KABANATA XV
KABANATA XV
Ipinarada ni Klaude ang sasakyan sa harap ng club. Ito rin ang parehong club kung saan ko sya unang kinausap. Lahat ng nangyari ng gabing iyon ay isa isang nag-flashback sa aking utak. Hindi ko namalayan na nakababa na pala si Klaude at nakapunta na sa pwesto ko para pagbuksan ako ng pinto.
Ngumiti ako sa kanya pagka-labas ko. "Thank you."
Sabay kaming lumakad papasok sa loob. Pakiramdam ko ay pareho lang ang mga taong nakita ko dati sa mga taong naririto ngayon. Ang tanging pinagkaibahan lang ng ngayon sa dati ay kaming dalawa ni Klaude.
What matters now is that, I'm with him. No other girl. Hindi ang babaeng kasama nya dati na gusto kong sabunutan. It's me. From now on, it'll be all about me and him.
"Klaude!" bati agad sa kanya ng isang napadaan na lalake sa amin. Nagbatian sila na parang ilang taon itong hindi nagkita. Pagkatapos ay dumako sa akin ang tingin ng lalake. I smiled. He's hot, there's no doubt about that pero loyal ako kay Klaude. "Your chick?" turo nito sa akin.
Tumawa muna si Klaude bago lumingon sa akin at ngumiti. Namula ang pisngi ko. "Not yet." tugon ni Klaude. Pareho itong humalaklak. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng lihim. "This is Thyrile. Thyrile this is my friend, Dylan."
Kinamayan ko ito. Nag-usap pa sila ng kaunti bago kami pumunta sa counter. "Marami ka palang kakilala rito?" tanong ko rito pagkaupo ko.
"Not really. Nagkataon lang." niluwagan nito ang pagkakasabit sa kanyang necktie at ginulo ang sariling buhok. Damn!
Agad akong napaiwas ng tingin. Hindi pa lumalalim ang gabi ay nag-iinit na agad ako. Kating kati na akong gawin ang plano ko.
Lumapit ang bartender sa amin. "Iceberry ang akin." nakangiti kong wika rito. Tinignan ko naman si Klaude.
"Smirnoff." simple nitong sabi bago ako hinarap. "And why do suddenly want to go here?"
"Nothing. Ang boring kasi sa bahay habang naghihintay sayo. Para maiba naman." tumango ito. He's so innocent. Naiisip ko minsan habang nakatulala ako sa aking kwarto, is Klaude not attracted to me? I mean in a sexy way? Kung magsusuot ba ako ng mga damit na revealing ay tutulo kaya ang laway nito sa akin?
Does he fantasize me the way I fantasize him in my dreams?
"We'll go home after this drink." naputol ang pag-iisip ko ng ilapag sa harap ko ang aking inumin. Napanguso ako. Not yet Klaude.
"Kahit sumayaw ba ay hindi pwede?" tumalas ang tingin nito sa akin. Tumawa ako ng malakas. Really? "C'mon! Nandito tayo para magsaya!" kinuha ko ang aking inumin at tumayo sa kanyang tabi. "Get your ass up, Klaude! Let's dance!"
Bago pa man ito maka-angal ay naglakad na ako papunta sa dance floor. Tumigil ako sa lugar kung saan nagsasayaw ang mga tao. I looked at him. Sinundan nya ako. Wala naman syang magagawa kundi sundin ako. My devilish smile welcomed him.
Uminom muna ako ng kaunti sa aking alak bago ako sumayaw ng nakatingin sa kanya. Napahinto sa paglalakad si Klaude at napailing ng nakangiti. Itinaas ko ang aking inumin. "Thyrile, are we really doing this?" natatawang wika nito ng makalapit sa akin.
"Yes! Why Klaude? Hindi ka naman siguro ipinanganak lang kahapon para hindi matutong magsayaw."
Tumalikod ako sa kanya at nagsimula na namang igiling ang beywang ko. "Thyrile!" paos na saway nito sa akin. Lalo akong napangiti. Who could resist me? Not you Klaude!
"What Klaude?" mapang-akit kong sabi. Sumabay na ito sa pagsayaw ko. Tumatayo ang balahibo ko sa bawat paglalapit ng katawan naman sa isa't isa. Mabilis kong inubos ang aking alak at inilapag iyon sa pinakamalapit na table.
