KABANATA X

KABANATA X

What?! Napabuka ng malaki ang bibig ko. Nakangisi ng makahulugan si Hanzen sa tapat ni Klaude. Tumikhim pa ito na parang pagmamay-ari nya ako tsaka tumingin sa akin ng naka-ngisi.

"Thyrile haven't said anything about her relationship." malalim na wika ni Klaude.

"Ha? Hind---" pinutol ni Hanzen ang sinasabi ko at nagmayabang na naman kay Klaude.

"Mahiyain kasi itong si Thyrile. Pero atleast ngayon ay alam mo nang may boyfriend sya. At ako yun. Kami ang magpapatunay na may forever." kinindatan ako ni Hanzen matapos nyang sabihin iyon. Nanayo ang balahibo ko sa tinuran nya. "Oh! Si Mang Pedring!" turo nya sa hindi kalayuan sa amin pero imbes na lumingon ako roon sa tinuro nya ay doon kay Klaude nakapako ang tingin ko.

Masama ang tingin nito sa hawak na saging. Nakabukas ang kalahati nito at hindi na nya muli pang pinagpatuloy ang pagbabalat dito. "Klaude, huwag kang---"

"Oh Thyrile!" singit ni Tatay Pedring at ibinaba ang suot na sumbrerong gawa sa straw. "Pinapakamusta ka sa akin ni Gaige dahil umalis ka raw nang hindi nagpapaalam sa mansyon. Buti nalang at nakasalubong ko si Edgar kaya nalaman kong pupunta ka rito sa kubo." bungad sa akin ni Tatay.

Napa-maang pa ako. Hindi ko alam kung uunahin ko bang mag-explain kay Klaude o sasagutin ko muna ang sinasabi sa akin ni Tatay. Mas minabuti ko nalang na sagutin muna ang matanda. "Ahhh, opo. Hindi ko na nakita si Kuya sa mansyon noong umalis kami kaya hindi na ako nakapag-paalam pa." saad ko rito.

"Sinabi nga ni Gaige na samahan ko raw kayo sa paglilibot. Ano na ba ang natapos nyo?" mausisa nitong tanong.

Nagnakaw ako ng ilang segundong sulyap kay Klaude. Nilapag nito ang hawak na saging at tumingin sa matandang kausap ko. Para itong nabuhusan ng malamig na tubig sa ibabaw ng kanyang ulo. "Nakapunta na kami roon sa maisan tsaka sa mga repolyo." sagot ko ng hindi nakatingin sa matanda.

"Oh edi ang susunod nyo ay roon sa mga talong?" singit ni Hanzen sa usapan. "Kay Mang Pedring mo nalang ipasama itong kliyente nyo. Maiwan ka nalang muna rito, Thyrile! Bonding bonding tayo. Kwentuhan mo ako ng nangyari sayo roon sa Maynila." napatiim ang bagang ko. Gusto kong bigwasan sa mukha si Hanzen sa sobrang inis ko.

"Doon sa tanim naming pechay ang susunod naming pupuntahan. 'Wag ka ngang makealam Hanzen!" inis na saad ko rito at inirapan ito.

"Maganda nga rin siguro kung ako nalang ang sasama sa kliyente roon. Kakagaling mo lang pala sa Maynila diba, Thyrile?" wika ni Tatay Pedring.

"Opo. Pero..."

"We should go now." malamig na wika ni Klaude kay Tatay Pedring. Tumango ang matanda at iginiya na si Klaude paalis sa kubo.

"Mabuti naman at umalis na 'yon. Kamusta ang Maynila?" ganadong tanong ni Hanzen at muli akong pinaypayan. Mabilis kong hinugot ang abaniko sa kanyang kamay at pinagsasampal iyon sa kanya.

"Leche ka talaga kahit kailan, Hanzen!" galit na bulyaw ko sa kanya matapos mawala ni Klaude sa paningin ko.

Kapag naaalala ko ang mukha ni Klaude kanina ay bigla nalang nag-iinit ang dugo ko kay Hanzen. Galit ito at nakakunot ang noo noong umalis. Ni hindi ako nito pinukulan kahit isang segundong tingin. Hindi rin kasi ako nakapagpaliwanag sa kanya dahil itong si Hanzen ay napaka-papansin.

"Han na nga lang ang itawag mo sa akin, Thyrile para magandang pakinggan!" giit nito na parang hindi narinig ang sinabi ko.

"Just shut up, Hanzen! Hindi ka na nakakatuwa! Paano nalang kung isipin talaga ni Klaude na boyfriend kita? How would I explain everything to him kung pinollute mo na ang utak nya ng kasinungalingan mo?!" nanggagalaiti kong sabi at padabog na pinag-ekis ang kamay ko.

"Edi bahala sya sa buhay nya! Maganda nga iyon. Tsaka bagay naman tayo ah! Huwag mo sabihing may gusto ka sa kanong iyon kaya ka nagagalit sa akin ngayon? Dati naman ay hindi mo pinapansin kahit sinasabi kong girlfriend kita sa ibang tao." parang galit rin na wika nito.

At sya pa talaga ang may ganang magalit?! Ang kapal talaga ng mukha ng lalakeng 'to!

"Alam naman kasi ng lahat na nag-iilusyon ka lang. Iba ngayon Hanzen. At ano namang pake mo kung may gusto nga ako kay Klaude? Wala ka na dapat pakealam doon!" tumayo na ako at naka-kunot ang noo'ng umalis doon sa kubo.

Nag-iinit lang ang dugo ko kay Hanzen. Baka hindi ako makapagpigil at mabuhatan ko na naman ng kamay ang epal na iyon!

Nagmadali akong pumunta sa mga tanim naming pechay. Nakita ko na agad sa bungad noon sina Klaude at si Tatay Pedring na nagsasalita. Tahimik ko silang nilapitan.

"May mga tanim din kaming depende ang ani sa panahon. May ibang kada buwan ang ani at may iba namang dalawang beses lang kada taon. Sinisigurado talaga rito sa hacienda na hindi mauubusan ng aanihing gulay dahil marami ang inaangkat naming produkto kada buwan." naabutan kong paliwanag ni Tatay Pedring kay Klaude at ng tumigil ay lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Sige ho, salamat. Ako na ulit ang bahala rito." singit ko sa kanila.

"Sige kung ganon. Nagsabi ako ng ilang impormasyon tungkol dito sa hacienda at kung anu-ano ang mga tanim natin." tumango ako at magalang na ngumiti rito.

"Opo, babalik pa kami bukas dito. Baka roon naman kami sa kabila magpunta. Magpapahinga na muna kami at babalik nalang ulit sa mansyon. Nandyan po ba ang truck namin? Iniisip ko kasing sumabay nalang pabalik sa mansyon."

"Naku, wala na. Kaka-alis lang nitong hapon. Pero nandyan sa di kalayuan ang pinsan mong si Trey. Gusto mo bang papuntahin ko nalang dito? Dala ata nya ang Ram Truck nya." tumango nalang ako. Makikisabay nalang kami kay Trey.

Tinignan kong mabuti si Klaude ng makaalis si Tatay Pedring. Tinatanaw nito ang kalakihan ng lupain namin. "Bukas naman. Marami pa tayong hindi napupuntahan." tumalikod na ako. Nagbabaka sakaling susunod sya saakin pero napatigil ako ng bigla itong magsalita.

"Is Hanzen really your boyfriend, Thyrile?" mahina pero mariing tanong sa akin ni Klaude. Nakapasok ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng kanyang pambaba at nakatingin ng diretso sa kawalan.

"Of course not!" tanggi ko. Hanzen is actually attractive. Marami itong nabihag noong mga nag-aaral pa kami. Moreno ang kanyang kulay at batak sa bukid ang kanyang katawan. Isa sya sa mga pinagkakaguluhang lalake sa school namin dati pero hindi ako kasali roon.

Sadyang hindi ko lang talaga tipo ang mga katulad ni Hanzen. Kakaiba ang tangos ng ilong ni Klaude kumpara kay Hanzen dahil ang kay Klaude ay mahahalata mong inukit talaga sa ibang bansa samantalang kay Hanzen ay diretso ang pagiging matangos. Mas maganda rin ang pagkaka-depina sa hugis ng mukha ni Klaude at hindi talaga makakailang para itong foreigner sa itsura nito.

I don't know. I'm being biased but that's the truth. Mas maganda talaga sa paningin ko ang mukha ni Klaude kumpara kay Hanzen. "If that's the case then why do you look like a couple noong pinapaypayan ka nya? Ganoon ba talaga sya ka-sweet sayo? Ganon ba talaga dapat kalapit ang magkakaibigan?"

Nangunot ang noo ko sa tinanong ni Klaude. "Dapat din bang tinatabihan sa kama ang ka-business partner mo?" napa-maang sya sa tinuran ko. "Maliit na bagay lang 'yon kumpara sa mga nagawa natin knowing na wala pa atang isang linggo tayong nagkakilala. Well if that's your question then yes, ganoon talaga ang magkakaibigan. Natural lang iyon. Ang ginagawa natin ang hindi natural."

Napabuka ng kaunti ang bibig ni Klaude pero agad din naman nya iyong isinara at bumunot ng malalim na paghinga bago muling sumagot.

"What's not natural kung sasabihin kong gusto kita?" mabilis kong nakagat ang ibabang labi ko sa narinig. Fuck! Did I hear it right?! Can someone enlighten me with what's happening right now? Para akong natuliro sa sinabi nya. "Ayokong magmadali Thyrile dahil masyado pang maaga pero kung ngayon pa lang ay pinagseselos mo na ako ng ganito then be it. Nagseselos ako. Fuck this feelings! Fuck everything about your friend!" puno ng igting nitong saad.

Napaipit ako ng mariin sa aking labi. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Is he confessing his feelings to me? "So you mean... You like... No way." hindi makapaniwalang sabi ko. "You're jealous." I said as a matter of fact.

"Bakit kung oo? Lulubayan mo ba ang kaibigan mo?" tanong nito sa akin. Namula ang pisngi ko at ngayon ko naramdaman ang pagkahiya.

"Hindi ko kaibigan si Hanzen. Magkakilala lang kami kaya wala kang dapat na ikaselos. Hindi ko sya gusto." amin ko. Tinignan ko ang mga mata nya. Para nitong sinusuri kung totoo ba ang mga sinabi ko o hindi.

Diretso ko lang sinalubong ang mga tingin nya sa akin. Ayokong isipin nya na may namamagitan sa amin ng epal na Hanzen na iyon.

"Alright." pagsuko nito. "Hindi na ako nagsalita dahil alam kong wala pa akong karapatan sa iyo." malumany nitong dugtong.

Naghurumentado ang puso ko sa pagtibok. Hindi ko mailagay sa ayos ang mga salita sa utak ko. Para akong nananaginip ng gising. "Do... D-do you really like me, Klaude?" halos pabulong ko na tanong.

"Do you really want me to voice out my feelings?" balik tanong nito sa akin. Nagkibit balikat ako. Para akong lumilipad sa langit pero bakit ganon? Parang sobrang bilis ng mga pangyayari?

"Thyrile!" tawag ng pamilyar na boses sa pangalan ko. Agad ko itong nilingon. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Sasabay daw kayo sa akin?"

"Oo! Trey, si Klaude pala. Kliyente natin." pakilala ko. Unang naglahad ng kamay si Trey.

"Klaude Hendricks." maikling pakilala ni Klaude sa sarili.

"Trey Sante Niego." wika ng pinsan ko kay Klaude at ibinaling agad ang tingin sa akin. "Hindi ko na kayo naabutan sa mansyon kanina."

Hinila ko na ang kamay ni Klaude at nagsimula nang maglakad. Kasabay kong maglakad ang pinsan kong si Trey samantalang nahuhuli namang maglakad si Klaude. Nahihirapan akong hilain sya dahil para itong nagpapabigat ng katawan.

"Napa-aga kasi ang bisita namin dito. Ano naman palang ipinunta mo rito?" nagkibit balikat lang ito at hindi na sinagot ang tanong ko. Napatingin lang ito sa magkahawak naming kamay ni Klaude pero imbis na bitawan ko iyon ay mas lalo ko pang hinila ang kamay nya para magkapantay kami.

"Is he your boyfriend? Ngayon lang kita nakitang humawak ng kamay ng ibang lalake bukod sa amin."

When he says 'sa amin', ang ibig nyang sabihin doon ay sa kanilang mga pinsan kong lalake. Kahit nga ang kamay ni Hanzen na ilang taon ko nang kakilala ay hindi ko pa nahahawakan ng mas matagal sa limang segundo.

"Oo, boyfriend ko sya. May problema ka ba ron?" napahinto si Klaude sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako. Nilingon ko sya at nakita ko ang gulat sa kanyang mata. "Bakit?" tanong ko rito ng nagtataka.

"What exactly do you mean by that, Thyrile?" mahinahon pero halos paos nitong tanong. Hindi ko makitaan ng pagiging masaya ang mukha ni Klaude. Nangunot ang noo ko at pinagtaasan pa ito ng isang kilay.

"Mukhang hindi alam ng dala mo na boyfriend mo sya. Baka nangangarap ka lang ng gising, Thyrile." nilingon ko si Trey at sinimangutan ito.

"Alam nya. Kakaamin nya lang sa aking gusto nya ako kaya wala nang dapat pang patagalin dahil doon din naman ang punta non." napahagikgik ang pinsan ko kaya mas lalo akong nainis sa ekspresyon nya. Tama naman ako diba?

"Thyrile, I didn't mean that way." marahang hinawakan ni Klaude ang braso ko at mabilis nitong ginulo ang buhok na parang nahihirapan sa akin.

Mali ba ang logic ko? Kung mahal nyo naman pala ang isa't isa, bakit kailangan pang patagalin ang lahat? Bakit hindi nalang kami dumiretso sa pagiging magkasintahan? Ang panliligaw lang naman ay para roon sa mga lalakeng gustong paibigin ang mga babaeng napupusuan nila.

At para roon sa mga babaeng gustong magpa-asa ng mga lalake o di naman kaya iyong mga babaeng masyadong maaarte.

"You're just tired, cousin. Let's go home." umiiling na saad ni Trey at nauna nang maglakad. Ano bang mali sa sinabi ko? I don't get it!

"Liligawan muna kita bago mo ako sagutin, Thyrile. 'Wag kang masyadong magmadali." wika ni Klaude nang maiwan kaming dalawa.

"What's the use of that? Edi ngayon palang ay sasabihin ko na sayong sinasagot na kita. Boyfriend na kita at girlfriend mo na ko. Bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo sa panunuyo sa akin?" malakas na nagpakawala ng hininga si Klaude at kinagat ng mariin ang ibaba nitong labi.

Shit! This is why I'm so furious of making him my boyfriend! Para sa susunod na pagkakataon ay ako naman ang kakagat sa labing iyan! What he's doing right now is definitely rude! Napalunok ako ng mamula ang labi nya dahil sa kanyang pagkagat.

"Kaya ayoko pang umamin sayo. You're too young to realize things." tinagpo nito ang mata ko na parang nagsusumamo. Muling nagsalubong ang kilay ko at nabasag ang pagnanasa ko sa kanyang labi.

"Okay then, kung gusto mong manligaw edi manligaw ka. But don't expect me to be easy on you. You want this? Then I'll give you a shot of your medicine. Papahirapan kita ng husto na kapag narinig mo ang salitang 'panliligaw' ay kamuhian mo na ito. You will bend on your knees, Klaude Hendricks at sisiguraduhin kong hahalikan mo ang paa ko mapasagot mo lang uli ako ng oo."

Tinalikuran ko na sya at nagmadaling tinahak ang daan pasunod sa aking pinsan. Courtship my ass!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg