KABANATA XL

Hi Readers! Thank you sa pagbabasa ng story'ng 'to. This will be the last chapter. Let's see each other sa WAKAS! <3

KABANATA XL

"Why are you helping me? I thought you hated me?" tanong ko kay Knight. Nasa loob kami ng sasakyan. Katabi ko sya sa backseat at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. My mind's too occupied with Klaude na nakalimutan kong tanungin kung saan ako dadalhin ng lalakeng ito.

"Who told you that I hated you?" napasimangot ako. Kahit hindi nya sabihin ay ramdam ko. Ang pagdadala palang nya kay Caroline sa isla na iyon ay simbolo na, na ayaw nya sa akin. That he don't want me for Klaude.

Alam nyang magkakasira kami kaya nya ito ginagawa.

"Hate is a strong word, Thyrile. You shouldn't accuse someone of hating you when I'm actually making things easier for you. Hindi bat't ito naman ang gusto mo? Ang umalis?" tinitigan ko sya ng masama.

Kahit i-deny ko sa sarili ko ay ganon na nga ang lumalabas. Kahit itago ko ito kay Klaude ay darating ang araw na magkikita pa rin kaming tatlo. I had the opportunity to explain myself. Alam ko na kung anong mangyayari kaya dapat ay handa ako.

Noong gabi na sinabi palang sa akin ni Knight na pupunta si Caroline ay dapat nagpaliwanag na ako kay Klaude.

Ngunit hindi ganon ang nangyari. Ang nagawa ko lang ay umiyak at magsorry dahil sa ginawa ko. Maybe I was the one who caused failure to their relationship. Maybe Caroline is right. Ahas nga ata ako. Dapat ay hindi nalang ako bumalik pa rito. Klaude's life would be so much easier without me.

"I told you to stop crying." kinuha nya ang panyo sa kanyang bulsa at ibinigay iyon sa akin. Inabot ko iyon at pinunas sa mata ko. Lumingon nalang ako sa labas ng binatana. I was a failure. I failed at loving him bigtime.

"Klaude don't deserve me." mahina kong saad. I'am weak and vulnerable.

Loving should be easy. It shouldn't be this hard. Ganoon ang gusto kong pagmamahal pero hindi ganon ang ibinigay sa akin. I don't know how to handle these kinds of problem kaya kapag may pagkakataon ay tinatakbuhan ko.

I know, I'm a coward. Pero ganon ako. Hindi ako kasing lakas ng iba. Hindi ko kayang sanggain ang lahat ng pagsubok na ibinibigay sa akin. If I could run away from it, then I'll do it without any hesitation. Ganon ko gustong iligtas ang sarili ko sa sakit.

"Thyrile, you deserve no one." napatigil ako. Sa sinabing iyon ni Knight ay parang mas lalong nadurog ang puso ko. Alam kong tama sya at ang sakit non tanggapin. "You don't deserve my brother if you won't stop running away."

Humikbi ako at tinakpan ang mukha ko. "Takot ako sa sasabihin ni Caroline. Takot akong makita nya kaming dalawa ni Klaude at sabihan ako ng masasakit na salita. All my life, I've been protected by my cousins. Sa kanila ako tumatakbo kapag may nangyayaring hindi maganda sa akin. But now, I don't have anyone to lean on. Hindi ko alam ang gagawin ko. I'm so lost."

Ngayon lang ako naging malaya at nakagawa ng sarili kong desisyon na hindi nila alam. But all this time, parang lahat ng ginagawa ko ay mali. Ayoko nang gumawa pa ng kahit anong kamalian sa buhay. I'm done with all those mistakes. I'm done with all these tears.

"You can lean on Klaude if you're that scared. Let him know your worries. Walang perpektong tao. Lahat ay nakakagawa ng mali that's why there's no perfect love story." tumango nalang ako. Lahat ng sinabi nya ay tama. I just needed that.

I need a person who could point out my mistakes. Who could enlighten me with what's wrong. Siguro simula sa una ay iyon ang kailangan ko na hindi ko nakamtan.

"I don't have second thoughts that he'll leave me dahil alam kong hindi nya iyon gagawin. I never doubted him. I doubted myself."

My mistakes are crushing me down. Maybe I haven't build yet a strong me. Dahil kung oo ay sana wala ako ngayon rito.

"You look down on yourself too much. You don't have enough confidence to fight back. Iyon ang na-obserbahan ko sa iyo. But have you seen Klaude give up on you?"

Napatulala ako. Gusto ko nang pagsampal sampalin ang sarili ko. Klaude never gave up on me. When everything was falling down, he was always there beside me.

The moment I left him, he waited for me. The moment I gave up on him, he pursued me.

"There's no great love that didn't shed a tear. Nasasaktan ka dahil mahal mo sya. Umiiyak ka dahil nagsisisi ka. At dapat maging matatag ka para lumaban sa inyong dalawa."

Tumigil ang sasakyan. Lumingon ako sa labas at nakita kong nasa mansyon na nila kami. Pinunasan ko muna ang luha sa aking mata. Wala sa sariling itinapak ko ang aking paa palabas ng bumukas ang pinto. "Hindi kita inuwi para ilayo sa kapatid ko. I want you to think deeply about your actions. Ayokong sa isang mahinang babae mapunta ang Kuya ko."

Napatigil ako. Nanlambot ang tuhod ko bago ako tuluyang nakatayo. Hindi ko na nilingon sa loob ng sasakyan si Knight ngunit bago iyon naisara ay nagsalita akong muli. "Would you detest me if I stay away from Klaude?" seryoso kong tanong. Parang may kung anong bumundol sa aking dibdib.

"Of course. Hindi ko na gugustuhing makita pa ang mukha mo kailanman kung sakaling iwan mo ulit ang Kuya ko." tahimik kong inihakbang ang paa ko. Narinig kong sumarado ang pinto ng sasakyan. Naglakad ako papunta sa bukana ng mansyon.

Bago nakalayo ang sasakyan ay tinanaw ko muna ito. Now, I feel alone. Ganito ba ang parusa ng pagtakbo sa problema? Ganito ba ang pinili kong pagsagip sa sarili ko?

Sobrang sakit pero ayoko nang umiyak. May gumabay sa akin papasok sa loob. May mga bumating kasam-bahay. Ni hindi ko mangitian ang mga ito kahit na iyon ang dapat kong ginagawa.

Nararapat pa bang itapak ko ang paa ko sa mansyong ito? I feel so stupid! Parang wala na akong karapatan pang pumasok dito sa loob. At ngayon na nasa harap ako ng kwarto ni Klaude ay unti onting bumabalik ang masasaya naming ala-ala.

Simula nang una ko syang makilala hanggang sa nangyari sa isla. Maybe I'm the lucky one here. Nagkagusto sa akin ang taong dating inibig ng bata kong puso. Siguro ay malas ako sa buhay ni Klaude dahil kung hindi sa akin ay sana hindi sya nasasaktan.

I want to beg for forgiveness. I want to go back there and stay beside him. Pero huli na ang lahat. Pinagsisihan ko na ngayong hindi ako nakipaglaban sa kanyang tabi. Na naging mahina ako.

"Ma'am Thyrile?" tawag sa akin ng isang kasam-bahay. Pagkatingin ko sa kanya ay tumulo na naman ang luha ko. "Ma'am, okay lang po ba kayo?" tumango ako kahit hindi ako okay. Pinihit ko na ang doorknob sa kwarto ni Klaude.

Pagkapasok ko roon ay nagtungo ako agad ako sa kanyang bathroom. Hinubad ko ang sapatos na aking suot at pumasok sa loob ng bathtub. Hinayaan ko lang umagos ang tubig habang yakap yakap ko ang sarili ko roon.

Sa ganong posisyon ako nawalan ng malay. Malalakas na tapik sa aking pisngi ang nagpamulat ulit ng mata ko. "Thyrile?! Wake up! Godammit!" naramdaman ko nalang na umahon ako sa tubig. Halos manginig ang katawan ko dahil sa sobrang lamig. Nangangarag ang labi ko habang buhat buhat ako ni Klaude.

Anong nangyayari? Halos hindi ko maitaas ang kamay ko. Pinagmasdan ko ang mukha nya habang itinatakbo ako nito palabas ng kwarto. Napangiti ako bago ko ipinikit muli ang aking mata.

Pagdilat ko ay nasa ospital na ako. Katabi ko si Klaude na nakatingin sa akin. Pagkatama ng mga mata namin ay agad syang umalis. Gusto ko pa sanang tawagin ang pangalan nya ngunit hindi ko na iyon nagawa. Maya maya pa ay may dumating na, na doktor.

Tumingin ito sa akin at nginitian ako. Lumingon ito kay Klaude at nagsalita. "Mr. Hendricks, I recommend you to look after your wife. Especially if you're aiming to have a baby. Bawal kay Misis ang nas-stress. She needs a proper diet at huwag masyadong pag-iisipin ng mga negatibong bagay." wika ng doktor. Muli akong ginawaran ng ngiti nito. "Don't worry Misis, hindi naman ito gaanong malala. Just avoid getting stressed."

"Is that all?" tanong ni Klaude rito.

"Yes, and good thing na hindi sya nalunod at lagnat lang ang natamo nya. Yun lang. I will give you medicines for her. Pag-usapan nalang natin sa opisina ko. I'll ask a nurse to go here." naglakad na ang mga ito palabas ng kwarto. Hanggang doon lang ang usapan na narinig ko. Pagkarating ng nurse ay ang sabay na pagpasok din ni Eleanor sa loob ng kwarto.

"Kamusta ka na? Mabuti naman at nagising ka na." wika nito at may inilapag na prutas sa gilid ng aking kama. Umupo sya sa aking tabi at pinagmasdan ako. "Maayos pa ba kayo ni Klaude?" bigla nitong tanong. Napakagat ako sa aking labi at napaiwas sa kanya.

Umiling ako. "No."

"Sige, magpahinga ka muna. Kakausapin ko lang si Klaude para matawagan ang pamilya mo." patayo na sana ito ng pigilin ko ito.

"No, please. Huwag nyong tatawagan ang pamilya ko. I don't want them to worry about me. Maayos na naman ako. Lagnat lang naman ito." pinagmasdan ako saglit ni Eleanor. Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata nito.

"Kung iyan ang gusto mo." hinawi nya ang buhok ko. Kumalma ako saglit. Inayos nya ang kumot ko bago ito lumabas.

Tatlong araw ang nilagi ko sa ospital bago ako pinayagang makauwi. Diretso ako sa kanilang mansyon. May sumundo sa aking sasakyan at iyon ang naghatid sa akin kasama si Eleanor. "Nasaan si Klaude? Ilang araw ko na syang hindi nakikita."

I want us to talk. Magpapaliwanag ako kahit hindi ko alam kung saan magsisimula. I know we could start again.

"Baka busy lang si Klaude. Nagsimula na rin kasi si Kreed magtrabaho." nalungkot ako. May parte sa akin na nasasaktan sa hindi malamang dahilan. Siguro ay dahil ilang araw ko na syang hindi nagkikita? O may parte sa isip kong nagsasabing nilalayuan nya ako. I should stop being so paranoid. Baka nga busy lang sya.

Pinalis ko iyon sa isip ko. Hinintay kong mag-gabi para makauwi na sya. Inabangan ko sya sa kwarto. Nakahiga ako sa kama nang dumating sya. Patulog na sana ako dahil hindi naman ganitong ginagabi si Klaude. He usually arrive at 6 or 7pm. Ganon lang ang oras ng kanyang dating kaya hindi ko alam kung bakit sya inabot ngayon ng 11.

"Masyado ka atang ginabi ngayon?" tanong ko sa kanya. Hindi ako mapakali. Tumayo ako mula sa kama at awkward na nilapitan sya. Tumalikod ito sa akin at hinubad ang kanyang coat. Mabilis akong tumugon doon at tinulungan sya.

Isinabit ko sa aking kamay ang coat pagkahubad nya. Hindi ito nagsalita kaya sinundan ko itong muli ng maglakad ito papunta sa bathroom. Magsasalita pa sana ako ng pagsarhan nya ako ng pinto. Bumalandra sa mukha ko ang nakasarang pinto.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kanyang ginawa dahil sa gulat. Napatingin ako sa hawak kong coat. Amoy alak iyon. Amoy alak sya. Kanina ko pa napansin.

