KABANATA XVII

KABANATA XVII

I hate you, Klaude! Walang hiya! Pagkatapos kong hugutin ang lahat ng lakas ng loob ko para sabihin sa kanyang hinalikan ko ang labi nya kagabi ay pagtatawanan lang pala ako nito! Halos pumutok na sa pula ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"I'm sorry, Thyrile. I can't help it, you're just so cute." natatawa nitong wika.

Tumayo ako at naglakad lakad sa loob ng kanyang opisina. Pinagmamasdan ko ang lugar habang sya naman ay nakasunod lang sa akin habang nakapamulsa ang isang kamay.

"Cute? Ano ako, bata?" nilingon ko ito para irapan.

Tumigil ako sa malaking bintana kung saan tanaw nito ang mga building sa paligid ng lugar. Parang ang liliit lang nito tignan dahil masyadong mataas ang pwesto ko ngayon. Ang ganda pala tignan ng lugar na ito. Hindi katulad sa amin na puro puno ang makikita.

"I'm sorry okay? Don't get mad at me. Harapin mo na ako." muli ko itong nilingon.

Tinignan ko sya sa kanyang mata na parang sumusuko na. Napabuntong hininga ako bago nito inabot ang aking kamay.

Naputol ang pagtititigan namin ng tumunog ang cellphone sa aking bulsa. Muntik na akong mapairap dahil sa inis at kinuha na ito.

"Yes, Mom. What do you need?" bungad ko rito.

Iginiya ako ni Klaude papunta sa couch at doon kami naupo. Nakatingin lang ito sa akin habang nakikipag-usap ako kay Mommy.

("Dumating na raw r'yan ang driver. Buksan mo na yung gate. Kanina pa raw iyan bumubusina.") iritado nitong wika sa akin.

Nagulat ako. Agad agad? Ganon ka sila ka-excited pauwiin ako?

"Mommy, wala ako sa bahay. Nandito ako sa office ni Klaude. I already delivered the documents." narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya.

("Okay. Should I ask the driver to fetch you? Tapos na ka ba r'yan?")

"Yes, thank you. Pauwi na rin ako." ibinaba ko na ang phone at muling tumingin kay Klaude. "It seems like, ngayon ang uwi ko sa probinsya." nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.

Bumagsak ang dalawa kong balikat. Ayoko pa sanang umuwi roon.

"Don't worry about it." hinila ako ni Klaude papunta sa kanya. "Susundan kita. Hintayin mo ako roon."

Biglang umaliwalas ang mukha ko. Ngiting ngiti ako habang tinitignan ang mga mata nya. Kulang nalang ay bumuka ang langit at maniniwala na talaga akong hinulog si Klaude ni Lord dito sa lupa para sa akin.

"Gagawin mo talaga 'yon para sakin?" hindi makapaniwalang tanong ko.

I would like to hear him say it again. Na susundan nya ako. Para akong kiniliti ng kanyang salita. Grabe, napaka-babaw ko talaga pagdating kay Klaude.

"I do not trust Hanzen. He's a threat." napa-nganga ako.

Hindi kailanman sumagi sa isip ko si Hanzen. Ngayon nalang ulit.

"He's not. Matagal ko na iyong hindi pinapansin at sanay na iyon sa mga pambabara ko." nginitian ko ng tipid si Klaude pero ayaw nitong magpa-awat.

Ayaw nya kay Hanzen simula nang matapos ang karera nila sa kabayo dati.

I couldn't blame Klaude. Hindi rin naman kasi talaga maganda ang inasal ni Hanzen noong mga panahong iyon.

Saglit pa kaming nag-usap tungkol sa pag-uwi ko sa probinsya. Nakatanggap ako ng text message mula kay Mommy na nakarating na ang driver kaya hinayaan na ako ni Klaude umalis. I know he has loads of work to do. Nagpapasalamat pa rin ako at itinigil nya iyon pansamantala para makausap ako sa mga walang kwentang problema ko sa buhay.

Papunta na sana kami sa elevator ng ilabas non ang secretary ni Klaude na humahagos ng takbo. Napatigil ito ng makita kami at parang nabalisa pa saglit bago tumingin sa kanyang boss.

"Sir Klaude. Si Ma'am Rachel po, nasa baba. Andoon din si Sir Kreed tsaka si Ma'am Elean---" hindi na natapos ang sinasabi ng kanyang sekretarya ng bigla na akong hilain ni Klaude papunta sa elevator.

Magkahalong gulat at galit ang ekspresyon nito.

Halos masira na ang button ng elevator kaka-pindot nya rito ng makarinig kami ng isang malakas na pagputok. Saan nanggaling iyon?

"Hey, Klaude. Calm down." saktong bumukas ang elevator.

Sumunod ako sa lakad takbo nyang ginawa. My jaw almost dropped when I saw blood scattered on the floor. Ang babaeng kaninang pinagseselosan ko ay duguan na nakaupo sa lapag yakap ang isang lalake.

Hindi ako agad naka-galaw. Takot ako sa dugo. Pakiramdam ko ay bigla akong namutla at nahilo. Pinanood ko nalang si Klaude habang tinutulungan nya ang lalake para buhatin. May isang babae sa di kalayuan na nagwawala.

Wait! Hindi ko ito maproseso sa utak ko. What the hell is happening here? Namalayan ko nalang ang sarili ko na tinutulungan ang babaeng kausap ni Klaude kanina para tumayo.

"Let's go to the hospital." that's what my instincts are saying.

Hinila ko na ito palabas. Saktong nakita ko roon ang driver namin sa harap na nakatayong naghihintay. Napatayo ito ng tuwid ng bumaling sa akin. I get the keys from my pocket.

"This is the house key and money. Akin na ang susi ng sasakyan."

Sa sobrang taranta siguro nito ay mabilis na nyang ibinigay sa akin ang susi ng sasakyan. Pinasakay ko ang babae sa sasakyan at ako na mismo ang nag-drive. Pinaharurot ko ito. Pilit kong sinusundan ang sasakyan ni Klaude sa harap.

Who would have thought? Marunong pala akong mag-drive ng ganito kabilis! Siguro dahil na rin sa sobrang kaba kaya ginawa ko talaga ang lahat ng makakaya ko para masundan ang sasakyang iyon.

"Shit! Alam ko ang ganitong mga kwento! Napapanood ko 'to sa tv! 'Yang mga ganyang klase ng babae ay dapat binubulok sa kulungan! Kung ako ang nandoon sa pangyayari kanina ay hindi ako magdadalawang isip na ihampas sa kanya ang baril para matauhan sya!"

"Thyrile, calm down. Sit beside me." mahinahong wika sa akin ni Klaude.

Napailing ako. Naikwento nya ang nangyari. Ilang oras na kaming nandito sa ospital. Pati ang babae kaninang nagngangalang Eleanor ay nahimatay.

"Yang mga ex na 'yan talaga ay sakit sa ulo!" galit ko pang sabi habang nakaupo sa tabi ni Klaude.

Tahimik ito ng una kaming magkita. This is not the right time to go back in the province. Kailangan ako ni Klaude. I will stay here in Manila.

Hinawakan ni Klaude ang kamay ko. Malamig ang kanyang kamay. Hindi pa kami nakakauwi mula kanina dahil naghihintay kami rito. Ang sabi ay paparating na rin daw ang ibang kapatid ni Klaude. I don't remember their names.

"Thyrile, you should go. I'll just text you. Kailangan mo nang magpahinga." biglang sabi ni Klaude at tumayo sa aking harap.

Marahas kong iniling ang ulo ko. Ayoko pa! Sasamahan ko sya rito.

"No! I will stay here!" ilang minuto kaming nagtalo.

Pati ang cellphone ko ay kanina pa nagvi-vibrate dahil sa pagtawag sa akin ni Mommy. Hindi ko lang ito sinasagot dahil ayokong pauwiin nya ako. Sigurado naman akong sinabi na ng driver namin na kinuha ko ang sasakyan mula sa kanya.

"It's better if you go." nasaktan ako sa mga salita nya.

Gusto kong makipag-away pero dahil sa sitwasyong kinakalagyan nya ngayon ay uunawain ko nalang sya.

Hinatid nya ako hanggang sa aking sasakyan at pagkauwi ko sa amin ay pinaulanan agad ako ni Mommy ng sermon. Maaga syang umuwi dahil sa akin. Akala nya ay nagrerebelde ako at gusto nang tumakas. Pinaliwanag ko naman sa kanya ang nangyari. Humingi rin ako ng sorry sa driver namin matapos ko malaman na pinagalitan din pala ito ni Mommy.

"Bukas na ang alis ko. How about you? Is your brother okay?" wika ko habang nakahiga sa aking kama.

Naka-loudspeaker ang phone ko dahil tamad akong hawakan ito.

("Yes. The doctors said that the shot is not that deep.") napahinga ako ng malalim.

"How about Eleanor? Is she okay? Her baby?"

("They're alright. Salamat sa pagsakay sa kanya papuntang sasakyan. Nakalimutan ko kayo dahil sa sobrang pagmamadali.")

"Nah, it's okay. Mabuti at nakuha ko ang sasakyan namin."

Kung babantayan ni Klaude ang kapatid nya sa ospital hanggang sa gumaling ito, then that would mean na hindi pa ito makakasunod sa akin agad sa probinsya.

"Let's call again tomorrow. Alam kong pagod ka. You should rest." wika ko rito.

("Thank you, Thyrile. I'll call you tomorrow, okay?") kinagat ko ang labi ko habang iniisip ko na boses na lang ni Klaude ang mararamdaman ko simula ngayon.

It kinda feels heavy to me. Ayaw pa rin talaga mag-sink in sa utak ko na uuwi na ako.

