KABANATA XI
KABANATA XI
"Ano bang balak mo?" pabulong nitong tanong habang nakatingin lang ng diretso.
"Huwag mo nga akong kulitin." mahina ko ring saad. "Makinig ka nalang dyan kay Tatay Pedring." sinilip ko si Tatay at patuloy lang ito sa pagbibigay ng ibang impormasyon tungkol sa mga tanim namin.
Ipinasama sya sa amin ni Kuya Gaige para maipaliwanag kay Klaude ng maayos kung paano ang takbo rito sa hacienda. Mas alam nya ang proseso rito kumpara sa akin. Natututo rin naman ako ng dahil sa kanya.
Sya kasi talaga ang kadalasang nag-a'assist sa mga kliyente namin kaya bihasa na sya sa mga salitang gagamitin sa mga ito. Samantalang ako ay nasa bungad palang ng pagkakatuto sa gawain dito sa hacienda.
"Alam kong may tumatakbo r'yan sa utak mo." patago kaming nagba-bangayan ni Klaude dahil kanina ko pa sya hindi kinakausap. Simula palang ng araw ay iwas na ako sa kanya dahil sa pagkabwisit ko sa nangyari sa amin kahapon.
Saksi ang mga tanim naming pechay sa pangba-basted na ginawa sa akin ni Klaude kaya naiinis ako ng husto sa kanya.
"Iniisip ko kung paano kita pahihirapan." iritadong wika ko. Napahinga ng malalim si Klaude at hindi na muling nangulit pa.
"Oh, hetong nang mga tanim natin ang pinaka-huli. Ipaalam mo nalang kay Gaige kung anong mga produkto ang kukunin ng kliyente natin, Thyrile." napalingon ako kay Tatay Pedring. Kasalukuyan kasing lumulutang sa kawalan ang utak ko kaya hindi ko napansin na tapos na pala sya sa pagsasalita.
"A-ahh, sige po Tay. Salamat." tinignan ko ang oras sa aking relo. Mag-aalas singko na nang hapon ng matapos naming libutin ang buong hacienda. "Mauuna na po kami." paalam ko kay Tatay at pagkatango nito ay nauna na akong maglakad.
"Thyrile, saglit!" habol sa akin ni Klaude ngunit hindi ko sya nililingon. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Bahala ka r'yan sa buhay mo! "I said wait." wika nito sa mahinahong boses nang maabutan nya ako. Hinawakan pa nito ang kamay ko at hinila ako paharap sa kanya.
Nakakunot naman ang noo ko nang humarap sa kanya ngunit agad din naman iyong nawala ng bumungad sa akin ang kulay violet na bulaklak ng talong sa harap ko. "Para saan naman iyan?" tanong ko at tinignan sya sa mga mata.
"Syempre, para sa'yo." ngiting ngiting sabi nito at mas lalo pang inilapit sa mukha ko ang bulaklak. Nang hindi ko iyon kinukuha ay mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at inilagay doon ang bulaklak. "Nagandahan ako rito kaya kinuha ko." wika nito habang nakatingin sa kamay ko.
Napalunok ako. Kahit naiinis ako sa kanya ay hindi ko talaga kayang ipagkaila na patay na patay pa rin ako kay Klaude.
"Thanks." mahina kong saad. Pilit kong itinatago ang pagkahiya ko at tumalikod na sa kanya. Sumabay ito sa paglalakad ko.
"Huwag mo ako masyadong papahirapan, Thyrile. Hindi pa ako nakakaisip ng mga pakulo para ligawan ka." natatawa nitong sabi sa akin. Kung pumayag nalang kasi sya sa sinabi ko kahapon ay sana hindi na sya nahihirapan pa sa pag-iisip. Napailing nalang ako habang inaalala ang nakakainis na tagpong iyon.
"Ikaw ang may gusto nyan kaya bakit ka umaangal ngayon?" tanong ko sa kanya habang pina-iikot ang bulaklak sa mga daliri ko.
"Hindi naman ako umaangal ah. What I was saying is that baka utusan mo ako ng mga bagay na imposible kong magawa." napanguso ako. Utusan? Ganoon ba talaga kapag nagpapaligaw ang mga babae? Kailangan may kasamang utos? Hindi ba parang ginagawa mong katulong ang manliligaw mo kapag ginawa mo iyon?
"Kung may iuutos ako ay hindi ko naman iyon ipapagawa sa iyo. Marami naman akong pwedeng mapag-utusan sa hacienda." inosente kong paliwanag. Nagtataka talaga ako sa mga babaeng ginagawang aso ang mga manliligaw nila.
"I'm courting you, Thyrile. Hayaan mong pagsilbihan kita kaysa patayin ako ng selos habang pinapanood kong inaasikaso ka ng ibang tao." napa-maang ako tinuran ni Klaude at hindi na muling nagsalita pa. Nanuot na naman sa sistema ko ang pagkailang nang mabalot kami ng nakakabinging katahimikan.
"Thyrile! Thyrile!" paulit ulit na sigaw sa pangalan ko mula sa malayo. Kilalang kilala ko kung kaninong boses iyon. Napahinto si Klaude at nilingon ang sumisigaw samantalang ako ay napabuntong hininga na lamang habang nakahinto. "Buti naabutan ko kayo! Pupunta ako sa mga Eleazar. May pustahan kasi kami sa karera ng kabayo. Gusto mong manood?" napairap ako bago sya nilingon.
"Ayoko, Hanzen. Wala akong interes sa panonood sa pangangabayo niyo. Tara na, Klaude." nagsimula na kaming maglakad pero mabilis na naman kaming hinarangan ni Hanzen. Bakit ba napakakulit ng isang 'to?!
"Ngayon lang, Thyrile. Panoorin mo kung papaano ko sila talunin." nagmamalaki nitong sabi. Napalingon ako kay Klaude na mukha na ring iritado. "Okay lang sa akin kung babalik ka sa mansyon nyo para maihatid muna ang kliyente nyo." pahabol nito.
"Hindi ko alam kung sadyang tanga ka lang Hanzen kaya hindi mo maintindihan ang salitang ayoko. Mahirap bang intindihin iyon?!" napaatras si Hanzen sa sinabi ko. Kailangan pa talagang sabihan ng matatalim na salita ang lalakeng ito para tumigil.
Inialis nya ang tingin sa akin at binigyan kami ng laya para makapaglakad paalis ngunit pinigilan ako ng mainit na kamay ni Klaude sa pag-alis.
"Gusto ko ring manood. Why not give it a try, Thyrile?" mahinahong wika sa akin ni Klaude. Ikinalma ko ang sarili ko. Nakita kong malungkot ang mukha ni Hanzen na napatingin bigla sa akin. Para naghihintay ito sa isasagot ko kay Klaude.
Gusto kong tumanggi pero bigla akong nahabag ng makita ang paawang mukha ni Hanzen. Nilingon ko si Klaude at tumango sa kanya. "Kung 'yan ang gusto mo. Sige."
"Yes!" sigaw ni Hanzen. Akala mo naman ay sa kanya ako umoo. Pasalamat sya kay Klaude dahil kung hindi lang nito gustong manood sa karera ay hindi naman ako papayag. "Tara, may dala akong sasakyan!" sumunod na kami kay Hanzen.
Nakaparada sa di kalayuan ang isang bagong modelo ng Ranger. Pula ito at may halong itim ang disenyo. Halatang pinasadya ang pagkakapintura rito. Pati ang gulong ay may kakaibang design. "Kanino naman ang sasakyang ito?" tanong ko habang pumapasok sa backseat.
"Ahh, kay Ace. Dito ka sa passenger seat, Thyrile." aya nya sa akin ngunit hindi ko sya pinansin. Pagkasakay ni Klaude sa tabi ko ay nakita ko ang pagkabusangot sa mukha ni Hanzen.
Saglit lang ang binyahe namin bago kami huminto sa tapat ng isang mansyon. Parang dati lang ay dito pa ako tumatambay kasama ng matalik kong kaibigan. Ang bilis nga naman talaga lumipas ng panahon.
"Kasama mo pala si Ace mangarera ngayon?" tanong ko kay Hanzen habang pinagmamasdan syang kinukuha ang mga dala sa likod ng sasakyan.
"Oo. Andyan din si Archer. Dapat nga ay kasama rin si Tryck ngayon pero hindi namin alam kung nasaan." tinulungan na namin sya ni Klaude sa pagbibitbit ng mga gamit nya. Pumunta kami sa likod ng mansyon kung saan naroroon ang malaking horse track ng mga Eleazar. "Panoorin mo ako Thyrile ha? Pag-iigihan ko para sayo." kinindatan nya ako bago ko sya patakbong lumayo sa amin. Nangingilabot pa rin ako nang tumalikod kami upang magpunta sa mga bleachers.
"Ganoon ba talaga lagi si Hanzen sayo, Thyrile?" tanong ni Klaude habang naghihintay kami sa pagdating ng mga kasali sa karera.
"Oo, simula bata palang kami ay ganoon na sya. Sana kasi hindi mo nalang sya pinagbigyan kanina. Sanay naman iyong nare-reject." ayon ko roon sa pagpunta namin dito. Nahinto ang usapan namin nang makarinig kami ng ingay mula sa ibaba.
Kumpol ng mga babae ang dumating. Lahat sila ay naka-suot ng kulay pula. May naka-sulat pa sa harap ng damit nila na 'Archer Eleazar'. Kanya kanya rin silang dala ng lobo at banner. Napailing nalang ako. Kilala ko ang mga ito. Taga-rito lang ito malapit sa amin at alam kong ito ang mga fans ni Archer dahil lagi ko silang nakikita mula highschool palang kami.
Pagkaraan nila samin ay awtomatikong isa isang naglingunan ang mga ulo nila sa katabi ko. Nakita ko ring nakatingin ng tahimik si Klaude sa kanila na parang sinusuri nito isa isa ang mga babaeng dumadaan. Mahigit 20-katao ang naroroon at wala ni isa sa kanila ang hindi nalaglagan ng panga ng makita si Klaude.
Nag-alab ang mata ko at agad na namang nagtaas ang kilay ko. Gusto kong gumawa ng karatula ngayon at sulatan ito ng 'Taken' at itapat ito sa ulo ni Klaude.
"Thyrile!" sigaw ng isa sa kanila at mabilis akong nilapitan. Umakto pa ito na bebeso sa akin ngunit mabilis akong lumayo sa nakakadiri nyang mukha. "Sino itong kasama mo?" tanong nito na parang hindi alintana ang pagkainis ko sa kanya.
May ibang huminto sa tabi namin. Ang iba naman ay umupo malapit sa amin at pinanood kami na parang isa kaming palabas. "Ano namang gagawin mo 'pag nakilala mo?" mataray kong sagot.
"Baka naman pwede mo kaming ipakilala." wika nito at malanding tumingin kay Klaude. Inayos pa nya ang kanyang buhok at inilagay ito sa likod ng kanyang tainga. Sasampalin ko na sana ang mukha ng isang 'to ng hawakan ni Klaude ang naka-kuyom ko nang kamay.
"I'm courting Thyrile." saad ni Klaude at nakita ko kung paano halos mawalan ng kaluluwa ang babaeng nasa harap ko. Nakarinig rin ako ng malakas na pagsinghap mula sa mga kasama nya.
"T-totoo ba?!" hindi makapaniwalang tanong sa akin ng isa. Nanlambot agad ang tuhod ko pero diretso pa rin akong nakatingin sa kanila.
"Saan ka nakahanap ng katulad nya?" tumayo na ang ilang babae malapit sa tabi namin at pinagkumpulan na kami.
"Baka naman may kapatid sya?" mausyosong tanong ng isa.
"Reto mo naman kami sa mga kaibigan nya, Thyrile!" halos malunod ako sa tanong ng bawat isa sa kanila. Tumayo si Klaude kaya napatigil silang lahat sa pagsasalita. Nagniningning pa ang mga mata nito habang sinusuyod ng tingin ang makisig na katawan ni Klaude.
Walang sabi ako nitong hinila palayo sa mga babaeng iyon. Umakyat kami sa pinaka-taas na bleachers at doon kami tahimik na naupo. Nakatanaw pa rin sa amin ang iilang babae.
"Bakit ang dami kong kaagaw sayo?" iritado kong tanong habang masamang nakatingin doon sa isang babae na pasimpleng kumukuha ng litrato ni Klaude gamit ang kanyang cellphone.
"Hindi ako magpapaagaw kahit pa dumating tayo sa puntong bumitaw ka na sa akin. Sayo pa rin ako, Thyrile. Sayo lang." tinagpo ko ang mata nya at nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang baba ko at mabilis na inilapit ang mukha nya sa akin. Isa, dalawa o tatlong segundo siguro ang tinagal ng paglapat ng labi nya sa akin. Hindi ko alam! Parang nakalimutan ko nang magbilang ng dahil sa pagkagulat. "Oh ayan, kasama ka na sa litratong kinukuha nila."
Namula ang pisngi ko sa tinuran nya at kasalukuyan pa ring lutang dahil sa nangyari. Dated July 27, 20** --- I lost my first kiss to Klaude Hendricks. That was unexpected but delicately sweet.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top