KABANATA XXV
KABANATA XXV
Nakarating kami sa basilika. Nakita ko agad sa bungad noon ang mga magulang ko. Hinabol ko ito ng lakad. Nakasunod lang si Klaude sa aking likuran ng makita ako ni Daddy. "Thyrile." tawag nito. Mabilis ko itong niyakap. Napatingin si Mommy sa amin at mabilis na nilingon si Klaude. Nag-ngitian ang dalawa.
"Dad, kanina pa ba kayo nandito?" tanong ko. Napansin kong lumapit si Mommy kay Klaude at nakangiting kinausap ito. Hindi ko na sila pinansin. Itinuon ko nalang ang tingin ko kay Daddy. I don't know if my Dad already knows something about Klaude.
"Yes, ilang oras na kaming nandito. You should have stayed with your Lolo. Pauwi na rin kami." wika nito. Ngumuso ako. Hinawakan nito ang likod ko at hinaplos iyon.
"Then wala na pala sina Kuya rito?" nalulungkot kong tanong. Nagkasalisihan kaya kami ni Kuya? I missed him so much. Ilang araw lang kaming magkakasama at hindi ko rin naman sya maso-solo sa mga araw na iyon. I know he would be busy with his future wife.
"Nasa loob pa sila. Kausap si Father. You go and see him." napangiti ako. Nilingon ko si Mommy na nakikipagtawanan kay Klaude. Why is my family looked really close with him?
Lumapit ang dalawa ng mapansing tapos na kaming mag-usap ni Daddy. "Pa, he's the one I'm talking about." ngumiti ang Daddy. Napakunot ang noo ko.
Naglahad ng kamay si Klaude at nagpakilala sa Daddy ko. "Klaude Hendricks, sir. Nice to meet you." tinanggap iyon ng Daddy ng natatawa pa. Lumapit ang Mommy sa kanya at hinawakan ang kamay nito. Ako naman ay tumabi kay Klaude.
"Sya iyong sinasabi kong gusto ni Thyrile dati." bulalas ni Mommy. Shocks! Bakit kailangan iyon i-voice out ni Mommy? Dapat ay secret lang 'yon! Pakiramdam ko tuloy ay namula ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan.
Bumilog ang bibig ni Daddy at pinagmasdang mabuti si Klaude. "Well, Thyrile. You have a good taste. Mabuti at dinala mo sya rito." napangiti ako ng mapait. Sinong nagsabing gusto ko syang dalhin dito? Sumama lang ako sa kanya dahil gusto kong magpahatid at ayaw kong sumakay ng bus.
"Dad! Aalis na po kami. We'll see Kuya Gaige." wala na akong ibang masabi kundi iyon. Mabilis kong hinigit si Klaude paalis sa harap ng magulang ko. "Anong pinag-usapan nyo ni Mommy?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Nangamusta at nagpasalamat sa paghatid sayo rito." tipid nitong sabi. Binitawan ko na ang pagkakahawak sa kamay ni Klaude ng mabilis nya iyong hinuli at hinawakan ng mahigpit.
"You---" gusto kong magmura pero nakita ko ang pigura ni Hesus sa loob ng simbahan. Napatigil ako at napakagat nalang sa aking labi. "Ang hilig hilig mong manlamang! Bitawan mo nga ako!" nagpumiglas ako. Sa pagtatalo namin ay may tumawag na pamilyar na boses sa pangalan ko.
"Thyrile!" lumingon ako. Agad akong napangiti at sasalubungin sana ito ng mapahinto ako dahil sa hawak sa akin ni Klaude. Hinigit higit ko ang aking kamay. Nakakainis talaga ang isang 'to! "Nice to see you back!" bati sa akin ni Kuya nang makalapit silang dalawa ng kanyang magiging asawa.
"Kuya, I missed you so much!" binitawan na ako ni Klaude. Mabuti naman. Niyakap ko ang Kuya ng mahigpit. Hinalikan nito ang tuktok ng aking ulo. Ngumisi ako at binalingan si Minerva. "Hope you take care of my cousin." malumanay kong sabi rito. Hinalikan ko rin ang kanyang pisngi.
She's also five years older than me. Maganda ito at may pagka-mature ng kaunti ang mukha. Ang katawan nyang pang-modelo ay lumilitaw dahil sa puting dress na kanyang suot. Plain and simple yet very elegant. Itim na itim ang mahaba nyang buhok na may maalon na kulot. Huh, I just described a Goddess!
"Ofcourse I will." ngiting balik nito sa akin. Humakbang ako ng isang beses para malayo sa kanila. Tinignan kong mabuti ang dalawa. They look so perfect. Masaya ako para kay Kuya.
"Klaude, I thought you went out of the country?" tanong ni Minerva kay Klaude. Muling napakunot ang noo ko. Ilang beses na ba akong naguluhan sa mga taong nasa paligid ko ngayon? Seems like they know so much about Klaude.
Nanatili akong tahimik at palihim na hinintay ang sinabi ni Klaude. Kuya Gaige talked something to me pero mas naka-focus ang tainga ko kay Klaude that's why I didn't catch my Kuya's words. "Came back last week. You didn't tell me you're gonna get married."
Ano?! Bakit?! Kailangan bang malaman pa ni Klaude na ikakasal na si Minerva?
"Thyrile, are you listening to me?" pukaw sa akin ng Kuya. Napalingon ako sa kanya. Nag-aalanganin akong ngumiti. Hinila ko sya sa bandang gilid. Hindi naman kami napansin ng dalawa dahil busy ito sa pag-uusap.
"I'm sorry Kuya pero close ba si Minerva at Klaude? Since when?" nameywang ang Kuya at lumingon sa kanilang gawi.
"Nabanggit ko na sa'yong si Minerva ang dating may-ari ng farm malapit sa atin." napaisip ako. Sinabi nya ba iyon? Parang hindi ko ata matandaan. Pilit kong inaalala kung kailan iyon nasabi ni Kuya. "The one small farm that we're competing before." napatango ako. Now I remember!
"Oh, yung farm kung saan nag-invest si Klaude?" na naging dahilan kung bakit lalong nalubog ang negosyo namin.
"Yes, and because it's related to Klaude, iniba mo agad ang usapan noong ikukwento ko sayo ang nangyari dati."
So that means, isa rin si Minerva sa mga babaeng pinikot ni Klaude? No wonder why they're close. Mabuti nalang at napunta itong si Minerva sa Kuya ko at hindi kay Klaude. Sure Klaude knows everybody lalo na kung maganda itong babae.
"Yeah. Okay. I get it. Tara na Kuya't gumagabi na." kaya pala close sila. Huh! Grabe. Wala na talagang pinipiling babae si Klaude.
Pagkaalis naming simbahan ay hindi ko kinibo si Klaude. I don't want to talk to him. Naiinis ako lalo sa kanya. Lahat talaga ay gusto nyang puntiryahin.
Nakabalik kami sa mansyon. Sa bungad palang non ay pinigil ko na si Klaude papasok. Hindi sya welcome sa bahay namin. Ayokong makita ang pagmumukha nya rito. "Go home. Wala kang tutulugan dito. Thank you na rin sa paghatid."
Tumaas ang kilay nito. "What's wrong with you?" madilim na ang langit. Sinabi nyang ihahatid nya lang ako, that's it! Yun lang dapat ang gagawin nya. Hindi na dapat iyon madagdagan pa.
"Nothing's wrong with me. Sayo marami." inis kong wika. Nakita ko ang pagkairita sa kanyang mukha. Umirap ako at tumalikod na. Pumanhik ako sa aking kwarto sa sobrang inis. Humiga ako sa kama at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Wala akong alam sa nangyari kay Klaude dito noong mga panahong nawala ako. Ilang babae ang na-link sa kanya. Ilang babae ang nilapitan nya't hinalikan? Ilan kaming pinaibig nya?
Kapag naaalala ko ang tagpo noong bago ako umalis ay sumasakit pa rin ang puso ko. May kung anong kirot dito na hindi talaga nakayanang sagipin ng panahon. Yeah, it takes time to move on and heal all scars. But it's not applicable to all. Paano naman kaming mga nasaktan na kahit ilang taon na ang nakakalipas ay bumubuka pa rin ang sugat kada maaalala ang tagpong nagpasira sa amin?
How can we ease this pain?
Nakatulog ako sa malalim na pag-iisip. Isang paggalaw sa aking kama ang nagpagising sa akin at ingay ng kubyertos. What was that?
Idinilat ko ang aking mata. I adjusted my eyes in dark. Nang luminaw iyon ay may nakita akong pigura ng tao sa aking tabi. "Shit!" mura ko at napa-atras sa aking kama't nahulog. Napahawak ako sa aking pang-upo. Ang sakit!
"Thyrile! Are you okay?" bumaba ito sa aking kama at tinulungan ako. "Bakit ka nagpahulog sa kama? I'm not going to harass you!" iniupo ako nito sa kama at pagkatapos ay binuhay ang ilaw sa aking kwarto.
"Hindi ako nagpahulog! At anong ginagawa mo rito?!" bulalas ko. Hindi ba't pinauwi ko na ang isang 'to kanina? Bakit nandito pa rin ito at nasa loob pa ng kwarto ko? Halos atakihin ako sa aking puso ng makita ito kanina sa tabi ko at mas lalo ata akong aatakihin ng malaman ko kung sino 'to.
"Gaige asked me stay here until the wedding."
Kumirot ang aking balakang. Ang sakit talaga! Napangiwi ako. Kung sana ay hindi sya gaanong malapit sa akin kanina ay baka hindi pa ako nahulog sa sobrang gulat. Tama ba namang lumapit sa akin na parang multo?!
"At bakit nandito ka sa kwarto ko? Sinabi ko bang pwede kang pumasok dito?!" lumapit ito sa akin. May kinuha sa gilid ng aking kama. May tray roon ng pagkain at iniabot nya iyon sa akin.
"All rooms are already occupied by your family so your Lolo suggests that we should sleep together. Sinabi ko rin namang natutulog tayong magkatabi sa bahay ko." napatawa ako sa nakuhang sagot. Tawa ng isang taong malapit nang mabaliw.
"Pero hindi ako pumapayag! At bakit mo binanggit kay Lolo na natutulog tayong magkasama? That's just because I don't have any choice. Hindi ko ginustong tumabi sayo sa pagtulog!"
"That's the same, Thyrile. Natulog pa rin tayong magkatabi. Whether you like it or not. Natulog pa rin tayong magkatabi. Whether you have a choice or not. Natulog pa rin tayong magkatabi. Stop nagging and eat!"
Napailing ako. Inis kong inagaw ang plato sa kanya. Tumalikod at nagsimulang kumain. "Natulog ka raw ng hindi pa kumakain." dugtong nito. Hindi na ako nagsalita. Ayaw ko namang ikailang nagugutom nga ako ngayon at masakit pa rin ang pwetan ko para kayanin pang tumayo't pumunta ng kusina.
"Thank you." mahina kong sabi. Lumipat ito ng pwesto at tumabi sa akin, hawak ang isang baso ng tubig ay inabot nya iyon sa akin.
"You're welcome." tahimik kong inubos ang pagkain. Kaya nga ako tumalikod sa kanya para hindi ko makita ang mukha nya, eh. Pang-inis talaga ang isang 'to. At ngingiti ngiti pa ngayon ng parang baliw.
"Sleep on the floor. Doon lang ako papayag na manatili ka sa kwarto ko." nilapag ko ang plato sa gilid. Ngumunguya pa ako ng seryoso ko itong tinignan.
"Why? Masakit sa likod." kapal talaga ng mukha. Choosy pa.
"Maliit yung kama. Hindi tayo kasya." malaki talaga ang kama ko. Ayoko lang talaga syang makatabi ulit. Mukha pang tinutulungan sya ng Lolo sa pagsuyo sa akin. Kung alam lang nila ang nakita ko dati ay baka hindi ngiti ang sinalubong ng Lolo sa kanya kanina kundi isang baril.
"Let's just hug each other para magkasya." sabi nito na parang wala lang. Na parang seryoso syang gusto nyang yakapin ako ngayong gabi.
"Ayokong kayakap ka." nakipagtalasan ako ng tingin dito. Sawa na ako sa sigawan. Unang pagkikita palang namin ay panay na kami sigawanan. Ngayon ay parehong kalmado ang boses namin ngunit wala ni isa ang may gusto pa ring magpatalo.
"Pumatong ka nalang sakin." binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi ko kakayaning hindi sigawan ang isang 'to.
"Bakit ako papatong sayo?! Klaude please! Maglatag ka nalang dyan sa lapag at manahimik ka na!" hingal na hingal ako. Nasapo ko ang noo ko at napapikit. Araw araw ata ako hi-highblood'in sa lalakeng ito.
"No." matigas nitong sabi. "Magyayakapan tayo o papatong ka sa akin." pakiramdam ko ay puputok na ang ugat sa aking ulo. Pulang pula na rin siguro ang mukha ko ngayon. I give up.
"Malaki pala ang kama. Dyan ka sa tabi. Lagyan nalang natin ng unan sa gitna." tumayo ako. Medyo humilom na ang kirot sa aking balakang. Inayos ko ang pinagkainan ko at bago iyon inilabas ay sinulyapan ko pa muna si Klaude. Inaayos nito ang kabilang parte ng aking kama. Napailing ako. How will I win with this guy? Ayaw nyang magpatalo!
Hinatid ko sa kusina ang aking pinagkainan. Nagtimpla ako ng dalawang baso ng gatas at sinulyapan saglit ang malaking orasan na naka-display roon. It's almost one in the morning. Kaya pala patay na halos lahat ng ilaw rito sa mansyon ng bumaba ako
Tumaas na ako bitbit ang baso sa magkabilang kamay ko. Iniwan kong nakaawang ang pinto sa aking kwarto para sumilip doon ang ilaw at hindi ako madapa sa dilim. Mahinang sinipa ko iyon para bumukas.
Napalingon sa akin si Klaude. Sinarado ko ulit ng mas malakas na sipa ang aking pinto at nang makalapit sa kama ay iniabot kay Klaude ang ginawa kong gatas. Tinanggap nya iyon ng tahimik. "Don't get me wrong. That's a thank you gift for bringing me food earlier."
Naupo ako sa kabilang tabi. "Hindi ka na ba galit sakin?" tanong nito. Hinawakan ko ng dalawang kamay ang aking baso at isinandal ang likod sa headboard ng kama.
"I don't know." tinitigan ko ng ilang segundo ang aking baso. Kumakabog ang dibdib ko. Hinugot ko ang lahat ng lakas ng loob ko para mkapag-salitang muli. "What's your relationship with Minerva before? May nangyari ba sa inyo noong wala ako?" halos mabilaukan ako sa sarili kong tanong. Nagkatinginan kami. Ngumiti ito at ibinuka ng marahan ang bibig para magsalita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top