Umaga ako umuwi kinabukasan para sana mga hapon ay makarating na ako sa hacienda. I texted Klaude when I woke up, noong paalis na ako at hanggang sa makarating ako sa amin. Paulit ulit kong tinitignan ang phone ko. Hindi na rin ito naka-mute para kapag nag-text sya ay maririnig ko pero ni isang text ay wala pa rin akong natatanggap mula sa kanya.

"Lolo, I miss you!" yayakapin ko na sana ang Lolo ng umiwas ito sa akin. Napatigil ako dahil doon at ang mukha kong masaya ay napalitan ng kalungkutan. "Hindi mo ba ako na-miss, Lo?" muli kong sabi pero hindi ito sumagot bagkus ay pumanhik na sa hagdan at tinalukuran ako.

"Magpahinga ka na muna, Thyrile." wika ni Kuya Gaige.

Malungkot ko itong nginitian. What's with them? Akala ko ba ay gusto nila akong pauwiin dito?

"May problema ba ang Lolo? Sinalubong nya lang ako pero hindi nya ako binati."

"He's just tired, Thyrile. Maraming problema rito sa hacienda nitong mga nakaraang linggo." biglang sabat ni Trey sa gilid.

Napatingin ako sa kanya pero agad itong napatingin kay Kuya Gaige at biglang umiwas.

Tinignan ko ang dalawa ng may pagtataka. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"Why? Anong naging problema?" si Kuya ang hinarap ko.

Hinaplos nito ang likod ko at binuhat ang aking maleta. "You should go upstairs. Ipapabuhat ko nalang ito sa kasam-bahay." kumunot ang noo ko.

"Kuya, ano ngang problema?" medyo iritado ko nang tanong. Parang may iniiwas sila sa akin.

"Nothing, Thyrile. Umakyat ka na." matagal kong tinitigan si Kuya. Si Trey naman ay tahimik lang sa tabi at hindi na muling nagsalita pa.

Umakyat na ako katulad ng inutos sa akin. Nagpalit ng damit at hinintay ang alas syete bago tumawag kay Klaude. Ilang ring lang din naman ay sinagot na nya ito.

"Why aren't you replying to my texts? Marami na akong sinend pero ni isa ay wala akong natatanggap mula sayo." maktol ko agad.

("I'm sorry, Thyrile. Busy ako. Nagsasampa ako ng kaso laban sa bumaril sa kapatid ko. Lahat ng trabaho sa kumpanya ay sa akin din napataw. I will attend Kreed's meetings and finish some of his papers hanggang mamaya pagkauwi.")

Hindi na ako nakapag-salita. Ano pa nga bang magagawa ko? He's a busy person. Ako na walang ginagawa ay taga-hintay lang sa kanyang libreng oras. Who am I to demand time from his busy sched?

"Okay, I understand. Tawagan mo nalang ako kung may free time ka. Goodbye."

Nanlumo ako habang binababa ko ang phone. Tumayo ako mula sa aking kama at lumabas ng kwarto. Nadaanan ko ang pinto ni Trey kaya naisipan kong katukin ito. Pinihit ko na agad ang pinto kahit hindi pa ito sumisigaw na pwede na akong pumasok.

"Can I disturb you?" mukha ko lang ang nakapasok mula sa maliit na awang sa pinto. Napatingin ito sa akin. Ngumiti ako at lumakad na papasok. "Busy kasi si Klaude, maraming ginagawa. I don't know what to do kaya rito muna ako."

Inilingan ako ng aking pinsan. "Anyway, ano ba yung binanggit mo kanina na problema? Is Lolo mad at me? Hindi lang naman ako umuwi rito because I have loads of work to do in Manila. Tumutulong ako kay Mommy sa pag-aayos ng ilang papel."

Humigop si Trey mula sa tasang nasa tabi ng kanyang table at tumingin sa akin ng seryoso.

"We both know that you are lying, Thyrile. You just stayed in Manila because of Klaude."

Napa-ayos ako ng upo at tumikhim. How did he knows about that? Akala ko ba ay pinagtatakpan ako ni Mommy?

"I-isa lang iyon sa mga dahilan, Trey. Alam mo naman 'yan diba?" pilit ko 'tong nginitian. "Maganda pala roon. Maraming matataas ng buildings. So how was Lolo again? Bakit sya napagod dito?" pag-iiba ko sa usapan.

Kumakalabog na ang dibdib ko. I can't trick my cousin. Masyado itong tuso. Sa kanila sigurong tatlong magkakapatid ay si Trey ang masasabi kong pinaka may utak. Mahirap itong bilugin dahil walang sino man ang nakakabasa sa kanya.

"Nagtatampo lang iyon sayo." minasahe nito ang kanyang noo. Napatango ako.

"Pupuntahan ko na muna ang Lolo. Lalambingin ko lang." tumayo na ako at nang pipihitin ko na ang pinto para makalabas ay bigla akong napahinto sa sinabi ni Trey.

"You should stop chasing Klaude, Thyrile. Isa sya sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng problema ang hacienda."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg