KABANATA XIII


KABANATA XIII

Buong gabi akong walang tulog. Gusto kong puntahan ang kwarto ni Klaude para tabihan sya sa pagtulog ngunit baka mahuli kami ng Lolo at mapagalitan. My mind's been wandering around all night. Tama nga ba ang magiging desisyon kong ito?

Kinaumagahan ay hinintay kong makalabas si Klaude sa kanyang kwarto. Nakasandal lang ako sa pader sa tabi ng kanyang pinto nang lumabas ito at tumingin sa akin. He smiled when he reached me. "I'll be going, Thyrile. How about you?" tinignan nya ako.

I was wearing a maong shorts, plain black shirt and a pair of black sandals. "Hindi pa ako nakakapag-paalam pero nakapag-ayos na ako ng gamit kagabi."

Bumaba ang tingin ko sa hawak nyang maleta. I swallowed hard. This is it. Aaalis na nga sya.

"Sasabay ka ba sa akin?" hahaplusin sana nito ang buhok ko ngunit napahinto sya at marahang ibinaba nalang ang kamay. Napangiti ako ng tipid.

"Yeah. Kakausapin ko lang ang pinsan ko. You stay in the living room. Naroroon si Kuya Gaige nag-aantay sa iyo." tumango ito. Pagkalagpas nya sa akin ay muli ko syang nilingon. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makababa sya ng hagdan.

Dinako ko ang kwarto ni Trey. Kumatok ako ng ilang beses bago ako pumasok. He was sitting infront of his Mac. May mga papel na nakakalat sa paligid ng kanyang table. His desk was messy with towers of papers. Nakapambahay lang ito nang lapitan ko sya.

"What do you need, Thyrile?" tanong nito. Naupo ako sa kaharap na upuan sa kanyang table at pinagulong ito palapit sa kanya.

"I want to go with Klaude." maikli kong sabi. Tumigil ito sa pagta-type sa kanyang computer at nilingon ako.

"For what purpose?" seryoso ulit nitong tanong. Niyakap ko ang kanyang braso at isinandal doon ang ulo ko.

"I don't know. I just want to be with him." naramdaman ko ang pagbuntong hininga nito. Tiningala ko ito. Hinawi nya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"Are you sure that he's the one for you? Hindi ba't masyado ka pang bata para magseryoso sa isang lalake ng ganyan?" ngumuso ako sa sinabi nya. Lagpas bente na ang edad ko pero para sa kanila ay bata pa rin ako. Lalo na ang Lolo na ang tingin pa rin sa akin hanggang ngayon ay isang baby.

"Trey, please. Ngayon lang ako umibig ng ganito. Who cares if he's not the one for me? Sino ba ang nakakaalam na ang isang tao ay hindi nararapat para sa taong iniibig nito? Ano bang basehan natin para masabi ito? All we need to do is love and prove that we can last for a lifetime. Hindi tao ang magdidikta kung hindi kami ang para sa isa't-isa. It's our feelings who will decide."

Nagkatitigan kami ni Trey. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap dito. Alam kong kahit anong pagmamakaawang gawin ko kay Kuya Gaige ay hindi ako nito papayagang pumuntang Maynila unless sinabi ni Mommy or Daddy na pumunta ako roon. Pero kung usapang lalake ay malabo.

Trey is different. He looks on both sides of the story. Iniisip nyang mabuti ang kapakanan ko kapantay ng kaligayahan ko. Unlike Kuya Gaige who only focuses on my security and looses my happiness.

"Kung iyan talaga ang gusto mo." pagsuko nito. Napangiti ako ng malawak. Nangilid ang luha sa aking mata at mabilis itong hinalikan sa kanyang pisngi.

"Thank you, Trey!" puno ng ngiti kong sambit. "I mean, Kuya Trey." I laughed.

"I will assign you to bring all the papers to Tita Francia. Hawak iyon ni Gaige ngayon. Ikaw ang umasikaso sa kliyente natin, Thyrile. Tatawagan ko si Tita para sabihing uuwi ka roon ngayon." tumango ako ng ilang beses. "Make sure to contact me when you got home. Huwag mo akong pag-alalahanin." I rested my head on his arm. I'm so lucky to found my Kuya in my cousins.

"I'll make sure to contact you. Ikaw ang unang una kong tatawagan pagkabalik ko ng Maynila." bumitaw na ako sa kanya. "How bout Lolo? Who will explain this to him?" sumimangot ako. Kinurot ni Trey ang naka-nguso kong bibig.

"Don't worry about him. Ako nang bahala kay Lolo." tumayo si Trey mula sa kanyang kinauupuan. Muli ko syang niyakap sa huling pagkakataon.

"Thanks, Trey! I'll be going!" I said while giggling. Tumakbo na ako papunta sa kanyang pinto. Umiling ito sa akin ng nakangiti.

"Thyrile, wear pants before you go." huli nitong pahabol bago ko isinara ang pinto ng kanyang kwarto. Pagkabihis ko ng skinny jeans ay bumaba na agad ako sa living room. Naabutan ko na nag-uusap si Lolo, Kuya Gaige at Klaude doon ng seryoso.

Ano kayang pinag-uusapan ng mga ito? "Pwede ba akong sumingit?" wika ko pagkalapit ko. Tumayo si Kuya Gaige at nilapitan ako. Bigla itong ngumiti. Niyakap ako nito at hinalikan sa tuktok ng aking ulo.

"You did a great job, Thyrile." nginitian ko si Kuya kahit na hindi ko alam kung anong sinasabi nya. Is that to accompany Klaude while he's here?

"Bakit mukhang aalis ka ata, apo?" tanong sa akin ni Lolo. Nilingon ko ito bago ko sinulyapan saglit si Klaude. Nakangiti ito sa akin. What's with the smile?

"Yup! I'm going back to Manila with Klaude." nanlaki ang mata ng Lolo at umakto na parang aatakihin sa puso. "Makikisabay lang po. May ihahatid lang akong papeles kay Mommy. Babalik din naman ako after a few weeks." tumigil ito sa kanyang pag-arte at sinenyasan akong maupo sa kanyang tabi.

Sumunod naman ako sa kanya. Lolo is sitting on my right at si Kuya naman sa aking kaliwa. Nasa harap namin si Klaude na tahimik na nagmamasid sa amin. Pinamulahan ako ng pisngi ng magkatinginan kaming muli.

"Huwag ka masyadong maglalalabas ng bahay roon ha? Tumawag ka rito kung kailangan mo ng sundo pabalik. Papapuntahin ko ang pinsan mong si Trey para masundo ka agad. Ang mga tao pa naman doon sa Maynila ay may pagka..."

Habang naglilitanya ng mahaba si Lolo na ngayon ay kausap na si Klaude ay palihim namang bumulong sa akin si Kuya. "Iniutos ba ni Tita Francia na ikaw ang magdala ng mga dokumento sa kanya?" seryosong tanong nito sa akin.

Dinaanan ng kaba ang dibdib ko. "No. Pero ang sabi ni Trey ay ako nalang daw ang mag-abot non kay Mommy. We can't let you do all the work here, Kuya. Maliit na bagay lang naman iyon. Kayang kaya ko iyong gawin." pagpapalusot ko.

"No hidden agendas?" muli nitong kulit sa akin.

"Yeah. Wala." matapos naming pakinggan ang pangaral ng Lolo na inabot ata ng isang oras ay pumunta na kami sa sasakyan ni Klaude. Tinanaw ko nalang mula sa bintana ng sasakyan ang Kuya at Lolo na kumakaway sa amin.

Tinignan ko si Klaude sa aking tabi na nakasuot ng kanyang Aviator sunglasses. "Mukhang nagkakamabutihan na ata kayo ng Lolo ah." bukas ko sa usapan.

Napangiti ito. "Madaldal ang Lolo mo, Thyrile. Sa una lang pala nakakatakot pero kapag nakakilala na ng tao ay nagiging mabait na." tumango ako sa kanya. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at tinanggap ang malakas na paghampas ng hangin sa aking mukha.

"Totoo. Hindi naman masamang tao ang Lolo. Mabuti nalang talaga at nakakapag-usap na kayo ng maayos."

Tumingin ako sa likod ng aming sasakyan. There are no other cars aside from ours. Bihira ang dumaraang sasakyan. Kung mayroon naman ay paisa isa lang.

Ibinaba rin ni Klaude ang bintana sa kanyang tabi pagkatapos ay binuksan nito ang radyo ng kanyang sasakyan.

♪Please don't see. Just a boy caught up in dreams and fantasies. Please see me. Reaching out for someone I can't see.♪

Napatingin ako sa radyo sabay ngiti. I love this song! Mabuti at kakasimula palang. Ipinikit ko ang aking mata at isinandal ang kamay sa bintana para may mapatungan ako ng aking ulo. Mabilis na nililipad ng hangin ang aking buhok.

"Take my hand, let's see where we wake up tomorrow. Best laid plans sometimes are just a one night stand. I'll be damned, Cupid's demanding back his arrow."♪ nagulat ako ng biglang sinabayan ni Klaude ang kanta. Mahina lang ang boses nya. He has a soft voice. Napatingin ako sa kanya ng ngiting ngiti.

Tumingin din sya sa akin at ibinaba ng kaunti ang kanyang shades para makindatan ako. Napatawa ako. Ibinalik na nito ang tingin sa harap ng nakangiti. Ako naman ay humilig ulit sa bintana at pumikit.

"So let's get drunk on our tear."♪ narinig kong huling linyang kinanta nya bago ako nakatulog.

Leeg ko. Shocks! Nangalay ata leeg ko. Unti onti kong minasahe ang kanang parte ng aking leeg at umupo ng tuwid. Ibinuka ko ang aking mata. Ilang oras na ba akong nakatulog?

Tumingin ako sa labas. Itim na ang langit at naka-taas na uli ang bintana ng sasakyan. Hindi na rin kami umaandar. Mabilis kong nilingon si Klaude mula sa aking tabi at laking gulat ko ng nakahilig ito at nakatitig sa akin.

"Ginulat mo ako!" bulyaw ko rito. Paano ba naman ay napaka-lapit pa ng mukha nito sa akin.

Lumayo ito ng kaunti at inayos ang kanyang upo. "I've been watching you sleeping since 2 o'clock AM. I never got bored for some reason." may kinuha ito sa kanyang bulsa at inabot iyon sa akin.

Tinanggap ko ang kanyang panyo ng walang malay. "Anong gagawin ko rito?" maang na tanong ko rito habang lutang pa rin. Since 2 o'clock? Anong oras na ba ngayon?

"May laway sa gilid ng labi mo. Gusto kong punasan iyon kanina pa pero baka magising ka kapag ginawa ko 'yon. And I promise to not touch you again unless pinahintulutan mo ako."

Agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyang panyo at tumingin sa wing mirror ng sasakyan. Shit! Nakakahiya. Ang bango pa naman nitong panyo nya pagkatapos ay ipapampunas ko lang pala sa panis na laway ko.

"Sorry. Sana ay ginising mo nalang ako kanina. Nasaan na ba tayo?" tumingin muli ako sa paligid habang pasimpleng itinatago ang panyo nya sa masikip na bulsa ng aking pantalon.

Nakaparada ang sasakyan sa labas ng gate namin. Nakabalik na pala ako. Napatingin ako sa orasan nya.

"4:19?!" napalakas ang boses ko. Tumawa si Klaude at tumingin sa labas.

"Bubusinaan ko na ba ang bahay nyo para lumabas ang Mommy mo?" tanong nito ng nakangiti. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan para lumabas pero naipit ako sa pagitan ng seatbealt. Si Klaude pa ang nagtanggal noon para sakin.

Pagkalabas ko ay pumunta agad ako sa tapat ng doorbell. Pipindutin ko na ba ito? Nagtatalo ang isip ko kung gusto ko na bang pumasok sa bahay namin o hindi nang tumayo sa tabi ko si Klaude. Ipinamulsa nito ang kamay sa magkabilang bulsa at humarap sa akin.

"You can stay in my house. I want you to make the decision kaya hinintay kitang magising." humikab ito ng tagpuin ko ang tingin nya. Can I? Gusto ko ring makita ang bahay na tinutuluyan ni Klaude. Am I the first girl to enter his house? "We can go back when the sun rises." dugtong pa ulit nito.

Nakagat ko ang ibaba kong labi. Wala pang tulog si Klaude and it's already 4 in the morning. Sigurado akong masakit na ang ulo nito lalo pa sa layo ng binyahe namin.

Tumango ako ng tipid at nginitian sya ng saradong labi. For the extension of us being together in one roof, pumapayag akong makituloy sa kanila ng ilan pang oras.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg