KABANATA XVI
Dedicated to @LightningAmber11 because of her sweet message on my wall <3 Thank you for reading this!
KABANATA XVI
"Ako nang bahala rito, Simeon. Iwan mo na kami." wika ko kay Simeon at magalang naman itong lumabas ng kwarto ni Klaude.
Ngayon ko lang napasok ang kwarto nya. The last time I went here was months ago. Nakakapanibago. Nandito na naman ako sa kanyang mansyon.
Tumabi ako sa kama kung saan nakahiga si Klaude. Nakapikit pa rin ang mga mata nito. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
Tinanggal ko ang suot nyang coat. Pati ang sapatos at kanyang medyas ay inalis ko na rin. I'm tempted to unbotton his polo shirt kaya dalawang butones lang doon ang tinanggal ko. Humiga ako sa kanyang tabi at pinagmasdan ang kanyang mukha.
"I'm so sorry, Klaude. Maybe I shouldn't have done this after all. Gusto ko lang naman makasama ka ng mas matagal na oras. God knows how I miss your touch, your kiss and you." hindi ko na alam, pakiramdam ko ay hibang na talaga ako.
Ipinagtapat ko ang aking noo sa noo ni Klaude. Just one kiss, please. One kiss is enough for me to ease this pain. Kahit isa lang para mapunuan yung pagkukulang dito sa dibdib ko.
Unti unti kong inilapat ang labi ko kay Klaude. It was a smack. Ang balak ko pa nga sana ay lapain ito noong una pero dahil nagu-guilty na ako ay hindi ko na ginawa.
I should be contented for that one second kiss. Niyakap ko si Klaude at ipinikit na ang aking mata.
"Thyrile, can you pass this to Klaude? Magdi-dinner naman kayo mamaya hindi ba?" pumasok si Mommy sa kwarto ko at may iniabot sa aking mga papel. Nangunot ang noo ko at nilapitan sya.
"Ano 'yan?" binuklat ko ang mga pahina non. Tungkol ata ito roon sa pag-aangkat ng produkto sa kanila.
"Alam mo na ang gagawin mo r'yan. Mag-oovertime ulit ako sa trabaho. You should lock the house before you leave." naka-ayos na si Mommy. Papunta na ito sa kanyang trabaho.
Tinanguan ko nalang ito kahit hindi ko pa talaga alam ang gagawin dito sa ibinigay nyang mga papel.
"And oh, Trigger said that you wanted to go back in the province. Susunduin ka rito ng sasakyan." nagulat ako sa tinuran ni Mommy.
"What, Mom? Pumayag ka? I thought you wanted me here?" nagpapaawang wika ko.
Trigger really has his ways. Kapag talaga sinabi nya ay ginagawa nya.
"Sorry, Thyrile. Your Dad and I talked yesterday. Sinabi nyang mas mabuti kung sa probinsya ka muna dahil lagi akong ginagabi ng uwi at walang nag-aalaga sa iyo rito." bumagsak ang dalawang balikat ko.
Lahat nalang sila ay tinuturing akong parang isang bata.
Almost every night, palaging nale-late ng uwi si Mommy. Kuya Gaige haven't contacted me yet and even Trey. Dapat ay kinukulit na ako ng mga iyon na umuwi na so I thought everything's okay with them. And now? Kahit pala malusutan ko ang gusto ni Trigger ay hindi pa rin ako masusunod.
"Kailan daw ang dating ng sasakyan?" malungkot kong tanong.
Hoping that my Mom would pity me and chooses me to stay with her instead.
"Hindi pa napag-uusapan." hinalikan na ni Mommy ang noo ko para magpa-alam. Napatingin ako sa hawak kong papel.
Ibibigay ko na ito kay Klaude ngayon pero after what happened to us last night, parang nahihiya na akong magpakita muna sa kanya. Nagising ako ng maaga sa kanyang bahay para makaalis bago pa man sya magising. I know I sounded so pathetic.
Pagkatapos ko syang lasingin ay iiwan ko nalang sya ng ganoon. My plan didn't go that well. Dahil na rin siguro ginalit ko ang pinsan kong si Trigger kaya natauhan ako na huwag nang ipagpatuloy ang paggahasa kay Klaude.
Well, not that I'm going to rape him. Hindi ko pa rin gustong isurrender ang virginity ko sa taong walang malay. I just wanted an intense kiss. That's all.
Kinahapunan ay naisipan ko nang umalis ng bahay. Ipapaalam ko kay Klaude na babalik ako ng probinsya at ibibigay sa kanya ang papel na ito. Binasa ko ang nakapaloob dito habang nasa loob ng taxi.
Ilang sandali pa ay lumabas na ako ng sasakyan. Wearing ripped jeans and oversize crop top shirt is not a good idea when going in these kind of places. Halos lahat ng tao ay naka-formal dress or corporate attire.
Ako lang ata itong mukhang pupunta lang sa mall dahil sa suot ko.
"Excuse me, hinahanap ko si Klaude. Ibibigay ko sana itong document." wika ko roon sa front desk. Pinagtaasan ako nito ng kilay.
"Ma'am, do you have an appointment with Mr. Klaude Hendricks?" napalunok ako ng mariin. Pakiramdam ko ay minamaliit ako ng babaeng ito.
"Wala eh. Pero you see, kailangan ko talaga mabigay 'to. And I really need to talk to him." unti onti na akong nauubusan ng pasensya.
Kapag hindi nya ako pinayagan ay tatakbo ako papunta sa elevator at bahala syang habulin ako 'pag nagkataon.
"Wait, Ma'am. I'll just call his secretary. How are you related to Mrs. Francia Sante Niego?" tanong nito habang nakatingin sa dokumentong ibinigay ko sa kanya.
"She's my Mom. Representative lang ako, Thyrile Sante Niego paki-sabi. Kilala ako ni Klaude." umismid sa akin ang babae bago tumango.
Ibinalik nya sa akin ang papel at pinaupo ako sa mga bakanteng upuan sa di kalayuan. Halos itago ko ang sarili ko sa upuan na iyon dahil palaging napapatingin sa akin yung mga dumadaan.
Seriously? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong ganito ang suot? I know that I'm so out of place! Oo, ako nang kakaiba sa inyo! Stop staring at me!
"Ms. Thyrile!" tawag sa pangalan ko.
Mabilis akong lumapit sa front desk habang pasimpleng tinatakpan ang mukha ko ng papel. Sinabi nya sa akin kung saang floor ko mahahanap ang opisina ni Klaude.
Nagmadali akong pumunta sa elevator. I feel so young with these people around me. Karamihan sa mga ito ay matatanda na talaga.
"Ms. Thyrile Sante Niego?" bungad sa akin ng isang babae roon na maputi.
Sexy ang suot nitong palda na hapit sa kanyang katawan.
"Yes." ginabayan nya ako papunta sa isang kulay itim na pinto.
Pinaghintay nya ako saglit bago ito muling lumabas at pinagbuksan ako para makapasok.
Akala ko ay makakahinga na ako sa wakas dahil makikita ko na si Klaude pero parang lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makita itong may kausap na magandang babae. No, I actually think she's a goddess.
Sopistikada ang kanyang dating. Elegante ang bawat detalye ng kanyang kasuotan at hindi maitatangging mas maganda sya sa akin kahit lagyan pa ako ng koloreta sa mukha. She's stunning. Hindi ko na alam pa ang tamang salitang pupwede kong idagdag para maibaba ang self-esteem ko.
Imposibleng hindi magustuhan ni Klaude ang ganitong klase ng babae. Naiisip ko palang na wala akong panama rito ay para nang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit. Nangangatog ang tuhod ko habang nakatingin sa babaeng nakaupo sa harap ni Klaude. God! I look like a mess compared to her.
"What do you need Ms. Sante Niego?" pukaw sa akin ni Klaude.
Nagbara ang lalamunan ko. Saglit akong nablangko bago ko naisip ang rason ng pagpunta ko rito.
"I-I need the list kung anong produkto ang kukunin nyo sa amin para kapag bumalik ako ng hacienda ay maiayos ko na ang ilalabas sa inyo." garalgal kong sabi.
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Hindi ko na mapakiramdaman ang sarili ko dahil magkahalong panginginig at kaba ang namumutawi sa akin ngayon.
Pinagpalit na ba ako ni Klaude sa ibang babae? Gusto ba talaga nya ng mga mature at sopistikadang tignan?
"Maupo ka rito sa tabi ko." aya sa akin ng babae.
Hindi ko alam ang pangalan nya. I wanted to know her name pero pakiramdam ko ay masasaktan ako kapag inalam ko pa iyon.
Nag-alangan akong tabihan sya. Her smile is so innocent. Tumabi ako ng upo. Hindi ko na nga alam na kakayanin ko pa palang maglakad papunta sa kanyang tabi dahil sa sobrang nerbyos. Now, I look like a kid.
"Aalis na ako Klaude. Magkita nalang ulit tayo mamaya." dugtong pa nito.
Hinawakan ako nito sa balikat. Her touch was so soft na para akong hinawakan ng anghel galing sa langit.
Pinanood ko ang paglabas nya sa silid. Gracious, even her walk is goddamn beautiful. Para itong umaangat sa ere sa kanyang ganda.
"Thyrile..." seryosong pagbanggit ni Klaude sa pangalan ko.
Mula sa pinto ay napatingin ako sa kanya nang nakabuka pa ang bibig.
Isinara ko iyon at mabilis na nilapag ang papel na hawak ko sa kanyang harap. Sa gulo ng utak ko ngayon ay hindi ko na kaya pang pigilan ang pagluha ko.
The thought of me going back to the province and the reality of not seeing Klaude again. Yung pag-alis ko kaninang umaga sa kanyang bahay ng walang paalam. Yung babaeng nadatnan ko ritong kausap nya. What more to add?
"Nakalagay kasi r'yan na dapat nung nakaraan pa na-proseso itong papel. Ilang buwan na kasi ang lumilipas at wala pa kayong kinukuha sa hacienda kaya dinala ko ito para malaman kung itutuloy pa ba yung napag-usapan nyo ni Mommy. Pagkatapos mong mabasa at mapirmahan ay pwede nang---"
"No, Thyrile. You listen to me first." buo ang boses na saad nito.
Napatigil ako saglit. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at tumingin pa rin doon sa papel na inilagay ko sa lamesa.
"Aalis na ako pabalik ng probinsya. Kung gusto mo ay ako nalang ang mag-sasabi kay Kuya Gaige kung anong magiging desisyon mo." naramdaman ko ang pagtayo ni Klaude mula sa kanyang kinauupuan pero inunahan ko na sya at humakbang palayo sa kanya.
Magalang akong yumuko. "Sorry for wasting your time. Mukhang naka-abala pa ako sayo." tatalikod na sana ako ng pigilan ako ng mga salita nito.
"Aalis ka na naman like what you did this morning? Pagkatapos mo akong lasingin ay pababayaan mo na naman ako?" napabuntong hininga ako.
Pilit kong sinasagap ang mga salitang ibinato nya sa akin. I already expected this.
"I'm sorry." mahina kong banggit.
"Look, Thyrile. Stop crying." naramdaman ko ang kanyang kamay sa balikat ko.
Hinarap ako ni Klaude at pinunasan ang mukha ko. Ilang mahihinang mura ang narinig kong pinakawalan nito habang ginagawa iyon.
"Ako ba ang minumura mo?" galit kong bulyaw rito. Napatingala ako sa kanya. Nakakunot ang noo nito. Agad akong nag-iwas ng mata at pinalis ang kamay nya sa aking mukha. "I'll take my leave. Mukhang may pag-uusapan pa ata kayo ng babae rito kanina."
Bago ko pa man maituloy ang pangalawa kong pagwa-walk out ay mabilis na akong niyakap ni Klaude.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ka umiiyak gayong ginagawa ko naman ang lahat para intindihin ka. I should be mad at you for what you did but who am I to resist a jealous lady infront of me?"
Tinulak ko si Klaude. "Sinong nagseselos?! Not me!" kinunutan ko ito ng noo.
Fuck Klaude and his seductive laugh.
"The woman you saw here awhile ago is Lady Eleanor." hinawakan ni Klaude ang kamay ko.
Dumako kami sa kanyang table. Umupo sya sa kanyang swivel chair at hinila ang kamay ko kaya napaupo ako sa kanyang kandungan.
Pakiramdam ko ay nag-init ang buo kong katawan. Hindi lang mukha. As in buong katawan. Ngayon lang ako nakakandong sa lap ng isang lalake. Nangatog ang tuhod ko at pakiramdam ko ay ramdam nya ang abnormal na paggalaw nito.
"Ex-girlfriend mo? Crush mo? May gusto sayo o gusto mo?" hindi ko mapigilang itanong.
Ipinaikot ni Klaude ang kanyang kamay sa baywang ko at ang isa naman ay pinaglaruan ang mga daliri kong nanlalamig.
"No. She's my brother's fiancé." maiksing paliwanag nito. Natitigan ko ng mabuti ang banyagang mukhang ni Klaude dahil sa sobrang lapit namin. Sino ba ang hindi magkakagusto sa lalakeng ito? Kahit ata mga anghel ay luluhod sa angkin nyang nakakisigan. "How 'bout you explain your sudden disappearance in my house this morning?"
Napatigil ang pagsuyo ko sa mukha nito sa kanyang tanong. Napaigting ang aking bagang. Bakit sa akin napunta ang usapan?
I am not done yet with that woman. Totoo bang fiancé sya ng kanyang kapatid? Paano ako nakakasiguradong hindi nya ako niloloko?
"Nahihiya ako sayo." nakagat ko ang ibaba kong labi. Hinawakan ni Klaude ang baba ko.
"Stop inviting me to bite those lips for you." napalaki ang mata ko at ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi sa kanyang tinuran. Kailan pa nagkaroon ng ganitong side si Klaude? "Continue explaining."
Humawak ito sa kanyang sentido at nilihis ang tingin sa aking labi.
"Uhm, kasi h-hinalikan k-kita kagabi." sya naman ngayon ang pinanlakihan ng mata dahil sa narinig. "I'm so embarassed." tinakpan ko ang aking mukha. "Wala na akong mukhang maihaharap sayo matapos kong pagsamantalahan ang labi mo. I'm so sorry." nangilid na naman ang luha sa aking mata.
Magkahalong kahihiyan at pagsisisi. Hindi ko talaga dapat iyon ginawa. Dapat pala ay roon palang sa club ay nag-initiate na ako ng kiss para hindi ako masabihang nang-momolestya ng taong walang malay.
"Uuwi na ako sa probinsya. I will reflect on my sins, I promise." patulo palang ang luha ko ng bigla itong umatras dahil sa malakas na tawa ni Klaude.
What the hell? Pinagtatawanan nya ako!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top