KABANATA XIX
KABANATA XIX
"Narinig ko na nagkaroon daw ng peste sa mga pananim natin at marami ang nasira. Handa akong tumulong basta sa Maynila lang ako mag-aaral." pilit ko sa mga ito. Kung gusto nilang kuhain ang pinsan kong si Tryck ay kuhain na nila. Tutal wala naman iyong ginagawang matino rito kundi ang mambabae.
I'm well behaved than him. Isang lalake lang ang kinabaliwan ko sa lagpas dalawang buwan. Hindi ko alam kung bakit nila sinisiraan si Klaude. Wala akong alam dahil wala namang nagsasabi. Ang gusto pa ata nila ay ako mismo ang magtanong kay Klaude para malaman ko ang katotohanan.
At kahit makapal ang mukha ko ay hindi ko pa rin kayang komprontahin si Klaude tungkol sa problemang ito.
Natatabunan ng pagdududa ko sa kanya ang pagmamahal sa puso ko. Ilang araw na akong balisa. Hindi ko alam kung babalik pa itong damdamin ko kapag nakita ko ulit si Klaude.
"If it's because of Klaude---" hindi ko na pinagpatuloy ang sinasabi ni Trey.
"Oo, dahil sa kanya. Wala namang ibang dahilan." matabang kong sabi. Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan ng pagalitan ako ng Lolo. Muli akong napaupo at bumuntong hininga. Pinakita ko ang pagkairita ko. "What do you want me to do? Sundin ang utos nyong malayo kay Klaude? Ano ba ang problema nyo sa kanya?!" pagalit ko na sabi.
Nag-iwas ng tingin sa akin si Kuya Gaige. See? Ayaw nilang magsalita. Anong mahihita ko sa mga taong ito?
"May maliit na hacienda sa di kalayuan sa atin. Ilang taon palang ang tanda nito kaya maliit palang ang naipundar nila kumpara sa atin." panimula ng Lolo. Napawi ang galit ko at pinakinggang mabuti ang sinasabi nito. "Nang magkaroon ng peste rito ay maliit na porsyento lang ang nasira sa kanila samantalang sa atin ay halos lumubog na. Isa isa nang nagsilipatan ang investors natin sa iba't ibang lugar."
"Ang H'Corp nalang ang makakatulong sa atin dahil ang sumunod nitong target ay ang agrikultura. Sikat ang pamilya nila dahil iba't ibang larangan ng business ang gusto nilang pasukin at lahat ng iyon ay pinagtatagumpayan nila." dugtong ng pinsan kong si Trey.
Napatiim ang bagang ko. Sa hindi malamang dahilan ay kumalabog na ng mabilis ang puso ko. "Tita Francia aimed Klaude to be one of our investors. Ngunit dahil sa nakita nyang nangyari sa mga tanim natin ay umatras ito at ang maliit na hacienda nalang ang pinuntirya upang bilhin. Mas may kalidad ang mga tanim nila dahil galing pa sa ibang bansa ang mga butong itinatanim sa kanilang hacienda. Some of the investors copied Klaude's tactics kaya ang maliit na kabuhayan na iyon ay unti onting lumaki. Tinatalo na nito ang sa atin."
"No, Klaude wouldn't do that! Kakabigay ko lang sa kanya ng mga dokumento bago ako pumunta rito!" marahas kong apila.
"Dahil hanggang ngayon ay sinusuyo pa rin sya ni Tita Francia." sagot sa akin ni Trey na nakapagpatahimik sa akin. Pinisil pisil ko ang aking kamay sa ilalim ng lamesa.
"I'll talk to Klaude. Magagawan nya ito ng paraan. I know he will." mabilis akong umalis sa hapag kainan. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Lolo pero hindi ako nagpapigil. Kapag pinakiusapan ko si Klaude na sa amin nalang mag-invest ay sigurado akong papayag sya.
Somewhat, I felt relived. Ngayon ay alam ko nang hindi nya ako ginagamit para pabagsakin ang hacienda katulad ng sinasabi ni Hanzen. Bumababa lang kami dahil sa kalaban namin at dahil sa tulong ni Klaude sa kanila. If Klaude would switch to us, then the problem is already solved! Kayang kaya ko na itong lutasan.
Kung sana ay dati pa nila sinabi, baka ako na mismo ang nakagawa ng paraan para rito. But they chose to hide this to me. Wala silang bilib sa akin.
Kinagabihan ay tinawagan ko si Klaude. Ako na mismo ang tumawag sa kanya dahil kanina pa ako hindi mapakali at pinapraktis nang maigi ang aking sasabihin.
("How was your day?") bungad nito. Napangiti ako. Humiga ako sa aking kama at nagtaklob ng kumot.
"Fine. How about yours?" malambing kong tanong. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa.
("Marami akong ginawa kanina sa opisina pero dahil narinig ko na ang boses mo ay parang nanumbalik ulit ang lakas ko.")
Napanguso ako. Pinipigilan ang malawak na pag-ngiti. "Sus, bola pa."
Nagkwentuhan kami tungkol sa nangyari sa araw na iyon. Kung anong mga ginawa namin at kung saan kami naglagi. Ako lang itong pala-kwento. Nagnakaw kasi ako ng mga kamote kanina at pinaluto ko sa kasam-bahay namin. Sa kubo ko kinain ang iba kasama ang ibang trabahante namin doon.
Hindi na ako muli pang naghagilap ng impormasyon dahil sa tingin ko ay alam ko na ang lahat ng nangyayari. From the root of the problem to the solution for it.
"Klaude, can I ask you something?" buong lakas kong panimula. "May problema kasi sa---"
"Thyrile?" natigil ang pagsasalita ko ng may kumatok sa aking kwarto. Napairap ako habang tinatanggal ang pagkakatabon ng kumot sa aking katawan.
("Yes? Anong problema, Thyrile?") wika ni Klaude sa kabilang linya.
Hindi pa rin natatapos ang pagkatok sa pinto ko. "Wait, Klaude. May tao sa kwarto ko. Tawagan kita ulit." binaba ko na muna ang tawag at tumayo sa aking kama para buksan ang pintuan.
Bumungad doon ang Kuya Gaige. "Tito is calling." wika nito at iniabot sa akin ang wireless telephone. Kinuha ko iyon mula sa kanya at humilig sa pader habang nakapameywang.
"Yes, Dad?" bagot kong tanong.
("I'm going home this week. Susunduin ko kayo ng pinsan mo papunta rito.") napa-awang agad ang bibig ko.
Hindi ko agad nahagilap ang boses ko. "H-huh? Teka! Ginagawan ko na nang paraan yung problema rito, Dad! Hindi ko na kailangan pang umalis." naghurumentado na ang puso ko sa kaba. Ayokong umalis ng Pilipinas! Ayokong mawalay kay Klaude!
("Still, you need to study anak. Para sayo rin itong ginagawa ko.") tumingin ako kay Kuya Gaige na parang humihingi ng tulong. Palandas na ang luha sa mata ko. Hindi ko na alam kung bakit walang boses na tumatakas sa aking bibig para kontrahin ang Daddy.
Kinuha sa akin ni Kuya ang telepono at sya ang kumausap kay Daddy. "Tito, this is Gaige. I think you should give Thyrile time to think." saglit itong napatigil. Niyakap ko ang Kuya at umiyak sa kanyang dibdib.
"Yes, Tito. Ginagawa ko rin ang lahat ng makakaya ko para ayusin ang problema. Thyrile doesn't want to study abroad. Mas maganda siguro kung sya ang mamimili kung saan nya gustong mag-aral." niyakap ko ng mahigpit si Kuya.
Tiningala ko ito. Pinadausdos nito ang kamay sa aking buhok at nginitian ako ng tipid. "Ayokong umalis Kuya. Please." pagmamakaawa ko rito. Pinahiran nito ang luha sa mukha ko.
"I know Thyrile can get good grades here. Sa tingin ko ay hindi na nya kailangan pang pumunta r'yan, Tito." napailing si Kuya habang kausap pa rin ang Daddy sa telepono. "He wanted to talk to you. Ayaw nya akong pakinggan." nangangatog ang kamay na kinuha ko iyon mula kay Kuya.
"Dad, please. Mag-aaral ako ng maayos dito katulad ng sinabi ni Kuya. Just don't send me there. Magpapakabait na ako, promise."
("Thyrile, why can't you understand that education here is much better than there? Mas marami kang matututunan dito. Advance sila magturo at magagamit mo iyon para lalong matulungan ang Kuya mo sa pagma-manage.")
Humagulgol na ako. Hindi na ako makapag-salita. Gusto kong ihagis ang teleponong hawak ko at makipag-tanan na kay Klaude.
"Kuya, ayoko na syang kausap." binalik ko ang telepono kay Kuya Gaige at tumakbo papasok sa aking kwarto. Ni-lock ko iyon at nahiga sa aking kama.
Nakita ko ang cellphone ko sa tabi. Agad kong dinial ang number ni Klaude. Panay ang katok ni Kuya Gaige sa pinto pero agad din naman iyong nawala. Ayokong makipag-usap kahit na kanino. Pipilitin lang nila akong umalis ng bansa.
"K-klaude." paos na tawag ko rito. Now I realize, my love for Klaude did not vanished. Sya ang nagiging dahilan ko para hindi pumayag sa alok ng Daddy. Mahal ko pa rin sya. Mahal na mahal.
("You tell me the problem. Nag-aalala na ako.") tumulo ang sipon ko kakaiyak kaya sininghot ko ito pabalik sa ilong ko. Narinig ata iyon ni Klaude kaya muli itong nagsalita. ("Ipapahanda ko ang chopper para makapunta r'yan ngayon.")
"Saglit!" nakaisip ako ng mas magandang paraan. "Ayos lang ako, huwag ka masyadong mag-alala sa akin." mahinahon kong sabi.
("Then tell me, why are you crying?")
Hahayaan kaya ako ni Klaude makipagtanan sa kanya? Kung hindi ay mapupwersa akong umalis ng bansa.
"Sasabihin ko sayo bukas. Matulog na muna tayo. Sumakit ang ulo ko." palusot ko rito. Aalis ako bukas ng hacienda. Pupuntahan ko si Klaude sa Maynila.
Madaling araw ng pinuntahan ko ang sasakyan ko sa garahe ng mansyon. Ilang beses ko palang ito nagagamit dahil hindi naman ako dati mahilig umalis dito. Ngayon ko nalang ulit ito gagamitin sa pagtakas.
Wala pang tilaok ng manok ay bumyahe na ako paalis. Nakita ko sa bintana ng mansyon na may nakadungaw roon sa akin. Kinabahan ako pero hindi naman ako nito pinigilan. Hindi ko rin mamukhaan kung sino ito.
Nakapag-iwan ako ng sulat sa aking table bago umalis. Nagpaliwanag ako na kailangan ko ng space. Sinabi ko rin doon na huwag nila akong hanapin kahit alam kong kay Klaude sila unang pupunta.
Gayunpaman, kilig na kilig pa rin ako habang nagmamaneho. Dapat bukas ang bisita ni Klaude dito pero parang hindi na iyon matutuloy dahil ako na mismo ang pupunta sa kanya. Ayos lang sa akin kahit ikulong nya ako sa kwarto nya. Basta doon lang ako sa lugar kung saan makikita't makakasama ko sya.
Maghahapon nang makarating ako. Tatlong libo lang ang laman ng pitaka ko. Parang wala ata akong makukuhang hotel sa pera kong ito. Sa pagmamaneho ko ay nakakita ako ng isang mataas na hotel.
Kulay pula ito at mayroon ding dilaw. Na-engganyo akong pumasok. Mukha namang safe dito at maganda. May promo pa ata sila. Doon nalang ako sa kaya ng budget ko na kwarto. Mamayang gabi nalang ako makikipagkita kay Klaude. Kailangan nyang mag-focus sa trabaho at ayoko syang gambalain pa roon.
"Ano kayang magandang kuhain rito?"
Kinuha ko 'yong 3 hours lang pero may pagka-mahal. Pwede naman akong mag-gala pagkatapos. Pampa-gas pa sa sasakyan ko at ang kakainin ko hanggang mag-gabi. Namomroblema ako kung paano pagkakasyahin ang pera ko.
Bakit kaya panay couple ang nagpupunta rito? Kaya ba red ang kulay ng hotel na ito ay para kakulay ng pag-ibig?
Sa susunod ay sasabihin ko kay Klaude na dito kami mag-date. Siguro naman ay mayroon silang kainan dito. Kinikilig ako sa mga couple na kasabay kong pumasok sa isang palapag. Maganda kung sosorpresahin sya ng kanyang boyfriend tapos ay pagpasok nila, magugulat ang babae dahil may naka-ayos doon na candlelight dinner.
"Aba, maayos naman pala talaga rito." hindi talaga ako nagkamali ng napuntahan. Nanalamin ako saglit at inayos ang suot ko.
Prente akong humiga sa kama. Sigurado akong matutuwa si Klaude mamaya pagkakita namin! Nae-excite na ako! Inalarm ko ang cellphone ko at saglit na umidlip. Pagkagising ko ay di-diretso ako sa club. Doon ko hihintayin si Klaude.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top