Did he drink? Sino ang kasama nya? Bakit sya uminom?

Kung kakatukin ko ba ang pinto ay maiinis sya sakin? Palakad lakad ako sa labas habang kagat kagat ang aking kuko. Hindi talaga ako mapakali. Bakit hindi nya ako kinakausap? He should be happy dahil nakalabas na ako sa ospital.

Umupo muna ako muli sa kama. Tinitigan ko ang pinto. Hinintay kong bumukas iyon at nang lumabas sya roon ay agad akong napaiwas ng tingin. He's barely naked. Tanging towel lang sa kanyang ibaba ang nagtataklob sa kanyang balat. And it's not even long enough to cover his bare chest. Dapat ay nag-bathrobe nalang sya.

But I shouldn't think of that! Bakit ba ang towel nya ang iniisip ko! Damn! I'm tempted! "K-klaude..." tawag ko sa kanyang pangalan. I saw him walking towards his cabinet. May kinuha sya roon and the next thing I knew is he removes the piece of towel that's covering his manhood.

Kahit nakatalikod ito sa akin ay nakita ko ng malinaw ang kanyang likod. Ang hubad nyang kabuuan ng nakatalikod! Napatayo ako ng wala sa sarili ngunit mabilis ding napaupo nang maisip na hindi ko alam kung saan ako pupunta.

He wore his boxers. Doon na ako nag-iwas ng tingin. "Klaude, how's work?" pinisil pisil ko ang aking daliri. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba.

"Why are you asking?" naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Lumingon na ako sa kanya. Nakita ko itong inaayos ang kanyang kumot at unan. Isinandal nya ang sarili sa unan at kinuha ang libro sa gilid.

"Wala. Natanong ko lang." napalunok ako ng malalim. Umayos na rin ako at humiga na. I covered myself with a blanket. Nakabukas ang lampshade sa kanyang tabi. Ibinuklat nya ang libro at tahimik itong binasa. "Anyway, bakit nga ba ulit ginabi ka ngayon?" naghintay ako ng ilang segundo ngunit hindi pa rin ito sumasagot. "Habang nasa ospital pala ako ay nilalaro ako ni Eleed. Ang cute talaga ng batang iyon, no? Mabuti nalang at hindi ako na-bore doon ng dahil sa kanya. Bakit nga pala hindi ka bumisita sa akin sa ospital?"

Pinilit kong siglahan ng boses ko. Sa isip isip ko ay nagwawala na ako dahil ayaw nya akong kausapin. I couldn't let my voice crack over this. Matatag ako. Kailangan kong maging malakas ng sa gayon ay hindi lang puro pag-iyak ang gawin ko.

"I'm busy with work." mahina nitong sagot. Gusto kong ngumiti dahil kinausap na nya ako but the coldness in his voice made my whole body tremble.

Hindi ako nagpa-apekto roon. I should try harder. Hindi ako dapat matakot dahil lang malamig sya sa akin. "Nasabi nga sa akin ni Eleanor. Busy ka nga talaga." hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko. In every second that passes by, parang naninikip ang dibdib ko. "Yung nangyari pala sa isla, gusto kong humingi ng ta---"

"Keep it, Thyrile." putol nya sa sinasabi ko. Nahulog ang panga ko at hindi makapaniwalang tinitigan sya. Isinarado nya ang libro at ipinatong na sa table. "Sa susunod sana na umalis ka, huwag ka na sanang bumalik pang muli para isang sakit nalang. Hindi itong paulit ulit at ginagawa mo na akong tanga."

Para akong naparalisa sa narinig. Pinatay nya ang lampshade at dumilim ang paligid. Kasunod non ang pag-agos ng luha ko. I'm sorry, Klaude. Hindi na ako aalis pang muli kaya sana pakinggan mo ako.

Tahimik nalang ako na tumalikod sa kanya. I silently cry. This is the fruit of your actions, Thyrile. Deal with it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg