KABANATA XII

KABANATA XII

"GO ARCHER!" paulit ulit na sigaw ng mga babaeng nasa bandang ibaba namin nang isa isa nang naglabasan ang mga kasali sa karera. Isa lang naman itong simpleng katuwaan ng mga lalakeng iyon pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan pang may audience kapag maglalaro sila ng ganito.

"GO HANZEN!" sigaw ng iba namang babae sa kaliwang parte ng bleachers. Kanya kanya nang fans club ang naririto. Namumukod tanging si Klaude lang ang nag-iisang lalake'ng nanonood.

"GO ACE!" kanya kanya nang cheer ang mga babaeng manonood sa mga kasali sa karera. Si Hanzen ay dala ang isang brown na kabayo. Katabi nya si Archer na hawak ang lagi nitong gamit na puting kabayo. Ang pangatlo ay ang nakakatandang Eleazar. Si Ace. Halos pareho lang ng kulay ang gamit nila ni Hanzen.

Kung kasama ang pinsan kong si Tryck dito ay panigurado akong mandadaya lang ang isang iyon para manalo. Mabuti nalang at hindi iyon sumama dahil kumpara sa tatlong kasali ngayon, si Tryck ang may pinakamaraming fans na babae. Paniguradong sasabog na naman ang eardrums ko dahil sa ingay nila.

Nilingon ko si Klaude na tahimik na nakamasid sa aking tabi. Ano ba naman ang panama ng nag-g'gwapuhang lalake sa ibaba sa lalakeng katabi ko?

Hindi na nakakapagtaka kung bakit halos lahat ng nanonood ay napapalingon sa amin.

"Thyrile!" napawi ang pagtingin ko kay Klaude ng sumigaw si Hanzen mula sa ibaba.

Nawala bigla lahat ng ingay. Lahat ay nakatutok kay Hanzen. Muli na namang nalukot ang noo ko ng dahil sa kanya. Ano na naman bang kailangan ng isang ito?

"Kapag nanalo ako rito ay pumayag ka sanang i-date ko!" nakangisi nitong sabi. Ang mga babaeng fans ni Hanzen ay masamang napatingin sa akin.

This bastard! Bakit naman ako papayag sa alok nya? Ano ako, sira?

"At kapag natalo ako ay handa akong maging alalay mo ng isang linggo." nagtawanan sina Archer at Ace sa kanyang tabi. Umiiling si Archer habang nakapameywang samantalang si Ace naman ay matamang nakatingin sa akin habang nakangiti.

Going here is a mistake. Dapat talaga ay nagmatigas nalang ako kanina at hindi na sumama pa rito.

Naramdaman ko ang paghawak ni Klaude sa kamay ko. Ang dugong mabilis na rumaragasa papuntang ulo ko ay naging kalmado.

His touch was so gentle. Banayad lang iyon ngunit ng makita ko ang kabila nitong kamay ay nasaksihan ko kung paano ito mahigpit na napakuyom dahil sa narinig.

Napalunok ako ng mariin bago itinuwid ang aking paningin upang tagpuin ang kay Hanzen. "No, Hanzen! Hindi ako pumapayag."

Ilang matinding irap ang natamo ko mula sa mga fans ni Hanzen. Nanggagalaiti na ako sa galit dahil sa ipinapakita nila. Kung wala lang dito si Klaude ay baka sinugod ko na ang mga ito at inilampaso na isa isa ang mga mukha nito sa sahig.

But I wouldn't do that. Because for some reason, I wanted to stay calm when Klaude is just around. Ayokong makita nya ang ugali kong palengkera. That is a major turn off, I know.

"Hanzen! May nanliligaw na kay Thyrile! Sa akin ka nalang!" sigaw ng isang babae sa kanya. Nagulat ako sa sinabi nito. That is true pero paano nya iyon nalaman agad? She's not here when Klaude proclaimed himself as my suitor.

Ang bilis nga naman ng balita lalo na't chismosa ka.

