KABANATA XXIII
KABANATA XIII
I was dressed nicely. Naka pula akong long gown. Ang strap sa aking balikat ay abot hanggang sa likod ng aking beywang. Bukas ang likod at mahaba ang awang sa may bandang dibdib. Mataas din ang slit sa may bandang kanan ng aking hita.
"Bakit pumayag si Tito na ganyan ang suot mo? That's so revealing!" saway sa akin ni Trigger. Katabi ko ito sa backseat. Ang aking magulang ay nasa ibang sasakyan at nauna na sa amin. Matagal akong inayusan kaya medyo na-late din kami. He'll be my escort for tonight.
Pumayag ako sa inalok nya kahapon na sumama sa party'ng dadaluhan ni Mommy. My Mom was even glad that I wanted to come noong nagpaalam ako sa kanya.
"We're in 21st century. Matino na nga itong suot ko." inismiran ako nito at hindi na kinausap pang muli.
Nakarating kami sa venue. May red carpet pa sa harap at ilang mga photographers. Agad akong inalalayan ni Trigger habang papalabas ng sasakyan.
Hindi mabilang na flash ng camera agad ang bumungad sa amin. Maraming nag-assist sa amin ng aking pinsan at pinalakad kami sa carpet. Huminto kami roon saglit at ngumiti sa mga camera. I was not expecting na ganito kalaki ang party na ito.
Akala ko ay iyong mga normal lang. But oh well, hindi naman ako ganon ka-importanteng tao. Hindi naman siguro nila ako bibigyan ng pansin.
Pagkatapos kaming kuhaan ng litrato ay itinuro sa amin ang daan papasok sa loob ng venue. May ilang reporter ang humarang kay Trigger at kinausap ito. Nakangiti lang ako habang nagmamasid sa aking pinsan. He knows how to answer the questions. Parang ang layo nito roon sa pinsan ko dating basagulero.
"I'm with my cousin. She'll be my date for tonight." na-focus sa akin ang atensyon ng mga reporter. Kinuhaan nila ako ng maraming litrato. Hinampas ko ang balikat ni Trigger habang nakangiti. "Mahiyain sya, mauuna na kami."
May mga humabol pa sa amin pero agad na kaming pumasok sa loob. Hindi gaanong maingay roon kumpara sa labas. Pagala gala ang mga guest at mahahalatang kabilang ang mga taong ito sa mga maiimpluwensya sa bansa.
"Hanapin na natin sina Mommy para makaupo na tayo."
Nakipag-ngitian ako sa mga taong nakakasalubong kahit pa hindi ko ito kilala. Ilang minuto pa ay nahanap na namin ang aking magulang. May dalawang bakanteng upuan sa tabi nito kaya roon kami umupo ni Trigger.
"Hi, Dad." humalik ako sa pisngi ni Daddy. Binati rin sya ng aking pinsan samantalang si Mommy naman ay busy sa kausap nitong isa pang babae.
Nagsimula na ang party. Dumilim ang paligid at may nagsalita sa harap. Doon ako nagkaroon ng laya para pagalain ang mata ko sa paligid. Where is Klaude?
Kahit madilim ay pinipilit kong kilalanin ang mga mukha ng kalapit ko. Wala ni isa sa kanila ang hinahanap ko. Napangiwi ako at ngumiti ng mapait. I came here to talk to him. Pero ngayon ay pinapangunahan na ako ng kaba. Hindi ako mapakali sa aking upuan. Parang pinagsisisihan kong pumunta ako rito.
"Anak, are you okay? Hindi ka ba nilalamig r'yan sa suot mo?" bulong sa akin ni Daddy. Umiling ako bilang sagot at pareho na naming ibinalik ang tuon sa harap.
Hawak hawak ko ang aking silver pouch habang may nagsasalita sa harap. Pinag-aaralan kong mabuti ang sasabihin ko kapag nagkita kami. Tatanungin ko ba sya kung kamusta na sya o hihintayin kong sya ang umagaw ng atensyon ko?
Sa lalim ng aking iniisip ay bigla akong inakbayan ni Trigger at inilapit ang mukha sa tainga ko. "Just look straight and you'll see him." nagtaka ako sa sinabi nito pero doon ko lang napagtantong paakyat na pala si Klaude sa maliit na stage.
Halos takasan ako ng aking kaluluwa ng makita ang pigura nya. Ibang iba ang dating nya kumpara sa litratong nakita ko sa internet. He looks more serious. More handsome and more intimidating. Umiikot ang ulo ko kada iniisip ko na makakausap ko sya ngayong gabi.
Can I have the chance to talk to him? Bibigyan nya kaya ako ng pansin kapag nakita nya ako?
Nakatulala lang ako sa kanya hanggang sa matapos nito ang kanyang sinasabi. Wala ni isa sa mga salita nya ang pumasok sa magulo kong utak.
"Where are you going?" tanong ni Daddy pagkatayo ko. Napalingon din si Mommy sa akin.
"Washroom." sagot ko at naglakad papunta sa likod. Maliwanag nang muli. Hinuli ng mata ko kung saan bumaba si Klaude. Sinundan ko iyon ngunit marami ang nakaharang. Nag-alangan ulit akong lapitan sya.
Nangatog ang tuhod ko nang makita ko itong ngumiti sa isang matandang kausap nito. Na-estatwa nalang ako sa aking kinatatayuan at pinagmasdan ito.
I studied so hard. Worked my ass off to get a stable job. Pero bakit ganon? It seems like, he's still out of my reach? Natalo ba ako?
Tumalikod ako at babalik na sana sa aking upuan ng pigilin ako ng isang kamay. Mabilis ko itong nilingon. Napalunok ako ng aking laway at natulala sa kanyang mukha. "You came." seryoso nitong sabi.
Pinutol ko ang tingin ko sa kanya. Namawis ang aking noo kahit malamig dito sa loob.
Kinompose ko ang aking sarili at buong lakas na ngumiti rito. "Nice to meet you, again." ibinalik ko ang tingin kay Klaude. Inilahad ang kamay ngunit pangungunot lang ng noo ang isinukli nito sa akin.
Binawi ko ang aking kamay at ngumiti rito ng tipid. Magsasalita sana ito ng may sumingit sa aming matandang babae. "Klaude Hendricks, napaka-galing mo talaga." tuwang tuwang sabi ng matanda. Lumingon dito si Klaude at ngumiti. Kinuha ang kamay ng matanda at hinalikan ito. "I would like to hear more of your plans. Can you discuss it to me?"
Lumingon sa akin si Klaude. Inismiran ko ito at tumalikod na. I look like an idiot there. Nanlambot ang tuhod ko nang makaharap ko sya. Wrong timing. I'll approach him later. O kung kaya ko pa. I need to calm myself.
Hindi pa ako nakakalayo ay pinigilan na naman ako nito. "What do you want?!" iritado kong sabi. Hindi ako makatingin sa mga mata nito. "Bakit mo iniwan yung kumausap sayo?"
Imbis na sagutin ay hinila ako nito sa labas ng venue. May ibang napatingin sa amin. Tinago ko ang mukha ko at sumunod nalang sa paghila nya.
Sa isang tahimik na pasilyo kami napunta. Walang tao roon at kabadong kabado ako. Halos madapa dapa pa ako dahil sa taas ng heels na suot ko.
Isinandal ako nito sa pader at kinulong sa kanyang bisig. "Why are you always leaving me, Thyrile?!" galit pero mahina nitong tanong. "Ngayon ay magpapakita ka na parang hindi mo ako iniwan!"
Nakita ko ang galit sa mga mata nito. Hindi ko maintindihan kung bakit sya pa itong may lakas ng loob na magalit sa akin.
"Aalis ako kung kailan ko gusto. Hindi ko kailangan ng permiso mo."
Pinalis ko ang kamay nitong nakakulong sa akin. I'm too weak for him. Hindi man lang ito natinag sa paghampas ko sa kanyang braso.
"You think I would let you run away from me again?" ngumisi ito ng nakakatakot. Nanayo ang mga balahibo ko. Fuck you, Klaude! Hindi ko hahayaang pigilan mo ako.
"Try me." hamon ko rito. Ibinaba nya ang dalawa nyang kamay. Akala ko ay makakatakas na ako pero mabilis ako nitong binuhat na parang isang sako.
Damn it! Nahuhubaran na ako! Ilang beses akong nagpumiglas. "Fuck you, Klaude! Ibaba mo ako!" hirap na sigaw ko at pinaghahampas ang likod nito.
"No, woman! I will lock you in my house! Hintayin nalang natin ang mga pulis na hanapin ka sa bahay ko at doon lang kita papakawalan."
Halos mamula ang mukha ko sa galit. Hindi gagawin sa akin 'to ng Klaude na kilala ko. This monstrous creature is fucking insane! Hindi ko na alam kung ilang mura ang napakawalan ko ngayong gabi.
"You fucking jerk! Kapag nakawala ako rito ay sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!"
"Then do as you please." patuloy lang ito sa paglalakad samantalang ako naman ay halos mabaliw baliw na sa kakasigaw.
May ilang nakakita sa amin ngunit wala ni isa ang nangahas lumapit. Mga walang silbi! Isasama ko kayong lahat sa ipapakulong ko!
Nakarating kami sa parking lot. Lumapit sya sa isang sasakyan at binuksan ang passenger seat. Ibinaba nya ako roon pero dahil nagwawala ako kay nahirapan itong ipasok ako. "Damn you!" inis kong wika ng makapasok ito sa driver's seat. "What do you need from me?!"
Lumingon ito ng galit habang binubuhay ang kanyang sasakyan. "I need you, Thyrile! Don't think I'll go easy on you for abandoning me. Ilang taon kitang hinintay!" ginulo nito ang kanyang buhok at inis na hinampas ang manibela ng sasakyan.
"Who the hell asked you to wait for me? If I should have known better, marami kang nakapilang reserba r'yan bukod sa akin!" pakikipag talo ko.
Pagod na akong umiyak. Sa unang taon ng pamamalalagi ko sa ibang bansa ay wala na akong ginawa kundi ang umiyak. Galit nalang ang namumutawi rito sa dibdib ko para kay Klaude.
"Who gave you that idea?!" umirap ako. Ang lakas pa ng loob na mag-deny!
"Stop acting as if you don't know what I'm saying." mahina kong sambit. Napamura ito.
Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong kinuha. Tinext ako ni Trigger kung nakita ko na ba raw si Klaude. Nagreply naman ako ng oo.
Pagkatapos kong masend ang message ay agad hinablot ni Klaude ang cellphone ko. He switched it off and threw it in the backseat.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" galit na galit kong tanong. Napalingon ako sa likod. Nasa lapag ang kawawa kong cellphone.
"What? You're texting your boyfriend? Humihingi ka na ba ng tulong?" mapait ang pagkakasabi nya noon. Lasang lasa ko. Akala mo ay nag-almusal ito ng ampalaya kaya naging bitter sa lahat ng bagay.
He's being unreasonable. Hindi ko na alam kung paano pa makikipagtalo roon. Nanatili nalang akong tahimik hanggang sa makarating kami sa kanyang bahay.
Ako na mismo ang nagbukas ng pinto sa aking tabi at mabilis na lumabas. "Now what?! Sabihin mo nalang kasi kung anong kailangan mo para makauwi na ako!"
Sinundan ko ito ng lakad at nang hindi ito sumasagot ay hinila ko paharap sa akin ang kanyang katawan.
"Huwag kang paulit ulit, Thyrile! Sinagot ko na iyan kanina!"
Bwisit na bwisit ako. Hindi ko kailanman naisip na makakabalik pa ako rito sa kanyang pamamahay. Ang bahay na iniisip kong titirhan ko dati. How funny. Ngayon ay kinamumuhian ko na ito pati ang may ari nito.
"Sit there." iminuwestra nya sa akin ang upuan sa kanyang living room. Nanatili lang akong nakatayo malapit sa pinto. Why would I follow him?!
Naiinis ako kapag nag-uutos ito na para bang ako pa rin ang Thyrile na patay na patay sa kanya dati at susundin ang lahat ng iuutos nya.
Lumingon ito sa akin ng hindi ko sinunod ang kanyang sinabi. Napahawak ito sa kanyang noo at pinagpatuloy na ang paglalakad palayo sa akin.
Ilang minuto pa ay bumalik din ito dala ang isang tasa ng kape. Nilapag nya iyon sa babasaging lamesa bago lumapit sa akin.
Hinubad nya ang kanyang coat at ipinantaklob sa aking likod.
"I don't need this." kinuha ko iyon ay hinagis sa tabi. Kita ko ang pagkainis sa mukha nito ng pulitin iyon at walang galang na inihagis pabalik sa mukha ko. "Bastos!" turan ko at pinanlisikan ito ng mata nang maialis ang coat sa mukha ko.
"That fucking dress!" narinig kong sambit nito bago naupo sa couch.
Napatawa ako ng sarkastiko. "Now, you're mad at my dress. Great!" lahat nalang ay pinapansin nito sa akin!
Sumimsim ito sa kapeng hawak bago ako pinukulan ng tingin. That deep eyes. Mas lalo ata iyong nagiging madilim kapag nagagalit sya.
"What kind of dress is that?! Look at you, Thyrile! Iyan ba ang natutunan mo sa ilang taong pagkawala mo? You can do better than that." mapanuya nitong sabi. Pigil na pigil ang galit ko. Kanina ay galit ito sa pag-iwan ko sa kanya. Ngayon naman ay galit na ito dahil sa aking damit.
"I see nothing wrong with my dress. And I can wear anything I want. Huwag mo akong pakealaman." humalukipkip ako sa gilid. Tinignan ko ito ng masama. Ano bang ginagawa ko rito sa pamamahay ng bwisit na lalakeng ito?!
"Everything's wrong with your dress. You want to show off your body? Then get naked infront of me. Ako ang titingin sa katawan mo."
Nag-init ang mukha ko. I don't know what to say anymore. Sa bawat salitang binibitawan nito ay tumatagos sa puso ko. Parang lahat ng pinaghirapan kong gawin sa loob ng ilang taon ay madali lang nyang nasira ngayong gabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top