KABANATA VII

KABANATA VII

"Diretsuhin mo ang daang ito, maraming maliliit na hotel sa bandang iyon." matagal ang andar ng sasakyan dahil sa traffic.

Siguro ay nag-iingat din ang ilang tao kaya mabagal magpatakbo ang iba.

Pagkarating namin sa pinaka-unang hotel ay puno na ang tao. Iyon ang pinaka-maganda rito sa bayan. Sa sumunod naman ay ganoon din. Hindi na ako pinababa pa ni Klaude ng sasakyan sa pangatlong pinuntahan namin dahil pareho kaming nababasa na ng husto.  May dala akong payong pero mukhang bibigay na rin ito sa lakas ng hangin.

"Ano raw?" tanong ko ng makabalik ito sa sasakyan.

Umiling lang ulit ito. Napabuntong hininga ako. Basa na ang ilang hibla ng buhok ni Klaude kaya mabilis nyang pinasadahan iyon ng kanyang kamay. Nagmukha tuloy itong bagong ligo dahil sa itsura nya ngayon.

Basa na rin ang ibaba ng kanyang paa at ilang mga hiwalay na patak ng ulan sa kanyang braso.

"Let's try again." hindi ko mahanapan ng pagka-inis si Klaude dahil sa wala kaming mahanap na matutuluyan.

Medyo kalmado pa ang itsura nito pero hindi na ito pala-salita.

"Sa susunod nating pupuntahan ay sasama na akong bumaba ulit sayo." saad ko.

Nakakita ako ng isang maliit na Inn kaya itinuro ko agad sa kanya iyon. Ipinarada naman ni Klaude ang sasakyan sa tabi ng kalsada bago kami bumabang dalawa. Hindi ko na sya  hinintay pang makaabot sa akin at tumakbo na agad ako para sumilong sa loob.

"Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong nito habang sinasara ang payong ko.

Pinagpag ko ang ulan sa buhok ko at inaya na syang pumasok.  "Ganoon din naman, mababasa rin naman ako." pinatigil nya ako sa paglalakad at pinihit paharap sa kanya.

Takang tinignan ko lang ito. Maingat nyang pinalis ang ilang butil ng tubig sa aking mukha. Mainit ang kanyang kamay at napaka-sarap non sa pakiramdam.

"You're cold." wika nito habang hapo ang pisngi ko.

Kinuha nya ang kamay ko at  pinagtalop ito. Pinainit nya ang kamay ko gamit ang kanyang palad. Napatingin lang ako sa kanya habang ginagawa nya iyon. Nakatuon ang buong atensyon nya sa mga kamay ko.

"Kailangan na nating makahanap agad ng matutuluyan." matapos nyang sabihin iyon ay hinigit na nya ang kamay ko papasok sa loob ng inn.

Napakagat nalang ako sa aking labi habang nakatingin sa magkahawak naming kamay. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot akong sa sobrang lakas non ay marinig ni Klaude ang tibok nito.

"Do you still have two rooms left?" tanong ni Klaude doon sa babaeng receptionist.

"Sir, isang room nalang ang available at single lang ang bed non." napahigpit ang hawak ni Klaude sa kamay ko at nakita ko ang pag-igting ng panga nito dahil sa narinig. "Kung sana ay nauna lang kayo ng limang minuto roon sa dumating ay baka naabutan nyo pa 'yung kwartong may king size bed."

Napatingin ako roon sa receptionist. "Kukunin nalang namin 'yung natitirang kwarto." mabilis akong nilingon ni Klaude. "We have no choice." saad ko rito. "Hayaan mo na. Isang gabi lang naman."

"Eto na po Ma'am yung number nyo." kinuha ko na yung number namin at hinila na si Klaude sa kwarto.

Dalawang palapag ang natuluyan naming inn. Bilang lang din sa daliri ang kwarto rito at habang tinatahak namin ang daan paakyat ay binalot ng matinding kaba ang dibdib ko.

Pagpasok namin sa kwarto ay dahan dahan ko nang binitawan ang kamay ni Klaude. Ako ang nagsarado ng pinto at hindi pa ako lumilingon ay mabilis na agad na iniharang ni Klaude ang braso sa daraanan ko.

Mabigat ang bawat paghinga nya sa aking batok. Napahawak ako ng mahigpit sa door knob bago sya nilingon. Nang itingala ko ang mukha sa kanya ay nakita ko itong nakapikit. Isinandal nya ang katawan sa akin kaya naipit ako sa pagitan nya at ng pinto. Nakikiliti ako sa mainit na buga ng kanyang hininga sa aking tainga.

Yumuko ito at ipinatong ang noo sa aking balikat.

"Don't do this again, Thyrile. Mahirap magpigil." nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya.

Kung pwede lang sabihing wala namang dahilan para magpigil ay kanina ko pa sinabi.

"U-hhm, m-may balak ka bang a-ano... g-gapangin ako?" nauutal kong tanong.

Napalayo ito at sumilay ang mapilyong ngiti sa mga labi nito. Maalam ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Para itong papikit na. Siguro dahil sa sobrang pagod. I don't know but I find it seductive.

Hinawakan nito ang baba ko at inilapit ang mukha sa akin.

"Wala." nakangising sagot nito. "Pero binibigyan mo ako ng dahilan para gapangin ka." namutla ako sa sinabi nya.

Humagalpak na ito sa tawa bago ako tinalikuran. Muli nitong inayos ang buhok habang naglalakad papunta sa kama.

Tumayo lang sya sa paanan noon at mabilis na hinubad ang damit na suot. Likod palang ang nakikita ko pero para na akong mahihimatay sa sobrang kaba. Nangangatog na kamay ko at para na akong na-estatwa rito sa tapat ng pinto. Nakita kong ipinunas nya ang damit sa basa nyang braso.

His muscles were firm. Ang ganda ng hubog ng katawan nito. Nakita ko na ang kabuuan ng pinagnanasaan kong biceps nya kanina. Hindi ko alam kung kakayanin ba ng puso kong makita ang abs nya dahil alam kong mayroon sya non.

Gosh, I did not signed up for this! I'm not yet ready! Baka magkaroon ako ng heart attack ng wala sa oras!

Muli ako nitong nilingon. "Tumutulo na ang laway mo. Baka ako ang gapangin mo, Thyrile." natatawang saad nito.

Napahawak ako sa gilid ng aking labi. Wala pa naman akong nahahawakang kumawalang laway mula sa bibig ko.

"Tss." inismiran ko sya at nag-diretso na sa kama. Umupo ako roon at tinanggal ang suot kong sapatos. "Hindi ko naman gagawin 'yon." mahinang utas ko.

Hindi ko alam kung nakaabot ba iyon sa pandinig nya.

Pilit kong iniiwas ang tingin ko kay Klaude. Ayokong mahimatay kapag nakita ko ang abs nya.

"Naiwan pala sa sasakyan 'yung mga gamit natin." saad nito at napaupo rin ito sa kama.

Tahimik ko lang na sinuyod ang kaliitan ng kwarto.

Talagang pang-isang tao lang ito. Isang upuan lang ang naroroon at kama. Hindi pwedeng higaan ng tao ang upuang iyon. Saan matutulog si Klaude? Papayag kaya syang tumabi sa akin dito sa kama?

"Okay lang naman sa akin kung hindi ako makapagpalit ng damit dahil hindi naman ako gaanong nabasa. Ikaw 'tong may kailangan ng tuyong damit." wika ko ng hindi sya tinitignan.

Narinig ko ang marahas nitong pagpapakawala ng hangin bago dumiretso sa pinto.

"Wait here, kukunin ko lang ang mga gamit natin." pagkalabas ng kwarto ni Klaude ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.

Shocks! I didn't imagine that this day would even come. I don't know if I can consider this as my lucky day pero grabe ang mga nangyayari sa akin ngayon.

And he even go out without a shirt! For whoever's sake! Gusto ba talaga nyang ibalandra ang katawan nya sa labas ng inn?!

Napatingin ako sa t-shirt nya na nakapatong sa kama. Nag-aalangan pa ako kung kukunin ko 'yon o hindi. Damn temptation!

Basa ang damit ng mahawakan ko. Manipis lang iyon at nang itapat ko iyon sa aking ilong ay agad kong naamoy ang pamilyar na bango ni Klaude. It is a mixture of his perfume and his natural body scent. Napapapikit ako habang nilalanghap ko ang kabanguhang taglay non.

Mukha akong obsessed stalker sa ginagawa ko but who cares?

Ilang minuto kong pinagnasaan ang damit nya bago ko iyon ibinalik sa dati nitong kinalalagyan. Gusto kong itago ang t-shirt na 'yon pero hindi ko magawa.

Nang makabalik si Klaude sa kwarto ay dala na nito ang mga bagahe namin.

"You change first, Thyrile." wika nito habang ibinibigay sa akin ang bag ko.

He's really sexy. Nakita ko na ang mahiwagang abs nya! I can't calm down! Mabilis akong pumasok sa loob ng cr at doon nagpakalma.

Ibinabad ko ang sarili ko sa mainit na tubig ng shower. Doon ako nag-isip isip.

Hindi nga siguro tama itong naging desisyon kong mag-isang kwarto lang kami lalo na sa mga sandaling hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Baka makahalata syang may gusto ako sa kanya or worst is may pagnanasa ako sa kanya.

Halos kinse minutos akong naglagi roon bago ko kinuha ang tuwalya na nakalagay sa gilid. Ibinalot ko iyon sa aking katawan.

Maiksi lang ang tuwalya at kitang kita ang kaputian ng legs ko roon. Sa sobrang pagmamadali kong makapasok dito sa loob ng cr ay nakalimutan ko namang magdala ng sarili kong damit.

Talk about being an idiot!

Sumilip ako sa pintuan at doon tinanaw si Klaude na hinahalukay ang laman ng kanyang bagahe.

"Klaude..." mahinang banggit ko sa pangalan nya. Napalingon naman ito sa akin. Namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. "Pasuyo naman ako ng damit, please." nginitian ko ito ng bahagya.

Nakita ko ang pag-iwas nito ng tingin sa akin at mabilis na binuksan ang bagahe ko.

"Is this shirt okay with you?" itinaas nya ang simpleng tshirt ko at isang jogging pants.

"Oo, okay na 'yan." napabuntong hininga muna ito bago lumapit sa akin tsaka inaabot sa akin ang damit ko. "Panty pa." halos pabulong ko na saad.

Bumalik ulit si Klaude sa bag ko. Itinuro ko sa kanya kung saan nakalagay ang undergarments ko.

Pagkabihis ko ay agad na akong lumabas ng cr na puno ng kahihiyan ang buong katawan. Sya naman ang pumasok sa loob non habang ako naman ay inihiga na ang sarili sa maliit na kama.

Makakatulog kaya ako ng mapayapa ngayong gabi? Ilang sandali lang ay lumabas na sya na tagaktak pa ang tubig sa kanyang buhok. Pinupunasan nya iyon ng towel at tahimik na umupo sa lapag. Isinandal nya ang likod sa kama habang nagpapatuyo ng buhok.

"Where are you going to sleep?" tanong ko kay Klaude.

"I won't sleep. Tama na ako rito." lumingon 'to sakin ng saglit para sagutin ako.

"Pwede naman tayong magtabi." umisod pa ako ng kaunti para magkaroon ng space ang kama.

Napatawa 'to dahil sa ginawa ko.

"No thanks. Okay na ako rito. Babantayan nalang kita habang natutulog ka." hindi na ako muli pang nakipagtalo kay Klaude dahil na rin siguro sa sobrang pagod at antok.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na mahimbing na natutulog sa kalagitnaan ng malakas na pagbagyo.

Sumiksik ako sa isang bulto para lalong mainitan ang sarili ko. It feels good! Para akong lumulutang sa ulap. Niyakap ko pa ng husto ang katabi ko at ipinatong pa ang paa rito.

WAIT!

Mabilis kong idinilat ang mata ko. What the fudge! It's Klaude! Bago ako matulog ay nasa lapag ang isang 'to! Bakit katabi ko na ito ngayon at mahimbing pa ang tulog sa kama ko?!

Pinagmasdan ko ang mukha nya. Malapit nang mangitim ang ilalim ng kanyang mata. I don't know how and when pero ang saya ko na tumabi sya ngayon sa akin! Napapangiti tuloy ako na parang baliw.

Nakadantay ang kamay nya sa aking beywang. Sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa kaya muli kong sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Grabe! Napaka-bango nya talaga!

Naramdaman ko ang paggalaw nito kaya mabilis kong ipinikit ang mata ko para magkunwaring natutulog.

"Thyrile..." tawag nito sa pangalan ko at inalog ako ng kaunti.

Hindi ako sumagot sa kanya at tinuloy pa rin ang pagpapanggap ko. Hinawi ni Klaude ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko.

Did he really kissed me? Ayokong mag-assume pero kahit hindi ko nakikita ay ramdam ko talagang hinalikan nya ako sa ulo. Mariin akong napapikit at napangiti ng bahagya dahil sa kilig.

"You silly, goodmorning." natatawang wika nito.

Shit, I'm busted!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #adult#spg