"Who?!" nakataas ang isang kilay na tanong ni Hanzen doon sa isang babae. Even Archer and Ace got serious when the topic opened.

Awtomatik na naglingunan isa isa ang mga babae kay Klaude. Parang naghihintay lang ito ng queue para may tumapos sa biglaang katahimikan.

"It's me, Hanzen." kaswal na sagot ni Klaude. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. The tension is killing me. All eyes are on me. Palipat lipat lang ang tingin ng mga tao sa aming tatlo.

Tumalon si Hanzen mula sa maliit na bakod. Tinungo nya ang taas ng bleachers kung saan kaming dalawa lang ni Klaude ang nakaupo.

Maliit lang ang bleachers kaya ilang saglit lang ay naabot na agad nito ang pwesto namin. I don't know why I'm shaking so bad. Seryoso ang mata ni Hanzen habang nakatingin sa akin bago nito inilipat ang tingin kay Klaude.

He stare with those blank expression. Klaude was calm yet very serious. It's my first time seeing him with this face. Hindi ito ang tamang panahon para humanga ako sa kagwapuhan nya but I just can't help it! His perfect features are to die for! Bawat anggulo ng kanyang mukha ay humihiyaw kung gaano kaswerte ang babaeng magiging kanya. And I'm that one lucky girl. I'm that girl!

"Matagal mo na ba itong kakilala, Thyrile?" tanong ni Hanzen ngunit nakapako ang mata nito kay Klaude.

Should I answer no? Or should I lie? Bigla akong nahiya habang inaalala ang unang araw ng pagkakakilala namin ni Klaude. That was just last week.

"Does it matter?" sagot ni Klaude sa kanya. Parang may bumarang kung ano sa aking lalamunan na nakapagpahinto sa aking boses. Hindi ko magawang sumabat. Ni hindi ko kayang sagutin ang tanong na para sa akin.

"I've been with Thyrile for many years. Simula palang pagkabata ay magkasama na kami. Nauna akong magkagusto sa kanya bago ka. So back off dude, she's mine!" matigas na banta ni Hanzen. Alam ng lahat na ang sinabi ni Hanzen ay totoo. Saksi ang mga pinsan ko at ang buong tao rito sa probinsya namin sa pagsunod sa akin ni Hanzen simula palang.

But I'm not for him. I don't have a concrete reason for that pero alam ko at ramdam kong hindi kami ang para sa isa't isa. We can be friends but not more than that.

"Matagal na nga kayong magkasama pero hindi mo pa rin sya nakukuha." napatiim ang bagang ni Hanzen sa tinuran ni Klaude. I didn't expect him to throw a blow with Hanzen. Puno ng pait ang bawat salitang binitawan ni Klaude. "Sa akin ibinigay ni Thyrile ang kanyang kamay. Mababawi mo lang sya kung sasabihin nyang ikaw ang pinipili nya at hindi ako."

Nanigas ako sa aking kinauupuan. Ni hindi ko napansin na sumunod na pala si Archer sa tabi ni Hanzen at hinawakan ang braso nito palayo sa amin. "Let's go, Hanzen. Tigilan mo muna si Thyrile ngayon." sumulyap ito sa akin at kinindatan ako. Napangiti ako ng tipid sa kanya.

"Hindi, Archer. Sa akin si Thyrile! Ayokong ibigay sya sa ibang lalake! Hindi ngayon! Hindi kailanman!" puno ng galit na bigkas ni Hanzen at pinalis ang kamay ni Archer sa kanyang balikat.

"Talunin mo ako sa karera! Kapag nagawa mo iyon ay papayag akong makahati ka sa panliligaw kay Thyrile!"

Tumayo ako at pinukulan ng masamang tingin si Hanzen. "You can't do this, Hanzen! In the first place ay hindi naman ako nagpapaligaw sayo! What's wrong with you?!" pagkasigaw ko sa kanya noon ay mabilis na naglapitan sa akin ang mga fans nya.

Pinalibutan nila kami na parang isang kumpas lang ng kamay ni Hanzen ay ready na silang sunggaban ako anytime.

"Yo! Easy girls! Huwag kayong mag-away rito." nangingiting awat ni Archer at nagkamot pa sa kanyang ulo.

"I accept your challenge." napatigil ang lahat ng tanggapin ni Klaude ang alok ni Hanzen. Napangiti si Hanzen ng makahulugan bago tumalikod.

"Magpalit ka ng damit sa dressing room sa ibaba. Hihintayin ka namin sa field." saad nito bago lumayo sa amin.

"Let's go, Archer!" sigaw ni Ace mula sa ibaba ng maiwan si Archer sa pwesto namin.

"Damn!" narinig kong iwinika nito. "Thyrile." pukaw sa akin ni Archer. Wala sa sarili akong napatingin sa kanya. "Samahan mo sya sa ibaba. Kuhain nyo si Seven sa kwadra. Iyon ang ipagamit mo para hindi magwala." tumango ako. "You stay in your seats, ladies." napangiti ang mga babaeng nakapaligid sa amin at agad na sumunod sa sinabi ni Archer. Bumaba na rin naman ito at sumunod na sa field.

Hinawakan ni Klaude ang kamay ko. "It's alright, Thyrile. Hindi ko matagalang isinisigaw ni Hanzen ang mga salitang iyon sa maraming tao gayong andito lang ako sa tabi mo."

"Klaude..." mahina kong sambit.

Agaran kaming pumunta sa dressing room. Hinintay kong matapos si Klaude sa pagbibihis.

Nang bumukas ang pinto ay agad akong napatingin sa kanya. Kanina pa ako hindi mapakali rito sa pwesto ko sa sobrang kaba but my heart almost stopped when I saw him.

He's wearing a grey long sleeve tee shirt. A black jodhpurs and a pair of brown boots. Hawak nito ang itim nyang headgear nang papalabas sya ng kwarto. Halos malaglag ang panga ko dahil sa ayos nya. He looked like a main star in the movies.

"Saan na tayo?" tanong nito na nagputol sa pagpapantasya ko sa kanya. Kung hindi pa ito nagsalita ay baka tumulo na ang laway ko sa sahig.

"Doon tayo sa kwadra." aya ko sa kanya. Tahimik lang akong sinundan ni Klaude. Kinakabahan ako para sa kanya. "Marunong ka bang mangarera?" tanong ko pagkahinto namin sa tapat ng kwadra ni Seven. Ito ang nag-iisang kabayo rito na hindi gaanong nagwawala kahit na hindi pamilyar sa kanya ang taong nasa harap nya.

Ilang beses ko na rin itong nasakyan noong bata pa ako. That was years ago. Ito yung mga panahong mahilig akong maggala rito sa buong lugar namin.

"A little." sagot nito sa akin. Hinaplos ko ang mukha ni Seven bago ito inilabas sa kanyang kwadra. Hinawakan din ni Klaude ang mukha nito habang ako naman ay higit ang kanyang tali.

"Paano ka mananalo kung kaunti lang ang alam mo?" seryoso kong tanong sa kanya habang papalabas kami.

"Believe in me, Thyrile." kinuha nya ang bulaklak na hawak ko at inilagay iyon sa itaas ng aking tainga. "Cheer on me. Pumunta ka na sa itaas." tumango ako sa kanya. Ilang segundo kong isinuyod ang tingin ko sa kanyang mukha bago ako yumuko. Kung hindi natatakot si Klaude na kalabanin ni Hanzen, then I wouldn't be scared too. I just need to believe in him. He can win this.

"Goodluck, Klaude." tumalikod na ako at bumalik sa bleachers. Pagkaupo ko ay nakaayos na ang mga kasali sa karera.

Lahat sila na naka-pwesto na sa kanya kanyang starting gate. Pagkabukas ng gate ay doon na nagsimulang tumakbo ang kabayo ng bawat isa. Nauuna si Archer sa karera at sumusunod si Hanzen at Klaude. Halos magkasing bilis lang sila. Si Ace naman na nahuhuli ay parang hindi seryoso sa kanyang ginagawa.

Panay na ang tilian sa buong bleachers. Ako naman ay nakapako lang ng tingin kay Klaude. Hindi ko alam na magaling pala syang mangarera. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Umabot na sila sa kalahati ng racing track nang maunahan ni Hanzen si Klaude. Lalong lumakas ang cheer ng mga fans ni Hanzen sa kanya. Tumakbo ako papunta sa ibaba ng bleachers. "GO KLAUDE!" sigaw ko kahit alam kong hindi nya maririnig.

Sa isang iglap ay bumilis ang patakbo ni Klaude. Naunang makarating sa finish line si Archer bago si Klaude at sunod si Hanzen. Napag-iwanan ng panahon si Ace na tumatawa tawa pa habang hinuhubad nito ang suot na head gear.

Tinalon ko ang mababang bakod at tumakbo papunta kay Klaude. Pagkababa ni Klaude sa kanyang kabayo ay sinalubong ko agad sya ng mahigpit na yakap. Ngiting ngiti ako habang yakap sya. Binuhat ako nito at inikot ikot bago ibinaba. "You did great!" masayang bungad ko sa kanya.

Kinurot nito ang pisngi ko at nakangiting itinapat ang noo nya sa akin. "I told you to believe in me."

Nasira ang pagmo-moment namin ng inihagis ni Hanzen ang head gear nya sa bakod. Kumalabog iyon kaya lahat ng tao ay napatingin sa kanya. Mabilis nitong tinungo ang pwesto namin at hinigit ang kwelyo ni Klaude.

Hinawakan ko ang kamay ni Hanzen para pigilan sya. "Ano ba, Hanzen! Talo ka na nga eh! Huwag ka nang gumawa pa ng eksena rito!" mabilis din kaming nilapitan ni Ace at Archer para mailayo ang kaibigan.

"Bro, tama na. The race ended fair. Calm down." alo sa kanya ni Archer habang higit ang braso nito. Hinigit ako ni Klaude papunta sa kanya at lumayo kami ng kaunti para hindi na muling mahawakan pa ni Hanzen.

"Hindi ko matanggap! Putang ina!" nagpumiglas si Hanzen at pagkatapos ay nag-walk out. Lahat kami ay napatingin sa daang pinaglakaran nya. May ibang babae ang bumaba mula sa bleachers para kina Archer at Ace. Ang iba naman ay sumunod kay Hanzen.

"Hayaan na muna natin ang isang iyon. Sadyang mainit lang ang ulo ngayon. Lalamig din iyon." wika ni Ace. "I need to go. May date pa ako." nagtuloy tuloy na si Ace sa paglalakad paalis.

"Shit! Paano na yung pusta naming pera? How 'bout they give me my money before they walk out?! Sampong libo rin iyon!" sigaw ni Archer sa kapatid na umalis. "Kahit kailan ay napaka-duga talagang kalaro ng mga iyon." napatingin ito sa amin ni Klaude bago inilagay ang magkabilang kamay sa kanyang beywang.

Sinuri nya kaming dalawa. "Anong tinitingin tingin mo r'yan?" mataray kong tanong sa kanya. Ngumiti ito sa akin.

"Pasalamat ka Thyrile at magaling itong boyfriend mo kundi..." tumawa ito ng malakas.

Nagkatinginan kami ni Klaude at bigla akong nakaramdam ng hiya. "Yeah." mabuti nga at magaling itong si Klaude. Kaya pala malakas ang loob na tanggapin ang hamon ni Hanzen sa kanya dahil may binatbat naman pala ito kahit papaano.

"You want to hang out? Tara sa kabilang bayan. Ligo tayo!" inilingan ko si Archer.

"Kliyente namin si Klaude, Arch. Galing kami kanina sa farm bago kami nakita ni Hanzen at inayang manood dito. Aalis na sya bukas kaya kailangan nya ng pahinga ngayon. Masyadong maraming nangyari ngayong araw." tumango si Archer sa akin.

"Ohh!" tinapik nito ang balikat ni Klaude. "Archer Eleazar, bro. Next time na madalaw ka rito sa amin ay sumama ka sa aking mang-hunting ng chicks."

Tumawa si Klaude sa sinabi ni Archer at tinignan ako ng nakangiti. Mga sira ulong lalake. "Kung papayag si Thyrile ay bakit hindi?" nangunot ang noo ko. Lalong lumakas ang tawa ni Archer.

"Archer baby~ Pa-picture naman kami!" singit ng mga babaeng fans nya. Nginitian ito isa isa ni Archer at umakbay na sa mga babaeng pumalibot sa kanya.

"Noong isang araw ay may nakilala akong chickas sa kabilang bayan. 34D ata ang sukat ng dibdib!" wika ni Archer habang may ibang nagpapa-picture sa kanya. Nagsipulahan ang pisngi ng mga babaeng nakarinig.

"What's your size, Thyrile?" bulong sa akin ni Klaude. Shit! I'm flat chested! Ayoko sa mga ganyang tanong! Confident akong walang baby fats kapag nagsusuot ako ng bikini pero nadi-disappoint ako everytime tumitingin ako sa dibdib kong parang likod.

"Thirty... A-ano, twent---" nauutal kong bigkas.

"Klaude, pwedeng pa-picture din kami sayo?" napatingin sa amin si Archer at tinawanan ako. Inirapan ko sya at tumingin doon sa babaeng kumausap kay Klaude.

"Hindi pa ba sapat na pinipicturan nyo sya ng palihim kanina?!" ang kakapal talaga ng mukha ng mga babaeng ito! "Archer, aalis na kami!" sigaw ko sa kanya.

Tumingin ito sa madilim na langit. It's already evening. Ilang oras nalang pala ang ilalagi ni Klaude rito at maghihiwalay na kami ng landas. Why so early?

"Sure. Dalaw kayo ulit. I'm always here to welcome you, lovers." hinila ko na ang kamay ni Klaude palabas sa lupain ng mga Eleazar. Walang sasakyan ang naghihintay sa amin sa labas. Aabutin kami ng ilang minuto bago namin marating ang mansyon gamit ang sarili naming mga paa.

"Thyrile, would you go back with me in Manila?" tanong ni Klaude habang naglalakad kami sa ilalim ng nagkikislapang mga bituin sa langit.

Nilingon ko sya at banayad na ngumiti. "Say please..." mahina kong wika at humagikhik.

Tumawa ito. Parang may sumasabay na anghel sa bawat pagtawa nya. "Please, Thyrile Sante Niego?"

How can I say no when an angel in disguse pleaded me using a soft voice? Kahit tuhod ko ay nanghihina kapag binabanggit nya ang buong pangalan ko.

"No promises but I'll try." tinignan ko ang kamay naming magkahawak. Binitawan ko iyon. Napahinto sya at tumingin sa akin. "No more holding hands but it's yours." nakapukol ang maalam nitong mata sa akin. "No more kissing, touching nor hugging. Let the sweet words and actions speak for itself. I want to fall inlove with those. Prove that you are worth loving for, Klaude. Handa akong talikuran ang buhay ko rito sa probinsya para sumama sa iyo pabalik sa Maynila."

Ito ang araw sa buhay ko na nakapag-desisyon ako ng bagay na isinisigaw ng puso ko. Not minding if that's the right choice or not. What matters to me now is that, I'm with someone whom I loved the most.

I'm scared for what could tomorrow brings. Alam kong saglit palang kaya nagkakakilala kaya't kung hindi ako magiging masaya sa desisyong ito ay alam kong ito ang ikakasira ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg