipinakilala ni Mommy kay Klaude. Nagkatagpo kami sa cr. Alam ko ay hindi na ito tumira rito sa probinsya. "Akala ko ay sa Maynila ka na nakatira?"
"Yes, doon na nga. Ginawa na kasing penthouse ang dati naming bahay rito kaya minsan ay bumabalik rin ako para tignan iyon." sumimsim sya sa kanyang inumin. Hindi ko na dinugtungan ang aking tanong. Katulad ng sinabi ko dati ay hindi naman kami close. "Anyway, nabalitaan ko na kinasal na pala si Gaige." wika nito.
"Oo, matagal na." tipid kong sagot.
"Maraming bigatin ang pumunta nong kasal. Nandoon din daw si Klaude Hendricks? Totoo ba iyon?" ipinatong nito ang dalawang siko sa table at pumalumbaba. Tinignan ko sya ng mariin.
"Oo, si Minerva ang nag-imbita sa kanya." lalo syang ngumisi sa nakuhang sagot sa akin.
"Sya lang ba? Hindi ba nya kasama ang asawa nya?" mabilis na nangunot ang noo ko.
"Sinong asawa?" ano na namang pinag-sasabi nitong si Wendy? Kapag nakumpirma kong mali ang sinasabi nito ay pupuntahan ko talaga nag penthouse nila para sunugin iyon.
"Si Caroline Faustino, yung sikat na modelo. May anak na nga sila, eh." para akong nabilaukan sa kanyang sinabi. Pumintig ang aking puso ng sobrang lakas. A-anak?! "Ang balita ko ay pumunta ka raw ng ibang bansa. Baka kaya hindi mo alam. Anyway, ano namang pake natin sa kanila diba?" ngumiti ito sa akin na parang wala lang.
Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at nangangatog na nagtipa ng mensahe para kay Klaude.
To Klaude:
Can we talk? Kailan ulit ang punta mo rito?
Matapos kong maisend iyon ay para na akong lutang habang muling nagkukwento si Wendy ng kung anu-ano. The news that Klaude has a child with that girl hit me like a bus. Huwag mo sabihing si Caroline at yung babaeng nakita ko sa picture ay iisa? Then that would mean, anak nga talaga nila yung nandoon.
"Dito muna ako mags-stay. Pwede ba akong dumalaw sa mansyon nyo, Thyrile?" hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako kay Wendy. Shit! Gusto kong magwala ngayon! Pakiramdam ko ay nangingilid na ang luha sa mata ko ngayon. I'm fighting the urge not to cry dahil nandito ako sa pampublikong lugar.
"Kung talagang may anak na si Klaude at Caroline ay bakit hindi pa sila magpa-kasal?" tanong ko kay Wendy. I just can't believe her instantly. Kung may anak si Klaude ay sana hindi na nya ako hinabol pa noong nawala ako. Hindi na sana sya nagpakahirap pang suyuin ako. He should have focused on his family.
"I don't know." kibit balikat nito. "That's just the rumors."
Mabilis na akong tumayo. Pumunta na ako sa aking sasakyan at nagmaneho na pabalik ng mansyon. Now I know the name, Caroline Faustino.
Tulala ako ng makarating sa mansyon. Nareceive ko lang ang text ni Klaude bandang alas otso na ng gabi.
From Klaude:
Sorry for the late reply, Thyrile. I'll visit you again next week. Busy lang sa ngayon. May bago kaming proyekto. Why?
Hindi na ako nagreply. I need to enlighten myself. Hindi na talaga ito pwedeng ipag-sawalang bahala nalang. Ilang buwan ko rin itong pinalipas, ngayon ay hindi na. I thought, everything died since it's all about me and Klaude now. Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakakausap si Klaude ng personal.
Bago matulog ay tumawag sa akin si Klaude. Saglit lang ang naging pag-uusap namin dahil sa pagod sya. Pumayag din naman akong ibaba agad ang tawag dahil wala ako sa wisyong makipag-usap ngayon sa kahit na kanino.
Biyernes ng hapon ng pumunta si Wendy sa mansyon. Nagulat ako ng makita ito sa aming salla habang umiinom ng juice. "Uy, Thyrile! Bumisita lang ako." bungad nito sa akin. Wala naman ako masyadong ginagawa kaya dinaluhan ko sya.
"Sino'ng sadya mo rito, Wendy?" umupo ako sa couch kaharap ng kanya. Ngumiti ito sa akin bago sumagot.
"Ikaw. Balak sana kitang isama sa penthouse namin. Gusto mo ba?" tipid akong umiling. "Sige na? Libre ko naman ang stay mo roon tsaka biyernes naman ngayon. Siguro naman ay wala ka nang trabaho."
"Nagta-trabaho ako kahit weekends kaya wala akong time para gumala. I'm sorry." totoo namang pati weekends ay may tinatapos akong ibang delivery. Pero ngayon ay hindi lang ako ganoon kapakali dahil bukas ay magkikita kami ulit ni Klaude.
"Sayang, magpapa-barbeque party kasi ako. Dumating na kasi ang boyfriend kong German dito. Kasama naman ang ibang ka-schoolmates natin dati. Inimbitahan ko rin ang bestfriend mo. Hindi ko nga lang alam kung makakadalo sya."
Tumango lang ako. "Pag-iisipan ko, Wendy."
"Imbitahan mo rin sana ang mga pinsan mo. Kakagaling ko lang sa mga Eleazar kaya please, sumama ka na." sa gitna ng pangungumbinsi nito sa akin ay bumaba mula sa aming hagdan ang aking pinsan na si Trey.
Lumingon ito sa amin. Nakita ko kung paano lumaki ang ngisi ni Wendy. "Trey!" tawag nya sa aking pinsan. Lumapit ito sa amin at umupo sa tabi ko. "Sama ka sa penthouse namin mamaya? Okay lang kahit hindi doon mag-overnight. Basta punta lang kayo."
Lumingon sa akin si Trey. Nagkibit balikat ako. "Ok." tipid nitong sabi. Halos mapatalon sa tuwa si Wendy.
"Ikaw, Thyrile? Sama ka na rin!" wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Uuwi nalang kami ng gabi ni Trey. Alam ko namang wala itong hilig sa mga overnight pero knowing na nandoon ang ilang kaibigan nya ay alam kong hindi ito mabo-bored doon.
Nag-ayos na ako ng gamit. Umuwi na rin si Wendy. Mga alas syete ng umalis kami ng masyon. Nakaupo ako sa passenget seat ng magtipa ako ng text para kay Klaude.
To Klaude:
Pupunta ako sa barbeque party ng dati kong ka-schoolmate ngayon. I'm with Trey. Sabay kaming uuwi bago mag-hating gabi.
Ilang sandali lang ay nagreply agad ito.
From Klaude:
No drinks for you tonight, alright? Take care. I love you.
Napangiti ako ng itinago ko ang cellphone sa aking bag. Simpleng dress lang ang sinuot ko at flats. Maiksi ang palda ng aking dress. May short din naman iyon sa loob kaya hindi ako makikitaan.
Bumaba kami ng sasakyan ni Trey sa dating bahay nina Wendy. Ang dati nilang dalawang palapag na bahay ay ibang iba na ngayon. Mukha na talaga itong penthouse. Siguro ay giniba na ang bahay dahil wala na namang umuokupa roon.
Mabilis akong kumapit sa bisig ni Trey. "Umuwi na tayo bago mag-hating gabi, ah." wika ko rito.
"Sure. Iyon lang din ang paalam ko kay Lolo." naglakad na kami papasok sa loob. May ilan na agad kaming kakilala na nakita ko roon sa baba. Siguro ay nag-aabang ng kakilala bago muna tumaas.
Ibang iba na ang itsura ng ka-schoolmates ko dati. Ang iba ay mukha nang may anak. Siguro ay ka-batch ito ng mga pinsan ko. Hindi na nakakapagtaka. "Pinasara ba ang buong penthouse para rito?" tanong ko sa isang kakilala.
"Hindi. Ang alam ko ay sa rooftop tayo. Nakaayos na roon at marami na ring tao. Ang laki ng pinagbago mo, Thyrile ah." biglang puri nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Nang mapalingon ako ay nakita ko na si Trey na kasama ang mga Eleazar kaya lumapit ako roon.
"Excuse me lang." wika ko roon sa kausap ko.
"Kamusta na Ace? Hindi mo ata kasama ang asawa mo?" saad ko ng makalapit ako sa kanila. Tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Wala at nasa Maynila sa manugang ko." tumawa pa ito.
"Mga taga-HNHS daw ay tumaas na sa rooftop para hindi nagkakalat dito sa baba." may isang lalake ang sumigaw non. Lahat kami ay napatingin. Isa isa nang sumunod ang mga tao sa kanya. Pati kami ay sumunod na rin. Anim na palapag lang ang taas ng puting penthouse. Dalawa ang elevator na magkatabi kaya nakapila pa kami roon habang papataas ang iba.
Isang elevator lang ang gamit namin dahil ang isa ay para talaga sa mga umuupa ng kwarto rito. Nakikipag-kwentuhan ako kay Ace ng mahagip ng aking mata ang isang babaeng nakapila sa kabilang elevator.
Nakasuot ito ng itim na high waisted jeans. Nakaputing crop top at naka-heels. Mahaba ang kanyang buhok at may blonde itong highlights. Napalunok ako ng mariin at tinitigan ito. Buhat nya ang kanyang anak. Ang anak nila ni Klaude. Halos mapangiwi ako ng lumingon ito sa aking gawi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top