KABANATA XXI
KABANATA XXI
"I'm sorry." wika ko kay Trigger habang nakaupo sa sofa ng kanyang condo. Kanina pa ako nito pinapagalitan. Wala na akong mapuntahang iba kagabi. After I stormed out from that club last night, hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa aking buhay.
"Fuck that, Thyrile! Dapat ay sinabi mo sa aking ayaw mong umalis ng bansa para natulungan kita hindi itong maglalayas ka! Tita Francia was so worried about you! Everyone is!" niyakap ko nalang ang dalawa kong binti.
Balisa ako. The problem circulating in my mind's been eating up my thoughts that I barely couldn't talk. "Sorry." ulit kong muli.
Marahas na napabuntong hininga si Trigger. Hindi ako nagsalita tungkol sa nangyari. Hindi ko pinaalam na ginusto kong makipagkita kay Klaude at hindi iyon natuloy. Wala akong sinabi tungkol sa nangyari sa akin kahapon. Everything failed. I was a failure.
"Kumain ka na." mahina nitong sabi bago pumunta sa kanyang kusina. Sinundan ko ito ng tingin. I'm not hungry kahit wala pa akong kinakain na matino simula kagabi pa. Somehow, wala na akong maramdaman na kahit ano.
Nilapagan ako ni Trigger ng pagkain sa lamesa. Tinignan ko lang iyon. "Mamaya na ako kakain."
Nagkatitigan kami. Matalim ang mga mata nito. Wala akong lakas para manlaban sa tingin nyang iyon kaya mabilis akong nag-iwas at yumuko. "You tell me the problem. Hindi ganito. Lalong mag-aalala ang Tita 'pag nakita kang mukhang wala sa sarili."
Nanatili akong tahimik. Tumabi ito ng upo sa akin. Isa na namang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya. "I contacted Klaude yesterday. Tumulong syang hanapin ka."
Gustong kong matawa. Kaya pala nasa club sya kahapon. Hinahanap nya pala ako. Kaya pala nakikipag-halikan lang sya sa ibang babae. Anong klase ng istilo iyon ng pagtulong?
"Sinabi ko nang nahanap ka na." Trigger added. Pinikit ko ang aking mata at dumuko. Tinago ko ang aking mukha sa mga tuhod ko. "Thyrile..." hinagod ni Trigger ang likod ko. Lumandas na naman ang luha sa mata ko. The pain's still here. Hindi sya mawala wala. Sobrang sakit isiping naloko ako ng taong mahal na mahal ko.
"I'm okay, Trigg. Please leave me."
Kinahapunan ay naisipan ko nang bumalik sa bahay namin. I drove alone. Ayoko nang magpahatid kay Trigger though he insisted on escorting me back. I wanted to be alone. Gusto kong mag-isip isip pero hindi ko alam kung saan o paano ko sisimulan.
My Mom was so damn worried about me. Even my cousins and my Lolo. Walang may dapat na makaalam ng nangyari sa akin kahapon. Even that beast Klaude!
"Thyrile!" pagbaba ko palang ng aking sasakyan ay sinalubong na ako ni Mommy ng yakap. Umiyak ito sa balikat ko. Na-guilty ako sa ginawa kong katangahan. Just for a guy, nagawa ko ito. Dahil lang desperada akong makasama sya.
I hate myself for being this fucking stupid. Nagagalit ako sa sarili ko dahil nagawa kong magkaganito para sa isang lalakeng hindi naman pala ako mahal.
"Hindi ko na po uulitin. Don't cry, Mom. I'm sorry." humigpit ang hawak nito sa akin. Pagkahiwalay namin ay ngumiti ito habang naluluha luha. Ako ang nagpunas ng basa sa kanyang mata.
Iginiya na ako nito papasok sa aming bahay. Malungkot ang mukha ko habang nakatingin kay Mommy. Halos hindi na ito tumitigil sa pag-iyak.
"Sinabi ko na sa Daddy mo na hindi ka aalis ng bansa. Just don't do that again. You're my only child. Hindi ko na alam kung anong gagawin kapag nawala ka pa sa amin."
Dinurog non ang puso ko. Simula bata palang ako ay binibigay na sa akin nina Mommy at Daddy ang gusto ko. Kahit na isa akong sakit sa ulo ay hindi ito nagsasawang patawarin ako. I became spoiled lalo na't nag-iisa lang akong babae sa mga apo ni Lolo. Everyone loves me so much.
Sa tingin ko ay ngayon na ang tamang oras para sundin ko naman ang gusto nilang mangyari para sa akin.
"No, Mom. I would like to go abroad. Kuhaan nyo na ako ng plane ticket. Gusto ko nang umalis as soon as possible." seryoso kong wika. Napatigil ito saglit at parang inuunawang mabuti ang sinabi ko.
"I thought you wanted to study here? Paano na si Klaude anak?"
"Don't tell Klaude. Huwag nyong sabihin sa lahat na aalis ako."
Ilang mga tanong ang binato sa akin ni Mommy. Alam kong gulat sya dahil sa pag-iiba ko ng isip pero di kinalaunan ay pumayag din itong kuhaan ako ng ticket. Mauuna akong pumunta sa ibang bansa. Nakipagkasundo rin ako na dapat ay hindi ito kailanman malalaman ni Klaude.
Mom didn't asked why. Basta ay pumayag nalang ito. Sinabi kong pagtakpan ako sa ibang tao at huwag sabihing pupunta akong ibang bansa para mag-aral.
"Daddy! I'll be going!" tumakbo ako pababa sa aming hagdan habang sinusuot ang aking jacket. Bitbit ko sa isa kong balikat ang aking bag.
Luminga linga ako sa paligid. Inayos ang pagkakasukbit ng bag sa aking balikat at pumunta sa kusina. "Where are you going, Thyrile?" tanong nito habang may nilulutong mabango.
"Gym." humalik ako sa pingi nito. "No carbs please, Dad." I pouted my lips. Tumawa ng bahagya si Daddy sa akin.
"You're already fit, Thyrile. Pinagtitinginan ka na ng mga lalake rito. You draw so much attention all the time." hinalo nya ang kanyang niluluto. Tumawa ako habang papunta sa refrigerator para kumuha ng tubig.
"Dad! I don't want their attention. Hindi ko gustong magpapansin." lumingon sa akin ang Daddy. Tinaasan ko ito ng dalawang kilay at nag-ok sign sa kanya.
I go to gym every Saturday. Nakasanayan na. Ang dati kong patpating katawan ay naging maganda dahil sa pag-gy'gym ko. Mahigit ilang taon na rin akong customer dito kaya kilala na ako ng mga tao.
I don't even care about my body before. Ngayon ay malakas na ang loob kong pumunta sa iba't ibang sikat na beach resorts dito ng naka-two piece. I worked so hard to achieve this body kaya bakit ko ikakahiya iyong ipakita sa ibang tao?
Nag-stretching muna ako bago ako pumunta sa treadmill. Ipinasak ko ang headset sa aking tainga bago mabagal na tumakbo.
Mahigit siguro dalawang oras lang ang nilagi ko roon. "Bye, Jacky!" wika ko roon sa dati kong trainer.
"Guess what? Here's another flowers for you." itinaas nito ang hawak na pulang rosas. Kumunot ang noo ko sa kanya bago naiiling na kinuha iyon.
"Thanks." walang buhay kong sabi at inisiksik na iyon sa aking bag. Umalis na ako ng gym. Bukas ng gabi ay may dadaluhan akong isang pagtitipon. Imbitado ang ilang malalaking pangalan dito sa bansa.
Matapos kong makapag-aral ng aking Masteral at makakuha ng Cum Laude ay iba't ibang kompanya ang gustong kumuha sa akin dito. I declined some of their offers. May isang kompanya akong nagustuhan at doon ako pumasok.
Wala namang kaso kay Daddy kahit hindi ako magtrabaho para sa kompanya namin. My cousin Tryck handled it. Hindi na ako kailangan dahil gumaganda na at lumalago ang negosyo namin lalo na sa Pilipinas.
Ilang taon na nga ba ang nakalipas simula ng umalis ako sa bansang iyon? Four? Five? Ugh, I lost count. Masyado nang matagal. At ang rason ng pag-alis ko roon ay tinatawanan ko nalang ngayon. The immature me back then was laughable.
"Kuya! Are you really getting married?!" halos pasigaw na tanong ko habang kausap ito sa skype. Naibaba ko ang hawak kong mga papel at mariin syang tinignan sa monitor ng aking computer.
"Yes, Thyrile. You should go back here. Ayokong mawala ka sa kasal ko." nakangiting sabi nito. Pumalumbaba ako at sumimangot. Sumandal ako sa aking swivel chair at ngumuso.
"Hindi na ako ang paborito mong babae." nakita kong sumilip ang kanyang girlfriend--- Or should I say fiance sa kanyang likod. Pinamulahan ako ng mukha. What am I saying? I am 25 years old for God's sake! "Kidding!" bawi ko.
"You'll always be my favorite girl." ngumiti ako. Marami nang nagbago. My cousin's getting married. Trigger's having a girlfriend and so as Trey. Everyone around me is getting inlove. And as for my age, hindi pa naman ata masama ang pagiging NBSB ko hanggang ngayon.
"Alright, we'll see kung makakauwi kami r'yan ni Daddy."
I just grew up but I'm still the same spoiled Thyrile. "I'll wait."
Hindi sumagi sa isip ko kailanman na umuwi pabalik ng Pilipinas. Kontento na ako sa buhay ko rito. I imagine myself getting married here and having a family.
Though inaamin kong gustong gusto kong umuwi dati dahil sobrang nami-miss ko si Klaude. He wouldn't get away from my system for a year. Siguro ay dahil bata pa ako noon kaya mabilis akong ma-attach sa ibang tao.
Pero ngayon ay hindi na. I'm matured enough to realize that people can easily break out from your life. Na walang permanente sa mundo. Lahat ng tao ay kaya kang saktan at iwan. It's for you to accept that fact. It's for you to handle the pain.
"Excuse me, Ma'am Sante Niego, your next meeting will start in 15 minutes. The board's already in the meeting room." paalala ng aking sekretarya. Tumango ako rito. Lumapit ito sa aking table para kuhain ang mga papeles na inabot ko sa kanya.
Tumayo ako at kinuha ang coat na nakasampa sa aking swivel chair. Sinuot ko iyon habang papalabas ng aking opisina. "What's my schedule for tomorrow?" tanong ko sa nakasunod sa aking sekretarya. Binuksan nya ang kanyang notebook at inisa isa ang mga dapat kong gawin.
Hinilot ko ang aking noo. Masyado pala akong maraming gagawin. Paano ako makakahanap ng oras para maka-balik ng Pilipinas? I shouldn't be absent on my cousin's wedding.
Kailangan ko pang bakantehin ang araw ng kanyang kasal at tapusin na agad ang mga plano ko ng maaga. And after that, tsaka lang ako pu-pwedeng maka-alis dito.
Pagkabukas sa akin ng pinto sa meeting room ay isa isa ko nang binati ang mga taong naroroon. Tinignan ko sila isa isa at nginitian. My job here is done. Naayos ko na ito kahapon pa noong pumunta ako sa isang party ng kilalang tao.
We talked about business. Doon din ako nakipag-negotiate and good thing na may mga interesado sa aking sinabi. The meeting today talks about our new established branch near the city. Kumukuha ng ilang investors doon. Maraming bagong empleyado ang kailangan at iilang mga batikan na sa pagta-trabaho.
Isa lang ako sa mga nakinig sa ipinrisentang plano. Nagbigay rin ako ng ilang suhestyon. Lahat naman ay sumang-ayon at pinuri ang sinabi ko. "Thank you, Ma'am Thyrile." wika sa akin nung nag-report bago ako umalis.
"It's no big deal. I'm just doing my job." dahil sa akin ay medyo gumaan ang kanyang trabaho. It's nothing to me. Talking to aspiring clients is easy for me. Ganito pala ang ginagawa ni Klaude dati. No wonder why he became the master of disguse. Nahasa ata ang dila nya sa pakikipag-bolahan sa mga ka-sosyo nya sa negosyo.
Gabi nang makauwi ako sa trabaho. Wala pang tao sa bahay. Ang Daddy ay baka nag-overtime pa sa kanyang trabaho kaya baka maya maya pa iyon makakarating. I took a shower bago ako lumabas sa aking bathroom ng naka-tapis lang.
Nakita ko ang rosas na ibinigay sa akin ni Jacky noong sabado sa gym. Wala iyong kahit anong sulat na naka-attach doon at ilang araw na rin itong nandito sa aking table. Umupo ako habang pinapatuyo ang aking buhok sa manipis na towel.
Maraming lalake ang nagpapadala sa akin ng kung anu-anong mga bagay simula ng araw ng aking pag-gy'gym. Minsan ay chocolate, letters at ganitong bulaklak. Most of them are approaching me and asking me for a date.
Humihindi ako. Laging lumalabas sa isip ko si Klaude tuwing may lumalapit sa aking mga lalake. Iniisip kong baka magpaka-tanga na naman ako once ma-inlove ako ulit. The mere fact of falling inlove again makes me want to vomit. Nakakadiri.
"Klaude Hendricks, huh?" mahina kong usal habang tinatype sa google ang kanyang pangalan. The last time I search him on the internet was way back years ago. Tuwing nami-miss ko sya. Ano na bang itsura mo ngayon?
Lumabas ang mga litrato nya sa google. Napatigil ako habang may isang litrato doon na kasama nya ang babaeng kausap ko dati sa club. They looked older. But hotter. Ganito na pala ang itsura mo ngayon Klaude. Still the mysterious type.
Are they married now? May anak na rin ba sila?
Napailing ako. Ano namang pakealam ko. I closed the tab and smiled. Malalaman ko naman iyan kung babalik akong Pilipinas. My anger for him didn't vanished. Hindi ko pa rin nakakalimutang bumawi sa lahat ng katarantaduhang ginawa nya sa akin dati.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top