Nang wala na akong hawak na kahit ano ay ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg ni Klaude. Nagulat pa ito dahil sa ginawa ko at bahagyang napatigil. "Bakit?" tanong ko rito at ipinilig ang ulo sa kanyang dibdib.
Parahas ang sayaw ng mga tao sa paligid. Kaming dalawa lang itong may sariling mundo na animo'y isang senti'ng kanta ang tinutugtog para maging ganito ang posisyon namin sa pagsayaw. Why would they care anyway? Kahit pa tumayo lang ako rito sa gitna ng dancefloor ay wala silang pakealam.
"Are you drunk, Thyrile? Isang baso palang ang naiinom mo." mapanghamon nitong wika. Tiningala ko ito at nginisian. Hinawi ni Klaude ang buhok sa aking noo. May kaunting pawis na namumuo mula roon dahil sa init na dumaloy gawa ng alak sa akin. Isama pa na napakaraming tao rito ngayon sa dancefloor.
Halos mangilid ang luha sa aking mata. He touched me! Klaude touched me again for who knows how many seconds.
"Hindi pa ako lasing. Kaya ko pang lumagok ng isa pang baso." ngumuso ako. Gusto kong lumambitin sa leeg ni Klaude sa hindi malamang dahilan. Gusto kong maupo. Gusto kong kayakap sya. Gusto kong yakapin nya rin ako.
"No. One drink is enough. Huwag kang pasaway." inubos nito ang kanyang alak. Napahiwalay ako sa kanya.
"I'll get another one. Dito ka lang!" tumakbo na ako. Susundan pa sana ako ni Klaude nang harangin sya ng kaibigang si Dylan. That's better. Umaayon ang lahat sa plano ko.
Mabilis kong tinungo ang counter. "Sminoff please." wika ko roon sa bartender. "Tsaka pahingi nga ako ng pinaka-matapang nyong alak d'yan. Kahit gaano kamahal, magbabayad ako." ngumisi muna ito sa akin bago tumango.
Hindi na ako mapakali. Baka sumunod na agad sa akin si Klaude. Pagkabigay sa akin ng inumin ay nag-alangan pa ako roon. Ganito lang kaonti? Ang liit pa ng baso. "Isa pa nga nito." turo ko roon sa ginawa nyang alak na hindi ko alam ang pangalan. "And a big glass please."
Pinagsalin ko sa isang malaking baso ang ibinigay nya. Hindi ko na talaga alam kung hindi pa malasing dito si Klaude.
Tatalikod na sana ako nang maramdaman ko ang bulto na pumigil sa akin. "There you are!" iniabot ko sa kanya ang inorder nyang alak kanina. "Smirnoff?" nakangiti ko pang wika.
"Bakit mo ako tinakasan?" umiling ako. Itinaboy ko sya at pumunta ulit sa dancefloor.
"Where's Dylan?" pag-iiba ko sa usapan. Humarap ako rito at sumayaw ng kaunti.
"Umuwi na." he took a sip from his drink. Nakatitig ito sa hawak kong baso. "What's that?"
Itinaas ko ang dalawa kong kilay bago itinapat ang inumin sa aking ilong. Muntikan akong maduwal nang malanghap ang matapang nitong amoy. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at tumalikod. Shit! Amoy palang, matapang na.
"I don't know. Itinuro ko nalang kung anong natipuhan kong pangalan doon." pagsisinungaling ko. Nagulat ako ng biglang pumwesto si Klaude sa aking harapan at mabilis na kinuha ang basong hawak ko. That's it Klaude. You're falling for my trap.
Inamoy nito ang alak at napalayo agad mula roon. "You are not drinking this, Thyrile."
Nagkunwari akong nagmamaktol. Pilit kong inaagaw ang baso sa kanya pero inilalayo nya iyon sa akin. "Sayang naman kung hindi iyan maiinom! Akin na nga kasi!" naiinis kong turan ngunit sa loob loob ko ay gusto ko nang humalaklak.
"Ako nalang ang iinom nito." pinagmasdan ko kung paano inumin ni Klaude ang alak na binitag ko para sa kanya.
"Then I'll be drinking this Sminoff." hindi naman ito pumalag ng kunin ko sa kanya ang orihinal nyang inumin. Napapangiti ako kada-napapailing si Klaude dahil sa tama ng iniinom.
Pinagpatuloy ko ang pagsasayaw. Mahigit kalahating oras na siguro kaming naroroon ng mapansin ko ang kapulahan ng mukha ni Klaude. Inilagay ko ang kamay nito sa aking beywang. Ilang maiinit na singhap ang pinakawalan nito sa likod ng aking tainga.
Mapapapikit ako kapag nararamdaman ko ang paggalaw ng kanyang kamay sa aking beywang. I can't take it anymore!
"Klaude, let's go home. Ubusin mo na iyang hawak mo." wika ko rito. Hindi na ito makasalita ng maayos. Naniningkit na rin ang mga mata nito. Ang kanyang katawan ay sumasandal na rin sa akin at nalilipat ang bigat nito sa braso ko.
"Yes, boss..." malambing nitong utas. Kaunting alak nalang ang natitira sa kanyang baso ng madag-anan ako nito.
"Hey!" mabuti nalang at nasalo ko. "Excuse me, can you help me!" tawag ko roon sa lalakeng katabi ko. Tinulungan ako nito para mapaupo si Klaude sa pinakamalapit na upuan.
Kinuha ko agad ang aking cellphone para tawagan si Trigger. Ilang ring lang din ay sumagot na ito. Nagpasundo ako sa kanya. Ala una na ng madaling araw. Umabot ng ilang minuto bago nakarating ang pinsan ko sa kinaroroonan namin.
"What happened here?" nakakunot ang noo'ng bungad nito.
"Nasobrahan ng inom?" simple kong sagot. "Tulungan mo akong iuwi si Klaude sa bahay nila. Ituturo ko sayo ang daan." napailing sa akin si Trigger bago nito binuhat si Klaude palabas ng club. May tumulong din sa aming isang bouncer.
Pagkasakay ko sa passenger seat ng sasakyan ni Trigger ay agad ko nang isinukbit ang seatbelt. Tumingin na naman sa akin ang pinsan ko. "What?!" iritadong tanong ko rito. Kung makatingin naman ito ay para akong may ginawa sa kanyang kasalanan.
"Did you made this, Thyrile? Is this planned?! Hindi maglalasing si Klaude gayong sya itong maghahatid sayo." nahimigan ko ang pamimintang sa kanyang boses. Napa-irap ako.
"Ano naman ngayon kung pinlano ko ito?" pinaandar na ni Trigger ang kanyang sasakyan. Sinulayapan ko si Klaude sa likod ng sasakyan. Mahimbing ang tulog nito. Ang pang-amerikano nitong mukha ay pula pa rin dahil sa ininom. Gaano ba katapang ang alak na binigay ko sa kanya?
"Bakit hindi ka nakikinig sa akin?! I told you to wait for his move! What did you two did while he's drunk? Did he kissed you? Masaya ka na ba?" puno nang galit nitong sermon sa akin. Napahinga ako ng malalim at matalas itong tinignan.
"Huwag mo nga akong pakealaman, Trigger! Kung alam ko lang na sesermonan mo ako ngayon ay sana kumuha nalang ako ng taxi para magpahatid kina Klaude! Hindi ko kailangan ng pangaral mo!"
Malakas na hinampas ni Trigger ang kanyang manibela. Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa ginawa nito. What the fuck is wrong with him? Akala mo nama'y napaka-linis nyang tao! Sya nga itong maraming babae rito sa Maynila!
"Kung alam ko lang na magkakaganyan ka ay sana kinaladkad nalang kita pabalik sa Huertas para mabantayan ka roon ng maayos ni Gaige!"
Nag-init ang buong mukha ko sa galit. Pinilit kong huwag na ulit kausapin si Trigger tungkol sa ganitong topic. Patuloy lang ang pagbibigay ko ng direksyon sa kanya papunta sa bahay nina Klaude.
Ilang oras lang din ay nakarating na kami roon. Mabilis kong tinawag si Simeon para matulungan akong buhatin si Klaude. Pinauna ko na ito sa kanyang kwarto. Pinagmasdan ko ang pagpasok nila sa loob ng bahay bago ko nilingon si Trigger.
"I already told Mom that I'll be sleeping here tonight. Umuwi ka na." malamig kong wika.
"You're too desperate, Thyrile." napangiti ako ng mapait dahil sa tinuran nito.
"I'm not. Two months of nothing is enough. This is not desperation, Trigger. This is taking steps forward." tatalikuran ko na sana si Trigger ng bigla akong mapahinto sa kanyang sinabi.
"You are going back in the province, Thyrile. I'll make sure of that." saglit akong hindi nakagalaw bago ko narinig ang pagsara ni Trigger sa kanyang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top