KABANATA XXVI

KABANATA XXVI

"Parating na raw ang bride." may isang lalakeng sumigaw. Naagaw noon ang atensyon naming lahat kaya mabilis kaming nag-ayos ng aming sarili.

Nasa labas kami ng simbahan at ngayon ang kasal ng aking pinsan. Enggrande ang kasalang magaganap. Talagang bawat detalye ay pinaghandaan ni Kuya.

Simula sa mga bulaklak hanggang sa aming mga damit. Halos mangalahati rin ang bisita sa loob ng malaking simbahan.

Inayos ko ang gown na suot ko. Parang ako pa ata ang mas kinakabahan kaysa sa ikakasal.

Bumukas na ang pinto. Isa isa nang nagpasukan ang daraan sa gitna. Kumapit ako sa kamay ng aking partner na ngayon ko lang nakilala. Isa ito sa mga kamag-anak ni Minerva kaya hindi na ako umangal.

Nang kami na ang naglalakad ay nahuli agad ng tingin ko kung saan nakaupo si Klaude sa loob. Sya lang itong may masamang tingin sa akin habang ang lahat ay nakangiti.

Halos maramdaman ko ang panlilisik ng kanyang mata habang tahak tahak ko ang daan. Dumiretso ako ng tingin. Baka matapilok pa ako dahil sa sobrang kaba.

Si Minerva ang huling naglakad sa loob ng simbahan. Lahat ay namangha dahil sa kanyang kagandahan kahit pa natatakpan ng malaking belo ang kanyang mukha. Ako naman ay napapalingon sa gawi ni Klaude dahil hindi ito nakatingin sa bride.

What's with him? Kanina pa masama ang timpla nito sa akin. Hindi ko naman sya inaano r'yan. Ni hindi ko nga sya tinarayan ngayong araw.

Nagsimula ang kasalan. Tahimik kaming lahat na nanonood. Tanging boses lang ni Father at ilang malalakas na ubo ang narinig sa loob.

Habang balisa akong nakatingin sa harap ay bigla kong naalala ang pinag-usapan namin ni Klaude noong isang gabi.

"What's your relationship with Minerva before? May nangyari ba sa inyo noong wala ako?"

Namamawis na hinintay ko ang kanyang sagot. Kinabahan ako ng ngumiti ito.

"We're just business partners." hindi na ako sumagot. Hindi iyon ang inaasahan kong isagot nito. Ininom ko ang kalahati ng aking gatas. "I'm sorry, Thyrile." pahabol nya.

Tumango ako. Hindi ko sigurado kung para saan ang sorry nya ngunit may ideya na ako kung ano ang tinutukoy nito.

Is he sorry because he invested his money in Minerva's farm instead of ours? Siguro. Pero hindi ko sya masisisi. It's his business strategy. Ngayong nagtatrabaho na ako ay naunawaan ko na iyon. Bakit mo nga naman ilalagay ang pera mo sa palubog na kabuhayan? Para ka lang nagtapon ng pera kung ganon.

"It's okay, I understand." ngumiti ako rito. "Matulog na tayo. Iwan mo nalang yung baso sa side table. Ibababa ko nalang bukas pagka-gising." inubos ko na ang akin. Hawak nya lang ang kanya at nakatingin lang sa akin.

"I tried saving your business that's why I bought Minerva's land. Ang balak ko ay bilhin iyon ng buo at ipangalan sayo. But Minerva's too hard to deal with. Ayaw nya sa gusto ko." nanlaki ang mata ko. Halos mailuwa ko ang gatas na ininom ko.

"W-what did you say?" nanginig ang kamay ko. Muntikan nang madulas ang baso sa pagkakahawak ko rito. I think I lose my strength for a second. Paano ako makakasiguradong hindi ako pinipikot ni Klaude?

"I triple the offer. Umabot ng halos bilyon ang maliit na lupa mabili ko lang iyon para sayo." napalunok ako. My brain cannot process any word he said.

Gusto kong kausapin si Minerva tungkol dito ngunit wala naman ito sa mansyon ngayon. I don't want to spoil her upcoming wedding to gather informations. To know the truth.

And for the record, hindi ako nagalit dati kay Klaude dahil sa pag-iinvest nya sa iba. I tried talking to him. And 'that' happens. Iyon ang dahilan kung bakit galit ako sa kanya ngayon. Not the part about business.

"You should have told me about that." mahina kong sabi. Inilapag ko ang baso sa gilid.

I can't face Klaude. Kung totoong binalak nyang ibigay sa akin ang lupang iyon ay isang kahihiyan ang pagharap ko sa kanya ngayon. I know he's rich. But damn it! Hindi sumagi sa isip kong kaya nyang gawin iyon para sa akin.

Money seems nothing to him. Para lang itong nagbigay ng limos sa akin. Kung dati ay matutuwa ako kung maaga ko iyong nalaman, ngayon ay dumiretso iyon sa aking ego.

"How will I tell if you ran away from me?" naghalo halo na ang salita sa utak ko. Paikot ikot ang mga iyon. Hindi malaman kung paano aayusin ang sarili nila para makabuo ng isang matinong tanong.

"But it's okay now. Nakahanap na si Kuya ng paraan para malutasan iyon." I tried gathering all my strength to say that.

Naputol ang pagiging tulala ko ng magpalakpakan ang mga tao. Nakita kong nakaharap na sa amin ang mag-asawa. Nakipalakpak ako ng wala sa sarili.

Kailangan kong humingi ng tawad kay Klaude for causing him so much trouble. Hindi ko alam kung nabili nya ba ang lupa o kung paano nalutasan ni Kuya ang problema dati. If Klaude helped us before then I'm clearly fucked up. Malaki ang utang na loob sa kanya ng pamilya ko.

Kailangan ko pang tanungin ang Lolo kung bakit sila close ni Klaude. Hahanap ako ng magandang timing. Not now. Masyadong abala ang lahat sa kasal ni Kuya.

Naglakad palabas ng simbahan si Kuya Gaige at Minerva. Napatingin ako sa bride. There's nothing going on between the two of them before. Mabuti nalang dahil para akong nabunutan doon ng tinik.

Sumunod kami palakad sa labas. Nahuhuli akong maglakad dahil medyo lutang pa rin ako.

May humigit sa akin at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "What---" nanginig ang kalamnan ko na para bang ipinasok ako sa loob ng freezer.

"Stay beside me." hindi na ako nagsalita. Hawak nya ang kamay ko ng lumabas kami ng simbahan. Nagkaroon ng kumpol sa bukana noon dahil sa paghagis ng bulaklak.

Ayoko sanang sumali roon pero may humigit sa aking kung sino kaya napahiwalay ako kay Klaude.

"Yan na!" sigaw ng isang babae habang umaamba nang makipag-agawan sa bulaklak.

Bakit ako kasali rito? Wala pa akong balak na mag-asawa. Ni wala pa nga akong boyfriend! Sinong pakakasalan ko?

Sa isang hagis ng bulaklak ay nagkagulo na ang mga babae. Ako naman ay parang tuod doon na naghihintay ng pagbaba sa akin ng grasya.

"Ako ang kukuha!" ilang mga sigaw at tawanan ang narinig ko ng makitang pabagsak ang bulaklak sa ulo ko. May tumulak sa akin makuha lang iyon kaya pare-pareho kaming napaupo sa sahig.

Nahulog ang bulaklak sa aking dibdib. Walang naka-kuha noon. Napatingin silang lahat sa akin ng pulutin ko ang bulaklak. Lumingon si Minerva at nakita ko ang pilya nyang ngiti sa akin.

Tinulungan ako ni Daddy para makatayo at pinagpagan naman ni Kuya Gaige ang aking gown. Pareho silang natatawa. Inismiran ko ang mga ito. Masakit matulak at mapaupo sa lapag.

Matapos ang agawan ng bulaklak ay hinanap ko si Klaude sa loob ng simbahan. Nasa may likod ito banda at natatakpan ng mga tao.

"Such a waste. Sana ay doon nalang ito bumagsak sa babaeng gustong gusto nang magpakasal hindi sa akin." wika ko ng makalapit ako sa kanya.

"You're getting married soon kung papayag kang magpakasal sa akin ngayon." biro nito. Hinampas ko ang bulaklak sa kanya.

"Marry yourself!" pinanood namin ang pag-alis ng mag-asawa sa itim na limousine.

"Umalis ka lang, tumaray ka na." nasa loob na kami ng kanyang sasakyan. Papunta na kami sa mansyon. May mga handa roon kaya magarbo ang pag-aayos nila. Marami rin kasi ang bisita kaya marami ang inihandang pagkain.

"Sayo lang." ngumuso ako at tumingin sa bintana. Pasipol sipol sya sa aking tabi at mukhang goodmood. "Bakit kanina ay mukha kang galit sa akin?" bigla kong tanong.

Nakakapanibago lang. May split personality kaya itong si Klaude? Well, he's far from what I loved before. Maginoo ang lalakeng iyon. Bihira magbiro, seryoso pero maalaga.

Ngayon ay parang hindi lumilipas ang isang araw na hindi kami nagkakainitan ng ulo o nagbabangayan.

"Because you are tightly holding your partner's arm. Sino ang hindi maiinis doon?" seryosong wika nito habang nakatingin sa harap.

Nakahawak lang naman ako ng maigi sa kamay ng lalakeng partner ko kanina dahil pakiramdam ko ay matitipalok ako ano mang oras sa paglalakad. Idagdag pa roon ang tingin nyang nakakapanghina ng tuhod.

Nakarating kami sa mansion. May mga bisita nang nagkakasiyahan doon. Bumati ako sa ibang kakilala. Nakipagkwentuhan at inungkat ang aming mga nakaraan. Maraming nagtanong kung anong klaseng buhay ang mayroon ako ng umalis ng probinsya.

Well, I answered them honestly. Hindi madali sa una ngunit kapag nasanay ay magiging madali rin. Isa pa ay iba ang kultura sa ibang bansa kumpara rito lalo pa't galing akong probinsya. It's hard for me to cope up with their environment.

"Thyrile, hindi ba't naka-graduate ka ng Masteral sa ibang bansa?" tanong ng isang bisita ng maupo kami sa aming table. Malaki ang bilog na lamesa. Ilan kaming taong nakaupo roon ngunit ang pinsan ko lang na si Tryck ang kasama ko rito at si Klaude. Ang iba ay hindi ko gaanong ka-close pero kakilala ko naman.

"Yes." tipid kong sagot at ngumiti. Tinignan ko sa tabi ko si Klaude. Tahimik itong umiinom ng kanyang wine.

"Kamusta naman ang pag-aaral? Mabuti at naka-pag'adjust ka kaagad sa school mo." nasagot ko na rin itong tanong kanina sa iba namang tao. Paulit ulit lang halos ang tinatanong nila ngunit ngayon ay parang nahihirapan akong sagutin iyon dahil alam kong nakikinig sa akin si Klaude.

"Maayos naman. Medyo mahirap pero naka-kaya naman kahit paano." ngumiti ang babae. Napasimsim ako sa aking inumin, lumingon sa aking pinsan para kausapin ako at madivert sa kanya ang atensyon ko. Ayoko nang kumausap pa ng ibang tao.

Naiilang ako sumagot sa aking nakaraan dahil kay Klaude. Mamaya ay may masabi akong hindi dapat.

"Nagkaroon ka ba ng boyfriend sa ibang bansa?" tanong naman ng panibagong boses. Napalingon ako rito. Nanuyo ang kakabasa ko lang na lalamunan. Narinig ko ang hagikhik ni Tryck sa aking tabi kaya mahinang sinipa ko ang paa nito sa ilalim ng lamesa.

He knows about my situation before. Nakita nya kung paano ako lumabas ng bahay na parang isang bangkay. Na para akong inalisan ng buhay noong mga panahong nag-aadjust palang ako roon.

Getting a boyfriend never really crossed my mind. Si Klaude pa nga lang ay sakit na sa ulo. Ano pa kung dadagdagan ko pa iyon ng isa pang lalake?

"Hindi. Wala sa isip ko. Ang gusto ko lang non ay makapag-tapos at mag-trabaho." ibinaba ko ang aking baso. Pinag-tripan ko naman ngayon ang tinidor sa aking plato at nilaruan iyon.

Napatango ang kinausap ko. Ilang mga ngiti ang ibinigay sa akin ng mga ka-table namin ngunit biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng magsalita ang walang hiya kong pinsan. "And she's busy crying---"

Bago pa man nya matapos ang sinasabi nya ay mabilis kong itinapak ang paa ko sa kanya. Bwisit na Tryck ito!

"Bakit ka umiiyak doon?" tanong ni Klaude. Napatingin ang lahat sa kanya. Napakagat sa kanilang mga labi ang ibang babae. Tamang tama at may hawak akong tinidor. Pwedeng pwede kong itusok sa kanila itong hawak ko kapag hindi nila nilubayan ng malagkit nilang tingin si Klaude.

"H-homesick." palusot ko. Pinanlisikan ko ng mata si Tryck ng makita ko itong ngingiti ngiti sa tabi. Mamaya ka lang sa akin!

"Psh! Lovesick hindi homesick." mahina nitong sabi ngunit may ibang nakarinig doon kaya nagtawanan ang mga ito. Halos mamula ang mukha ko sa kahihiyan at napatahimik nalang.

"May naiwan ka bang boyfriend dito sa Pilipinas noong umalis ka?" patuloy ang pag-iinterrogate nila sa akin. Sunog na sunog na ako. Daig ko pa ang nag-thesis sa mga tanong nila sa akin.

Napatikhim si Klaude sa aking gilid at ngumiti na animo'y gusto nyang sabihin kong sya ang naiwan ko rito. Umakbay ito sa likod ng aking silya at dumekwatro pa.

Tumawa ng malakas ang pinsan ko sa kabilang tabi. Mga bwisit! Ang lalakas ng trip nyo! "Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend kaya wala." akala nyo ay mapapaamin nyo ako tungkol sa nakaraan naming dalawa?

"May ka-MU syang naiwan." sagot ulit ni Tryck. Ngayon ay hinampas ko na ito sa braso.

"Interpreter ka ba at lahat ng sinasabi ko ay may karugtong ka?" wika ko rito. Napatawa ang ilan. Akala yata ay nagbibiruan kaming magpinsan dahil nakangising tagumpay si Tryck.

"No. But I'm the inner voice in your heart." kumindat pa ito sa akin. Nag-apir sina Klaude at Tryck sa aking likod. Bakit ba pinag-gitnaan ako ng dalawang sira ulo?! Ito namang si Klaude ay patahi-tahimik lang dito pero halatang tuwang tuwa sa nangyayari. Kainis!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg